Tuesday, March 31, 2009

Ang poging Sikretong makadiyos na nagmumura kay Chip Tsao


Patalastas:

Patuloy pa rin ako sa pag-apila at nagmamakawa.. na sana ay suportahan nyo ang Byaheng baku-baku para sa isang halalan na nagaganap sa isang sulok na ito ng Blogosperyo... Lahat ay Pwedeng Bumoto, tao, hayuf, abnuy, pogi, di masyadong pogi.. bata.. matanda, lalake, babae, bakla, Tomboy, bungi, bungal o kahit na sungkisungki eh ayus lang... Dalawin lang ang Presintong ito at iboto ang Kosapogi..hehe maraming salamat at aylabyu aylabyu ol!:D

Mantakin mo...

Nitong nakaraang Linggo, nagkaroon ng Kembot(trabaho) ang Driver ng Byaheng baku-baku.. Hindi naman ito yung unang linggo na Umarangkada ako sa pagkembot kahit linggo pero ang nakaka-badtrip talaga eh yung husgahan ka sa kung gaano ka ka-close kay Papa God. Di ba nakaka-irita at nakakapanggigil yun... Tulad nung pagkagigil ko at ni Pareng SuperGulaman at madaming pang mga pinoy na nanggagalaiti sa Pagtiris sa mala-pasas na Nunal sa pisngi ni Gloria blackheads at whiteheads sa mukha ni Chip Tsao. Kumusta naman kaya yun? Tawagin ba namang Lupain ng mga alipin, alila, utusan at uto-uto ang PinaS. Nakakapanggigil talaga yun at nakakatawa kase kung sa pagiging maabilidad at mahusay, Hindi naman hamak na maslyamado tayong mga Pinoy.. isama mo pa ang ating pagiging pogi inside and out. Dito nga sa aking pinagkakakutaan, yung mga ibang Lahi (Briton, Mexicano, Kanadyan at iba pang lahi) maspinipili nila ang mga pinoy na kasama sa shift ng trabaho kesa sa ibang lahing umaarangkada at kakompitenstya ng mga pinoy dito tulad ng Intsik at Indyan. Bukod sa mababaho ang kilikili ng mga indian at Tsino, hindi sila madalas maligo---hindi malinis ang trabaho... Hindi pa nakaka-intindi ng Ingles.

Pero sa Kabilang Banda naman kase, may 0.1% punto din sya... hehe:D pero teka wag kayong magalit.. magpapaliwanag ako... Kung tutuusin kase, ang Tsina, taga-export ng Low-quality products... mga imitations.. mga bagay na mumurahin at madaling masira. Hindi tulad ng kapitbahay nilang bansa ng South Korea na tinagurian naman na maker of High Quality imitations... lols FYi; gumagawa ang mga Koreano ng mga pekeng branded na produkto at base sa isang pananaliksik na ginawa ng isang Pamantasan dito sa Vancouver, masmatibay pa yung imitation na galing Korea kesa sa Orig na galing Italya. Di ba astig? At ito ang 0.1%ni Chip Tsao, weder wi layk it or nat, talagang madami nga naman talagang katulong na Pinay sa HongKong.. at maari ding totoo na may filipina maid sya... ang Hindi ko lang maatim na isipin dun eh yung kailangan pang ipasigaw sa kawawang katulong yung salitang "pag-aari ng Tsino ang ungkutan ng Spratly island...." sa isang kilalang pasyalan at tambayan ng mga Filipina Domestic Healper sa HongKong. Hindi kaya naisip nitong walang isip na kolumnistang ito na ang mga pinay DH ang nagbibigay ng mapagkalingang alaga sa maraming mga batang Tsino. Hindi kaya naisip nitong Mokong na to na ang mga pinoy ay Hindi lang naman namamayagpag sa pagiging Katulong kundi madami pang mga pinoy ang naglipanang magagaling sa ibat ibang larangan hindi lang sa Asia kundi maging sa kahit saang sulok ng Mundo. Mga hayup--papampam--epal--walang kwenta--mababaho at mga pangit ng instik... taena nila.
haaaaaaaaaays

Pero kung susuriing mabuti, tama siguro yung hinala ni Pareng SuperGulaman..parang may personal syang hinanakit sa mga pinoy. maraming mga posibleng dahila n pero kung iisiping mabuti, walang magsusulat ng ganun ka-walang kwentang bagay na ikakasira ng isang lahi kung wala sya "Personal" na galit.


