Masasabi natin na ang pinaka-consistent sa mundo ay ang pagbabago. Maraming bagay ang nagbabago sa isang iglap lang. Naalala mo pa ba kung paano ka nagsimulang magpulandit ng mga kalokohan sa mundo ng Blog? Naalala mo pa ba kung sinu ang kumaladkad sayo para ipakilala sa Mundong ng nakakaadik na pagbablog? Naalala mo pa ba kung sinu ang iyung nais matularan at naging inspirasyon sa pagbablog? naalala mo pa ba kung sinu ang una mong naging kaututang dila na itinuring mong suki sa mga walang kakwenta kwenta mong sinusulat sa Blog mo?
Natutuwa akong balikan ang mga yun pero minsan, naiisip ko ng umayaw sa pagbablog. Madalas bigla nalang akong ginugulo ng mga kiti-kiti sa aking utak. Pinagsasabihan akong itapon at ibaon na sa kawalan ang walang kwentang kutang ito dahil hindi ko naman ito papakinabangan pangkabuhayan. Madalas naiisip kong wala na akong masasabi pang bago. Wala na akong maise-share na kaalaman at wala na akong oras na makipagbolahan. Wala rin akong talentong maibabahagi at wala rin akong maipagyayabang na kakayahan. madalas wala na rin akong oras na para sa pakikipagkapwa-blog sa sangkablogosperyohan.
Ang tanging pumipigil na lang sa akin para hindi sumuko at tuluyang tangayin ng makukulit na kiti-kiti ay kayo! kayo na patuloy na nagiging suki, kasakayan, kabolahan, kalokohan, naliligaw ng landas, taga-bili at taga-tangkilik sa mga pakulo sa walang kwentang Trip Ni Kosa. Kayo na palaging sumasakay sa Byaheng baku-baku!
Marami-rami na rin akong naipon na kaututang dila, ka-manyakan, ka-harutan, ka-lokohan, katagayan at kaibigan sa Blogosperyo. "Hindi madali ang makibagay sa mga taong hindi mo kakilala" yan ang sabi nila. Pero tulad nga nga madalas nilang sabihin sa showbiz, "hindi mo mapi-please ang lahat" kaya kung sino sa tingin mo ang ka-wavelenght mo, dun ka makipag-ungkutan at makipagpalitan ng malalagkit na laway. Dun ka rumampa, mag-ii-isplit! magtata-tambling at dun ka humarot. Yun lang yun!
Aminin man nating lahat o hindi may mga blogger pa rin na nagtatago sa likod ng mapanlinlang na letrang tinitipa. Ako din, inaamin ko! may hati pa rin sa pagitan ng aking buhay blog at sa teleserye ng aking totoong buhay. May mga bagay pa rin akong hindi pwedeng ibahagi sa mga taong "nakakakilala sa akin ng personal na madalas eh nakatagong nagbabasa sa aking blog". Alam kong may mga matang nakamassid sa akin sa bawat post na aking ginagawa...
Bakit ko ba nasabi na pagbabago ang pinaka-consistent sa mundo? Kase malamang sa malamang ay baka nabasa mo an rin! Nabasa ko kase ang pinakahuling post ni Lioloco kung saan lilimutin na yata nya ang pagbablog at magpapakadalubahasa nalang sa buhay na kanyang pipiliin. Ganun ka dali ang ikot ng mundo! sa isang iglap lang eh, papasukan nalang ng mapanlinlang na hangin ang iyung tumbong at maaapektuhan ang iyung matinong pag-iisip (peace:D). pero tulad ng madalas sabihin ni JoshieMarie, "Once a blogger always a blogger" naniniwala ako dun at alam kong, kung gaano kabilis umayaw sa pagba-blog si pareng Lioloco eh ganun din kabilis babalik yun!
********************************************************
Alam mo bang ang Birthday talaga ni Kosa ay July 15, 19**? Magka-birthday sila ng kanyang Prinsesa pero dahil medyo a-anga-anga yung midwife na nagpa-anak sa kanyang Super Nanay eh, nailagay sa birthcertificate nya ang 18, instead na 15!
