
Nitong nakaraang araw, nakatanggap ako ng isang pasabi na kukunin akong ninong ng kanyang anak. Kaibigan ko sya at Kababata sa Pinas. Matalik kaming magkaibigan noon hanggang sa mawalan na kami ng komunikasyon at nilipad na ako ng Hanggin papalayo sa Nanlilimahid na kahirapan at Dumi sa Pinas.
Ngayon isa na syang mommy sa isang cute na cute na Baby Girl... Masasabi kong wala na yata sa kanya ngayon ang dati nyang ugali. Makipagbabaran sa inuman. Malakas pa sa akin lumalak ng alak. Nananabako. walang pakiaalam sa mundo.
Pero ang unang naitanung ko sa sarili ko, Bakit kaya ako kinuha nitong ninong ng kanyang anak samantalang alam nya kung gaano kasama akong tao. Kung anung mga kalokohan ang pinaggagagawa kong nuong kabataan ko(hindi pa naman ako ganun katanda, matured lang) Kung gaano ako kairesponsable. kung gaano ako kapasaway at kung gaano ako kawalang kwenta. Di sana ako magtataka kung hindi nya ako kilala personally at kung hindi kami magkasama nun sa aming mga kalokohan.
Base kase sa aking pagkakaalam,
Ang mga Ninong at Ninang na dapat kunin ay ang mga may kakayahan na tumayong pangalawang magulang para sa'yong anak sa mga sandaling wala ka sa kanyang tabi. Yung magandang ehemplo at magbibigay sa kanya ng magandang impluwensya.
Minsan kase umamin na tayo... ANg binyagan at pagpili ng Ninong at Ninang madalas eh napupulitika na rin. Kumbaga kung ikaw si Mayor kahit gaano kabulok ang iyung liderato eh marami pa rin ang kukua sayo bilang Ninong o di kaya ninang...
Pampasikat baaa... o di kaya para kapag nagkaproblema ka ay may umaanak sayong bigatin. O di naman kaya ay may magpapaaginaldo sayo na hindi kuripot sa bawat paskong darating..lols
haaaaaaayssss... Binyagan nga naman!!!
pero aaminin ko na rin, ang pagkakapili bilang isang Ninong ay nakakataba ng Puso. Sila kase yung nakakakita sa tunay mong potential at kakayahan bilang isang pangawalang magulang at magandang ehemplo sa kanilang anak. Hindi ko man kasing yaman si Mayor o di kaya kasing sikat si Hayden Mho ay napili pa rin ako bilang isang Ninong kahanay ang ilan din naming matitinong kababata at kaiskwela nuon.


35 comments:
Ninong Kosa!
Haha!, hanu ka ba? anu naman akala mo sa sarili mo? Talagang masamang damo? Malay mo nakita nila ang other side mo...^__^
Isa pa, tumatanda ka rin, nagababago at nagmamature ang isang tao as they age... Nakikita nila sa'yo ang magandang example ngayon, naks naman!
Natuto na nga ako sa mga ganyan, hanggat maaari kung hindi ko naman masusubaybayan ang paglaki ng bata, eh pwedeng wag na lang.. Lalo na kung for political reasons, naman!.. and some others.
Dylan**
lols
taena.. kaya pala nawala ka nalang bigla.. may ganun ba talaga?
salamat sa pagdaan..
pag nagkaroon ako ng anak, kukunin din kitang ninong!!! hehehe... para makatikim ng canadian bacon ang anak ko... hehehe
Gillboard**
sabi ko na parekoy,
hindi ako magiging magandang ehemplo sa mga mgiging inaanak ko..lols
naks... Ninong Kosa!!! hehe... hmmm.... pero dapat kapag kinuha kang Ninong/Ninang eh 'un nga... 'ung tlgang malapit sau... 'ung kaya maging pangalawang magulang... nde lang basta makakuha nang Ninong/Ninang... nde for d' sake na pamarami sa list... and not for the sake na may panregalo sa Pasko... pero true... parang sarap nang feeling kapag kinuha kah na Ninong/Ninang. teka feeling koh repeat lang atah ang sinabi koh sa mga sinabi moh sa post... eniweiz congratz sau Ninong ka nah!!!! 'un lang... lolz... ingatz. Godbless! -di
NInonggggggggggggg este Kosaaaaaaaaaaa, ako man ninang daw ng hindi lang isa pero dalawang malulusog at kyut na kyut na mga bata sa pinas... wag ka ingay kaya sila kyut kasi mga pamangkin ko sila e lol!
