Una;Nitong nakaraang araw, sobrang naging busy ang mga araw ko trabaho-bahay-kain-kongting tulog-trabaho na naman...
Isa sa mga hinahagaan kong tao sa Buhay ko... malaki ang impluwensya nya sa aking pagkatao.. sya ang nagturo sa akin na maging responsable sa lahat ng aking pinaggagagawa. maraming aral ang natutunan ko sa kanya at higit sa lahat mahal namin sya!
Nakabase na sya sa South Korea ngayun. kasama ang kanyang asawa at dalawang anak (yung kasama nya sa litrato eh ang kanyang Bunso) at kung sinu man ang blogger na nakabase sa Seoul ngayun, kapag nag-remit kayu ng pera sa metroBank malamang sa malamang ate ko ang kausap nyo.. lalo na sa weekend..
Pangalawa;
Nitong nakaraang Linggo din, nakuha ko na yung napaka-ilap na iPhone na inorder ko, Isang linggo na ang nakakaraan... ayus naman sya.. medyo pinag-aaralan ko pa lang kung paano ito pakikinabangan sa pinakasagad na paraan at masulit ang bayad. Pero ang pinakamalupit dun eh all-in-one na sya! may telepono... camera... recorder... music player.. GPRS... mobile internet at sobrang dami pa ng pwede mong gawin dito... laro... laro.. laro.. at madami pa!!!
Basta sobrang cool nito.. kumbaga ito ang kinababaliwan ngayun ng mga mahihilig sa modernong gadgets...
yabang mode na ba? lols pasensya na excited lang....
at Pangatlo;
Ayaw kaseng bunutin ni Doctora ang ngipin ko kase kapag binunot daw yun eh magiging galit-galit na daw ang mga ngipin ko sa isa't isa at magkakaroon ng espasyo sa pagitan nila... yung parang may exam ba... one tooth apart. hehehe
ito lang po muna ang mga nagbabagang mga buhol buhol


