Blog ko to at wag kang kokontra!
Pawang pagpupugay ito sa aking sarili.
Kaya walang basagan ng trip.
Isa akong Poging poging Ilocano na nakakuta dito sa Canada.
25 taong Gulang.
Pangatlo sa Limang magkakapatid.
Binata. single na single. very much available. by choice. MASAYA.
Isa akong out of school youth (dati) na ngayon eh nagbabalak magbalik iskwela.
Sa edad ko ngayon, Pinatanda ng panahon ang aking kaisipan pero nanatiling batang-bata ang aking mukha. Laking Probinsya pero hindi mukhang probinsyano. Walang pera pero hindi mukhang dukha. Maraming problema pero laging masaya...
Isang taong Positibo. Naniniwala sa Karma pero hindi naniniwala sa HULA. Isang hula kase sa aking nuong nasa highschool ako eh magiging isa akong batang ama. Pero hanggang ngayon tumatanda na ako eh wala pa rin.
Madalas kong kausap si Papa Jesus at Mama Mary! Sila ang aking sumbungan sa oras na pakiramdam ko wala akong karamay. Sila ang aking kausap bago ako matulog at bago bumangon.
Hindi ako Relihyoso. Hindi ko alam ang maraming kwento sa Biblya. Mga tauhan sa luma at bagong testamento. Pero kung Paniniwala sa Diyos at Paggawa ng kabutihan eh masasabi kong hindi naman siguro ako nagkukulang.
Tahimik na tao. Maskumportable akong nakikinig sa Kwento mo at kwento nila. Hindi ako madaldal. Masgusto ko ang nagkukumento at nagdudunung-dunungan sa pagbibigay ng Payo. Pero sa totoo lang, sarili ko mismo hindi ko mapagsabihan at Litong lito kadalasan.
Matakaw. Oo. Lahat kinakain ko. Tae lang ang inaayawan ko. Pero kapag sa handaan o di kaya sa mga eat-all-you-can na mga restaurant, Hindi mo ako makikitang nag-uulam ng Isda o di kaya ay maaanghang. Bukod sa pawisin ako tinatamad din akong magtanggal ng tinik sa mga isda habang kumakain.
Batanggala. Yeps! Kung saan-saan na ako napadpad nuong nasa Pinas pa ako. Naapakan ko na halos lahat ng Probinsya sa buong luzon (Palawan nalang yata ang hindi). Batanggala lang talaga ako.
Maraming bagay ang aking natutunan habang nagtatrabaho sa mga foodchains, restaurants at resort hotel na hanggang ngayon eh pinapakinabangan ko pa rin. Pakikisama. Tiwala sa sarili. Pagiging responsable atbp.
Nuon:
Isa lang din akong ordinaryong kabataan. Naglalasing. Nalalasing. Nakikipaglasingan. Mabarkada. Naninigarilyo (dati). Mahilig sa gimik. nangungupit. pabaya sa iskwela. pasaway. walang kwenta.
Ngayon:
Isa pa ring walang kakwenta kwenta. Hindi na masyadong gumigimik dahil wala ng oras buko sa wala na ring pera. Minsan nalang kung magkaroon oras na makipag-inuman... tuwing may okasyon lang. Hindi na pwede ang pasaway although, minsan hindi pa rin nakakapagpigil. Marami pa rin namang barkada pero pinipili na ang mga ka-wavelenght.
Kulang pa ba ang pagpapakilala?
magtanung ka nalang... ako pa!?
Honest 'to!
wahaha. Plastik pa!


8 comments:
So anong meron sa pagpapakilala?
Pers day high ba?
*eyeroll*
may mga tanong ako...
follow-up question lang :)
pero sa ym na lang..
nyahahahha
salamat sa pagbabahagi ng iyong pagkatao at personalidad sa aminmg mtga mambabasa mu...natutuwa ako kasi naishare mu yung mga agnung bagay nega man o positibo tungkol sa sarili mu ng walang bahid ng pagsisinungaling..
ang totoo nyan tahimik din ako..mejo poareho tayo syan..nikikinig kinig lang..:)
ilokano ka gayam, kabagis!?
may pahabol lang.. bakit di kasali ang lablyf? nyahaha
parekoy bat di ka pa mag asawa
kilalang kilala na kita ah...
Ngayon ko lang narinig yung word na "Batanggala". Pero naiinggit ako sa fact na ang dami mo nang napuntahan. :| Haha.
hmmm, ang ayos ng pagpapakilala, pwedeng pasabit sa pagiging gala...hahaha
so hindi ka nga madaldal sa lagay na yan?...hehehe
Post a Comment