Pero teka, nalalayu na ako masyado sa Kwentong Pogi ahhhh..
Tawadan ka ba naman kung magkano ka isang gabi? lols At ang nakakapanggigil dun na muntik ng magdala ng kulog at kidlat sa aking kautakan eh yung kung bakit wala man lang daw akong pinipiling araw ng trabaho.. Bakit hindi ko daw ginagalang ang araw para kay papaGod...
Taena hundred times.
Sinu naman syang magsabi sa akin ng ganun? na parang sinasabi nya na wala akong kabutihan ni isang kusing sa aking katawan. Na para bang isa akong nuknukan ng sama at dinaig ko pa ang anak ng dyablo... haaaaaaaayssss.. Ito lang ang masasabi ko, ang pagiging close kay papaGod eh hindi sa kung paano ka magpaka-banal sa araw araw na nasamundo ka. Bawal ang maligo tuwing araw ng Byernes.. Hindi pwedeng kumain ng dinuguan, bawal ang kumain ng kahit na anung karne ng may sungay na Hayop.. bawal ang mag-nail-cut tuwing martes at sobrang dami pa! Pero oks lang yun sa akin, isa akong mapagpatawad na mukang utouto, abnuy at lokoloko na anak ni PapaGod.

Para sa isang walang kwentang si Kosa kase, Alam mo naman sa Puso mo kung isa kang masama o mabuting nilalang eh. Matitimbang mo yun.. makikita at masasala mo kung mabuti ba yung ginawa mo. Kung may pinagsamantalahan ka ba.. kung may inagrabyado at inapakan ka ba para umangat? kung malinis ba ang intensyon ng puso, bituka at atay mo... Basta lahat na yun!
Ni Dalawang taon na nga yata akong Hindi nakakapag-santorosaryo eh.. Bukod sa nakalimutan ko na yung mga misteryo eh hindi ko din matandaan yung pagkakasunod-sunod ng mga dasal na kasama dun.

Pero; Ito ang malaking PERO..
Kahit naman na minsan-minsan nalang akong makapag-simba. Kahit lumalantak ako ng sankatutak na dinuguan. naliligo araw araw, lumalaklak ng alak hanggang sa sumalapak ang aking KPR sa sahig, Hindi pa rin naman nawawala yung paggalang at respeto ko kay PapaGod.

Nagdarasal pa rin naman ako... nagpapasalamat sa mga Biyayang patuloy na natatanggap... nagpapasalamat sa paggabay sa pang-araw-araw na buhay.. Nagpapasalamat sa mga problemang nalampasan at sa mga bagay na natututunan.. Humihingi pa ng pang-unawa sa mga pagkukulang bilang isang simpleng nilalang.. umaasa sa susunod na pagsikat ng araw kinabukasan... humihingi ng goodhealth para sa mga taong nagmamahal sa akin at sa mga taong mahal ko at para na rin sa sarili ko... Yun lang naman ang simpleng dasal na ginagawa ni Kosa...

Ang pagiging maka-diyos para kay Kosa, Hindi nakikita sa iyung mga ginagawang pagkarelihyoso. Hindi nasusukat sa kung gaano mo kamemorya ng mga dasal na "ama namin" at "ave Maria" at Hindi rin siguro nakikita sa kung anu ang inuulam mo kasama na ang paliligo sa kahit na anung araw atbp. Masmabuti sigurong ibase natin yun sa kung gaano kalinis ang iyung puso at damdamin. Kung paano ka magdasal galing sa isyung puso at kung paano mo pakitunguhan at irespeto ang iyung kapwa tao at ang mga bagay na nasa Paligod mo.


maligayang pagbabakasyon nga pala sa mga magliliwaliw at sasamantalahin ang panandaliang bakasyon...kitakits mga pareko... enjoy!

Sunday, March 29, 2009

Botohan na naman... sige itaktak mo



Nominado po ang Byaheng baku baku para sa Filipino Blog of the week para sa ika-isandaan at limampu't apat na linggo.


Medyo Busy ang Driver ng Trip Ni Kosa kaya hindi nakikitang nakatambay sa Blogosperyo ng madalas nitong mga nakaraang araw... sana po ay suportahan nyo ang Trip Ni Kosa...

Suportahan ang Kapwa Pogi!
Suportahan ang kapwa abnuy..
suportahan ang Trip Ni Kosa...

kitakits...
aylabyuoL!!

itaktak mo!


Bago ko makalimutan, Dito ka bumoto..




Saturday, March 21, 2009

Alaala ng Kindergarten ni kosa... LabingPitong taon na ang nakakaraan



Nagkakandabangenge na ako sa kakakalikot sa taenang html na ito kung anu na ang nagyayari sa kanya... Ilang araw ko na kaseng napapansin na nasa Bakasyon yata ang nag-iisa at napaka-espesyal na kulay Orange sa aking layout! kita mo naman... pagtingin mo sa Muka ng aking Kuta, para kang may katarata sa mata na hindi mo makita ang lahat ng nakapalaman sa iyung harapan... nawawala ang aking blogroll, nakatago ang ABoutME! nawalala din ang mukha ng aking arkiba... nawawala din ang mga tansong kasabihan na nakalatag sa aking Blog... haaaaayssss taena.. nakakapanggigil tong ganito.. Hindi mo alam kung saan ka magsusumbong... magrereklamo... mag-aamok ng away at mag-eeskandalo... taenang taena!!