Hehehe :D Maghanda ka na ng aginaldo at malapit na ang mga okasyong kelangan magbigay sa mga inaanak
ninong pamasko ko!... ahahaha...
ayuz...pero sa totoo lang isa itong senyales na tumatanda na tayo... aheks... magkagayunman patunay itong nagiging mature at responsable na tayo... ang pagiging ninong ay may kaakibat na responsibilidad... at ikaw ay dapat magalak dahil ito ay nakita sa iyong kapogian... aheks...
congrats kosa... ^_^
ang mga ninong natin marami ring ginawang kalokohan noon. kaya oks lang. hehe.
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Bigla ko naalala mga inaanak ko na sobrang dami. May anim na buwan pa para mag ipon....
Ayuz yan, ibig sabihin may tiwala ang mga magulang sayo parekoy na magiging tamang gabay at mabuting ehemplo sa kanilang anak... :)
at dahil dyan kaw na ang kukunin kowng ninong sa magging anak ko someday lols 100yrs frm now lols
Dee**
hahaha.. honga.. ulit lang yun!
taena.. pero parang tama ka.
nakakataba ng puso...
salamat sa pagdaan.
GBU too.
Ninang Manilenya**
hahaha
pwede rin ba kitang tawaging ninang?
taena.. masmalupit ka pa pala dalawang kyut na kyut pa ahh..
taena..
maganda yan!
Lord CM**
ahahahaha.. talagang maghahanda ako parekoy.. magtatago ako kapag may mga banta ng panghohold-up..lols
Pareng SuperGulaman**
lols
wag naman ganun.. kalabaw lang ang tumatanda parekoy.. nagkakaedad pwede pa..
pero tama ka...
baka malamang sa Kapogian nalang dinaan ang criteria sa pagpili ng mga Ninong at ninang..
ahekhekhek...
Nobe**
hahaha
salamat po sa pagdaan.
natawa naman ako sa sinabi nyo.
pero tama po kayo...
lahat siguro sa atin may kanya kanyang kalokohan.
Oracle**
hahaha..
ganun? sobrang dami na ba talaga ang inaanak mo?
pero naging magandang ehemplo ka naman ba? jokeness.. medyo parang pareho yata tayo... malalakas ang dating sa mga nagpapabinyag...hindi nawawala sa listaha..
salamat sa kuro-kuro!
Visiting you today...Nice site you have, please visit my site for a total pinoyshowbiss and celebrity gossips click here
Pwede ka bang maging Ninong sa isang binyagang hindi ka naman inimbitahan?
Nangyari na kasi sa 'kin 'yun. Sobra akong na-badtrip. Nike-claim nila na Ninong ako nung bata eh wala naman akong natanggap na imbitasyon sa binyagang naganap. Ampf.
Kinukuha kasing mga Ninong at Ninang ngayon eh 'yung kung sinong may mga magagandang trabaho para siguradong maganda ang regalo. Nakakalungkot at nakakainis lang.
Kapitbahay pala namin 'yung kumuha sa 'king Ninong ng anak niya (pero hindi kami close). Ampf.
naks parekoy ninong kana..ah..
Lahat tayo may nakaraang kagaguhan.. kaya ka kinuhang ninong dahil (gago) mabait ka at responsable at sempre mag katropa kayo..... kilala niyo ang isat isa..
good luck...
heheh..
may ganung (im) paktors ka pang sinasabi..
bakit ako?
mabait naman ako ahh..
maalalahanin..
matulungin at maaasahan
pero wala masyadong nakuha saken para magninang...
haha...
ang rason?
muka pa kase akong beybi..:P
per0 siryus..
ang mapili bilang pangalawang magulang ng isang bata ay nakakatuwa..:)
ibig sabihin,
ipinagkakatiwala na din sayo ng mga magulang yung bata..
hindi ko maintindihan yung kinoment ko..whahaha!
Pang-ilang inaanak mo na ba ito Kosa?
Walang taong perpekto, lahat tayo ay magkulang sa ating sarili, magpagkakamali at muling magkakamali, dahil tao tayo.
Ang mahalaga sa bawa't pagkakamali natin, tumatayo tayo at nagsisisi at pinipilit itama ang mga kasalanan.
Kaya't huwag kang mag-alala, kwalipikado kang Ninong, hindi dahil sa naging makasalanan ka o wala kang pera, kaya ka kinuhang ninong kasi si Kosa ka.
mano po ninong...
