Batang bata pa kung ikukumpara mo sa iba.Walang panama kung ikukumpara sa iba na nagtagal na ng taon taon sa sirkulasyon. May mga nagbakasayon..bumalik. May mga nanatiling aktibo sa kabila ng pagiging busy sa personal na buhay. May mga nag-iba ng landas... Pangkabuhayan ang tinutukan at may mga nawala nalang na hindi nagpaalam...
Iba iba ang ating mga rason kung bakit nagbablog at iba iba rin ang ating nakukuha.
Maraming kakilala, maraming kaibigan, maraming aral, katatawanan. pilosopo sa buhay, kahalayan, kalokohan at minsan pa nga, nauuwi sa masayang pag-ibig.
ako?
bakit nga ba ako nagbablog? hahaha. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon eh, nagbablog pa rin ako... Hindi na ako ganun kaaktibo tulad nung dati pero nandito pa rin ako at nakikigulo. Masaya ako sa kung anung nadadala sa akin ng aking pagliliwaliw sa bawat pook sapot na aking nabibisita. Sa mga bagong kaibigan na nakikilala. Sa mga teleserye ng mga totoong buhay na aking nasusubaybayan. Sa mga kuro-kuro at pananaw ng iba.
Wala naman akong materyal na bagay ang napapala sa pagbablog (asapa.lolz) walang pera, walang mga gamit. walang pagkain. walang pangkabuhayan atbp. Pero espesyal para sa akin ang mga simple pero walang katulad na bagay na nakukuha at natatanggap ko dahil sa blog na 'to. sa nakalipas na isang taon, nadagdagan ang aking mga kaibigan, kakilala, kaalaman, pananaw. Nag-iba ang ilan sa aking mga paniniwala bawat bagay. Nagkaroon ng pag-asa sa bawat umaga. Pagbangon sa bawat pagbagsak at marami pang iba.
Nagpapasalamat ako sa mga napapadpad sa walang kakwenta-kwenta kong kinakukutaan na ito. Sa mga simpleng mala-kaluluwang pagpaparamdam nyo tumataba ang puso ko..
salamat. salamat sa isang taong pagkakaibigan. salamat sa patuloy na pakikigulo.
Sana, masmarami pang taon ang dumating!
Tagaaaaay!




41 comments:
based!
*Abot ng panyo sa teary-eyed na si Bogart*
bwahahaha!
keep on blogging bogart!
patuloy naming dadaanan at yuyurakan ang mga posts mo...
salamat din sa friendship (cozy)
see you around! ^_^
hahaha.
tae. anung panyo?
hindi na muna kita mumurahin.
sa susunod na.lolz
salamat din sa lahat.lolz
*inuman nah* aheheh... nakanang si sis jenn ang naka-based ditoh... neweiz... happy 1st bday sau neighbor... takte... mukha ka nang adult kahit isang taon ka pa lang... ahahaha... lolz... oo nga dehinz ka na so active.. kaya once in a purple moon ka na ren lang maligaw sa mansyon koh.. purple moon tlgah kc tlgang bihirang bihira pa sa bihira... haha... make sense bah yon?... eniweiz... *cheers*... may ur blog have more bdayz to come... Godbless! -di
hahaha
salamat sa pagdaan Dee!
oo nga eh, sorry kung medyo di na napapadaan.. dadaan din ako mamaya..lols
happy 1year sa atin pareho!
cheeers!
Hapi anniversary sa pinakagwapo, pinakamabait at pinakamatalinong blogger na nakilala ko sa balat ng blogosphere..... joke lang!!!whahahha
Maiba tayo, maraming salamat talaga sa bigay mong picture griting at nagbunga ang pangungulit ko sa inyo (mana lang ako kay ponkan) Bro sobrang hinupuan mo ako dun (natats ika nga)
Okay back uli sa iyo! Isang taon ka na at ngangngahulugang isang taon ka na ring walang magawa sa buhay!hehhee!joke lang! Isang taon ka ng nagpapasaya ng ibang tao, tulad ko. (clown ka ba??)
Basta ipagpatuloy mo lang yan dahil para ka namang mambabasa tulad ko!
ingat lagi
Drake
(haba ng comment ko no, buti kabibigay mo lang ng picture griting!hahah)
Teka ang gara ng sentence ko na ito
Basta ipagpatuloy mo lang yan dahil para ka namang mambabasa tulad ko!
