Thursday, October 15, 2009

Badtrip101



5:30 na ng umaga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kaninang papauwi ako galing sa trabaho, kulang nalang na maglupasay ako sa loob ng bus sa sobrang antok na nararamdaman ko... yung tipong byahilo, lasing, pagod... at ginahasa ng limambeses na sunod-sunod. Pero pagkatapos kong kumain ng sandamukal... uminom ng kape... at manood ng dalawang episode ng inuunti-unti kong limasin na series ng baduy na anime kong kinalolokohan eh parang nanumbalik na ang aking lakas.


Yung kaninang tulo laway sa bus papauwi galing trabaho eh, andito nakikipag-chat at nagbablog-hop... lols
Kulang na Kulang ako sa tulog! alam ko na yun! Ito siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh hindi ko pa rin maabot-abot ang aking target na dagdag timbang. Okey payn! Alam ko disiplina sa sarili lang ang aking kailangan... Pero yun ang aking malaking problema, bata pa lang kase ako eh kulang na kulang na ako sa disiplina. Lalo pa't may mga pilosopo kang maririnig at pwede mong gawing paluso't para makahirit ng bonggam-bongga!


oh, anu ngayon kung wala akong tulog? Di ba, kapag tumigil ang ating paghinga eh, maiidlip na tayo forever and ever? So, ang ibig sabihin lang nun, sa ilang taon nating pananatiling buhay, Trenta porsyento tayong tulog... at pagkatapos pa ng ilang taon---buwan---at---araw nating pananatiling buhay, kapag namatay tayo para na rin tayong matutulog forever? (oooooops.. kinaclaro M. Recto ko lang po!)


sadyang totoo nga yata yung kasabihan na mahirap tanggihan ang bawal at lalong sooooobrang hirap sawaying ang ating sarili... yung tipong "sige, 30minutes pa.." pagkatapos nun eh hihirit ka pa ng another 30minutes at ilan pang 30minutes.. haaaaayssss..


nakakaloko naman kase...
Kapag gusto kong matulog, hindi ako makatulog...
Kapag ayaw kong matulog, Doon ako dinadalaw ni pareng Antok..

Sobrang gulo na ng buhay ko..

pati sa pagtulog, gulong-gulo din ako.
ito na nga lang ang iilan nalang na libre sa mundo di pa mapasa akin!
leche...

(balik sa kama... makatulog na nga! goodmornight Berta! ganun din sayo Pareng Saul..)

Binabati ko nga pala ang bagong taga-sunod ng Byaheng baku-baku... si Gee cortez, Andrei john at Pablong Pabling




11 comments:

mr.nightcrawler said...

from a fellow insomniac... naiintidihan kita kosa. haha. minsan pa nga, di na ako nakapasok ng skul kasi ginigising na ako ng roommate ko, tapos sabi ko 5 minutes pa. hayun. nakatulog ako ulit ngdalawang oras. nyahaha. ayos :P

Jepoy said...

Baket ako nung bago akong taga sunod hindi mo ako binati!

Nakaka relate ako sa hindi pag tulog ng maayos pero ang problema ko ay kung paano mababawasan ang timbang ko LoL

Ingats! have fun!

MarcoPaolo said...

ang hirap nga ng ganon... gusto mong matulog pero di ka inaantok... tsk tsk tsk... ang gulo!!! hehehe

gillboard said...

kalaban ko rin yan... lecheng insomnia na yan...

Badong said...

hindi ko problema ang tulog! semi-narcoleptic ako e. pero hindi rin yun maganda sa totoo lang.

wait said...

time check 5:02am.... Di rin ako dalawin ng antok hehe

EǝʞsuǝJ said...

ayun! at umamin ka din na natulo nga ang laway mo sa bus habang papauwi galing werk =))

wag mo kase isipin yung mga nagpapagulo ng utak mo para makatulog ka ng wanport...
(hayaan mong sila ang mag-isip sayo) =))

*malayo yung sinabi ko, wala din kase akong tulog..nyahahah*

\m/

A-Z-E-L said...

pano ka makakatulog Kosa eh naka-belt ka pa! lolz!

mahirap talagang matulog pag may iniisip...

u have to let it out para makatulog ka na, kundi tatagal pa ng ilang araw bago maging normal ang tulog mo... ikaw din!

baka kelangan mo na ng sleeping pills... hehehehe!

kheed said...

may insomnia ka na yata kosa..sulitin ang pagkakataon kapag may oras para matulog, iyan ang pinaka masarap gawin sa lahat. hehe

mavs said...

kosa...
ztah?
kakarelate ako dito..
sertipayd insomniac din kasi ako
at mahilig din sa 30 minutes na lang tapos 2hours na pala...
ahahaha...
napadaan lang parekoy...
na-miss ko dito e... :)

Ilocana said...

di ka nagiisa kabsat, pati ako ganyan din style. trying hard to change pero ala pa ring pagbabago...

well, what can we do?,,, I guess enjoy na lang each moment in our life and strive for the better/best... no harm in trying ika nga, hehehe.

naimbag nga aldaw :)