Paunawa:
Ito ay nakatutok sa OFW pero sa ngalan ng mga mambabasang hindi naman OFW, applicable din po ito sa ibang tao saan man sa blogosperyo.
Ito ang pangalawang yugto dun sa aking nakaraang Post. Actually, wala naman akong bagong sasabihin dito... itututloy ko lang yung naudlut nating kwentuhan nuong nakaraan.. Medyo tinipid ko lang yung kwento ko kase baka wala na naman akong maisulat sa susunod.
Madami ang nabubuhay sa maling akala... mga akala tungkol sa pangingibang Bansa... Hindi madali ang umalis sa Pinas. Iwanan ang mga mahal sa Buhay... iwanan ang nakalakihang uri ng masaya at "bahala na Bukas" na pamumuhay. Hindi rin madali ang makitungo sa mga taong kelan mo lang nakilala at madalas eh pinagsasabihan ka kung anu daw ang Tama... Sabi ko nga, they always have something to say with regards to any topics and issues. Madaming mga feeling intelihente sa abroad lalo na kung alam nilang bago ka lang at walang alam.
Narito ang ilan sa mga wais Tips para sa mga ilang OFW o mga gustong maging OFW.
1. Hindi masama ang magtanung-tanung sa kapwa OFW... makakatulong ito sa pakikipagkaibigan. PERO!!! Huwag agad maniwala. masmabuting mag-research ka din. Kumunsulta sa mga website na may kinalaman sa mga gusto mong malaman.
2. Neverever Burn Bridges! Kailangan iwasan ang mga issue na magbibigay sayo ng kaaway. kapag may ayaw ka sa isang tao (kapwa OFW, kaibigan o lalo na sa kamag-anak) umiwas ka hanggang kaya mo kaysa sa magkaroon kayo ng Hindi pagkakaunawaan.
3. Maging Palakaibigan. Lahat pwede mong maging kaibigan pero piliin mo kung kanino ka magtitiwala at magse-share ng secrets!
4. Magtabi ng konting kaperahan para sa oras ng pangangailangan. HUWAG ipadala ang LAHAT ng kita sa Pinas! mag-ipon ka rin dito!
5. Manatiling in-touch sa mga mahal sa Buhay. Sa mga May asawa, alam nyo na kung anu ang gagawin nyo (behave!). sa mga single naman Hindi masama kung makikipag-harutan kayo paminsan minsan. Pero kailangang isipin nyo kung talaga kung ano ang gusto nyo at kung bakit nagpapakahirap tayo sa Abroad. (KUMITA NG PERA... MAG-IPON!?)
6. Magsipag sa Trabaho. Piliting alamin ang madaming pasikut-sikot sa mga gawain sa kumpanyang kinabibilangan. Masmaraming trabahong alam mo, masmaraming posibilidad na umangat o hindi masibak sa kumpanya!
7. Maghanap ng makabuluhang libangan. Pampawala ng lungkot at pagka-miss sa pamilya. Hwag sugal!! baka matalo ka lang...lols
8. Bigyan mo din ng REGALO ang sarili mo. Hwag mong ilaan ang lahat ng iyung kita sa iyung pamilya o kamag-anak na nasa Pinas. Kung ano ang gusto mo, Bilhin mo (ikaw ang nag-hihirap dito.. wag kang tanga! jokeness!)!
9. Hindi masama kung gigipitin mo din sa Pera ang mga taong umaasa sayo sa pinas. Kapag Bigay ka kase ng bigay ng pera sa kanila, baka isipin nila na parang tsokoTAE lang na pinupulot ang Pera sa abroad. Yun eh kung kaya mo silang tiisin at disiplinahin.
10. Alamin mo ang karapatan mo at hwag paaapi sa ibang Lahi lalo na kung alam mong tama ka at sila ang mali. Manatiling updated sa mga policy na inilalabas ng embahada ng Pilipinas at sa Imigrasyon ng Bansang iyung kinasasadlakan... Malay mo may bagong bukas na magandang oportunidad na makakatulong sayo.
Yun lamang po muna sa ngayon...
May kasunod pa ito...
