
Kanina ko lang napansin na patapos na pala ang buwan ng Mayo... Hindi naman sa tatanga-tanga ako pero talagang pakiramdam ko eh, sobrang bilis ng agos ng Buhay.. ilang tulog nalang at HUnyo na naman.. Magtatapos na ang summer vacation ng mga Batang nagpapakasaya sa kawalan ng pasok sa eskwela... wantusawang paglalaro, walang limit na panood ng TV, at paggising ng kahit anung oras na Gustuhin. Mapapalitan na ito ng paggising ng maaga para pumasok sa school at paggawa ng assignments at mga school projects. Wala munang laro-laro at panonood ng Tv hanggang madaling araw.
Naaalala ko tuloy ang alaala ng aking kamusmusan kung saan, Pinipilit pa ako ng aking nanay na gumising ng maaga at pumasok sa iskwela... Ngayun ko nararamdaman kung gaano talaga kahalaga ang edukasyon para sa isang tao...
Minsan ko ng sinabi na hindi ako naniniwalang edukasyon ang tuntungan para maabot mo ang lahat ng iyung mga hinahangad sa Buhay.. Pero minsan iniisip ko, paano nga kaya kung naging masipag ako sa pag-aaral? naging matalino... naging edukado? Saan na kaya nakabase ang aking buhay ngayun? nakaahon na kaya kami sa hirap? nasagutan ko na nga kaya ang mga katanungan ng aking buhay na hanggang ngayun ay wala pang kasagutan at hindi ko alam kung kelan at kung saan ko makukuha ang kasagutan? Naging masmasaya kaya ang aking Buhay kung sakali? Nagkaroon kaya ako ng mga kaibigan na maituturing kong sandalan sa oras ng aking pangangailangan? Mapapadpad kaya ako dito sa Blogosperyo? Makikilala ko kaya kayo?
Mahalaga ang Edukasyon!
Yan ang palaging sinasabi ng aking Nanay simula't sapol! Pero hindi ako naniwala nuon... Hindi nga ba ako naniwala nun, o ayaw ko lang maniwala... Namulat ako sa mga paniniwala ng isang pasaway... Namulat sa kasabihang "ang malas eh mananatiling malas" na kapag timamaan ka ng swerte ay instant yaman ka ng bonggang bongga. Hindi pa rin naman nawawala sa akin yung mga paniniwalang iyun pero parang maspapaniwalaan ko na ang sinabi ni Nanay ngayon MAHALAGA ANG EDUKASYON..
Tumatakbo ang Oras...habulin mo!
Masaya ang Buhay; Sulitin mo!
Dahil hindi ko na maibabalik ang mga nagdaan, wala na akong magagawa dun. Tanging mga alaala nalang ang natira sa aking kabataan. Maaga kase akong sumabak sa mga Hamon ng Buhay. sa edad na 17 ay nag-umpisa na akong magtrabaho at mula nuon, hindi na nabaling ang aking attention sa pag-aaral... Nagpursige akong magtrabaho---kumita ng pera at magpakasaya na walang inaalalang school projects o di kaya mga assignments.
Nabulagan kase ako sa paniniwala ng isang kaibigan na
"Mag-aral ka man o Hindi! Pagtanda mo, Pera lang ang kailangang Kitain mo" Pero minsan iniisip ko, HINDI PALA.. Kung Saya at sulit na kabataan ang pag-uusapan, Hindi ko ipagpapalit ang aking mga karanasan. mga alaala at mga bagay na napagdaanan dahil hanggang ngayun, dala-dala ko pa rin ang masasayang alaala na kasama ang aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Panindigan mo!
Lahat ng bagay na aking Pinaggagagawa sa aking Buhay ay pinipilit kong panindigan sa abot ng aking makakaya. Naniniwala akong YUN ANG PINAKAMAHALAGA! Huwag mong isipin kung tama o mali ang iyung nagawa. Ang ginawa mo ay kabilang sayo at Hindi mo kailangang isisi sa kung sinu-sinung nilalang o sa kung anu-anung rason.
May mga bagay kang matututunan sa bawat pagkakamali na iyung napagdaanan. At hindi mo yun matututunan kung saan-saan lang! Hindi yun maituturo ng iyung magulang o maging ang sinung pinakamagaling na Guro.
pasensya na.. ito ay delayed post. Post ko sana ito bago matapos ang May.