Wednesday, February 3, 2010

Sayang naman! Pagkatapos ng siyam na Taon?

After a long 9years of being together as a boyfriends and girlfriends,
Napagdesisyunan nyong maghiwalay!? Nakakabigla... nakakagulantang.. Hindi ako makapaniwala. Na ang iniidolo kong samahan at relasyon eh mauuwi lang sa wala...
Hindi ko alam kung anu ang dahilan..
Hindi ko alam kung sino ang dahilan..
Hindi ko alam ang puno't dulo.
Hndi ko alam... wala akong Alam.

Bakit nga ba mga mga Relasyon na nauuwi sa hiwalayan?

Yung tipong, sa una eh akala mo "kayo na forlife"
Yung tipong makabagbag damdamin na; "Hahamakin ang Lahat"
Mga nakakasulasok na "ikaw ang buhay ko"
Mga pakyemeng "mamatay ako kapag nawala ka sa buhay ko"

Wag mong sabihin na hindi ka nakakarelate? Nakailang syota ka na ba? Kung wala eh hindi ka nga talaga makakarelate pero napakaimposible nga naman talaga yun! Pero kung mapilit kang "oo; wala ka pang nagiging syota ever" eh; May Mali sa'yo.. sa mukha mo o di kaya sa ugali mo...

Natural na sa isang tao ang magkamali.. Mabulagan sa mga nakikita.. Akala mo sya na! pero Hindi pala. Pero iilan lang naman yun! Hindi sa lahat ng oras at hindi sa lahat ng pagkakataon. Ang mga relasyon na nagtatagal lang ng ilang buwan eh masasabi mong mga pagkakamali lang.. Trip lang.. Libog lang.. O di kaya eh subok lang.. Yung tipong isang hampas lang ng hanging amihan o hanging habagat eh wala na!! giba-giba na!

Paano mo naman ilalarawan ang isang relasyon na tumagal na ng ilang taon.. Isa, dalawa, tatlo?! Paano pa ang mag-iisang dekada? Di ba iilan lang ang nakakatagal sa ganun? di ba dapat sa kanila eh sumasampa na sa next level?

Haaays. Napakahirap magbigay ng payo minsan.. Pero likas talaga sa akin ang maging pakialamero.. Likas na feeling all-knowing. Likas na maepal! Likas na...alamoyun?!
Hahaha... Nakakatuwa, Habang nag-uusap kami, napakarami kong nasabi... marami akong naipayo.. marami akong nasapul na sitwasyon... marami akong nasabing posibleng dahilan.. mga pwedeng rason.. nakakainis dahil hindi ko na maalala yung mga pinagsasabi ko kanina habang mabilis ang pagbigkas ang aking mga labi...

(**pero teka, iisipin ko muna!**)

Mga madalas na dahilan ng Paghihiwalay.

Third Party.
ang walang kamatayan na sitwasyon.. alamunayun! Pwedeng ibang lover. trabaho. career. family at kaibigan.. basta. pwede mo silang tawaging third party kase pinili nya sila over you! yun na yun!


Career.
may mga tao talaga na pinipili ang career over lovelife! may prinsipyo kase ang iba na ang oportunidad eh minsan lang kumatok at hindi yun pwedeng pigilan nino, kahit na ang iyung shota.


Family.
may mga mahihina ang loob na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal sa pamilya.. Meron din naman mga sumusuko nalang dahil ayaw sa kanila ng mga magiging in-laws nila.. pero iilan lang naman sila. madalas mong mapanood sa TV at pelikula (pinoy) kung anu ang nagyayaari. magtatanan.. magkakaanak. magkakabati-bati. hehe.


Hindi Pagkakaunawaan.
May mga magsosyota na wala sa parehong level ng katinuan. Hindi dahil Poging pogi at maganda na kayo eh kayo na ang bagay! May nga factor pa rin na dapat iconsider. Pareho ba kayo ng gusto sa buhay? pareho ba kayong maunawain? Madalas kase, kapag alam mong pogi o maganda ka, laging nakakabit yung word na "marami dyan iba, nagkakandarapa sa'kin".

Pride.
Ang relasyon, talagang tinatamaan ng pagsubok. May mga taong nahihiyang tumanggap ng pagkakamali. Ayaw umunawa. ayaw magbigay. Laging sila ang tama.
Minsan hindi naman masamang magsorry at magpakumbaba.


Sobra na.
Txt txt lagi. Tawag tawag lagi. Selos selos na wala kwenta! mga materyal na bagay. atbp. Anu pa ba ang demand ng syota mo? Basta, Lahat ng sobra.. Hindi maganda ang resulta. Maaring nagdedemand ka na ng masyadong marami o hindi naman kaya, isang araw magising ka nalang na pakiramdam mo, pinagsasamantalahan ka na. Pinapaikot. Pinapasa at ginagamit lang.
Babaan ang expectations and Learn how to say "No!" or "not now!" (para sa isip bata)

Background mo.
Hwag mong paniwalaan ang kasabihan na walang mahirap o mayaman sa pag-ibig. wag kang maniwala na bale wala sa kanila ang iyung katayuan sa lipunan at pamumuhay dahil sa huli, aminin man natin o hindi, Hindi lang ang mapapangasawa mo ang pakikisamahan mo... Buong pamilya nya. Buong angkan nya. Lahat ng kaibigan at kakilala nya eh kasama. tingin mo?

Ang aking epal na ito ay wala pong kinalaman sa kahit kanino.. Bunga lang po ito ng aking walang kwentang pakikipag-usap sa aking sarili.
Open po ako sa anu mang komento, Kuro-kuro reklamo at sumbong... Para po sa mga ito, magpadala lang ng EMAIL dito at asahan nyo po na sasagutin ko...





4 comments:

cheness said...

at dahil naman jan sa pagiging pakealamero mo eh may natutunan aco.. at siguradong may matututunan din ang iba dito..

kasi andito rin aco sa sitwasyon na'to ngayon... hindi nga lang 9years.. hehe...nararanasan co ngayon ung mga dahilan na third party, family, hindi pagkakaunawaan, pride, sobra na at pati background....career lang ang hindi, dahil unang una, wala acong career at studyante pa si isa.. hehehe

madaling imemorize yan kung tutuusin.. pero hindi mo naman maavoid pag andun ka na sa sitwasyon..

kung meron ka ngang kakilalang 9years na saka pa maghihiwalay, bilib aco dun... napakatapang kasi nila para itapon ung magiisang dekadang pinagdaanan at pinagsamahan nila..

basta ang mahalaga kung sa hiwalayan lang talaga mauuwi lahat, sana sa mas maganda at malinaw na paraan at hindi magiiwan ng isang malaking patlang sa iyong isipan... wow! heavy!

Ilocana said...

hmm, ikaw ba yan Kabsat? ikaw yata eh,:) anyway, sayang talaga pag sa ilang taon, tumagal sila then broke up ang ending.. nakakapanghinayang.. but then gaya nga ng sabi mo may mga dahilan talaga and sometimes pag may mga issues ang bawat isa, one tends to get angry, unreasonable and then boom, made a decision and wasted away the relationship they have built for so many years.. but in some cases we really don't know why. as for me, I could only guess, that's my opinion.

good to be back Kabsat, enjoyed reading here. God bless.

Renz said...

nice post kua :] makakatulong to sa akin, pasimula pa lang mga ganitong buhay ko eh :]

PABLONG PABLING said...

siyam na taon. matagal tagal na rin. pinag ukulan mo ng panahon ang post na ito ha. magaling.

haysst.