Saturday, January 31, 2009

Anu daw?

Pebrero naaaaaa!!!

At dahil sa Pebrero na.. eh anu ngayun?
Sinasabi ko lang naman ahhh..

Hayyyyy! Ilang tulog na lang araw na ng mga Puso... Nalulungkot tuloy ako kapag dumadating ang mga ganitong okasyon ng taon. Hindi ko nga alam.. Basta! naisip ko nalang yung sinabi ni Pareng Bob Ong.. "Kosa pareko, kung naghihintay ka ng Lalandi sayo..walang mangyayari sa Buhay mo... Dapat Lumandi ka rin..."

Madami kase ang nagsasabi na ang pagiging single eh, nakasalalay sa Pinipiling Ruta at Daan yan. Kumbaga... sa byahe, pinili mo yung upuang pang-isa lang o di kaya mabaho ka kaya walang tumabi sayo..

Madaming rason at dahilan ang pagiging single.. madalas, kulang ka sa oras.. kulang ka sa sa libog.. walang mapili.. masyadong mataas ang standard mo.. ayaw sa kanya ng relatives mo.. ayaw sayo ng magulang nya... walang nagkakagusto sayo... at kung meron man, baka di ka marunong magdala ng relasyon na gaya ko...

Matagal tagal na din akong single... Bukod sa bata pa ako, madami pa akong gustong abutin sa karera ng buhay na naumpisahan ko at di ko natapos. Minsan kase nakakainsultong magmahal ng Prinsesa kung ikaw ay isang hamak na palaka... Pero sabi nga nila, may Himala sa lahat ng naniniwala... at alam ko sa darating na panahon.. Kung talagang kayu ay para sa isat isa, kayoy magkikita!

At bago pa mauwi ito sa maintrigang sumbungan;

Nais ko munang magpasalamat kay manilenya at yung sagot ko sa sulat mo idol eh, isusunod ko na... hindi pa kase ako nakakabwelo.. sobrang haba kase ng sulat na gagawi ko para sayo...
pangalawa, nagpapasalamat din ako kay Everlito ng Pamatay Homesick sa isang espesyal na pagsingit sa aking pangalan sa kanyang Post.
Pangatlo, kay SuperGulaman na binigyan din ako ng isang nakaka-touch na puwang sa kanyang PinakaHuling post..

Dalawin Nyu din sila.. hehehe..

Wednesday, January 28, 2009

Emosyon

Hayaan mong umpisahan ko ito ng isang malaking pagmumura...

Taena nman ohhhh!!!

bakit ganun? bakit ba kailangang pakiaalaman ang diskarte mo? Bakit ba may mga taong feeling eh sobrang galing galing? taena!!

Bakit di nalang sila tumahimik at tingnan ang kalalabas ng aking Ginagawa! taena.. kapag ganito pa naman na pinapakialaman ako eh parang Gusto kong manakal! sabay yugyuog at sabihing tumahimik ka nga!!! yung tipong hanggang sa mawalan ng hangin ang kanyang utak..

Pero dahil ako ay alagad ng isang mapayapang Mundo eh sunod-sunuran naman ako.. yung tipong kapag sasagot na sana eh biglang umuurong si Dila at ayaw ilabas ang mga rason at paliwanag... kapag wala na sa trabaho eh dun lang pumuputok!

Ang masama pa nun eh, kapag yung tinuro sayo ay pumalpak at sabihin sa Boss na sya ang promutor eh, ipagdiinan sayu yung kasalanan.. yung tipong parang wala syang alam!!!
taena..

yun yung mga taong;

1. sobrang sarap sakalin..
2. mga taong dapat eh tinatahi ang bibig!
3. mga taong sobrang sarap taktakan ng paminta sa mata!
4.sobrang sarap itulak sa bangin.. o di kaya sa harap ng rumaragasang truck.
o di kaya
5. niyayapos ng sinturon ni Hudas sabay sindi!

Magingat yung gunggung na yun sa akin.. taena maiisahan ko din yun! akala nya!?! isa akong Proud Ilocano at hindi ako lumalabas ng bahay na walang katigastigas!
taena sya!!

Sunday, January 25, 2009

Buhay Canada


Nuong i-Post ko ang Juana Bayani, naging maintriga ang trabaho ni Kosa!

Hindi naman sa pumasok na ako sa Prostitusyon at Pagbebenta ng aliw (wish ko lang!), kundi dahil sa aking tinuran na aking pinaggagagawa (trabaho) dito sa lupain ng pulang dahon ng Maple. May mga walang pakialam... may mga nagduda. Napakunot-noo.. napakagat-labi.. napatanong.. naningkit at nangulit! ANU NGA BA ANG PINAGGAGAWA ni Kosa dito sa Canada?