ang tanung:
panahon na (na naman?) bang palitan ang template ng Kuta ni Kosa?hehehe


Naalala ko tuloy, eksaktong ngayung araw na ito labing-pitong taon na ang nakakaraan nagtapos ako ng kindergarten.. hehehe.. oo dumaan din ako sa kamay ng isang teroristang matandang dalagang supertapang na Teacher! Pero sa kabila nun, sobrang napakasayang magbalik tanaw sa mga nakaraan. Lalo na sa bandang kabataan.. Yung tipong wala kang iniindang problema... tanging iniisip at pinoproblema lang ay panonood ng cartoons... pag-gawa ng takdang aralin... paghuhugas ng pinggan at pagtulog sa tanghali!

Papasok sa eskwela, tapos makikipagkulitan sa katabi.. matututong kumanta, sumayaw, magbasa ng AEIOU... makikipag-away! makikipagsuntukan.. makikinig sa pangaral ni Ms.Agacia.. ang walang kamatayang kwento Ni Pagong at Matsing. isama mo pa yung kwento nina Langgam at Tipaklong..hehe nakakatuwa at masasabi kong nuong bata pa ako, langit na ang pakiramdam ko kapag makarinig ka ng Ganung mga kwento... At ngayun, tsimis na ang libangan ko.. joke joke!

uumpisahan ng aming Umaga ang pag-awit ng Lupang Hinirang.. na kadalasan eh maskilala sa titulong "Bayang Magiliw" ..hehe taena nakakatuwa talaga yun! may mga bagets na nagsusuntukan habang patapos pa lang yung Kanta.... pagdating ng linyang "ang mamatay ng dahil sayooooo" eh may umaalingaw-ngaw nang uhaaaa ng isang batang naghihimutok dahil nasaktan. Hindi ko talaga makakalimutan yun dahil duon ako unang namulat sa karahasan ng mundo.. susunod ang ehersisyong pambata... na susundan ng pagdadasal ni Ms.Agacia ng isang memoryadong dasal na Ingles na tipong pang-bedtime ang dating.. nakalimutan ko na nga yun eh.. basta dasal yun! hindi tula.

Pagkatapos nun eh, unang bahagi ng klase namin ang Q&A portion... Tatanungin ni Ma'am kung naligo ka ba? anung oras ka nagising... sinu ang naghatid sayo papuntang eskwelahan at malupit pa dun, tatanungin kung anung ulam mo kaninang umaga. andyan na yung may namumutlang nais umiyak dahil hindi napagtirhan ng Ulam kaninang umaga... haaays buhay bata nga naman!

Magkakaroon ng kulayan portion.. May mga photocopy si Ma'am ng ibat-ibang uri ng prutas at papakulayan yun sa amin... pagkatapos nun eh, pass the paper at isasapubliko ang mga drawing. naghahalo sa balat sa tinalupan ang mga prutas.. May mansanas na kulay itim... siguro dahil bulok ba. atis na kulay pula, kase highbreed daw. orange na kulay green---dahil bubot pa.. pinya na kulay blue at kung anu anu pa! pero duon naman ako namulat sa totoong kulay ng Mundo na, Ang bawat bagay ay may kanikanyang kulay.. nag-iiba man ang kulay kapag nahihinog---yun ang simbolo na ang mga bagay bagay ay nagpapatuloy papunta sa masmatamis na buhay...pero kapag sumobra at hindi nakain sa tamang oras eh nauuwi sa Basura dahil bulok na.

Pero sobrang nakakatuwa at hindi ko ipagpapalit ang pagiging bata... andyan yung mapapadpad kayo sa ilog.. maliligo.. gagawa ng kastilyong buhangin... magtatakbuhan ng hubot hubad! halo-halo na dyan yung mahuhuli sa pag-uwi, may Buhangin ka pa sa mukha pagdating sa bahay. O di kaya mag-aakyatan sa puno ng mangga at maghahabula dun na parang unggoy... at sa Gabi, magtaguan sa dilim kapag maliwanag ang Buwan.

Nakakatuwang isipin na nalampasan ko ang aking kabataan na baon ang mga Kinakailangang yaman upan maging masmatatag na nilalang... mga Prinsipyo at alaala na Hindi mabibili ng pera at kailan man ay hindi ko makakalimutan!

Nagtapos si Kosa sa Imelda Cultural Center sa Lungsod ng Batac nuong March 21, 1992. wala na akong.. Nagmartsa sa harap ng madaming taong usyusero. ipinamemorize ni maam ang Makabagbag damdamin na, "wen ay gro ap, ay want to be a soljer, a soljer is breyb ang istrong... blah.. blah.. blah.." basta parang ganun..haaaaaaaays di ko na maalala yung kabuuan..hehe

salamat sa pagbasa at happy graduation sa mga magtatapos!