DAPAT
Basta ipagpatuloy mo lang yan dahil MARAMI ka namang mambabasa tulad ko!
yun!ang tama!heheh (inuulit ko yung unang paragraph ko sa unang comment ko sa itaas ay JOKE LANG!kaya wag mong seryosohin baka maniwala ka!hahaha)
Congratulations sa Trip ni Kosa! Siguro ngayon pwede ko nang burahin ang Four Seasons sa list ko, hindi ka na nag-a-update doon, di ba?
Gustung-gusto ko ang 7th paragraph. o",)
Aba! naka isang taon ka na pala sa pag boboladas sa blodasperyo?... akalain mo nga naman..ha ha ha
anyway, just keep on blogging and i wish for more success sa lahat ng bagay na nanaisin mo.
patuloy pa rin akong dadalaw dito sa iyong selda.
conratzzzz!
daming nag-aanibersaryo ha!! pa-fiesta na kayo!
congratz syo! mabuhay ka sa pag-susulat mo!
napansin ko lang puro ata ma-emo ang mga blogero at blogera ngayong pagsapit ng nobyembre, di kaya dahil sa nagdaaang araw ng undas?
ano sa palagay mo? di kasi ako mapalagay eh!
isang taon ka na pala...patagay ka na kapwa pogi.lols
5K from Rexona,
CONGRATULATIONs!
Palakpakan...
ahaha...
mas nauna pala ako sayo Kosa
pero mas marami ka pa yatang post kesa sa'ken...
inactive blogger kc ako,
paminsan-minsan lang tinutopak na magpost...
anyway, congrats Kosa sa unang isang taon sa mga marami pang susunod...
im sure palagi kang magiging blogger...ahehe..assuming ba Kosa? ahehehe
basta salamat din sa mga nice post mo at sa pagdalaw din sa pahina ko...
again,
congratulations at palakpakan...
Ang pangit na ng tag cloud mo. Mukha nang mga bulate.
Ang pangit na ng tag cloud mo. Mukha nang mga bulate.
Kosa:
For me, blogging is a good place to reminisce the past.
Maraming mga bagay ang nangyari sa nakaraan na puwedeng kapulutan ng aral at mga halimbawa ng mga nagbabasa.
This alone is enough reason for you to continue blogging, di ba?
Take care and keep blogging.
congrats nka 1yr ka na pla, sana tumagal pa ng maraming taon para marami pa kmi mabasa.
happy 1st anniversary uli sa blog mo :) god bless....
bumabati po ng isang maligayang pasko.
at isang malupit na 3in1+1 happy kaarawan sa iyong blog, tagay!
Drake X2**
lols
ok payn!
sabi mo eh!
parang kasing haba na ng isang blogpost ang comment mo ah..
****
siryusli,
salamat sa palaging pagdaan nitong nakaraan.
tagay!
Doc AGa**
oo nga parekoy,
nakaisang taon din.
pwede ng magretiro o magbakasyon kung sakaling magsawa.
Alkapon**
salamat salamat salamat po sa palaging pagdaan.
dahil dyan eh...
anu na nga ba?
lolz
wala pala:D
iya_khin**
hahaha
emo ba ang dating sayo?
hindi talaga maiiwasan yun.
ganun talaga ang mga pogi. madalas nami-misinterpret.
Pogi**
hahaha
oo nga...
salamat sa pagdaan parekoy.
tagay na!
mavs**
**palakpakan din**
salamat po sa madalas na pagdaan dito sa aking kinakukutaan. ngayun nga po eh isang taon na ang blog kong ito.
salamat sa pagiging bahagi ng isang makulay na taon.
**palakpakan ulit..para naman sayo**
hahaha
Den Relojo**
lols kailangan pa bang ulitin?
hahaha
salamat po sa pagdaan!!
mabuhay po kayo:))
The Cool Canadienne**
salamat salamat din po sa inyo.
isa po kayo sa mga bloggers na kinatatakutan ko..hahaha
hindi ko alam kung bakit.lolz
Congrats!
Mukha ba akong MULTO?
Lol.
Alisin ko na lang ang photo ko at baka pati mga ao't pusa sa bahay mo matakot din. He-he.
Huwag kang mag-alala. Ako na yata ang pinaka-harmless na tao dito sa BC.
:)
Take note lang na nasa lahi pala namin ang lahing Vampire sa aking European side. Pero babae lang ang kinakagat ko, kaya relax ka lang. He-he.
Angel**
haha
oo nga po!
nakaisang taon din.
salamat po sa pagdaan.
Knoxxy**
thank you thank you parekoy!
TheCoolCanadian**
talagang binalikan pa..lolz
joke lang po yun!