Pero ito ang totoo... Nahihiya man si KOsa... Taas noo ko pa rin aaminin na AKO ay isa sa mga libo libong naghihirap na utusan dito sa mundo...

Baliktanaw(ulit!?)

Kulang-kulang dalawang taon na rin simula nuong lumapag ang aking mga paa dito sa Bansa kung saan sinasabi ng iba, lupain kung saan ang mga pangarap ng katulad kong sawi ay natutupad. Sa ilang tao na pag-dadasal... paghiling sa bawat bulalakaw na masilayan.. manawagan sa lahat ng mga San - Santo—at Mga Santa, nakamit ko ang aking pangarap na makaalis sa Maralitang Isla ng Pilipinas.

Duon ako nagsimulang magkaroon ng Pag-asa sa mundo. Mag-iipon... bibili ng mapapangasawa... magpapatayu ng sariling bahay.. mag-nenegosyo, atbp.

Trabaho

Umentra ako dito sa Canada bilang isang dakilang caregiver... kung napanood mo yung pelikula ng Ninang kong si Sharon Kubeta, hindi naman ganun kakeso ang buhay ko! May mga Oras na nahihirapan ako pero oks lang dahil manhid ako. Lalo pa’t kapag tapos na ang trabaho ko eh, pwede ng lumayas finished or unfinished! Di tulad nung mga napasukan kong trabaho dati sa Pinas na usong uso kun‘di man ay bahagi na ang style Rosa Rosal na kawang gawa. At dito, kapag lumagpas na sa oras yung pagtatrabaho mo, that means OT nay un at kailangan nilang bayaran.. with certain percentage na masmataas kesa sa regular per hour. At iisipin ko lang na matatapos ko din yung probation ko dito... makakapasok sa masmatinong trabaho at makakapag-aral ulit.. yahoong yahoo! Solve na ako at may malaking rason na ako upang makangiti ng malaki..pamapapogi! pampabata.

Mga Raket

Ito ay illegal at sana ay walang makakalabas at magsusumbong... Ang unang raket (weekday nights) ni Kosa ay pagsama sa mga kriminal na nagpupuslit ng kontrabando, droga at mga pambomba sa amerika! gayundin sa mga Cleaning maintainance works... linis sa mga opisina kasama na ang kusina at kubeta! kadalasan, ginagawa ito sa gabi hanggang madaling araw kaya fit sa schedule ni Kosa. Ang pangalawang raket (sat&Sun) ay ang isang kapehan na kung saan nakapangalan akong empleyado sa hindi ko pangalan... Hindi kase ako pwedeng kumuha pa ng LEGAL na trabaho ngayun kase bahagi yun ng aking restriction sa programa ng caregiver para kapag natapos ko yung 24months employment as caregiver eh, entitled akong mag-apply ng immigrant status(sana nga!!!).

Minsan, sinasamahan ko mga batang anak ng mga Pinoy. Makikipaglaro, makikipagkulitan at papakainin. Hindi kase pwedeng iwan mag-isa ang mga bata dito (12y.o.below). at syempre may konswelo de bobo din yun! Mahirap tumanga at tumunganga na wala sa monitor ng computer ang iyung mga mata!

Looking Forward

Madami akong mga bagay na gustong gawin sa aking buhay. Sa edad ko ngayun, di ko pa naenjoy masyado ang buhay ko. Pero sabi nga nila, ang pagkatok ng mga oputunidad sa ating buhay eh minsan minsan lang. Kapag di mo sinunggaban, baka din a bumalik yan! kaya sabi ko, babalikan ko nalang ang aking pagkabata kapag ako'y tumanda na.. may mga ganun nman di ba?!

Saturday, January 24, 2009

Baliktanaw sa Survey Survey

SIKRETO

Isang kaibigan ang nagtanong sa aking (seryosong) Opinyon tungkol sa usaping ito at sa hindi inaasahang palitan ng message eh, isang matagal na sikreto ang kanyang ipinagkatiwala sa akin. Hindi ko na babanggitin kung sinu sya kase una, hindi naman na kailangan pa. pangalawa, respeto na rin at pangatlo, kahit siguro sabihin ko ang tunay nyang pangalan 'di nyu din yun kilala kase hindi nman sya blagero.

Sa unang tingin di mo mahahalata. At sa mga nagdaang mga taon na aming pinagsamahan bilang magkaibigan eh ni hindi ko inakala na may ganun pala syang nararamdaman sa loob ng kayang pagkatao. Malaki ang respeto ko sa taong ito. Nakasama ko sya sa trabaho nuong nasa pinas pa ako at hindi sya yung tipong palakibo. Hndi din sya yung tipong makulit! sya yung tipo ng katrabaho na nirerespeto dahil sa pagiging propesyonal, dedicated, maayos at maasahan sa trabaho. at Bilang isang kaibigan, wala rin akong maipintas. Isa sya sa the best!