Pahabol:
Happy Birthday na din kay Pereng Keno sa 22..lols di ko alam kung kelan na 22 basta naniningil kase sya ng regalo para sa birthday nya na sa 22 na daw..hehe
Happy Birthday parekoy! alam mo naman malakas ka sa akin! Ikaw ang dahilan kung bakit umaariba si Kosa ng Bonggang Bongga..hehe
kitakits


Wednesday, March 18, 2009

Sugarol Ako.. eh anu ngayun?

Ang Buhay para sa akin punong puno ng maliliit at malalaking Sugal na pinupustahan sa araw-araw.. Sugal na kahit kelan ay Hindi mo matatakasan at kailangang Pustahan bilang pagpapakita ng paglaban, pagtitiwala sa kakayahan at upang makaangat sa susunod na Level ng Buhay.

Seryoso, aaminin ko! isa akong pasaway.. sira ulo.. tarantado.. tanga-tanga! gagu! walang kwenta! Bobo! lalot higit na makulit.. abnuy! anu pa ba? gastador, reklamador, sugarol at poging pogi inside and out? haaaaaays

Pero ito ang itaga mo kung saan nagtataga si Lioloco: lahat ng kagaguhan na ginagawa ko, katarantaduhan na pinapasimulan ko at madami pang kalokohan, kaya kong panindigan ng bonggang bongga! saktan mo ako kung dyan matatanggal yung pagkapikon mo sa akin... murahin at tadyakan mo ako sa mukha ayus lang... kayang kaya kong tanggapin yan Hinid ako matitinag. Sa Pag-ibig at Alak lang ako nababangenge at umaatras..

Balik tayo sa sugal.. Isa sa pinakamalaking sugal na aking pinustahan sa tana ng Buhay ko ay yung pagtigil sa Pag-aaral at tumaya sa aking minsan lang pumalpak na diskarte. Nabanggit ko na nuon na Isa akong dropped out na nursing student sa pinas nuong kabataan ko.. Kumuha ako ng Pagka-Nars dahil akala ko Nars lang ang nag-aabroad.. Pero nuong malaman ko na Hindi pala, Minadali ko ang aking byahe at nagpasyang mag-apply dito sa Canada bilang isang alipin.. alila.. katulong.. utusan.. uto-uto at all-around babysitter na poging pogi mapabata matanda at maging hayup pa yan! oks lang...

May pagsisisi din ako sa isang banda ng Buhay ko... Kung bakit ko naisip ang mga walang kwentang diskarte na yun! Kung bakit andito ako at nagpapakahirap.. kung bakit iniwan ko ang buhay ko sa pinas... kung bakit hindi ko sinulit ang aking kabataan at kababawan samantalang masaya naman ako nuon sa Buhay ko.
Pero tapos na yun at hindi na mababalikan... kailangan magpatuloy at ayusin ang mga bagay bagay na kailangang ayusin. pagkatapos ng mahigit isang taon----nagpapasalamat parin ako kay Papa God kase dinala nya sa aking yung opurtunidad na yun... Kung susumain, talagang para sa akin nga siguro yung katok na yun at akin lang napagbuksan sa tamang oras kaya andito ako..

Kumusta naman ako?
ayus na ayus lang at Poging pogi pa rin naman..
naniniwala pa rin ako na,
Una, sa Diskarte nakasalalay ang lahat ng iyung Hinaharap... wala sa uri ng trabaho at lalong wala sa iyung kayamanan.. Sa isang iglap kase pwede kang maisalin sa ibang katawan at magugulat ka nalang nasa katawan ka na pala ni Palito... Hindi mo alam kung paano nagkasya ang dati mong malaking katawan sa malabuto't balat na yun! Pero kita mo naman. through hardworking, andun pa rin si Palito... duuuuunnnn... basta dun...

Pangalawa, Kung swerte ka, swerte ka! Ang Swerte kung sa dinamidami ng ginawang araw ni Papa God eh hindi ka na tinamaan ng pana ng kamalasan eh, mag-inggat ka kase kapag nasapul ka sunod-sunud na yan... ganun din sa Swerte.. kapag minalas ka ngayun eh siguradong kapag dumating ang swerte eh talagang sunod sunod na din yun! sa kabilang banda, Pero maniwala ka't sa Hindi, may mga ipinanganak talaga na may kasabay na kamalasan... Yung tipong kakain nalang... nakasubo na... nginuya at lulunukin nalang sana eh nabilaukan pa! ganun kamalas ang ilan... Hindi mo masabing sigurado na ang isang bagay hanggat hindi nahuhulog sa tamang kalalagyan ang mga elemento nito.

