Monday, February 8, 2010

Paasa



Ito yung pagkakataon na minsan naiisip ko ang bawat kahulugan ng mga bagay na ginagawa ko para sa ibang tao. May mga bagay kase akong ginagawa sa mga espesyal na tao sa aking Buhay na ginagawa ko rin sa mga taong ordinaryo lang sa akin. Sabihin na nating ang mga espesyal ay ang mga taong pinagmumulan ng aking kal*b*gan at mga ordinaryo ay ang mga kaibigan at mga simpleng kakilala.

Yung tipong ikinukuha ng pagkain sa isang salu-salu. Binibigyan ng inumin. Tinatanung kung anu pa ang gusto. Sinasabihan na kung kailangan ng tulong eh andito at isang txt lang ako.

At kadalasan, nagkakaroon ng maling interpretasyon ang mga ito. Sa mga simpleng bagay na ito, nagmumula ang ilang mga walang katuturan at walang kwentang Prediksyon.
Yung mga tipong,

"May gusto 'to sa akin".
"Mahal ako nito"
"May pagnanasa 'to sa akin"

awwwww... ganun ba talaga ang ilan? sa isang simpleng pagmamalasakit lang eh mauuwi sa isang maling paniniwala.
Isama mo na rin ang pag-akbay. holding hands. Pagdadala ng kanilang ilang mabibigat na gamit at marami pang iba.
May mga iba nga dyan na naglaplapan at nagjerjer'an na't lahat eh wala lang..taena talaga.

Ito ang maliwanag; Hindi dahil parang concern na corcern na ang isang Tao sayo. sobrang Bait. katxt at kausap mo ng mgadalas eh may gusto na sya sayo. Baka naman mabait at Pogi lang sya o hindi naman kaya ay may plano syang utangan ka.

naalala ko tuloy yung sabi sa akin ni Pareng Bob Ong dati;
Hindi porke't madalas mong kachat, kausap sa telepono katext ng wantusawa eh maygusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang taong friendly, sweet, flirt, malandi, pafall at paasa.



Sunshine Update:
Makalipas ang ilang linggo, ongoing pa rin ang bolahan namin ni Sunshine. lols nakakatuwa. Sinabi ko sa sarili ko nuon na hindi na ako magmamahal ng masmatalino sa akin. Pero napag-isip-isip ko, wala na pala akong makikitang masbobo sa akin.. hehe. Pero bakit parang hindi nya ma-gets yung ilang punto ko. Kailangan o ba talagang word by word lahat? haiyst!

Hindi ko alam ang status namin ngayon. MU? friends? close friends? lols Pero sigurado ako na hindi pa kami:( Pero ayus naman ang lahat. email dito. email dun. txt dito, txt dun. getting to know each other more!


32 comments:

Jepoy said...

Oo mali pa fall ka!

Dapat meron kang distinction sa mga acts mo sa mga taong espesyal sayo meaning jowa at mga kaibigan lang. Dapat makikita yun sa naked eye kasi kung hindi kawawa naman ang mga taong maapektuhan ng pagiging pa fall mo.

Yun lang naman. God Bless!

Mokong™ said...

marami kong kakilalang tao na ganyan..paasa..kawawa naman yung mga taong pinaasa nila.. naging ganyan ako dati..pero nakarma din. hehe kaya gudboy nako ngayon at nasa tahimik na estado sa buhay na ako.

Jam said...

Always keep in ur mind wat Bob Ong Said kc baka nga ganun lang sya..mahirap mag judge, mahirap rin manghula pero ang mas pinakamahirap e ang maghintay sa wala..best thing to do is to think positive ok...akala ko mga babae lang mahilig mag emo kayo rin pala hahaha..TC

Kosa said...

Jepoy**
haha. hindi ko gets.
sandali pabasa ng ulit ng comment mo.

Mokong**
ibig mong sabihin parekoy eh badboy ako at makakarma din? haaaays.

