Kanina ko lang napansin na patapos na pala ang buwan ng Mayo... Hindi naman sa tatanga-tanga ako pero talagang pakiramdam ko eh, sobrang bilis ng agos ng Buhay.. ilang tulog nalang at HUnyo na naman.. Magtatapos na ang summer vacation ng mga Batang nagpapakasaya sa kawalan ng pasok sa eskwela... wantusawang paglalaro, walang limit na panood ng TV, at paggising ng kahit anung oras na Gustuhin. Mapapalitan na ito ng paggising ng maaga para pumasok sa school at paggawa ng assignments at mga school projects. Wala munang laro-laro at panonood ng Tv hanggang madaling araw.
Naaalala ko tuloy ang alaala ng aking kamusmusan kung saan, Pinipilit pa ako ng aking nanay na gumising ng maaga at pumasok sa iskwela... Ngayun ko nararamdaman kung gaano talaga kahalaga ang edukasyon para sa isang tao...
Minsan ko ng sinabi na hindi ako naniniwalang edukasyon ang tuntungan para maabot mo ang lahat ng iyung mga hinahangad sa Buhay.. Pero minsan iniisip ko, paano nga kaya kung naging masipag ako sa pag-aaral? naging matalino... naging edukado? Saan na kaya nakabase ang aking buhay ngayun? nakaahon na kaya kami sa hirap? nasagutan ko na nga kaya ang mga katanungan ng aking buhay na hanggang ngayun ay wala pang kasagutan at hindi ko alam kung kelan at kung saan ko makukuha ang kasagutan? Naging masmasaya kaya ang aking Buhay kung sakali? Nagkaroon kaya ako ng mga kaibigan na maituturing kong sandalan sa oras ng aking pangangailangan? Mapapadpad kaya ako dito sa Blogosperyo? Makikilala ko kaya kayo?
Mahalaga ang Edukasyon!
Yan ang palaging sinasabi ng aking Nanay simula't sapol! Pero hindi ako naniwala nuon... Hindi nga ba ako naniwala nun, o ayaw ko lang maniwala... Namulat ako sa mga paniniwala ng isang pasaway... Namulat sa kasabihang "ang malas eh mananatiling malas" na kapag timamaan ka ng swerte ay instant yaman ka ng bonggang bongga. Hindi pa rin naman nawawala sa akin yung mga paniniwalang iyun pero parang maspapaniwalaan ko na ang sinabi ni Nanay ngayon MAHALAGA ANG EDUKASYON..
Tumatakbo ang Oras...habulin mo!
Masaya ang Buhay; Sulitin mo!
Dahil hindi ko na maibabalik ang mga nagdaan, wala na akong magagawa dun. Tanging mga alaala nalang ang natira sa aking kabataan. Maaga kase akong sumabak sa mga Hamon ng Buhay. sa edad na 17 ay nag-umpisa na akong magtrabaho at mula nuon, hindi na nabaling ang aking attention sa pag-aaral... Nagpursige akong magtrabaho---kumita ng pera at magpakasaya na walang inaalalang school projects o di kaya mga assignments.
Nabulagan kase ako sa paniniwala ng isang kaibigan na
"Mag-aral ka man o Hindi! Pagtanda mo, Pera lang ang kailangang Kitain mo" Pero minsan iniisip ko, HINDI PALA.. Kung Saya at sulit na kabataan ang pag-uusapan, Hindi ko ipagpapalit ang aking mga karanasan. mga alaala at mga bagay na napagdaanan dahil hanggang ngayun, dala-dala ko pa rin ang masasayang alaala na kasama ang aking mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Panindigan mo!
Lahat ng bagay na aking Pinaggagagawa sa aking Buhay ay pinipilit kong panindigan sa abot ng aking makakaya. Naniniwala akong YUN ANG PINAKAMAHALAGA! Huwag mong isipin kung tama o mali ang iyung nagawa. Ang ginawa mo ay kabilang sayo at Hindi mo kailangang isisi sa kung sinu-sinung nilalang o sa kung anu-anung rason.
May mga bagay kang matututunan sa bawat pagkakamali na iyung napagdaanan. At hindi mo yun matututunan kung saan-saan lang! Hindi yun maituturo ng iyung magulang o maging ang sinung pinakamagaling na Guro.
pasensya na.. ito ay delayed post. Post ko sana ito bago matapos ang May.

18 comments:
Ang tunay na lalake, may sariling paninindigan!
Napaisip ako sa kahalagahan ng edukasyon. Alam mo bang ang mga call centers sa Pinas eh pwede nang tumanggap ng empleyado kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo?
At ang mga undergraduates na nasa call centers ay mas malalaki pa ang mga sahod kesa sa mga graduates ng UP, UST, Ateneo, La Salle, etc. na nagta-trabaho sa isang ordinaryong opisina?
Wala lang...
Minsan pre nasa diskarte mo lang yan..kahit wala kang pinag aralan basta may diskarte ka tiyak un magiging masaya ka...