Pangatlo, Ang paniniwala at Bilib sa sarili.. Hindi ito yung tipo ng taong maangas o mayabang haaaaa... ganito lang yun, Kapag nagawa mong isipin, isipin mong kaya mong gawin.. Yun ang Prinsipyo ko sa Buhay.. paanu mo magagawa ang isang bagay kung ni isipin nga lang eh hindi mo kayang gawin...

Kailangan mong sumugal sa bawat bagay na di ka sigurado kung anung kalalabasan... Mga bagay na Hindi mo tiyak at Mga bagay na kailangan mong ilaban.. kung di ka susugal, Hindi ka mananalo.. ganun ka simple yun! Pero kapag naramdaman mong minamalas ka, o malas ka talaga... na ipinanganak na kakambal si Malas. eh wag a nang sumugal.. hayaan mo nalang na dalhin ka ng agos ng ilog papunta sa kalawakan ng dagat kung saan, parang abot kamay ang langit..

Ang sugal sa totoong Buhay; Hindi ka matatalo hanggat Hindi ka nagpapatalo...


paunawa:
Ito ay walang kinalaman sa sinuman.. batay lamang to sa sarili kong baluktot na pananaw at walang kwentang satsat! salamat!


Tuesday, March 17, 2009

Tag: Legs kung Legs



Bago ako magpost ng Medyo may katuturan(medyo lang...) ipopost ko na muna tong tag na natanggap ko mula sa kilalang lisensyado at sertipikadong Abnuy na si Amor.

Nag-pramis pa naman ako na gagawin ko to kaya malamang sa malamang eh hinihintay nya itong gawin ng poging poging si Kosa..lols

Tulad ng sinabi ni LordCM sa kanyang Post masyado na tayong nagiging seryosa sa mga nakaraang araw kaya mag-abnuyan muna tayo..hehe peace!


At dahil nauna ng nagpakita ng Legs si LordCM at si Pogi, andito naman ang share ko sa legs ngayun.... ahaaaa... kita mo naman yan! hita palang ulam na..lols.. taena, walang basagan ng baso ahhhh... kanya kanyang trip lang to..lols



At dahil nabalitaan kong walang medyas ang aking parekoy na si SuperGulaman, pinahiram ko muna sa kanya yung medyas kong puno ng alipunga..lols jokejoke!



Monday, March 16, 2009

Untitled



Hindi ito ang Unang pagkakataon na maging Bida sya sa aking Blog. Pero sa pangalawang pagkakataon, ibibida ko ulit sya sa ngalan ng pagdarasal, pagkakaibigan at pagiging Saludo pa rin ni Kosa sa kanya.

Kelan lang nuong makilala ko sya Bilang isa sa mga kasamahan natin sa Blogosperyo. Sa pamamagitan ng pakikisakay ko sa kanyang mahiwagang walis tingting na lumilipad, naipakilala at naipakita nya ang ilang baagi ng kanyang pagkatao.. pagiging isang ina at makikipagsapalaran sa Magulong buhay may asawa.. Pangingibang bansa at pakikibaka sa iba pang Hamon ng Buhay.

Nakakatuwang isipin na sa maikling pagkakataon eh, naging malapit na rin sya sa akin. Sya na ang madalas kong ka kwentuhan at kakulitan sa mga oras na batung batu ako. sya ang kinulit ko nuong nangangailangan ako ng tulong at kaisipan upang kalikutin ang layout ng aking walang kwentang kutang ito. Sya din ang umayos sa listahan ng aking Blogroll. sya at wala nang iba ang naging , janitor, tubera, basurera, karpintera at doktora ng aking Kuta..

Para sayo Yanah, nasa Hall of Fame ka na ng Trip Ni Kosa... Bidang bida ka dito... Alam mo naman siguro, Ginawa ko man to o hindi---kasama ka pa rin sa aking pakikipagkwentuhan kay PapaGod.

Alam kong Hindi pa tapos yung laban mo, pero kita mo naman kung paano bumuhos ang kabutihan sa gitna ng kawalan. kayang kaya mo yun alang alang sa mga minamahal mong tatlong ku-cute na anghel sa Buhay mo at alam kong tutulungan ka pa rin ni Papa God.

***********************************************************

ito ay pakikiisa sa pinasimulan ni LordCm na pagsisigaw.. este pagdarasal pala.. kasama si Pogi at madami pang ibang Blogero at Balgera na nakikiisa sa at tumutulong sa lahat ng aspeto sa laban ni Yanah..hehehe



Saturday, March 14, 2009

51st Post


Ito ang aking Pang-Limampu't Isang Post..
Eh anu ngayun? lols nagsasabi lang ako..
hahaha walang Espesyal..

