Kumusta ka na?
Tanung na madalas ibigay sa mga taong galing sa sakit o di naman kaya ay matagal nawalay sayo.
Ang madalas na natatanggap na sagot,ito pogi parin "Ok lang" o di kaya "ok naman".
Sobrang layo mo na! Sobrang taas mo na! Hindi mo na naririnig ang aking pangungumusta. Ni pagsagot nga ng simpleng dalawang salita hindi mo na magawa...
Kilala mo pa ba ako? naalala mo pa ba yung pinagdaanan natin? Madalas, naalala ko yung mga sandaling magkasama tayo... yung mga sandaling namamasyal tayo... mga sandaling hawak ko ang kamay mo. mga sandaling yakap mo ako?
Busy ka siguro sa career mo. Sa trabaho mo. Sa buhay mo.
Ok lang naman ako. gusto ko lang tuluyang magpaalam sayo.
Sa nakalipas na 5 taon, natuto at nakaya nating mabuhay na wala ang isat-isa. Nagtagumpay sa bawat landas na pinili at tinahak. Ikaw sa kanan. akong naiwan, napadpad sa landas pakaliwa. Hindi na kita naabutan... Sa aking pagmamadali napasakay ako sa byaheng baku-baku hanggang sa tuluyan akong liparin dito... Papalayo sayo. Papalayo sa pangarap mo para sa akin. Papalayo sa landas na gusto mong tahakin ko.
Ito ang oras na iiyak ako ng todo. babaha ang luha ko. hihikbi ang puso ko. Ito ang sandali na papakawalan kita at ang lahat ng tungkol sayo. Ito ang oras na iisipin kong gagawin ko ang mga plano ko sa buhay ko na para sa sarili ko at hindi para umangat upang maging karapatdapat para sayo. Ito ang oras na papakawalan kita. Hindi na kita iisipin. Hindi na kita sasaktan. Hindi ko na rin sasaktan ang sarili ko.
Tanung na madalas ibigay sa mga taong galing sa sakit o di naman kaya ay matagal nawalay sayo.
Ang madalas na natatanggap na sagot,

0 comments:
Post a Comment