"MASAYA KA BA?" ang kanyang tanung...
**buntong hininga** napaisip... napatanung ako..
matapos ang ilang segundo,
"OO NAMAN---KASE KUNTENTO AKo" ang sagot ko..
Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yung sagot na ibinigay ko sa kanya.. Parang kusang nagtipa ang aking mga daliri sa sarili nyang isasagot... Pagkatapos kong manahimik... magmuni-muni.. magkunot noo.. mapa-isip ng ilang beses.. OO NGA MASAYA BA AKo? ang tanung ko sa aking sarili...
Sa isang banda ng aking konsensya, may nagsasabing OO.. Merong ding dyablo na nanggugulo't sinasabi ang malaking HINDI ako masaya... haaayssss.. diko alam kung sinu sa kanila ang paniniwalaan ko.. Likas din naman kase akong masama na minsan eh, Tinatamaan din ng Kurot ni Konsensya.
MAsaya ako.. OO nman... Hindi ko sasabihin na nabubuhay ako sa kalungkutan... Hindi naman kase sa lahat ng oras eh nasabanda ng kadiliman ang aking Buhay. Kung nasa kadiliman man ako minsan, madalas kong ipikit ang aking mga mata at isipin ang Liwanag at mga panahon na ako'y nasa Ulap... Nilalasap ang Liwanag galing sa walang hanggang pagpapala ng liwanag ni Haring Araw..
Ang Buhay ay sobrang mahiwaga.. Baku baku.. pabilog na gumugulong.. mahangin at madalas binabagyo... kundi man ay nililindol at inaatake ng iba pang mga Likas na hagupit ng kalikasan at ng Panahon.
MASAYA ako sa BUHay Ko Kase KUNTENTO AKO.
Kunteno sa Payak at Yagit na pamumuhay.
Saan nga ba nakabase ang kaligayahan sa aking Buhay?
Para sa aking walang kwenta at pansariling paniniwala, Hindi naman mahalaga kung anung mga materayal na bagay ang meron ako eh. Ang mahalaga, yung mga bagay na nagpapapaligaya sakin ng hindi panandalian kundi pangmatagalan... Yung tipong Hindi nabibili. Tipong natural... Tipong hindi Pilit---
Hindi nabibili nga pera ang TUNAY na saya.. may mga Ligaya at saya man na naibibigay ang pera pero PANANDALIAN lamang yun. Hindi nagtatagal.. parang alak na kapag nawawala ang Bisa hanggang dun na lang.
Hindi na susukat si Edukasyon mo ang kaligayan mo.
Hindi sa mga gamit mo...
Hindi sa Pera mo...
Hindi sa mga ari-arian mo...
Nasusukat sya sa kung gaano ka kasaya sa mga simpleng bagay na ginagawa mo.. wala kang inaapakang ibang tao upang umangat.. mga simpleng bagay na nagbibigay sayo ng PAGKAKUNTENTO eh ayus na ayus na. isama mo na din ang pagiging Pogi mo sa mata ng nanay mo.
Hwag mong hanapin ang mga bagay na di pa dumarating sa'yong Buhay.
Hwag mong angkinin ang mga bagay na di mo pa kayang panagutan.
Hwag mong madaliing pahinugin ang mga bungang bubut pa.
Hwag mong asahang tutubo ang butil na inamag na.
Hwag mong abutin ang mga bagay na alam mong di mo abot.
Tulad ng mga bagay na madalas kong sabihin, ang mga bagay sa iyung buhay ay darating at darating sa tamang panahon... Parang utot yan..Kusang lumalabas at Hindi kailangang pinipilit... alam mo na ang mangyayari kapag pinilit..hehehe
Sa kabilang Banda, may kanikanya tayong Pamantayan sa kung anung mga bagay ang nagpapaligaya sa atin... ito lang ang masasabi ko, MASAYA KA Ba?