Nakakatuwang isipin na nakakailang Hirit na rin pala ako sa walang kwenta kong kutang ito.. Hindi man ako ganun kagaling sa pagkukwento at pagsusulat eh may mga nakikiSakay pa rin sa aking Byahilong Byahe.. dito sa kung saan madalas pa sa minsan, baku baku ang aking ruta

Una sa Una,
Nagpapasalamat ako sa lahat ng palaging dumadalaw sa aking Kuta... Mula nuon hanggang ngayon, kayo yung dahilan kung bakit nananatiling Buhay si Kosa na nabuburo na dito sa aking Kinakukutaan.. Tanging dito nalang ako nagkakaroon ng Pakikipagkapwa tao Kung tao kayo..hehehe peace! pakikipagkapwa hayuf! Hindi Biro ang Buhay OFW kaya malamang sa malamang, kahit itanung nyo sa Ibang nangibang bansa, nakakabaliw ang Lungkot at pagkabato ang malayo sa mga mahal sa buhay, mga kaibigan at nakasanayang Buhay.

Pangalawa sa Una,
Natutuwa ako na makalilala ng mga katulad kong Abnuy (sabi ni Amor na kasali at pasimuno sa tropang abnuy!) kasama si LordCM(may 49th Post), si Prof Pajay(may 50th post) at madami pa... Pasensya na sa iba pang Abnuy na Hindi ko na Napangalanan... (isali nyo nalang ang sarili nyo sa Komento.. Piso lang ang membership fee). hehe

Nagagalak din ako na makalikom ng panibagong sirkulo ng mga kaibigan hindi lamang sa Pinas kundi sa ibat ibang sulok pa ng mundo. Naantig at nahaplos ako ng ibat-ibang makekesong kwento ng bawat isa sa inyo.. nakitawa sa bawat nakakatuwang pangyayari sa Buhay nyo. Nakisimpatya sa bawat pagkaapi na dinaanan nyo.. nakiluha sa bawat pagbalat ng sibuyas na inyung tinrabaho. Nakiliti sa bawat maharot na Hirit ng bawat isa sa atin. Kinilig at na-inlab sa bawat lab-istori na ibinahagi nyo sa inyung mga mambabasa.. nakimura sa bawat pagmumurang inyung ginawa.. nakisigaw sa bawat magugulong sigaw na pinasimulan ni Kung sino diko na maalala... at magdunong-dunungan sa bawat problemang dinudulog ng kapwa blogero at balgera dito sa Blogosperyo.

Walang kwenta
Sa simpleng pakikibasa at pakikisakay ko sa inyung mga Post at Trip sa Buhay, naging bahagi na ito ng aking Bawat pagbangon at bawat pagpikit sa araw araw na ginawa ni Papa God. Hindi na ako kasing adik nuong bago-bago pa lang ako sa Blogosperyo.. Pero aaminin ko, Kulang ang araw ko kapag Hindi ako nakakasilip sa Blogosperyo sa Isang araw. Kahit na siguro Hindi ako makatulog ng Kumpletong oras sa isang araw basta makagala lang ako blogosperyo. sa makatuwid adik pa rin ako Pero hindi na halata..lols


Sa Buhay Blogosperyo
Madami akong nakitang bago sa aking paningin... naamoy na mababango at mababaho.. nalasahang maaanghang, maaalat, mapapait at hindi mawari kung anung lasa pa ang ibang mga yun.. Hindi matatawaran ang aking naging paglalakbay dito sa Mundong ito ng Blog. Hindi ko inakalang ganun kasaya at kabuhay ang Buhay sa likod ng mga taong nakatanga at nakatunganga sa Harap ng bawat konchuter.

Pero kung susumain, sa sandaling pakikibasa ko sa mga bagaybagay na sinusulat ng bawat isa sa inyu dito sa blogosperyo, madami akong natutunan, napagtanto at nalaman. May mga bagay din na medyo nagpagulo sa aking katinuan, nagpaiba sa aking paninindigan at nagpabago sa niluluma at inaamag kong kaalaman.

basta, ito ay isang pasadang post lang at kailangan ko pang lumagare mamayang gabi kaya kailangan ko ng power nap. kaya many excuse kung medyo bitin at walang kwenta(as always) ang post kong ito.

tagay para sa aking 51st Post!!!!
ehehehehe
kitakits

Kosa


Thursday, March 12, 2009

Tamang Kanta

Baby Girl
B2K

There are times when I look in your eyes
I see the love that we share
I see the joy inside
But I didn't see the feelings you hide
And now you're saying goodbye
Cause your love has died

And all I can think about is you
The way you say you love me too
And everytime I close my eyes I see your face
My love can never be erased and you can never be replaced

Baby
Baby Girl, why don't you come back to me
Why don't you love me anymore
Baby Girl, you know I still care for you
You know I will love you forever more

There are times when I kiss you goodnight
I feel the love that we share
I feel the joy inside
But I didn't feel what you tried to hide
And now you're saying goodbye,
Cause your feeling has died

And all I can think about is you
The way you say you love me too
And everytime I close my eyes I see your face
My love can never be erased and you can never be replaced

