Friday, February 5, 2010

Pebrero


Isa ang Pebrero sa pinakaPaborito kong buwan ng Taon.
Oo! Masgusto ko pa nga ang Pebrero kaysa sa buwan ng Disyembre at kung anu pa man na buwan Bukod sa Hulyo... Marami akong magagandang alaala na kaysarap sariwain sa tuwing sasapit ang Pebrero. May mga masasaya.. May mga tagumpay...Yung tipong Pagtawanan dahil sa kabaduyan at kababawan o di kaya eh taas noo mo paring ipagyayabang hanggang ngayon. Meron din namang mga pagkabigo at malulungkot. yung mga pangyayari na Iiyakan mo pa rin hanggang ngayon.. yung tipong maglalalasing ka at maglalaslas ng pulso sa kapaitan ng napagdaanan mo. Hindi rin nawawala ang mga pangyayaring naghihintay ng katapusan o di kaya ay mananatili nalang na patlang at walang magiging katapusan.

Pebrero sa Buhay ni Kosa.



Unang Kilig.
hahaha.. oo naman kinikilig din ako dati. yung tipong kilig kapag patapos na ang pagwiwi. ganun na ganun...

Unang Tibok.
JS namin nun! napakaraming nagbago sa paningin ko. Parang sa isang iglap lang eh nagbago sila ng anyo at naiwan nalang ako bigla sa pagkabata... Dalaga na sila. Napakaganda nilang lahat.. angsarap nilang kausapin at sabihing, "ate, angganda mo, pwede ba tayong magsayaw?"

Unang Pag-ibig.
Unang pagkakataon, binihag nya ang puso ko. Unang pagkakataon na naging makata. pa-cute. papansin. Unang pagkakataon na umibig at inibig. Unang pagkakataon na napasubo sa responsibilidad bilang isang nagbibinata. anggghirap.

Unang Landi.
Ang sagwa ng term. (hindi yung tipong paglandi ng hayuf ha!? Tao ako:D) Pero ganun nga siguro talaga yun. Darating at darating yung panahon na mararamdaman mong panahon na... oras na! lols

Unang Halik.
Ito yung pagkakataon makikipaghalikan kang akala moy may nilalamutak ka lang na isang masabaw na masabaw na pakwan...hehe. di mo maimagine? eh yung parang chinong humihigop ng sabaw (masmaingay masOK)? ganun na ganun! Pero as time goes by, matututo naman kayong magkabit ng silencer.. alam mo yun?!

Unang Sandali.
Taena.. madumi ang iniisip mo! Iba 'to. excited ka masyado. sandali lang yun! yung tipong Lahos ang bawat oras ay parang sandali lang. Yung tipong isang parang kasisimula pa lang ng tugtog at nagsasayaw kayo.. tapos eh, Tapos na pala at kayo nalang ang naiiwawan na nagsasayaw sa madlang sayawan:))

Unang sigaw.
Ito yung sandaling magigising ka sa umaga at mapapasigaw ka alang bigla dahil may tighiyawaaaaaat?! ka na pala sa ilong. noo. pisngi o kung saan pa man na bahagi ng iyung mukha! Yung sandaling iispin mo kung paano mo ito itatago sa madla at lalo na sa iyung sinta.

Unang Iyak. Unang sakit.
Dito nagsimula ang lahat. Pagkatapos ng masasayang oras at sandali. Matapos ang ilang Buwan ng bolahan at lokohan.. Magtatapos din ang lahat. hahaha. Ito yung panahon na tipong kikitlin mo na ang sarili mong buhay dahil wala na daw katuturan.. taena kesong keso talaga! Pero totoo.. marami sa kanila ang dumanas ng ganun! hehe. Oo, SILA lang dahil hindi ako kasali.

Actually, Parang hindi naman yata sa buwan ng Pebrero nangyari ang mga Unang (pangyayaring) ito na nangyari sa buhay ko.. Pero ang sigurado ko lang, Lahat ng mga Unang (pangyayaring) ito sa buhay ko eh nagsimula sa Pebrero... Anggulo noh? Lols. Dito rin ako UNANG natuto kung paano ako didiskarte sa panggastos para sa Unang Date. Unang panononood ng Sine. Unang Pangkain sa labas. Unang panregalo atbp.

Andami talagang sinimulan ng Pebrero sa buhay ko. Kaya naman napakalapit talaga ng Loob ko sa Pebrero.


33 comments:

RJ said...

Gusto ko mas detalyado pa, kulang pa ito, Kosa...

Okay lang kung February ang gusto mong buwan, Love kasi ang nangungunang celebration sa buwang ito. Sabi nga, "nasa 'yo man lahat, ngunit kung wala kang pag-ibig, you are nothing!"

Happy Valentine's Day! U

Kosa said...

Gusto mo pa ng masdetalyado doc? Taena.. Eh Baka naman magmukang report sa klase yun.. Mala-thesis o documentary.. Hehe
Ikaw doc, may lablayf ka ba? Lolz

SLY said...

na'san ang UNANG TIKIM? gusto ko detalyado din...(devil laugh sa background) pagpasensyahan kosa tinupak na naman ako..

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

nyaw~! hehe..kabaliktaran naman ako..ayoko ng pebrero..nabubwist ako makakita ng mga lilalnggam na couples sa gilid gild sa sobrang kasweeta.! nikakainggit kasi..haaaayyy~!

enway..natuwa ako sa mga 'una' na yan ha..hehe

i honestly like my first JS prom..ou..iba talaga yung kilig ng first time..haha..lalo kung kasayaw mu sa stage nyo yung biggest crush mu :P ayeeh~!