Pahabol:
medyo nagkaroon ng mainit na tensyon sa blogosperyo nitong nakaraan. sana eh hindi na yun lumaki pa. Lahat tayo ay nananawagan ng isang mapayapang mundo kaya sana sa munting paraan ay umayos tayo at hwag ng palakihin ang issue. may kanya-kanya tayong pananaw at kuro-kuro pero sana ay magpahayag tayo ng may akyuridad at tamang basehan. Respeto na rin sa ating sarili at sa ating kapwa blogero... kapwa tao... kapwa Pinoy!


38 comments:
tatandaan ko ang lahat ng iyan at isa ka sa kukunsultahin ko hehehe
salamat sa mga tips!
Mulong**
haaa?
maga-abroad ka na rin?
sayang naman ang posisyon sa kumpanya!
Gustung-gusto ko ang mga payo bilang 1, 8, at 9. o",) Salamat sa mga payong iyong ibinigay Kosa.
Doc Aga**
lols
mga pananaw ko lang yan at medyo ginagamit kong baseha ng aking araw araw na buhay parekoy.. medyo may pagka-pasaway pero yun yun eh... yun ang nasa isip ko..
salamat sa pagdalaw.
ayus to parekoy!
yung tips mo parang 10 commandments, sampu kasi eh!hehehe..
hinding hindi ako papaapi sa mga taong walang silbi at sa walag kwentang pinagsasabi..
Pogi**
taena. word at world peace parekoy..
malalim yung sinabi mo.. pero walang away dito haaaa! alam ko naman na umalis tayo ng Pinas na may baong Tigas lols pero world peace pa rin! haha
Hindi masama kung gigipitin mo din sa Pera ang mga taong umaasa sayo sa pinas. Kapag Bigay ka kase ng bigay ng pera sa kanila, baka isipin nila na parang tsokoTAE lang na pinupulot ang Pera sa abroad. Yun eh kung kaya mo silang tiisin at disiplinahin.
--> tama itong sinasabi mo dahil kung bigay ka ng bigay baka hindi na rin magtatrabaho ang mga kamag-anak mo dahil andyan naman si kuya, si ate, si tito, o si tita... nagpapadala!
--> tatandaan ko rin tong mga tips mo parekoy... tsalamat! :)
Kuya, gusto ko din po maging OFW. Penge pera. LOLz
kapag naisipan kong mamuhay sa ibang bansa... tatandaan ko lahat ng sinabi mo... salamat!!!
Hehehe :D Isa pang tip
Asahan mo na ang unang araw mo sa abroad ay parang buhay ng isang daga minamaliit ng mga ibang lahe o kaparehas mong lahe...at kung minsan pa habambuhay ka nilang ituturing na daga...kaya lumaban ka, wag kang tanga, may sarili kang talino kaya ka nakapag abroad :)
yown,,,,
daming tip ahay,,,,mukang malaki ang maitutulong nito saming mga nangangarap makapagabroad,,,
hehe
:P
pasensya na medyo busy kaya ngayon lang nakadalaw parekoy!
galeng naman ng poste mo, tyak maraming makikinabang dito. bravo kosa! klap! klap! klap!
happyy blogging & keep safe!
napakagandang mga info ito sa mga future & present OFW.
napakaganda ng iyong mga tips para sa mga OFWs. salamat :-)
Nice Tips Kosa...
World Peace? eh nasa Iraq ako (ironic ba) lolzz
Ayos nga yung tensyon natabunan ang "Hayden Cam Scandal"
aba pati din pala dito may gulo? hahaha nahuhuli na ako sa balita parekoy... hmmm anu ba yun? teka mapuntahan si brod lord... baka may balita siya... musta na? hmmm sulit ba pag nag trabaho ka sa ibang bansa? matagl ko ng gustong mag request sa iyo na gumawa ka ng post bout this eh.... hahaha natatakot kasi akong mangibang bansa....
ok tong post mo kosa...
hayaan mo, pagnakapag-abroad ako in the future...
tatandaan ko ang mga ito...
ahmmm...
tungkol naman dun sa bangayan sa blogosperyo lately,
wala talaga akong kaalam-alam...
paxenxa na po...
but i agree wid u...
sana tapusin na yan...
pare-parehong naman tayong bloggers eh...
dapat nagkakaintindihan tayo...
ayos ba parekoy? hehe
napakauseful na post ito para sa pangarap kong pangingibang bansa sa hinaharap kosa.Pogi. salamas ng marami.