MGA TANONG

Anu nalang sasabihin ng mga tao? baka naman magbago ang pakikitungo nyo sa akin? Tingin mo pareko, ok lang ba? yan ang tanong nya...

AKING SIMPLENG PANANAW

May mga tao siguro akong masasagasaan sa mga sasabihin ko pero uunahin ko na po ang aking paghingi ng pang-unawa. Ito po ay aking pananaw lamang.. simple at makitid na pananaw at anu man ang reaksyon ng iba bukas din po ang aking kuta.. irerespeto ko din po.

Una, marami-rami na din ang aking kakilala na nabibilang sa kanila (mga bakla at tomboy) at naalala ko pa, karamihan sa kanila, sinabi na hindi nila ginustong maging ganun. Para sa akin, hindi nasusukat ang pagkatao ng isang tao sa kung anung sekswalidad meron sya. ang mahalaga wala silang inaapakan na ibang tao at masaya din sila gaya ng mga masayang normal na taong katulad ko.hehehe.

Pangalawa, Madami din namang mga taong akala mo eh babaeng babae.. o di kaya lalakeng lalake pero kung responsibilidad at pananagutan sa buhay ang pag-uusapan eh wala naman silang ibubuga. nasaan na ang kanilang mga bagkalalake at pagkababae? palaging nakatago..lols

Pangatlo, di ba ang mahalaga eh, happy ang lahat? eh paanu nalang yan, kung wala palang reincarnation paanu pa sila makakabawi sa susunod nilang buhay. sayang naman!!

Pang-apat, sabi nila lalake at babae lang nilikha ni Lord sa mundo. kung ganun, sinu ang lumikha sa sangkatutak na bakla.. sangkaterbang mga tomboy at sandamakmak silahis at bisexual? alangan nman na bigla nalang silang sumulpot sa mundo na parang kabute?

ANG PAYO

ito ang aking payo sa kanya:

Diko alam kung anu ang sasabihin ko pareko, pero dahil hinihingi mo ang aking opinyon, sige sasabihin ko sayo... Hindi ako pabor. sa madaming anggulo kase, madaming madadamay at masasaktan. sa mahigit na 27years mo sa mundo, ngayun mo lang napag-isisp isip yan? Yung nanay at tatay mo.. yung mga kapatid at kamag-anak mo... mga kaibigan mo, tingin mo madali nilang matatanggap yan? di ko alam... ako nga mismo nabigla eh.. yung mga masmalapit pa kaya sayo?

Pero dahil kaibigan kita, anu man ang mangyari kaibigan pa rin kita! susportahan kita... Hndi ko man lubos na maintindihan ang pinagdadaanan mo, alam kong pinag-iisipan mo din ang mga susunod mong gagawin.

Anu man ang magiging susunod na hakbang mo, tandaan mo lang na sa bawat desisyon na gagawin mo, may katapat na pananagutan yan! pananagutan na walang ibang sasalo kundi ikaw lang... lalo na't hindi pa ganun katanggap ang mga ganitong relasyon!

yun lang..hehehe kulang ba?

PAGTATAPOS

Pinabasa ko din sa kanya yung Post na survey survey kasama na mga komento pero di ko na inalam ang kanyang reaksyon.

Sa post na survey-survey, madaming nagpahayag ng kanilang mga sariling kuro-kuro, pananaw at sentimyento. sa inyung lahat; LordCM, Bino, Chyng, Gillboard, yanah, The Dong, LifeandRunAway, MarcoPaolo, Chris, Ms.Donna, Ac, Majik, Amor,nanayBelen Myk2ts, Poging Cano, Sphinx, Jof, Joshiemarie, CutterPilar, DocRJ, JeszieBoy, Jake, Dhianz, Dylan, AkinaBukolmo,Mulong, Dudung, Mpapel, Lucas at batangMailap... Sa ating lahat, Mabuhay Tayo!!

Friday, January 23, 2009

Baku-Bakung Ruta!

Dahil nagiging busy na din ang pasada ni Kosa.. hindi yata kasali sa krisis pandaigdig ang aking mga Raket pangkabuhayan, nawawalan na din ako ng oras para sa aking sarili... Kahit di na maligo basta makapasyal-pasyal lang sa iyung mga kuta... papasada sa mga Ruta.. at dadaanan ang mga baku-bakung Kalsada!