Jam**
hahaha
Hindi po ako nage-emo.
nagsasabi lang po ako ng totoo at saloobin.
salamat po sa pagdaan:D

poging (ilo)CANO said...

nyahahaha...valentines na kosa! let ur balentayn shine with sunshine...lols..

sabi din no bob ong: lumandi ka rin..wahahaha

SLY said...

kaya kayong mga babae... mag-ingat sa nagbabait-baitan at gentleman. kilalanin muna ng husto bago pumunta sa SOGO! bwahahaha

Kosa said...

Pogi**
ammmf ka!
Taena. Kailangan mo ba talaga akong buyuin?
Wahaha salamat sa pagdaan.
Hapi puso day sanyo!

Sly**
awwww.
SOGo? Hahaha
saan yun?
Tama ka dyan parekoy...
Mga babae talaga!!'lolz

glentot said...

Bakit parang galit na galit ang comment ni Jepoy mukhang nabiktima sya ah... BWAHAHAHAHAHAHA

Kosa said...

Glentot**
haha biniktima nino?
Ikaw??? Lol
comment mo ang hinihingi dito, Hindi comment sa comment ng iba. Bwahaha

DRAKE said...

tama ka may mga bagay kasi na hindi ka aware na sa pagiging friendly mo, may nafafall sa iyo!

Kaya minsan mahirap din maging friendly lalo nat malambing kang tao!heheh

ingat

Kosa said...

Drake**
haha. Janloydi mongoloidi ang dating ng pangaral ahhh. Ingats din:D

Don Dee said...

masarap magpaasa ng ibang tao pero pag ikaw na pinaasa, naka, nakakapang-init ng ulo.

gantihan na lang, magpaasa na lang din ng ibang tao.

isa pa kosa, malay mo umaasa ka sa maling tao yun pala may isang tao din na umaasa din sa yo di mo lang pansin.

nga pala, ito ang unang komento ko sa kahit saang blog. bagitong blogger palang ako e. sana makadalaw ka din sa blog ko. :)

RJ said...

Alam ko na ang status ninyo ni Sunshine, 'more than friends, but NOT lovers'. Ayos ba?

Lord CM said...

Alam mo parekoy, mag iisip lang naman ang isang tao na "mahal ako nito", "gusto ako nito" dahil sa mga pinapakita sa kanya kung napapansin nyang sa kanya lang sweet o concern ang isang tao.

Parang ganito, 3 kayo magkakaibigan sa isang kainan. Ikaw syempre ung isa dun, tapos yung isang kasama mo kinuhanan mo ng pagkain, nagpakita ka ng pagiging concern pero dun sa isang kasama mo eh balewala, para lang wala sya...ano sa tingin mo iisipin nila?

Dba? Pa-fall ka kasi! lolzz

ch!e said...

my girl dati na nagalit sakin. pa-fall daw ako. (eh sya nga tong one week pa lang kaming nagtetext, nagma-"mwaah!" na sakin)
naging nice lang naman ako sa kanya...and yes, maybe i flirted a little. but the lesson learned- dont be very very nice, and dont be very very flirty. dapat medyo medyo lang. hehe

God bless!

Kosa said...

Don Dee**
ahaha. masarap magpaasa ganun ba?
iba naman siguro tayo ng prinsipyo parekoy. nice lang talaga ako:D
gantihan? tapos gagantihan ka rin ng iba? waaahhh.. lufeeeet nun!

sige paano ba yan, see you around nalang.

Doc Aga**
haha. sabay ganun?
iba ka talaga doc!

Kosa said...

LordCM**
hahaha. bahala sila.
Pero hindi naman ako ganun parekoy.
madalas, yung pagiging nice ko sa iba eh wala namang kinikilingan. May mga ilang tao lang talaga na mahilig magisip ng...alamuna.

Ch!e**
tama ka nga siguro parekoy.
salamat sa payo.
at tatandaan ko yan ng Bonggang Bongga!