(P.S. if you'll reply to this comment..pls. put it in my blog's comment box so that i can update my comments :D)

YUCO said...

ahahaha! naalala ko tulo... pero mas trip ko Feb 16, masyado mahaba pila kahi saan ka magpunta pag Feb 14-15.

glentot said...

Bakit walang Unang Putok.

Jepoy said...

Baket wala ang unang kantot?

Kosa said...

Sly**
lols. bakit yun ang hinahanap mo parekoy? masyadong mahaba kung isusulat ko pa yun!
at baka madala pa ang Madlang mambabasa.
kaya naman masOK na hindi ko nalang isali.lolz

AYu**
hahaha. pinakaayaw mo ang Feb?
lols.. sabagay may kanya kanya naman tayong rason.. Pero sana in the near future eh magbago pa rin yang pananaw mo...
Masaya ang Feb.. Hindi lang dahil sa JS kundi dahil buwan ito ng mga Puso.lols

Yuco**
hahaha.
may kapangalan ka!
ang masasabi ko eh, kahit anung araw basta Feb eh ayus na ayus pa rin!

Kosa said...

Glentot at Jepoy**
hahaha.
mga hayufff!
Hintayin nyo naman na ako mismo ang humubad para sa estadong iyan ng buhay ko..lols
wag atat! darating din tayo dyan.

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

ganun ba..? wahaha...siguro nga may something sa feb na kaylangan kong ilook forward .. x3 *wink wink*

(P.S. if you'll reply to this comment..pls. put it in my blog's comment box so that i can update my comments :D)

Kosa said...
This post has been removed by a blog administrator.
Kosa said...

Ayu**
hahaha. Siguro nga po!
At talagang bumalik pa kayo.lolz
salamat po at happy puso day!!

Kosa said...
This post has been removed by a blog administrator.
gillboard said...

naririnig kong nagpeplay yung Tamis Ng Unang Halik habang binabasa ko to... hehehe

ang jologs ko...

Kosa said...

gillboard**
hahaha. dinga?
ganun? lolz

Bino said...

ang daming una! hehehehe. unang kilig. unang tooooot. joke! nice post!

DRAKE said...

bakit parang senti ka ngayon Kosa?Siguro napapangiti ka pa hanbang sinusulat mo ito no!hahhaha

Inlab na inlab!ibang klase!

Nasan na nga yung unang sex?

ingat

Kosa said...

Bino**
lols. BKit unang toooooot** ang hinahanap mo eh andami na ngang una ang naisulat ko. Haha

Drake**
Hindi ako napapangiti parekoy. Maluha Luha ako. Taena... Parang pakiramdam ko kase, time is over para sa mga un! Hahaha. Jokeness!
Nalilibugan Lang pala ako. Hehe
isakapa. Magsama kayo Nila jepoy at glentot. Hehe

manik_reigun said...

alam mo, maswerte ka at naaalala mo yang mga perstaym mo. nakakatuwang basahin, kasi parang naaalala ko rin yung akin. (pero hindi rin).

wag ka makinig kine jepoy, glen at drake..

mga atat lang yan.

intayin namin ang kwento mo sa iyong unang iyot.

apir!

KOsa said...

Manik_reigun**
lols. ganun?
swerte pala ang ganun?
taena.. isa ka pa!
pero parang TAMA ka.. dapat pagukulan yun ng isang Buong post alng..lols hindi yung singit lang para hindi bitin:D

gege said...

SOBRANG LAPIT DIN SA PUSO KO ANG PBRERO.
di man una...
pero
yeeeeeeeee!!!
THE BEST... nalimot ko ang una.
kakakilig.
pero... ngayon.
reminiscing is the word.
hehe.

:P

PABLONG PABLING said...

ahihihihi ang daming una. buwan mo ito parekoy!

dencios said...

naaliw ako sa post mo. haha. parang nakarelate din kasi ako. natawa din ako sa mga comments hahaha. kukuliiiiit!

espesyal sakin ang Feb tsong kasi bertdey ko anjan hehe

Kosa said...

Gege**
hehe ganun po ba?
areho pala tayo.
salamat po sa pagdalaw.

Paps**
haha. salamat parekoy.
sana nga!

Dencios**
huh? bday mo? kelan?
pakanton ka naman..lols

Jam said...

Wow sarap talga pag una..gagawin ang lhat dahil excited ka..hahaha napadaaan lang po at napasaya ng post mo na to..sana mapadaan ka rin sa blog pra malaman mo rin ang exp. ko sa unang karansan ko hahaha..Ingat. Maligayang Araw ng mga Puso sayo...

Kosa said...

Jam**
sige sige parekoy,
papasyal ako sa blog mo ngayun na..
as in NOW na..lols
may UNAng karanasan ka rin bang ise-sharE?

saul krisna said...

aheheheh parekoy kilig kilig ka na naman jan ah... anyway di ko alam na may pagka keso ka din pala... hehehehe

Kosa said...
This post has been removed by a blog administrator.
Kosa said...

Parekoy**
keso ba ang dating ng post ko sayo? Lols bahala ka! Basta para sa akin simpleng blogpost Lang to. Hehe

Kosa said...
This post has been removed by a blog administrator.
Pau said...

Napa-reminisce naman ako dyan sa entry na yaaaaan. NAKANAAAAANG. :))

Kosa said...

Pau**
hahaha.
oks lang yan!

an_indecent_mind said...

usapang puso ba to kosa? hehe!

naalala ko din tuloy ang aking "mga una"..

may naaalala ka ba pag naeencounter mo yung words na.. "ganyan talaga sa una, masakit.." may sinabihan ka din ba nyan? wehehehe!