Mantakin mong sobrang dami ko na palang takdang aralin na kailangang tapusin!

narito ang mga susunod na Rutang papasadahan ni Kosa:

1. Pananaw at Kritiko sa aking survey-survey!
napabayaan ko na nga palang balikan yun... ang aking sariling pananaw at kung bakit may survey survey na nangyari.

2. Buhay, Trabaho at Mga bagay bagay tungkol kay Kosa dito sa aking Kuta.
nuong ilabas ko ang aking post na Juana Bayani, may mga nagtanong, nagduda, naningkit, nangulit at nanatiling tahimik sa kung anu nga ba ang kalagayan ni Kosa sa Buhay ibang bansa.Partikular sa trabaho at madami pang iba.

3. Sulat para sa Masa
nakatanggap ako kamakailan ng isang espesyal na sulat galing kay MANILENYA. Hindi ko na yun napagtutuunan ng pansin kahit nabasa ko na... basta gagawa ako ng sulat---sagot sa sulat ni manilenya at madami pang sulat para sa mga taong espesyal at madalas umepal sa aking buhay!

4. Goal para sa taong 2009.
naalala ko, hindi pa pala ako nakakapaglatag ng aking Plataporma para sa 2009. syempre kailangan maglatag din ako.. para nman may Ruta akong susundan para sa agos ng buhay ni Kosa para sa taong ito..

5. at ang mga susunod na Ruta ng pasada ay inyung malalaman. sa susunod na buwan..

Maagang Maligayang Araw ng mga PUSO!!!

Wednesday, January 21, 2009

Nagbabalik

Ilang araw ding hindi Bumyahe ang Byahilo sa blogosperyo...
Hindi naman sa tinamad ako! kundi dahil na din sa akoy nawalan ng kuneksyon sa internet. Mahigit 76 na oras akong nawalan ng kuneksyon at iyun ay dahil sa taenang - hinayupak na technician ng Telus(internet provider ko).

Nuong sabado, bigla akong nawalan ng connection sa internet sa hindi malamang dahilan... sa aking pagkataranta, nai-dial ko ang technical support ng Telus at laking gulat ni Kosa nuong isang amoy bagoong na hininga ang sumagot sa kabilang linya! Letchugas na walang balat!!! Buti nalang at Filipino pala ang mga sumagot sa aking tawag... at take note, nasa Pinas sila! at dahil hindi naman talaga ako marunong mag-ingles eh, Sumbong agad ako sa kabaliwan na nangyayari sa aking connection.. Kung ilang ulit din nilang pinapatay - sindi ang aking modem para daw ma-refresh! makalipas ang 20mins na palitan ng laway, sinabi nung ahente na magpapadala sya ng technician... pero kinabukasan na.

Kinabukasan, tumawag sa akin yung technician... sabi nya, darating daw sya sa loob ng isang oras.. dumaan ang isa.. dalawa.. tatlo.. tatlot kalahating oras.. wala pa rin ang ayup.. nang-indian na yata. At dahil ako nman ay may raket na papaliparin sa araw na yun, lumayas na ako... Hindi ko na nahintay ang loko.. Pagdating ko sa trabaho, tumawag ang loko.. Paliwanag sya ng kung anu anu! Dahil maganda naman ang gising ni Kosa sa araw na yan, pinatawad ko na at napagkasunduan naming Lunes na nya aayusin yung aking connection.

Lunes, dumating yung technician(at indian nga!) kalikot agad sya sa mga kable ng kuryente.. kable ng telepono at madami pang kable... tapos nabuhay nga ang aking linya.. Yahooooo.. oks na! tenchu tenchu! yun ang aking sinabi.. Pero na-overwhelmed yata ag loko at sinabi pa nyang para masigurado eh aakyatin nya yung poste.. titignan daw nya kung oks yung wire dun. kase mahina daw yung speed ng aking linya(3meg yata) taeka oks na wag mo ng gawin... yun ang sabi ko..
Paglabas nya ng gate ayun inakyat nga ng loko ang poste gamit ang kanyang super hagdan! alam ko aayusin nya kaya kampante ako.. after mga 1hour, akala ko hndi pa sya tapos.. pagtingin ko sa poste wala na ang Loko... taena eh bat sya umalis eh wala akong connection.. lalong sinira ng loko ang aking linya! malamig pa sa bangkay ang Linya... walang kabuhay buhay!

Tinawagan ko sya... sinabi kong patay ang aking linya.. bumalik nga ang loko..pero dahil 4pm na.. madilim na sa oras na yun.. Tinignan lang nya ang modem na madaming ilaw ang nawawala.. Sinabi nya na babalik nalang sa sa susunod na araw...

