Nitong mga nakaraang araw, parang nawawalan na din ako ng time sa blogging... Naniniwala kase ako na ang isang bagay na napapabayaan eh,Kung hindi man nawawala ay pinamamahayan ng mga kaluluwang ligaw at mga hindi magagandang Elemento. kaya pauna na to sa pangalawa... kasunod ng mga nawawalang blogerot blagera, Sina Paperdoll... si Yods(boyputo).. at sa lahat ng iba pang blogerong nawawala...kitakits
Parang Kailan lang... nitong Umaga, nagising akong may kasamang pagkawindang----akalain mong Mayo na pala... Parang kasing Bilis ng Laban ni Pacman at Hitman ang pagdaan ng panahon ahhhh... parang hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng bawat araw... Pero ganun talaga siguro ang Buhay, Hindi natin kayang pigilan ang bawat pag-usad na ginagawa ng Panahon..
Siguro ang Mahalaga eh, sulitin natin ang bawat araw na inilalagi natin sa mundong ibabaw... walang inaapakang ibang tao at walang sinasaktan na nilalang.
Walang sinasaktan na nilalang?
ahhh.. sana nga... Minsan kase, may mga bagay na hindi naipapaliwanag ng tadhana... Wala kang kamalay-malay ay nakakasakit ka na pala... o minsan naman alam at ramdam na nga natin, maspinipili pa rin nating manatiling tahimik---- naalala ko yung sinabi sa akin ng isang taong malapit sa akin na "kung wala ka rin lang namang sasabihing MAGANDA eh wag ka ng MAGSALITA..." Pero Tama ba yun? o di kaya masmagandang itanung sa isang tao kung nasasaktan mo sya? di ba parang labag yun sa kagandaang asal? kumbaga eh, nilagyan mo lang ng asin ang sariwang sugat?
sabagay, ang nakaraan eh nakaraan at hindi na kailangang balikan lalo na kung ito ay hindi masyadong maganda... pero kung may napulot ka naman na ginintuang aral eh, abah, balikan mo at baka magamit mo sa susunod na laban mo sa Buhay.
Sa mga taong nasaktan ng aking paraan ng pagsusulat... sa paraan ng aking pakikitungo at paraan ng aking pakikipagkapwa tao, humihingi po ako ng pasensya, sorry at Pera kung ok lang... Hindi ko sinasadya ang mga pangyayari at lalong hindi ko sinasadyang maging Pogi (insayd en awt) at lababol..lols Kapaaaal...
**********************************
Habang ginagawa ko ang Post na ito ay wala akong tulog sa nakalipas na 36na oras. Medyo hilo-hilo pa ako... lasing na lasing... bangag na bangag... antok na antok pero kailangan ko itong tapusin kase wala na akong oras sa susunod na mga araw... kailangan ko din kaseng matulog ng konti. Kahit konti lang.
SObrang mahiwaga ang Blogging... may mga bagay na nakatago sa likod ng mga letrang nakasulat. sa mga litratong nasasapubliko at sa mga paniniwalang nakalimbag. May mga bagay na nakakadala ng emosyon at nakakabulag sa mga mapanlinlang na imahinasyon...
Siguro(hindi sigurado), sa mga naisulat ko sa ilang nagdaan kong mga post ,medyo nalalayu sa mga tunay na kalagayan ng aking buhay... in a way na iniingatan ko na ang mga salitang aking inililimbag.. ayaw kong may nag-aalala sa akin at lalong ayaw kong makaapekto ang mga ito sa mga taong nagmamahal sa akin... Base kase sa aking pagsisiyasat... medyo nahuhubaran na ang totoong katauhan ni Kosa. Napag-alaman kong may mga tao na palang tunay na nakakakilala sa akin ang nagbabasa at pumapasada dito sa aking kinakukutaan...nahiya tuloy ako sa aking mga walang kwentang pinaggagawa dito... dating classmates... dating schoolmates... dating kaibigan...kapamilya at Kapusooooo... waaaaaahhhh.. hindi ko inaakalang masisita ako nuong isang linggo.. di ba Lorena Balbaguen?
Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang aking Post na to... magpapasalamat nalang muna ako sa mga taong napalapit sa akin sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na sobrang dami kong matututunan sa mga bagay na inyung ibinabahagi sa katulad kong nagbabasa, pumapasada at sumusubaybay sa teleserye ng inyung mga totoong buhay... Hindi lang pala ako natuto kundi natuwa, tumawa... lumuha... umiyak at nalungkot din...
Nagpapasalamat din ako sa mga blogero't blagera na napalapit na sa akin sa mundong ito... alam nyo na kung sinu kayoooo... mga mahal ko kayung lahat at sana pagbalik ko eh magkakaangkas pa rin tayu sa walang kwentang byaheng baku-baku.
Ise-share ko lang sa inyu ang araw-araw na tanawin dito sa aking kinakukutaan dito sa Hilagang Bahagi ng Vancouver.

ang LionsGate Bridge at ang noo ni Kosa...

ang
LionsGateBridge na nag-uugnay sa Vancouver Downtown, North Vancouver at West Vancouver.
at Stanley Park ang isa sa Pinakamalaki at pinakaNatural na Park na matatagpuan sa Pusod ng isang Syudad sa Hilagang amerika.

ang
British Property! paanan ng Bundok kung saan nakakuta ang mga mayayaman. Tanaw ang liwanag ng kalakhang Vancouver sa Gabi.

ang Vancouver...
Pahabol:
bakit ba ganito, natapos ko ang isang Post na to sa Loob ng ilang oras pero Hindi ko na naman alam kung anu ang dapat kong ilagay na Taytol... nakakainis.. lagi nalang akong napapa-isip kung anu ang dapat kong ilagay na Title sa bawat post na ginagawa ko..lol