Baby
Baby Girl, why don't you come back to me
Why don't you love me anymore
Baby Girl, you know I still care for you
You know I will love you forever more

Baby Girl, why don't you come back to me
Why don't you love me anymore
Baby Girl, you know I still care for you
You know I will love you forever more

And all I can think about is you(all I can think about is you)
The way you say you love me too
And everytime I close my eyes I see your face(everytime I close my eyes)
My love can never be erased and you can never be replaced

Baby
Baby Girl, why don't you come back to me(come back to me)
Why don't you love me anymore
Baby Girl, you know I still care for you
You know I will love you forever more

Baby Girl, why don't you come back to me
Why don't you love me anymore(why don't you love me)
Baby Girl, you know I still care for you
You know I will love you forever more


pahabol;

Ito yung kanta na napapakinggan mo ngayun..lols at malamang sa malamang, baka mapakanta kan din ng di Oras... Ito yung 50th Post ko pero dahil nagbago ang isip ko na gumawa ng medyo pabaliktanaw na Post ito muna..hehehe

Kosa



Tuesday, March 10, 2009

Kakaiba


ang mga larawan ay Kuha sa Bus station kung saan ako nag-aabang at nilalamig bawat umaga papasok sa trabaho..

Sobrang Hirap talagang intindihin ang panahon ngayun...

Dito sa aking pinagkakakutaan sa ngayun, Hindi maipaliwanag ng mga eksperto kung bakit hanggang ngayun eh patuloy na inuulan pa rin kami ng Nyebe. Nuong nakaraang taon kase, Pagtapak sa Buwan ng Marso hindi na naramdaman pa extraordinaryong lamig na tinatamasa namin ngayun.. pumapalo pa rin kami sa butata o di kaya nagiging negatibo pa ang aming temperatura. At kaninang umaga nga, pagkatapos bumalik sa tamang oras ang bilangan nuong Sabado ng gabi... hindi pa rin nakatakas ang mga matatakutin sa lamig na tulad ko at magka-snow fall pa rin... haaaaaaayss.. ang mga larawan ang mga buhay na ebidensya..


Nung isang araw..(kelan na nga ba yun?) nabalitaan kong Pumanaw na si Francis M..
Nakikiramay po ang Trip ni Kosa sa mga naulila ni Francis M. sa mga tagahangan at sa bawat Pinoy na nakakakilala sa kanya..
Nawalan tayo ng isang Tunay na Halimbawa ng isang makabayang Artista.
sayo Francis M, may you rest in Peace.. kitakits Parekoy!



Friday, March 6, 2009

Mayabang Ako!


Simula't sapul, MAYABANG talaga ako.. hehehe inaamin ko yun ng bonggang bongga at walang pag-aalinlangan... Malamang sa malamang, Bahagi yun ng aking pagiging dugong aso Kapampangan... FYI, ang tatay ko ay Kapampangan at ang nanay ko naman eh Ilokana. Ang malalapit na kaibigan ko nga, Hindi sila makapaniwala na ang dalawang nagbabanggaang betlogs lahi ang pinagmulan ni Kosa. Mula sa lahi ng magarbo, gastador..mayabang na kapampangan na nahaluan ng Kuripot, matipid, masinop---tahimik at mukang tatanga-tangang Lahi ng Ilokano.

Likas sa Kapampangan ang pagiging magarbo.. MAYABANG, magastos.. basta lahat na yata ng Bonggang bonggang mga bagay eh makikita mo sa Kapampangan. Tulad nung isa kong Prinsipyo nuon at magpahanggang ngayun "Kahit wala kang kapera-pera, kung nagbihis ka ng maayus---malinis at mabango ka, Hindi lahata na Butata ang iyung bulsa". ayan, kayabangan ba yan o isang sakit? hehehe Hindi mo naman kailangang ipakita kung anu ang nasa bulsa mo di ba?

Sabi ng Nanay ko, Ang kapampangan daw, sobrang init ang Pagtanggap ng bisita. Yung tipong ibibigay nila ang kanilang kwarto at malambot na kama para sa mga bisita.. kahit na matulog na sila sa ilalim ng lamesa sa kusina eh ayus lang. Ipagluluto ka ng kung anu anung masasarap na pagkain at with matching serbis pa.. ipagsasandok ka... at kulang nalang na sila ang magsalansan ng pagkain sa bibig mo ng pagkain hanggang sa mabulunan ka at hindi na muling bumisita sa kanila. hehehe joke lang! Hindi ko pa naman napapatunayan yun kase hindi pa ako nabakasyon sa mga kakilala at kamag-anak sa Pampanga..Pero darating din ang araw na yun..hehehe:) kelan, kapag puti na ang uwak.

