Friday, July 24, 2009

Tsinelas na susi ng Kasikatan katulad ni Aling Dionisia!


Naaalala mo ba ang kulto ng tsinelas na pinauso ni LordCM nuong nakaraan? Yung tsinelas na pinatulan ng maraming abnuy na katulad kong walang magawang matino sa mundo?

Kung hindi mo naaalala, wala akong magagawa..hehe

Naaalala ko lang yun sa dinami-dami kase ng natanggap kong sulat pagbati sa linggong ito dahil sa aking birtdey eh ang sulat na ito ang gumulantang sa akin ng Bonggang-bonga!

basahin mo muna pra makarelate ka..lols

July 22, 2009

Dear Kosa,

National Broadcasting Network is currently producing a daily magazine show SheKa. It airs from 8 to 9 in the morning hosted by Monica Llamas and Issa Litton. I just browsed your blog regarding 'tsinelas' and was wondering if we could invite you on our show about your blog, since our show is about arts and culture.

We want to invite you live on August 4, 2009 at Ninoy Aquino Parks and Wildlife, call time would be 7:30 am. Please reply on this e-mail regarding your concern and/or confirmation. You may also contact us at 455-9785 or 0917-9010649.



Sincerely,
Kyle Mendrez
Segment Producer
Ohhh ayan... eh anung masasabi mo? lolz. Hindi ko naman masyadong sinseryoso to. Hindi ko pa nga nirereply baka kase may nanloloko lang sa akin. Sobrang advance pa naman akong mag-isip. Parang na-iimagine ko na tuloy ang sarili kong pinuputakti ng intriga dahil papasok na ako sa showbiz.hehe. Sa dali kase ng impluwensya ng telebisyon sa publiko madaming mga walang kwentang tao ang nakakapasok sa showbiz ng wala sa oras. Tulad ko... baka naman kahit wala akong kakwenta-kwenta eh mainlab sa akin ang publiko at tangayin ako sa ruruk ng kasikatan.
apiiiiir aling Dionisia! hehe



18 comments:

saul krisna said...

ARTISTA KA NA PAREKOY!!!!!!

idol talaga kita, teka bago ang lahat...

BASE MUNA AKO!!!!!

hmmm bout sa offer sa iyo... may bayad ba yun? hahahaha ako ang P.A mo pag naging artista ka na huh.... naks naman parekoy

Jepoy said...

Congratumulations Kosa! aktuli hindi yung entry mo tungkol sa tsinelas talaga ang pakay nila, front lang yun ng Segment Producer ang totoong pakay nila ay ung nag lalakihang (etits) maskels mo sa profile pics! Kelangan daw nila ng twilight dancers, yung iba ibang kulay ang brip na kumikinang sa gabi bwahahahah

Happy BirthMOnth Ulit parekoy!

Happy Weekend na-ngungulit lang!

gillboard said...

Nak... artistic!!!Well good luck sayong showbiz career kung makakalipad ka dito sa Pinas bago mag Aug 4. Balitaan mo ako, para abangan ko 'to... hehehe

MarcoPaolo said...

naks! aabangan namin ang tv appearance mo parekoy... saang programa ba ito ipapalabas?

The Pope said...

Super, sikat ka na nga Kosa, we're proud of your achievements, ano pa grab mo na itong opportunity.

God bless.

superjaid said...

wow!magiging kapuso star ka na pala kuya..wawow!Ü wag mo kaming kakalimutan kapag sikat ka na huh?Ü hehe

HARI NG SABLAY said...

naks! kalevel mo na sina johnlloyd at dingdong kosa. aabangan ko yang tv appearance mo,hehe

RJ said...

Paki-record mo nalang, Kosa, at publish dito sa blog mo. Hindi ako makakapanood niyan, eh.

Good luck sa pagiging celebrity! o",)

A-Z-E-L said...

naks! Di na kita ma-reach kosa... Pag naging posible ang tv appearance ng tsuper sa daang baku-baku balitaan mo kaagad kami. Embed mo ung video d2 ha?

tsk...tsk... Baka makalimutan mo na ung PEBA Entry mo nyan pag pumasok ka sa mundo ng showbiz :( wag naman sana....

Everlito (ever) Villacruz said...

sikat na sikat na si kosa..;)

poging (ilo)CANO said...

uhaw! magiging artista ka na rin ba kosa gaya ko?..lolz.

pag manloloko yun, hampasin mo na lang ng tsinelas ni aling dionisa para milyon ang halaga..hehe

Hi! I'm Grace said...

Ganyan na ba talaga kasikat si Aling Dionesia ngayon?
Kamukha yan nga slipper ko ah. :)

abe mulong caracas said...

taas kamay ko sa iyo parekoy

totoo yan parekoy

kaya lang dapat i text mo na rin na wala ka sa pinas para alam nila

ibang level ka na!

The Lady in Green Ruffless said...

go go go lang!

Nobe said...

wow grabe! sana naman totoo. hehe. pro i think it's the real thing. grabe naman ang taong nagsulat niyan. nagkandahirap siyasa kai-ingles tapos joke lang pala. :)

congrats!

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

anakngpating said...

di ko na ma rich si kuya oh ehhe..

kamusta naman,,kasama ka pa sa pinoy cute blogger's astig talaga hehe..

malamang sa malamang..mai nggit si lio nyan haha..

nasan na kaya ung hinayupak na un hehe..

kuri said...

stardom na sana parekoy, sayang at wala ka sa pinas! malay mo mas sumikat ka kesa kay aling dionisia.

Boy Experto said...

pa-autograph!