Dahil maaga ang aking raket sa araw na to, pumunta nalang mag-isa yung technician.. inakyat yung poste at inayus ang kanyang gusot.. Pagbalik ko ng bahay! tenenennnn... Buhay na ang aking linya. kaya eto..

Pasyal pasyal ulit.. dadaan at papasadahan ang mga Ruta ng Bayan.. kasama na ang mga expressway.. at kahit pa oneway..lols

kitakits!


Friday, January 16, 2009

Juana Bayani



Bayani "Kuno"

Mga Hinaing ni Juana, nakikiisa si KOsa.. Hindi naman sa isa akong anti-PGMA pero yung mga epal nya tungkol sa Buhay OFW at OCW eh, TAMA at SAKTO talaga...

Focus muna tayo dun sa mga sinabi nya tungkol sa ilang mga kababayan na akala mo kung sinung mayaman na makaasta eh, pareho mo rin lang nman na Filipinong nakikiapak lang sa Banyagang Lupa.

Isang tingin palang sa isang tao, mahahalata mo agad kung sya ba ay kalahi mo.. lalo na kung malapitan mo at malanghap mo ang natural na amoy Pinoy... Iba iba kase ang mukha ng pinoy na nakaapak na sa ibang bansa.. May nagbabagong anyo.. nagmukang Arabo.. nagmukang Bumbay.. nagmukang African.. at nagmukang Redford white... Basta.. kung hindi man mukha ang nagbago, sa pananamit o di kaya sa ugali.

Pero anu man ang gawin nilang pag-iibang anyo at pag-iibang kilos, hindi sila nakakalusot sa mapanuring pakiramdam at pang-amoy ni Kosa. Iisa lang ang amoy ng pinoy at tandang tanda ko pa yun... kapag amoy bagoong.. amoy daing.. amoy pasayan... amoy talakitok.. dalagang bukid.. amoy bulad.. amoy alamang.. sakto kalahi mo yun!!! walang duda.. PINOY nga yun!

Iba nman kase ang amoy ng Arabo... amoy kilikili ang mga yun! o di nman kaya amoy paa na may kasamang alipunga. Ang Bumbay, amoy ginisa!!! ginisang Luya.. Ginisang sibuyas o di kaya bawang.. amoy Pusit nman ang mga African.. ang mga 'cano nman, amoy pusang basa sa ulan.. tapos napabanguhan.

Kwento

Nakakainis lang minsan na may mga kababayan na akal mo kung sino. Parang ang sarap tirisan ng pimples sa Ilong. May isa akong experience nung isang linggo...

Habang naglilinis kami ng Kubeta sa isang opisina, Biglang pumasok yung Dabyana (halatang Pinay).. akala mo kung sinung pinalabas kami ng kasama ko.. eh babae nman yung kasama ko.. shet nya.. oks na sana na ako lang ang palabasin pero yung isali nman yung kasama ko eh sobra nman yun!! Akala mo kung sinu eh, empleyado lang naman pala sya ng insurance company. Buti nman kung bigtime na kumpanya! Sa sobrang liit eh malapit na rin yatang tamaan ng Krisis pandaigdig.. eh, magkano lang ba ang per oras nila? mababa pa sa pero oras ng tagalinis ng kubeta! nek nek nya!

Kadalasan, ang mga filipino na nagkalat Dito sa canada, nagtatrabaho sa mga propesyon na hindi nman nila gusto.. pero anung magagawa mo? eh dito ka kikita ng MASMALAKI kumpara sa pinas. May kasamahan nga ako dati sa trabaho ko na isang Dentista sa pinas.. xray technician.. Teacher.. at yung isa Politician(Brgy.Kgwd). Eh anung ginagawa nmin? taena.. Tagalinis ng opisina!! Tagaligpit ng kalat!! Taga Tapon ng basura! TagaKuskus ng kubeta! Letcheng buhay nman to! eh anu ngayun? malaki nman ang kita..

May mga Pinoy na nagtatago sa mga litratong ipinapadala nila sa pinas... akala mo nurse nurse dito, yun pala, practical nurse lang! o di kaya Housekeeper ng Ospital. Hindi nman sa minamaliit ko sila.. Hindi nman lahat! Pero totoo. it takes time ang mag-settle down sa banyagang lupa.. Para kang nakisali sa Survivor kung tutuusin. Namimiss mo yung pamilya mo.. yung mga kaibigan mo.. yung dati mong pamumuhay.. naiinggit ka sa mga kapamilya mong pinapadalhan mo sa pinas na akala nila tumatae ka ng pera dito sa abroad na maalala ka lang nila kapag kailangan nila ng sangkatutak na pera! Ikaw nman si tangengot.. Okidoki agad..