Sa Ilokos ako Ipinanganak, Lumaki, nagkaisip (meron na ba?), nag-aral, naging gagu-tarantado, Pumampam, Lumandi at natutung makipagharutan. Halos lahat ng mga Puhunan ko sa pakikibaka sa karumaldumal na Laro at Laban sa Mundo ay sa Ilokos ko natutunan. Pagiging matipid maskilala sa tawanag na Kuripot---. Prodaktib--- yung mga bagay na akala mo wala ng pakinabang eh magagawa kong kapakipakinabang. alam mo yung kasabihang "may pera sa basura?" yun yun! Hindi naman sa binubuhat ko ang aking sariling Upuan... ganumpaman, Bubuhatin ko pa rin ito kase lilipat ako nga pwesto.. **at ayan nakalipat na ako sa maskumportableng posisyon**

Kahit kelan talaga hindi ako naging magaling sa iskwela. Simula pa nun, Likas na din sa akin ang maging Pasaway. Kung anu ang gusto kong gawin, kahit sinabihan mo akong wag kong gagawin "oo" ang isasagot ko sayo pero gagawin ko pa rin. Alam kong ang Lahat ng aking ginagawa sa Buhay ko eh kailangan kong panagutan.. At malamang sa malamang na kapag nagsisi ako sa pagsunod sa payo mo, at sisihin kita! babalik din sa akin ang sisi "kung bakit kita sinunod" kaya masmagandang desisyon at diskarte ko pa rin ang sundin ko. Tulad ng sinabi ko, Responsable ako sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko.. At halimabawang nabukulan kita ng hindi sinasadya o sinadya ko man.. Ready ako sa consequences Murahin mo ako---o kung gusto mo, Bukul-Bukulan mo din ako *times two** ayus na ayus lang yun sa akin..hehehe

Ang Pogi talaga nga kombinado na gawa ng dalawang magkasalungat na Lahi.. Tignan mo naman ang resulta, Si Kosa na walang kwenta pero happy'ng happy naman..hehehe nagyayabang ako eh wala naman akong maipagyayabang..lolzz

Ngayung bagong bago ang ayus ng aking Kuta, naninibago din ako... Iniisip ko kung anu pa ang pwede kong ilagay dito.. Kung anu pang mga bagay ang ipapalaman ko dito.. at iba pa.. sabagay tulad nga ng madalas kong sabihin sa ibang makukulit na Blogger, "Ang paggawa ng post ay parang utot... Hindi pinipilit at malamang sa malamang--kapag pinilit mo lumabas nga pero may kasamang iba.." hehehe.. sige sige kitakits pa rin.. para lang akong gumawa ng Komento sa sarili ko nito..hehehe

pahabol:
At dahil sinabi kong mayabang ako.. opisyal kong ipinangangalandakan na isa na akong dotkomista! ohaaaa.. mula sa http://taxikel.blogspot.com napunta na http://www.kosapogi.com . Parang wala ngang nagbago eh. Bukod sa masmadali lang sigurong tandaan at itype.




Wednesday, March 4, 2009

Turning Points


I’m not sure what change we went through first. But 1 thing I’m so very sure of - that we have gone through a looot of changes before coming up with every inch of the “us” now. Some of w/c are very crucial changes; the make or break at some level of our lives.. The so called ‘turning points’..

Each of us has his/her own turning points that we consider. People comes in variety, and so does change. As for me, counting how many turning points i already had?? Well, that probably needs a deeper thinking.. But ‘m sure i had my fair share..

Fortunately &/or unfortunately, I’m on the most serious one so far. The feeling? Can’t put into words. One of the grown up stuffs that is really complicated. Crucial decisions to make; the better and bitter part is that ‘I’ have to make it, weigh things from what I learned from my soon-to-be 25 years of living. Literally,decision making is now an obligation w/ a lot of responsibilities and strong commitment to consider. The most excruciating truth about it is that it is much much easier said than done. If it’s already hard just putting into words how it feels like, what it feels like…- imagine putting it into action.. how it’s done, what to do.. It’s like a blank canvas you are obliged to face, have to make your master piece in it without yet the necessary tools and everything. A lot of thinking, a lot of strategies..guts,risks to take and rules to break. And whatever the outcome, it’s yours to explain, to defend, to bear..- for a long period, if not for the rest of your lifetime.

In one way or another, we all will have to go through life’s turning points. We may vary in many aspects - beliefs, reasoning, strategies, doubts.. We may differ at many things - environment, lifestyle, economic status, religion, raise, educational level.. etc.. But the fact that we all go through changes every now and then remains. I bet all of us at some points of our lives, gone/go through the crazy adventure of failures and success, contentment and regrets, laughters and tears, smiles and sighs, profits and debts, heavenly peace and sleepless nights, sweet and sour memories, and so on..

The point is- life’s road has a lot of twist and turns, highs and lows, ups and downs.. and that we all have to deal with in the best way we know and the best way we can.. Whatever we have to do, we can only do it NOW!