Hindi naman sa mukha kang multo parekoy, pero parang tingin ko lang kAse---since nasa BC tayo pareho eh kapag nakilala mo ako ng personal eh wala na akong maitatago sa mundong ito.hahaha
wala pong kinalaman sa litrato.
salamat po sa pagdaan
cheers!
I respect your privacy, Kosa.
Asahan mong hindi ako biglang appear na lang sa bahay mo at makikikain ng kanin at pinakbet. Ha-ha-ha!
Gulay lang kasi ang kinakain ko dahil vegetarian ako.
Maski man ako'y importante din ang privacy. Lalo pa noong late 1980s hangang early 90s, nasa mga billboards minsan ang retrato ko sa Canada, Japan at USA, at madalas may mga taong lalapit sa akin at bubulabugin ako, tatanungin kung saan nila ako nakilala, naka-klase, o naka-trabaho kaya. Minsan, gusto mong mapag-isa para magmuni-muni, hayan at bubulabugin ka ng mga miron.
:(
Kaya naiintindihan ko ang sinabi mo.
Huwag kang mag-alala.
uy parekoy... anak ng jueteng isang taon ka na pala dito... naks naman... ako halos 2 years na pero yung first 13 months wala akong natatanggap na koments ata... kaya parang less than 1 year pa lang ako kung tutuusin dito...
anyway congrats at salamat ng madami sa mga payo at mga walang kwentang payo din... hahaha
@cool canadian...
natawa ako sa sagutan niyo ni kosa... hehehehe
Waaahh!!isang taon ka din?!!! lolzz
Happy birthday sa ating mga blog :D
dami talaga me blog anniversary these days--naku--thios calls for a celebration....bata man daw at magaling nakakapuwing din. hehe
cheers!!!!
Hi, Saul Krisna:
Namaste!
Smash hit ba ang meeting mo sa parents ni GF?
He-he.
parekoy! hapi anibersari! woohoooo! inuman!
Cool Canadian**
parekoy, Sikat ka pala?
Parang gusto ko tuloy makilala ang artista sa likod ng pangalan mo.
Privacy ba? Lols apiiiir tayo dyan parekoy!!!
Saul**
oo nga parekoy
1year na rin akong walang kakwemta kwentA.lolz
salamat sa palaging pagdaan.
Ammmbabaw naman ng kuliti mo.
Hahaha
Lord cm**
hahaha oo parekoy! Happy birthday sa ting mga blog!
Pusang gala**
tagay!!!
Opo marami po kaseng ipinanganak nuong nakaraang taon sa mga panahong ganito Kaya madaming nagbibirthday.
Cool Canadian(ulit. Lolz)**
emo talaga yan parekoy pero mapagmahal daw sa Syota yan. Haha
Chicomachine**
itagay mo parekoy!!
pahabol...
Congrats at naka isang taon ka na blogosphere.
Keep on blogging parekoy!
Beer pa... wow isang taong rin ang lumipas sa paghahatid sa paghahatid mo ng madamdamng pananaw sa malawak na sapot, salamat sa mga posteng nagbigay saya, kumurot at gumising sa aming kaisipan.
Tagay pa para sa mga susunod na taon.
Purihin ka Kosa.
happy 1st anniversary. :D
oo nga di ka na ganun kaaktibo tulad nung una kitang nakilala dito.. pero ayus lang yun wag ka lang makakalimot..
nagpapasalamat nga din ako sa mga nakikilala ko dito kahit di ko pa nakikita.. nakakatuwa.. kahit kasi simpleng kwento lang nakakaaliw na.
salamat din!
cheers!
based? hahahahah! congratulations ka-bossing! more years to come! masarap mgblog,hahaha! yun yun lang yun!
whew! sang taon n pala,hahaha! nakakatuwa lang!
keep it up!
Ayos!
More posts to come!
Kampai!
as i promise, muli akong nadalaw para magbigay pugay...
naka isang taon ka na.. kahapon naka isang buwan na rin ako..
more blogs to post in your site.
huli man daw at magaling babati pa rin....Congrats parekoy!!!
damihan pa ang post...
Tagay!!
Late pala ako! Happy anibersari sa bahay mo Kosa Pogi :-D
Isang pag bati mula sa Pluma ni Jepoy!!!
congrats!i know the feeling ng nakaka one year na kasi kaka one year ko lang din nun august hehe
more blog years to come!
salamat for finding me---I'm afraid I have to say sorry though. I changed my url again---this time it's final na talaga. Sorry. a friend of mine proposed it to me so I said yes. please update it again. SALAMAT ng maraming marami.......
Post a Comment