Pananaw

Haaayyyy buhay abroad nga nman.. Tama ulit si Juana, Bakit ka nga nman magpapakuha ng litratong umiiyak at ipapadala sa pinas? Syempre yung nakasoot ng maayos.. nakangiti at poging pogi! sinu ba sa atin ang gustong makunan ng litrato na nalulungkot (hindi lungkot-lungkutan!) madungis... nagkakanda-kuba sa trabaho at naghihirap!

PangHuli, OO nga! mahirap ang nasa Abroad.. Pero hindi nman laging naghihirap... May mga oras din na masaya.. At ang pinagpuputok ko lang eh napakaOA nman nung TAG sa mga pinoy working abroad na BAGONG BAYANI.. shetness.. kinikilabutan ako..

Bakit mo tatawaging mga bayani ang mga Taong umalis ng bansa para pagsilbihan ang mga Banyaga? Para kumita ng Banyagang pera, mag-immigrant at tuluyang itatwa ang Pagkapilipino.. Bakit di nila papurihan yung mga Duktor? Nars? Guro? Inhinyero? Arkitekto... at madami pang mga Propesyunal na nananatiling tapat at nagsilbi ng dekadekada sa ating bansa at patuloy pang nagsisilbi!? Bakit di sila ang Tawagin mong Bagong Bayani? Kase, nagtitiis sila sa ating bansa.. Hindi iniisip ang sariling kapakanan para umunlad at magtrabaho at manirahan din sa ibang bansa... Letcheng Buhay nga nman... Hindi ako Proud na tawaging Bagong bayani kase alam ko hindi ako karapat dapat!

Masmadaming Bayani sa Pinas.. o hindi kaya bayani ang tawag sa kanila? Martir lang?


Thursday, January 15, 2009

Chikinini

Problema mo ba eh CHIKININI?
nakaladlad sa leeg mo?
di mo matago-tago?

Taena.. bakit kase sa dinami dami ng pwede mong pasipsip. leeg mo pa?

May UTONG ka nman siguro di ba?

hehehe.. peace!!!

joke lang po!

Ang post na ito ay para kay Doc Aga!

Tuesday, January 13, 2009

Ang Lumang Tsinelas








Dahil isa akong uto uto at talaga namang wala na akong maisip na ipost, papatulan at susunggaban ko na ang tag kasama na maagang penitensya na ibinahagi sa akin ni LordMC ito ay tag na nakabase sa kwento ng tsinelas..

Yaman din lamang na nakuha na nya ang mahiwagang tsinelas ni Snow White na naiwanan nito sa kanyang pagmamadaling makauwi dahil papalapit na ang hatinggabi at baka nga nman baka ma-rape, hindi ko na dedekwatin pa yung kwentong iyun!

Ito nman ang aking kwento tungkol sa tsinelas (hindi sapatos).

Nuong nasa mataas na paaralan pa si Kosa, madalas nagdadala sya ng tsinelas sa Eskwela.. maskumportable kaseng isuot ang Tsinelas kesa anu mang sapin para sa Paa.. aminin man natin o hindi may mga probinsyanong katulad ko ang tinatawag na badooooy kapag nakita mong naka-uniporme tapos nakasuot ng Tsinelas... pero depende nman yun.. Pagdating lang sa Iskwela ako nagsusuot ng tsinelas. kapag naglalakad sa kalye syempre nakasapatos din.

Madami ding nakigaya kay Kosa.. karamihan sa kanila mga Titser..lols
Dati, yung Titser namin hindi nagdadala ng tsinelas sa iskwela.. pero isang araw, nagdadala na sya.. pagdating sa iskwela itinatabi na nya ang kanyang sapatos at pinapalitan ng tsinelas... hindi ako alam kung mamahalin yung sapatos nya kaya ayaw nyang maluma lang sa iskwela na puro musmos na estudyante lang ang nakakakita.. diko alam kung kapareho ng aking rason ang kanyang rason at pananaw patungkol sa pag-susuot ng tsinelas.

Isang araw na umuulan, sinabi ng tyuhin ko na ihahatid nya kami sa iskwela at susunduin pagkatapos. Sabi ko, tutal hindi naman ako maglalakad at umuulan pa, hindi na ako nagsapatos.. Tsinelas na ang isinuot ko. Dun na nag-umpisa ang kamalasan ko sa tsinelas sa araw na yun.