Myk2ts said...

oo nga naman, i agree with your kumpareng Bob.

minsan kasi, tayo ay naniniwala sa ating pansariling batayan ng pag-ibig. at kung ang mga bagay na ito ay ginagawa saatin ng isang tao, lalo na kung may pagtingin tayo dito, binibigyan natin agad ito ng kahulugan at sariling interpretasyon, gaya ng, pagmamahal. akala natin pagmamahal na iyon kahit para sa kanila ay simpleng pakikitungo lang sa isang kaibigan o kakilala.

♥superjaid♥ said...

tama sila..sa tungun ko rin dapat may pagkakaiba yung trato mo sa isang taong espesyal sayo sa mga taong kaibigan lang talaga ang turing mo kuya..para maiwasan ang makasakit ng iba..

Kosa said...

Mykee**
Hindi po ako si Bob..lols
salamat sa pag-agree.
at dahil dyan eh certified friends na tayo..haha
gumaganon..lolz

SuperJaid**
hahaha. para mo na rin pong sinabi na bawal maging nice si Kosa.. hehe.
sige po, susubukan ko pong hindi maging nice saa lahat.

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

sabagay..tama ka kuya kosa..maling magbigay ng intepretasyon tungkol sa kabutihan sayo ng isang tao..pero inaamin ko..hehe..ganun din ako kadalasan..nagkakgusto agad ako sa taong mabait saken..hindi ko naman siguro kasalanan yun..haha..talagang easy to fall lang :P

miss ko na si Bob ong..kelan kaya lalabas latest buk nya..? fan din nya ako eh

sana makatuluyan na kayo ni ate sunshine nang makagawa na ako..hehe..:P

( / ・ω・)//!!!

(P.S. if you'll reply to this comment..pls. put it in my blog's comment box so that i can update my comments :D)

kengkay said...

uy kakosa -- salamat sa pagdaan sa aking ebahay ha!

minsan mas masarap na isip isipin kung ano ba talaga, kami o hindi; hindi o kami? kasi mas may dagdag ng excitement :D

kayedee said...

interesting nman ang entry n e2 =)
hmmm..ntwa aq s pa-fall word heheh.
oh well i agree my mga taong nice,swit en friendly lng tlga lyk me haha..lge lng nkasmile.. cant say NO!=)
p-exchange link nmn po=)

gege said...

WAG ASSUMING!!!

ahaha.

yun ang isa sa mga everyday thinking ko...

haha!

Somnolent Dyarista said...

Haist kuya,. follow kita ha!

hahaha.

striking point: hindi lahat ng naglalaplapan MU (MAG-UN na!) hahahah


somnolentdyarista.blogspot.com

PABLONG PABLING said...

ako...friendly lols. pero hindi paasa

saul krisna said...

in lab ka? hahahahaha bago yun ah... naks naman rumarampa na si parekoy hahahaha... baka MU na kayo nun... kami ni gf? ahhhh ewan no comment hehehe malabo eh... kaya nga sang ayon ako sa post ni chikletz eh

abe mulong caracas said...

balentaym na nga!

Pau said...

Na-confuse tuloy ako kung kanino ka nagsside. Sa mga umaasa o assuming o sa pafall at paasa. Hahaha. Ako mutual! :))

Kosa said...

Ayu**
haha.. may mga pa-fall at meron di namang mga easy to fall? lols
tama ka dyan..

Kengkay**
salamat din po at napadpad ang isang legend na katulad nyo sa aking munting Kuta.
tama po kayo dyan!
may thrill kumbaga..hehe

Kayedee**
haha.. Tama nga po. at sad to say isa po ako sa mga taong madalas hindi marunong mag-say-No!

kosa said...

Gege**
tama ka dyan.
Pero mahirap pa rin talagang magsabi kung hindi tayo sigurado na may napo-fall na pala sa'tin..lols
salamat sa pagdaan.

Somnolent dyarista**
haha. naglaplapan lang naman pala eh.

Paps**
haha. akala mo lang yun.. Being friendly is (sometimes) one way of making paasa.hehe

Kosa said...

Saul**
hahaha.
hindi ko alam sayo parekoy.

Mulong**
oo ilang tulog nalang parekoy, pasko na.

Pau**
wala po akong kinikilingan:D