Hindi lahat ng may tinapos sa magandang paaralan naging masaya o nakuha ang gusto nila, pero marami sa atin ang guminhawa dahil sa diskarte sa buhay...
ang pagiging Domestic Helper ay hindi pinag aaralan sa school, pero mas malalake pa ang bahay nila kaysa sa mga nakapagtapos ng pag aaral...
hmmmm parekoy ganda ng post mo ah... dami kong na alala sa mga sinabi mo... hmmm tama ka nung sinabi mong mahalaga ang edukasyon... noong college ako medyo tatanga tanga pa ako kasi di ko pinapahalagahan yung pag aaral ko... kaya ayun nung tuluyang huminto na ako at pumasok sa larangan ng pag tatrabaho ayun na!!! hirap na hirap akong makapasok!!! kung maibabalik ko lang ang panahom sana nag pursige akong mag aral!!!
pero hahaha kosa na promote si ako.... at hindi na ako contractual employee.... regular na daw ako...
mag papa burger si ako!!!
teka naka roaming ka ba?
sa sobrang bilis ng takbo ng panahon..nakaligtaan na june na pala... ahehehe...
mahalaga ang edukasyon... mahalaga din ang oras... pero wala ng mas mahalaga sa karanasan na iyong dinaraan...sa karanasan ay nandoon nakapaloob ang tunay na edukasyon ang panahon na pilit nating hinahabol...stop, nagiging seryoso na ako... ahahaha...
pero june na kasi...at isa lang ang pumapasok sa isip ko... ang mga kataga ng aking kapatid na... "kuya pengeng baon"... patay tayo jan... ahahaha...
Kapag edukasyon ang usapan, sa tingin ko walang 'late'. Palaging napapanahon ang post na ito, bro.
agree ako sa sinulat mo... ika nga ni bob ong... ayos lang na magtiis ng 2 dekada ng pag-aaral... kesa 5 dekada ka maghirap...
i miss school life hehe..
ang mag sunog ng kilay makatapos lang..ng high school ang di ko na lang narranasan ang collage life hays...
hehe..
kuya kamusta naman ehhe
walang masama kung paminsan minsan lumingon tayo sa nakaraan - alalahanin ang mga masasayang karanasan at pagnilaynilayan ang mga aral na natututunan sa buhay. pero ika nga nila "past is past." gano man kalaki ang kagustuhan natin ibalik ang nakalipas wala na tayong magagawa. ang mahalaga, sana meron tayong natutunan na magagamit natin sa pangkasalukuyan. focus tayo sa kung ano man ang meron ngayon. pagsikapan pagyamanin upang ang darating na kinabukasan ay hindi maging tulad ng nakaraan. :)
GasDude**
hehehe..
oo nga parekoy..
teka, di ba atenista ka?
LordCM**
wow
parekoy,
parang alam ko yan ahhhh..
yan ba yung Diskarte at swerte?
may naalala tuloy ako..
Saul**
oo parekoy,
may roaming ako..lols
ahhhh
yun na nga yun!
kongrats parekoy!
iba talaga ang diskarte ng maabilidad na gaya mo..
SuperGulamen**
lols
bakit ka tumigil?
taena... yun yung mga gustung gustu kong kommento eh.. yung mga tipong malaman at pangpost ang dating.. lam kong duon na yun papunta..lols
ahhhhhhh... iba talaga ang buhay kapag June at may pasukan na..lol
sabagay, ganyan talaga ang Buhay!
Doc Aga**
oo parekoy, naniniwala din ako na walang edad-edad sa edukasyon..
pero yun nga, wala ng magpapaaral sa akin kundi sarili ko kapag gusto ko pang bumalik eskwela..lol
Gillboard**
haaaa? sabi ba yun ni Pareng Bob Ong? oo nga pala..lols
at may tama nga sya!
there are concerns that i disagree with. however, my opinions of course, might differ from yours.
pero kinontradict mo din ang sarili mo dre. read closely the phrases under "masaya ang buhay sulitin mo" and in "Panindigan mo!"
MAHALAGA ANG EDUKASYON, tama ka pero sa pananaw ko, may kulang, dapat din kasi mayroong "DISKARTE" kasi minsan kahit kulang sa edukasyon basta meron nun, malayo ang nararating. parang ikaw di ba?
yun naman ang kulang ako!
napakahalaga nga talaga ng edukasyon... pero ang iba parang balewala lang ito kahit nagpapakahirap ang mga magulang nila para ibigay lahat pero nauuwi pa rin sa wala ang paghihirap nila. may mga anak kasi na balewala lang ang pag-aaral... ayon... sa bandang huli nagsisisi bakit hindi sila nag-aral ng mabuti... toinks! adik di ba? hehehe!
tama rin sila... nasa DISKARTE ng tao din yon... may pinag-aralan ka nga o ikaw ang pinakamatalino sa lahat ng kaklase mo pero kung wala kang DISKARTE... wala rin!
para daw kasing putahe ang ating buhay kung kulang ka ng ingredients... ayon... intiendis mo na yon... hehehe... hirap mag-explain kasi kahit ako ay kulang ng ingredients... hehehehe!
ahhh roaing ka pala akala ko tuloy nasa pinas ka na... kung sakali huhuntingin kita... hahahahh
ANak ng PAting**
lols
hindi ka nag-college?
bakit naman? ahhhh nag-asawa ka agad? lols ok lang yan! atleast may career ka pa rin..hehe
Rej**
tama.
tama..
tama ka poarekoy...
salamat sa pagdaan!
Mulong**
taena parekoy..
lagi akong nababangenge sa comment mo ahhhh.. oo naman! malaking usapin yan pero naniniwala ako na may kanya-kanya talaga tayung pananaw at opinyon sa buhay.
haaaaaaaa?
malayu na ang narating ko?
taena.. wag ka nga! di pa ako nakakarating sa Pluto.
Marco Parekoy**
hahahaha.. oo nga nasabi ko na yata yan nun sa preview post ko..
kasama ni SWERTE at TALINO..lols
haaaaaaaa?
anung ingredients na naman yun?
taena di ko rin gets.. baka kulang din ako sa ingredients.
SaulParekoy**
hahaha
bakit ganun?
sa internet nga di mo ako mahunting eh.. sa teleserye pa kaya ng totoong Buhay?
walang pasensya pasensya...may presinto ba jan?...alam na!...hahaha
musta na parekoy?..
Pajay Parekoy**
bakit ang presinto? dun ako magpaliwanag? lols
ok lang ako parekoy...
ikaw, musta?
Post a Comment