Una, naapakan ako nung kaklase ako. at dahil nakasapatos sya at ako naman ay hamak na nakatsinelas lang, Talong-talo ang hinliliit ng paa ko... araaaaay!! tae kaaa...
Dahil sa naapakan ako nung tarantadong yun, pagkatapos eh, hindi pa marunung mag-sorry... ako pa ang sinisi na bakit daw kase ako nakatsinelas? eh paki nya!? sinapak ko nga ang engot para magkahangin ang utak.
hindi na sya nakaganti kase inawat na sya nung mga kaklase namin. Buti nga!!! hindi pa nman ako makatakbo kase masakit ang hinliliit ng paa ko.

Akala ko duon na natapos ang usapang tsinelas na yun, hindi pala dahil nung uwian na, hinahanap ko ang kapares ng aking minamahal na tsinelas, nawawala ang isaaaa!!! hindi ko na makita.. Hinanap ko sa lahat ng sulok pero wala na talaga... naisip ko nalang yung kaklase kong nakaapak sa akin na medyo nasapak ko dahil nabigla ako.. hehehe

Nagpapasalamat ako kay LordMC sa pagbabalik nya sa nawawala kong tsinelas... sa mga hinahanap naming tsinelas.. Tulad nga ng kasabihan;

Maisuot mo man lahat ng mamahaling at ibat ibang uri ng sapatos sa mundo, pagdating mo ng bahay, iba parin si Tsinelas

Saturday, January 10, 2009

Survey Survey

Matagal ko ng napansin ang issue na ito pero ngayun ko lang ulit napasadahan dahil sa kakaisip ng Bagong Post. Kanina, napadaan ako sa Blog ni BatangMailap at napansin ko yung post nya.. mapadaan din ako kamakailan sa blog ng isang taga Wordpress na may temang ganyan din pero Mga babae nman.. sa kasamaang palad nakalimutan ko pala syang i-bookmark kaya nung gusto ko na syang balikan di ko na matuntun kung saang sulok na sya ng bilog na mundo...

Ito yung Kuha ni ManikangPapel.. Bale, ninakaw ko lang to. Nagpapaalam nman ako... kaya lang walang sagot.. Kaya kinuha ko nalang!

Sa Batas ng mga Epal na katulad ko; SILENCE MEANS YES!

Ito ang Survey:
sabi nga ni Paperdoll, Oks lang ba?
Tanggap na ba sa Mundo ang gantong relasyon?
Hindi lang sa Lalake kundi pati na din sa Babae...




Pasensya na wala akong maisip na ibang Post eh!

xxx:
nagpapasalamat nga pala ako sa mga nakibertdey sa aking SuperNanay! nakakataba ng puso na makitang madaming bumabati at nag-wiwish ng Happy Birthday!!!
Binabati ko na din si Dhians at si LordCM na nagpasa sa akin ng sobrang Hirap na Tag...

Thursday, January 8, 2009

SuperBirthday

Isang maligayang Bertdey para sa aking Super NAnay!!!

Hindi lang sya super nanay kundi,
super Lola
super kapatid
super anak
super mapagmahal(kaya)
super asawa( martir)
super kapitbahay
super empleyada
super workmate
super istrikta
super(hilig sa) Kape

super antukin
super sungit(sa kasungit-sungit na tao)
super concern citizen(problema ng bayan problema nya)



Hindi ito yung perst taym na hindi ko kasama yung nanay ko para sa kanyang bertdey. Pero ganun pa man madami din akong mga bagay na hinihiling para sa kanya... Kapag bertdey nya kase hindi lang sya yung may karapatan na mag-wish kundi ako din. pero syempre yung wish ko para sa kanya! As always, nangunguna na sa listahan ng wish ko yung kalusugan nya.. sana manatili syang malusog. kahit wala syang kaperapera alam kong masaya sya basta malusog sya. pangalawa, Happiness. sasabihin ko pa ba kung anu yun? ahhhh basta alam nyu na yun.. happiness.lols pangatlo, sana makuha nya lahat ng hinihiling ng puso nya. yung mga bagay na sya lang ang nakakaalam.. yun na yun.. di ko din alam.. basta sobrang dami pa ng kasama ng listahan ko pero yan yung mga Pinaka.

Hindi alam ng nanay ko na nagba-blog ako kaya kailangan ko pa syang tawagan para batiin sya ng hapi bertdey.. kaya dyan muna kayooo...


Isang Tagay para sa 51st Birthday ng aking Super Nanay!!!


p . s .
sa mga nakikibithday, maraming salamat po!! sa susunod na yung pakain..




Sunday, January 4, 2009

Tumbong


Bakit ganun?


Parang kayo, Pero hindi nman kayo...




May mga Pagkakaibigan kase na oks na... Tapos kapag na-convert mo na sa isang pag-iibigan eh nawawala na yung sarap... nawawala na yung excitement... Kumbaga parang isang baso ng coke na hinaluaan maraming tubig... kulay coke parin pero matabang na...