Nagulat talaga ako sa pang-turing ginamit mo para sa bansang Pilipinas. =,{
haaays here we go again, contradicting principles...(tama si doc RJ)
anyways mano po ninong!
baka mapera ka . lols biro lang po.
hays ang sakit nung sinabi mo sa first paragraph .
hanggang sa mawalan na kami ng komunikasyon at nilipad na ako ng Hanggin papalayo sa Nanlilimahid na kahirapan at Dumi sa Pinas.
ang PILIPINAS bow.
kagaya ng kaibigan mo... baka naniniwala na syang ikaw mismo ay nagbago na rin... hehehehe!
congrats... at happy independence day sayo!
baka galante ka kakosa kaya ikaw ang kinuhang ninong para kapag pasko malaki makuhang aguinaldo ng inaanak mo
lolzzz
hehehe
ayos...mery christmas ninong kosa.
ganun nga sa atin. kukunin ninong at ninang yung may sinabi or may pwesto. para may koneksyon. hehehhe.
napadaan mula at umepal..
dati naiinggit ako dahil walang kumukuha sa aking maging ninong...
pero ngayon, lagpas na sa darili ko ang inaanak ko... tingin nga ba nila e mabuti akong tao??
ninong malapit na pasko.. hehe
kapag pumipili yung iba ng ninong base din kasi financially.
pag may kaya ninong mo. malaki din daw ang mapapamaskuhan mo. (lalo na yung mga nasa abroad. aray) hehe
hehehe wag mo masyado pakaisipin, regalo lang sa pasko ang habol niyan sa yo!Kiddingggggggggggg!
Amor**
taena, baka naman kaluluwa mo na lang yung makukumare ko kung sakali..lol
Zha**
salamat salamat sa papuri!
balik balik po sila!
hehehe
Gasdude**
lols
apiiiir tayu dyan!
hahaha.. ang malaking ebidensya dyan ay yung baptismal certifictae nung bata.. kung nandun ang pangalan mo, ninong ka nga! pero kung wala e di hindi...
haaaaaayssss.. ganun na ba talaga ngayun? kakalungkot naman..
Bommz Parekoy**
hahaha.. oo nga ninong na ako.
taena hindi naman ito yung first time pero nakakawindang lang yung alam naman nilang lokoloko ako eh kinuha pa nilan akong ninong..hehe
Jenskie**
hahaha
ganun kaya yun?
baka namn mas-type ka nilang kuning ninang sa kasal..lols
The Pope**
haaaa? pang-ilan na nga ba?
parang hindi ko na nga po matandaan eh.. more or less pang Lucky 9 or 10 na to..lols
naniniwala po ako sa sinabi nyo at salamat salamat po!
Tonio**
kaawakan ka ni Papa God anak..lols
adiiiik ka!
Doc Aga**
lols.
sa kabilang banda.. may ganun!
sorry po! nasaktanpala kaw...
Mulong**
haaaaaaaaayssss.. parekoy
ok lang yan! lagi naman akong nababangenge sa mga comments mo eh.
inuusog ko ang pinas kase nga parang MAGKAKAGULO na naman AT NANLILIMAHID na sa karumihan ng Pulitika.
ayan, sana po pasado naman ang palusot..lols
sorry!!!
Pablong Pabling**
oo nga parekoy.. uulitin ko,
bababa na naman ang ekonomiya ng pinas dahil sa kaguluhan na nagaganap... maghihirap na naman ang mahihirap at magkakagulo na naman ang Politika..(hulahula ko lang) kaya inuusog ko na.
ah ninong wag moko tataguan sa pasko at bday ko ha,lols
masarap nga maging ninong dahil masarap mgkaroon ng maraming kumpare at at pgkatapos ng binyagan ay inuman,haha ang babaw ng rason
hi ninong musta ka na kaylan ka ba uwi dito..dami mo ng utang sakin ah hehe..joke..
may rason sya kya ka kinuhang ninong ni ate, alam nya na kaya mong gampanan ang pagiging ninong..
kaya sa susunod kukunin din kita hehe..
kuya di ba sabi mo susuporthan mo ko kung kaylangan ko ng tulong..
kaylangan ko ng boto mo heheh..para makuha natin ung 20 dollars hehe sayang un hehe..
punta ka dito at i vote mo ko hehe..
nakita mo naman yung netry ko dati di ba ung may kasamng pektyur hehe,,
http://joyceish.com/?p=1530
babalatuhan kita pag nag wagi tayo hehe..papainom ako rh hehe..
tnx..
mwah...
love lots,
anakngpating
pag pinili kang ninong ibig sabihin marami kang pang aginaldo... hahahahaha!!! joke!!!!
pag kinukuha akong ninang proud ako, imagine of all people, ikaw ang pinili nyang maging 2nd parent ng kanyang anak.. diba? totoo yan nakakataba talaga ng puso, yong iba nga lang namimisinterpret ang kahulugan ng ninong at ninang, minsan para lang magkaron ng kapit sa halimbawa presidente ng kumpanya, kapitan ng barangay at kung sino sino pang nasa position..
wala lang umepal lang... hehehe... diko alam kung may nakapag comment na nitong sinabi ko dyan sa mga nauna nang nag comments, di na ako nagbasa... hahahaha... napadaan lang :) musta naman dyan parekoy????
Post a Comment