*lumabas sa lungga para makpagbloghopping sa mga class S na bloggers na tulad mo parekoi...at tulad ko na rin. wahehehe. kbye!*
Marco Parekoy**
lols
isama mo na rin yung asawa mo...lols
Gasdude**
pera ba?
haaaaa? sa wawawee(alam mo ba yun? jologs ba ang dating?) ka pumila at dun ka umingi ng Pera.
Gillboard**
hahaha.. kahit hindi ka OFW pwede mo itong i-apply sa buhay mo parekoy.
salamat din sa palaging pag-attendance.hehehe
LordCM**
lols
oo naman.. pero teka, parang amoy away pa rin ahhhh...
awat na...
Fula**
ganun ba?
salamat naman kung ganun.
kitakits
Tonio**
hahahaha
anu kaya yun?
di ko kailangan ng klap*klap*klap parekoy... perahin mo nalang kung pwede.jokeness
ok lang yun, dalaw dalaw ka lang paekoy kung may time ka... kung wala kang time dalaw ka pa rin..lols
Ikaw ang isa sa reliable na makukulit ko nyan, hahaha! Salamat sa mga tips mo ha.. Hopefully nga matuloy ako. Ssshhh! ^__^
Gusto ko rin yung No. 7 mo, haha! Pwedeng productive ang libangan..
You're one efficient person to rely on to when it comes to this and in other aspects. Kahit mas bata ka sa 'kin, parang napaka-mature mo nang tao. Kahit noon pa sa mga nababasa kong previous post mo.
Walang halong kyeme, pagkukunwari o yabang sa katawan. God bless you Kosa!
cheers!
Jessie**
salamat salamat naman po kung nagustuhan nyo...
Mela**
wow.. ganda ng pangalan nyo ahhh.. parang yung nasa tsokoTae na naging popular galing sa China..hehe
salamat po sa pagdaan..
Bommz**
parekoy, di ba nasa iraq ang mga kano para patigilin ang kaguluhan sa Iraq? hahaha pero iba nga yata angt nangyayari..lols
world peace pa rin!!!!
SaulParekoy**
hahaha... huli ka na nga sa balita.. oo madaming nangyari na hindi mo alam..
haaaaa? taena parekoy kung hindi sulit ang pagtatrabaho abroad, wala na sanang umalis ULIT pagkatapos ng kanilang mga kontrata.
sige yan na ang susunod..lols
di mo ba nakita yung sinabi kong may kasunod pa to?
salamat sa palaging pagdalaw.
Mavs**
hahaha.. sige sige..
tandaan mo ito..
sana nga lang hindi pa nagbabago ang abroad sa panahon na yun.
LioLoco parekoy**
hahaha.. usefull ba?
taena, napakababaw nga nito eh.
pero salamat na rin sa pagsayang mo ng oras mo para lang pumunta dito at magbasa..lols
kitakits
Dylan**
sige sige parekoy..goodluck at godbless.
nga pala, isa sa aking paniniwala ay HINDI NAKABASE SA EDAD ang Maturity ng isang tao.. nasa experience yan and on how do they handles things up.
taena, masbata pala ako sayo?
akalain mo yun... nyahahaha
wag kang mag-alala... baka naman masbata kang tignan kesa sa akin..lols
hahaha!
so far naman nagagawa ko lahat ang sampung chorva na nabanggit mo...
lalung-lalo na yung no.8 at 9!
nyahahah...
mahusay
mahusay
:D
yan lang ang masasabi ko dahil wala akong tulog..grrr
Jenskie**
taena... mabuti na ang walang tulog kesa walang gising..lols
mahusay nga!
mahusay ang walang tulog..lols
hahahaha i know sulit kaso parang ang hirap malayo sa pamilya mo di ba?
kaya nga hanga ako as iyo kahit likas na makalokohan ka.... hahahahaha
HINDI KO KAYA YUNG GINAGAWA MO!!!!!