*******************************************************
Kaya naman, Happy Birthday sa akin!
at
Happy Birthday sa aking Prinsesa.
Kaya naman, Happy Birthday sa akin!
at
Happy Birthday sa aking Prinsesa.




21 comments:
Happy birthday sa inyong dalawa!!! sana mabusog kayo ng mga fren nyo dyan - hehehe...ingatz lagi Kosa.
Uhumn. Nagkita na rin pala kayo ni Prinsesa, ng iyong prinsesa na siyang maging Reyna ng inyong munting kaharian.
Happy Birthday sa inyong dalawa! Nakikita ko rin sa aninong mas malaki kaysa sa iyo si Prinsesa.
haha
magpapaliwanag pa ehh
:P
aamin ka din naman pla ng tunay na birthday mo
hahahaha
happy birthday pare
more birthdays to come
:P
wish you all the best in your life and career...(showbiz na showbiz haha)
Nakibasa naki feeling close at makikibati narin ng Happy Bertdey sayo at saiyong prinsesa parekoy...Sulat lang ng sulat!!!
Happy Birthday Bro!! ;)
Keep it cool and more years to come for you!
http://punkies07.blogspot.com/
sana'y hindi pa magbago ang isip mo tungkol sa pagbablog kahit pa sabihin nating nasabi mo na lahat ng nais mong sabihin...
anyway, Happy Birthday Kosa!!!
at sa iyong Prinsesa na rin!!!
Happy birthday to you..happy birthday to you..happy birthday,happy birthday..happy birthday to you..happy birthday!Ü ayan!kinantahan pa kita kuya..happy birthday din sa iyong prinsesa..Ü
aysus... kung anu ano pa ang sinasabi e birthday niyo lang pla ni prinsesa mo... Happy Birthday sa inyong dalawa!!!
anak ka ng jueteng parekoy... beer day mo na pala... hahahahahahah
happy birthday at more blessing at more racket.... hehehehehe
happy birthday :)
all the best kosa!
happy birthday po!
HAPPY BERDEY KOSA!!!!
HAPPY BIRTHDAY TO YOUR PRINCESS TOO!!!
19** ka pala pinanganak so siguradong ang age mo ay mahigit kumulang ** na rin hahahaha.
Life is Beautiful Kosa, count your blessings.
Wishing you a happy, healthy and wealthy life.
Maligayang kaarawan po sa iyo at sa iyong prinsesa!
Nawa'y biyayaan kayo ng maraming
biyaya hehehe^_^
ismayl lagi! be hapi!
hapy beerday prinsekosa..heheh
more beer to come becoz santa claus is coming to town..lolz..
tagay na!
nakahabol pa.
hapibertdey sa inyo.
trip trip lang ang pagbablog!
gaya ng title trip ni kosa.
uy parekoy maligayang pagbate mula sa kablogstugan.
= halay. parang soulmate kayo ng prinsesa mo. nice nice
pakanton ka naman!
aww... sayang naman kasi kung bigla mo lang iiwan yung blog mo... :( ang dami mo din naman nakilala dito diba?
natawa ako dun sa birthday mo... XD pwede naman papalitan yan eh... ako din may mali sa birth certificate ko pero medyo ilalakad mo pa kasi sa court kaya medyo maghihintay ka pa ng ilang months... T.T
belated happy birthday sa inyo ng princess mo... :D
Kosa amfufu happy birthday!
may bago na ako ulit blog :p
http://lovenashyboy.blogspot.com/
happy birthday kosa!
first time ko dito,..
happy birthday rin sa prinsesa mo :)
VISIT MY SITES:
THE DAILY BITZ
MAKE IT MATTER
maligayang kaarawan po.muntik na kong malunod sa post mo.kakaibang terms a!
naku eh
di maraming greetings
para sa inyo Kosa...
Post a Comment