Madalas nga, mas OKs pa yung kaibigan nalang... yung tipong parang kayo pero hndi naman kayo.. na parang kayo.. lols:)) basta parang ganun.. magulo pa sa buhok mo sa kilikili kung ipapaliwanag ko.

Ito yung diperensya ng magkaibigan at magka-ibigan:

Si kaibigan, pwede mong batuk-batukan sa harap ng nanay nya.. pingutin sa harap ng lola nya.. pwede kang makipagharutan sa kanya o sa kahit kanino sa harap ng kung sinu-sino... pwede mo syang harapin na may gatas ka pa sa labi (natuyong tulo-laway) muta-muta at bagong gising. Walang pakialamanan...wala kang iniisip na mga dates kung kelan ang unang halikan.. kung saan.. kung anu ang unang pelikula ang inyung pinanood sa sine.. at madami pang iba...

Sa kabilang banda, si Ka-ibigan, kailangan mong magpakahinhin o magpakatino sa harap ng kamag-anak niya. Kailangan pogi o pretty ka lagi. Kailangan, remember mo lahat ng importanteng araw.. oksayon. Maging mga bagay na may kinalaman sa inyung dalawa. Paboritong pagkain.. Kung ano ang di nya kinakain.. at sooooobrang dami pa.

Ang pagkakaibigan kase walang commitment.. may pagkakaunawaan... yung tipong isang kindat lang alam mo... yung tipong tingin palang gets mo na! Ganun na ganun!!!! All you have to do is, to trust.. Bigay lang ng bigay.. may mag-give back man o wala; oks lang!!!

Kumpara

Sa isang relasyon, kailangan, balanse... Give and take. May commitment.. kuplikado... madaming ek-ek.. madaming drama.. iiyak-iyak ka pa! pepenitensya at ayaw kumain.. kulang nalang na maglupasay... magbuhat ng krus mula Quiapo hanggang Antipolo! o di Kaya magtangkang maglaslas ng leeg... uminom ng RH o di kaya ang mapait na malupit eh kung Lason ang maisip mong Laklakin! taena.. sayang nman...


*********************************************************************************

Bakit litrato ng isang puno yung nakalagay? wala lang.. nagustuhan ko lang ilagay.. walang kinalaman sa topic pero sayang nman.. Kuha yan ng pamangkin ko, isang puno sa likod bahay. Hindi man yan kasing lupit ng mga kuha nila pareng boss Idol, parekoy at ni kataebreak.. oks lang.. matututo pa yung pamangkin ko.. 6years old lang yun! hehehe peace out!


Friday, January 2, 2009

Para sa Enero



Birthday ng NANAY ko part1

January naaaaaaaaa!!!

Tingan mo na nman sobrang bilis talaga ang ikot ng mundo... Akalain mong 2009 na pala... at dahil January na nga, Ito ang isa sa mga Buwan ng Bawat taon na pinakahihintay ko... Dito kase magbe-bertdey ang aking minamahal na NANAY

Tulad ng Nanay mo, Madaming naging Papel ang Nanay ko sa aking Buhay... kung anung meron ako sa kanya ko inutang at kinukuha lahat to...

Sya ang unang naging Guro na nagturo sa akin ng kagandahang asal, humiling kay Lord at magpasalamat sa lahat ng meron ako.

Sya ang umintindi sa akin sa lahat ng aking mga pagkakamali.

Sumuporta maging sa bawat sugal ng Buhay ko...

Naging karamay sa bawat Sakit at dalamhati na dumapo sa byahe ng buhay ko.

Sumaksi sa aking bawat pagbubunyi.

Tumagay sa aking mga tagumpay.

Nagbigay ng payo... pangaral na madalas kong suwayin at hindi sundin.

Nakiluha at Nakidalamhati sa aking Bawat iyak...

Tulad ng isang normal na nanay at anak, nagkakaroon din kami noon ng hindi pagkakaunawaan ng nanay ko pero sa kabila nun, mahal namin ang bawat isa.

the Best ang nanay ko... sya ang aking nag-iisang nanay na tumayong TATAY, GURO, TAGAPAYO, KATAGAY, KAKOSA, KAPUSO, KAPAMILYA, LOLA, YAYA, KUSINERA, LABANDERA, SERBIDORA at marami pang iba... Sa kabila nun, sya naman ang aking naging INSPIRASYON upang makuha ko ang kahit papaano eh, kakarampot na meron ako.. Para sa patuloy na pagbyahe ko... mga karipas at pagaspas ng Buhay ko.

isang tagay para sa aking NANAY!!!