2010 na!
At sa taon na ito marami akong gustong gawin at makamit sa buhay ko. Pero alam kong hindi ganun kadali ang bawat hakbang na aking tatahakin.
Sa nakaraang 2009
Medyo magulo ang ruta ng aking byahe.
Maraming tagumpay at pagsubok.
Maraming pagkadapa at pagbangon.
Maraming umalis at dumating.
Maraming maingay at mapayapa.
Marami. Hindi mabilang.
Hindi ko kayang isa-isahin.
May pwedeng isapubliko.
May masmagandang gawin nalang na pribado.
Ilan sa mga bagay na nangyari sa akin nuong 2009:
1. Nanatiling Poging pogi at walang kwentang Blogger:D
2. Nagkaroon ng maayus-ayos na trabaho at kita.(dumami rin ang pagkakagastusan..wala rin).
3. Naging busy sa mga walang kwentang bagay (sikretong malufeeeet yun!)
4. Nagkaroon ng panandaling Lablayf. pero sobrang hirap talagang mag-alaga ng bata at isip bata nagmamahalan nga, lagi namang nagkukulitan. nagkakatampuhan. nagbabangayan, nagbabangayan at marami pang bangayan! sakit sa ulo.
5. Nalampasan ang ilan sa mga bagay na kinatatakutan. Pagkakalbo, Pagkaunemploy at pagiging pulubi.
6. Nagkaroon ng masmaraming kaibigan. sa Personal ba buhay at maging sa buhay internet.
7. Nagkaroon ng mangilan-ilan na kaaway (o masmagandang tawaging kasalungat ng paniniwala). sila yung mga pasaway at maswalang kwenta kesa sa akin(peace:D) at napagdiskitahan ng aking mababaw na kaisipan. sorry na po!
8. Nabigo sa Planong pag-uwi nuong September at sinundan pa ng December. (kaya naman sisiguraduhin kong makapagbakasyon ngayong 2010).
9. Nakapagsumite ng Aplikasyon na naglalayong gawin na akong Permanenteng mamamayan dito sa aking kinakukutaan... awwww. sana po Papa Jesus, maaprubahan. pls pls pls po.
10. Nasunod ang ilang luho. masakit sa bulsa (ako rin pala ang magbabayad..letche).
11. Nagkaroon ng sariling domain.. huuuwawww (akalain mong ang walang kwentang kutang ito eh maysariling domain.).
12. Malusog kahit bugbog sa pang-aabuso at trabaho..hehe
Yan lang ang pumasok sa isip ko. Mga bagay na nagbigay ng kulay sa aking 2009. Matamlay ba? walang kwenta? maputla? ehhhh ganyan naman talaga ang buhay abroad eh. Boring na boring! Sana sa 2010, masmaging masaya at makabuluhan ang aking buhay. Kitakits.


22 comments:
hahahah
nag-count ka nga ng blessings,
pero bitter ka naman
hahahahaha....
adik!
well, i wish you'll have a prosperous new year ahead of you...
*kuha tissue punas sa ilong*
hahahahha...
sana wag mo ko batiin ng 1 million times ng "happy new year" kagaya nung "merry xmas" mo..:P
ingats!
Happy New Year Kosa!!!
Congrats sa'yong domain.. sana ako din magkaron niyan someday... hehehe
hello po~! ^_^ haha..nakanakz ang listhan mu.. parang puro reklamo lang naintindihan ko ah..hehe..biro lang..sana magtagumpay ka sa buhay at sana matupad din yung mga hiling mo..XD nga pala..kung finallow mu na po yung blog ko..ikaw ay dapat magalak *whew~! nkakanosebleed din palang magtagalog~!* dahil may award ka saken!! ^_^ nasa blog ko, second post, icalim mu na lang XD hapi new yir po!! :P
*iclaim
at dahil dyan, karapat dapat kang iclap-clap parekoy!!!
at dahil dyan, karapat dapat kang iclap-clap parekoy!!!
Jenskie**
bangag ako sa mga oras na yun kaya madalas eh nakakalimot ako..lols
bitter?
hindi ahhh.
hinding hindi.
ahehehe.
walang basagan ng trip.lolz
happy new year din sayo!
ohhh.. yun lang. wala ng kasunod:D
happy new year KOSA!
try mo din kausapin ang sarili mo isang taon ang nakakaraan. haha!
mabuhay ang mga kolboy. kay daming kinikita. kay dami din din ng binabayaran. huhlolz!
-----------------------------------
@kosa:
ampotek, napadaan ang finofollow kong blogger. salamat! joketime lang yang mga sinulat ko,. haha. pero i will do my best to make it as my guideposts this year. salamat at manigongong bagong tahong!
Gilboard**
lolz. salamat parekoy. isang taon na tong domain.lolz. taena..parang wala rin namang nabago.
Happy new year din!
Ayu**
reklamo ba ang dating?
hehe hindi naman...
ok po! kukunin ko po yung award ma yan. salamat po sa pagiging bahagi ng iyung mga napili.
bino**
clap*clap*clap*
para sayo din yung palakpak na yun parekoy!
ktakitsss
Elyas**
taena.
ganun ba? ganun naman talaga ang buhay eh, masmaraming kita, masmaraming pagkakagastusan!
parepareho lang tayo mga parekoy.
ang mahalaga ay ang mga importante.lolz
_______________
wow. guide mo? pwedeng pwede nga!
magaya nga rin yan! mukang maganda ang magiging result.. tutal madalas naman akong nakatanga sa internetzz
hapi bertdey Kosa
este hapi new year pala...
aba andami mo palang blessing last year ah...
sana mas dumami pa...
may domain nga ako, pero hanggang ngayon under construction pa rin...di kc ako construction worker eh...jejeje
count ur blessings dude!
http://jieno-perception.blogspot.com/
UI parekoy nsa Canada ka ngayon db?
Sana ung application mo ay maaprubahan pra maging Canadian ka n dn as in:
Maglaba Canadian
Magluto Canadian
Maglinis Canadian
Hahaha. Joke lng parekoy. Pero Gnun tlga taung mga pinoy eh mga ulirang alipin hehehe...
Salamat sa dalaw pre!
Happy New Year!
Sunny parekoy**
happy new year din parekoy!!
Mavs**
salamat salamat po!
Waaaah sayang naman ang domain. Madaliin mo na.. Tumatakbo ang oras. Hehe
Gino**
ikaw din sana parekoy!
Happy new yeAr po!
Kitakits
naks!
poging pogi!
hehe.
ang kulit...
haha!
happy new year!
hello ka kosa!
:P
Sama-sama nating babuyin ang 2010!!! Haha joke lang, baka ako lang gumawa nun.
ebidinsya ba???
cge cge!!!
:P
Gege**
wag na!
baka mainlab ka sa akin..lolz
:D
Hope 2010 will be an even greater and more wonderful year for you and your family. Cheers! Ü
Thanks ANgel!
A peaceful and happy 2010 sayo kabsat!.. mukhang magiging swerte yata ang blog ko this year kasi ikaw una comment aking first post,, or, it might be the other way around, baka malasin, nyahahaha!
Peace kabsat :)
Post a Comment