neighbor naaliw naman akoh don sa number five...may hinanap akong tao na baka matamaan sa number five pero dehinz pa atah nagkoment sau d2... lolz... wehe... eniweiz...yeah kapag nasa ibang bansa it helps den na alam moh ang karapatan moh... ang mga rights moh para dehinz ka nila tapak-tapakan... at kaya mong ipagtanggol ang sarili moh... i do believe we all have different opinions about things... pero it doesn't mean na 'ung taong may opposite opinion regarding sa pinaniniwalaan moh eh mali nah... they can be right too and have a point... eniweiz we are all entitled w/ our own opinion... ingatz lagi.. Godbless! -di
magandang tips yan, lalo na yun #9, yan ang ginagawa ko ngayon hehehe pero lahat ng tips mo ginagawa ko naman....salamat sa paalala at salamat pala sa pagdalaw sa blog ko, akala ko nga blog entry mo na ito e hehehe
nice tips kosa!^^
i'll keep those in mind! thanks!
pero sana nga magamit ko ang mga yan...kelan kaya? hehehe
Saul Parekoy**
lols
kapag may goal ka parekoy,
kakayanin mo naman lahat eh..
focus lang.. ma-iimmune ka rin sa lungkot hanggang sa hindi mo na nararamdaman yun!
kaya nga ito adik ako sa internet eh..lols
Dee**
hahaha.. naaliw ka ba sa #5? lols
hahaha baka naman guilty ka?
jokeness..
salamat sa pagdalaw.
kitakits
Sardonyx**
lols
opo blog entry ko po ito.. pero hindi ito pang PEBA.
haaaaa? nagawa mo na ba?
lols effective ba naman parekoy?
ako kase minsan nakakalimot ako eh..
sumasablay.. maawain kase ako..hehe
desza**
salamat sa pagdaan...
sana sana sana nga magamit mo to..
godbless po!
mr. kosa, ngayon lang ulit ako nakabisita dito pero noong nakita ko yung post mo, naisip ko na hindi nga talaga madali maging ofw.
gusto ko din maging ofw. pagkagraduate ko sana ay magwowork ako ng korea o japan, pero hindi yung japayuki, huh? pero mahirap nga at macuculture shock ka.
salamat po sa tips. :D hahanapin ko ulit ang post na ito kapag nasa ibang bansa na ako. pero aral muna ako mabuti. :D
nahihirapan ako mag ipon ng sarili ko. pag naayos ko na problema sa pamilya ko saka ako magiipon pero my alkansya naman ako. yun muna sa ngayon..
tama din yung maging palakaibigan kasi kelangn mo yun para may matakbuhan lalo na sa bayan na di mo naman kilala..
kosa! kamusta? :)
nahihirapan ako mag ipon ng sarili ko. pag naayos ko na problema sa pamilya ko saka ako magiipon pero my alkansya naman ako. yun muna sa ngayon..
tama din yung maging palakaibigan kasi kelangn mo yun para may matakbuhan lalo na sa bayan na di mo naman kilala..
kosa! kamusta? :)
nahihirapan ako mag ipon ng sarili ko. pag naayos ko na problema sa pamilya ko saka ako magiipon pero my alkansya naman ako. yun muna sa ngayon..
tama din yung maging palakaibigan kasi kelangn mo yun para may matakbuhan lalo na sa bayan na di mo naman kilala..
kosa! kamusta? :)
nahihirapan ako mag ipon ng sarili ko. pag naayos ko na problema sa pamilya ko saka ako magiipon pero my alkansya naman ako. yun muna sa ngayon..
tama din yung maging palakaibigan kasi kelangn mo yun para may matakbuhan lalo na sa bayan na di mo naman kilala..
kosa! kamusta? :)
nahihirapan ako mag ipon ng sarili ko. pag naayos ko na problema sa pamilya ko saka ako magiipon pero my alkansya naman ako. yun muna sa ngayon..
tama din yung maging palakaibigan kasi kelangn mo yun para may matakbuhan lalo na sa bayan na di mo naman kilala..
kosa! kamusta? :)
Post a Comment