Wednesday, May 6, 2009

Walang kwentang Post..walang kwentang banat.. basta! walang kwentang walang kwenta!

Nitong mga nakaraang araw, parang nawawalan na din ako ng time sa blogging... Naniniwala kase ako na ang isang bagay na napapabayaan eh,Kung hindi man nawawala ay pinamamahayan ng mga kaluluwang ligaw at mga hindi magagandang Elemento. kaya pauna na to sa pangalawa... kasunod ng mga nawawalang blogerot blagera, Sina Paperdoll... si Yods(boyputo).. at sa lahat ng iba pang blogerong nawawala...kitakits

Parang Kailan lang... nitong Umaga, nagising akong may kasamang pagkawindang----akalain mong Mayo na pala... Parang kasing Bilis ng Laban ni Pacman at Hitman ang pagdaan ng panahon ahhhh... parang hindi ko na namamalayan ang pagdaan ng bawat araw... Pero ganun talaga siguro ang Buhay, Hindi natin kayang pigilan ang bawat pag-usad na ginagawa ng Panahon..
Siguro ang Mahalaga eh, sulitin natin ang bawat araw na inilalagi natin sa mundong ibabaw... walang inaapakang ibang tao at walang sinasaktan na nilalang.

Walang sinasaktan na nilalang?

ahhh.. sana nga... Minsan kase, may mga bagay na hindi naipapaliwanag ng tadhana... Wala kang kamalay-malay ay nakakasakit ka na pala... o minsan naman alam at ramdam na nga natin, maspinipili pa rin nating manatiling tahimik---- naalala ko yung sinabi sa akin ng isang taong malapit sa akin na "kung wala ka rin lang namang sasabihing MAGANDA eh wag ka ng MAGSALITA..." Pero Tama ba yun? o di kaya masmagandang itanung sa isang tao kung nasasaktan mo sya? di ba parang labag yun sa kagandaang asal? kumbaga eh, nilagyan mo lang ng asin ang sariwang sugat?

sabagay, ang nakaraan eh nakaraan at hindi na kailangang balikan lalo na kung ito ay hindi masyadong maganda... pero kung may napulot ka naman na ginintuang aral eh, abah, balikan mo at baka magamit mo sa susunod na laban mo sa Buhay.

Sa mga taong nasaktan ng aking paraan ng pagsusulat... sa paraan ng aking pakikitungo at paraan ng aking pakikipagkapwa tao, humihingi po ako ng pasensya, sorry at Pera kung ok lang... Hindi ko sinasadya ang mga pangyayari at lalong hindi ko sinasadyang maging Pogi (insayd en awt) at lababol..lols Kapaaaal...


**********************************

Habang ginagawa ko ang Post na ito ay wala akong tulog sa nakalipas na 36na oras. Medyo hilo-hilo pa ako... lasing na lasing... bangag na bangag... antok na antok pero kailangan ko itong tapusin kase wala na akong oras sa susunod na mga araw... kailangan ko din kaseng matulog ng konti. Kahit konti lang.

SObrang mahiwaga ang Blogging... may mga bagay na nakatago sa likod ng mga letrang nakasulat. sa mga litratong nasasapubliko at sa mga paniniwalang nakalimbag. May mga bagay na nakakadala ng emosyon at nakakabulag sa mga mapanlinlang na imahinasyon...

Siguro(hindi sigurado), sa mga naisulat ko sa ilang nagdaan kong mga post ,medyo nalalayu sa mga tunay na kalagayan ng aking buhay... in a way na iniingatan ko na ang mga salitang aking inililimbag.. ayaw kong may nag-aalala sa akin at lalong ayaw kong makaapekto ang mga ito sa mga taong nagmamahal sa akin... Base kase sa aking pagsisiyasat... medyo nahuhubaran na ang totoong katauhan ni Kosa. Napag-alaman kong may mga tao na palang tunay na nakakakilala sa akin ang nagbabasa at pumapasada dito sa aking kinakukutaan...nahiya tuloy ako sa aking mga walang kwentang pinaggagawa dito... dating classmates... dating schoolmates... dating kaibigan...kapamilya at Kapusooooo... waaaaaahhhh.. hindi ko inaakalang masisita ako nuong isang linggo.. di ba Lorena Balbaguen?

Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang aking Post na to... magpapasalamat nalang muna ako sa mga taong napalapit sa akin sa mundong ito. Hindi ko inaasahan na sobrang dami kong matututunan sa mga bagay na inyung ibinabahagi sa katulad kong nagbabasa, pumapasada at sumusubaybay sa teleserye ng inyung mga totoong buhay... Hindi lang pala ako natuto kundi natuwa, tumawa... lumuha... umiyak at nalungkot din...

Nagpapasalamat din ako sa mga blogero't blagera na napalapit na sa akin sa mundong ito... alam nyo na kung sinu kayoooo... mga mahal ko kayung lahat at sana pagbalik ko eh magkakaangkas pa rin tayu sa walang kwentang byaheng baku-baku.



Ise-share ko lang sa inyu ang araw-araw na tanawin dito sa aking kinakukutaan dito sa Hilagang Bahagi ng Vancouver.



ang LionsGate Bridge at ang noo ni Kosa...

ang LionsGateBridge na nag-uugnay sa Vancouver Downtown, North Vancouver at West Vancouver. at Stanley Park ang isa sa Pinakamalaki at pinakaNatural na Park na matatagpuan sa Pusod ng isang Syudad sa Hilagang amerika.

ang British Property! paanan ng Bundok kung saan nakakuta ang mga mayayaman. Tanaw ang liwanag ng kalakhang Vancouver sa Gabi.


ang Vancouver...


Pahabol:
bakit ba ganito, natapos ko ang isang Post na to sa Loob ng ilang oras pero Hindi ko na naman alam kung anu ang dapat kong ilagay na Taytol... nakakainis.. lagi nalang akong napapa-isip kung anu ang dapat kong ilagay na Title sa bawat post na ginagawa ko..lol

25 comments:

EǝʞsuǝJ said...

o may gad....

ang tugtog...

wahahaha...

wla bang ibang tugtog na available jan sa kikuhaan mo ng tugtog? (nangielam daw ba?)...haha

ah eh basta ito lang ang laging dapat tandaan...narinig ko sa sismisan kanina..

lahat tayo eh may kanya-kanyang pananaw sa buhay..,may kanya-kanyang bagay na pinaniniwalaan at kanya kanyang kalokohan na ikinukubli dahil KARAPATAN natin yun...

di mo kailangang humingi ng tawad sa mga "di mo sinasadyang masaktan"..bakit? dahil hindi sila masasaktan kung hindi nila hahayaan na masaktan mo sila.

adik! hehe...

Anonymous said...

mabilis nga...
ang hirap habulin noh?
kung tao ka... talagang may masasaktan at masasaktan kang nilalang.. dahil kung hindi... baba, mag-isip-isip ka na...
may mga pagkakataong, tama na magsalita ka.. sabihin kung ano ang iyong nararamdaman, pero meron din ngang mag tim4es na kailangan mong manahimik.,..sabi ko nga sa iabng entry ng ibang blogger na.. minsan kase sa pananahimik natin, mas may nasosolve na problema..
eh kapag ba nalaman mo directly na may nasasaktan ka... pipiliin mo bang magsalita o mas pipiliin mo ang manahimik?
hindi man siguro buong pagkatao mo ang nirereveal mo dito sa blog mo pero aminin mo man o hindi... may parte ng totoong personalidad mo sa totoong nbuhay ang nailalantad dito.. people who reads your blog...they read and came to know a part of you... somtimes, yung parteng yun na nakikilala nila eh kahit sayo bago din... iba-iba ang wavelength natin sabi nga ni lio.. iba-iba pananaw natin.. may kanya-kanya tayong paraan ng pagkilatis sa personalidad ng tao.. PERO hindi mo mapipigilan ang iabng taong nakakabsa sayo dito na makita ang isang bahagi ng pagkatao mo na uber sa willing mo naman na i-shinare samin.,.. ahihihihi...
sorry napahaba, nakalimutan kong comment section mo toh, akala ko blog ko eh...
kung san ka man dalhin ng byahe mo.. mag-ingat ka at.. wag mo kami kalilimutan dito ahihihihi
Godbless!

-mother earth- :P

kosa said...

Jenskee**
ahhhh
ganun ba yun?
sige sige tatandaan ko yun

Mother Earth**
ahihihi..
wavelenght? anu yun, pagkain?
lols
tenchu tenchu..
sige sige
kitakits

EǝʞsuǝJ said...

mother earth marunong ka mag-blag? wahahaha...adik...
ang sbi comment, hindi sermon..:P

Lord CM said...

Mawawala ka rin? Babalik ka? Bilisan ah!!! :D

Anonymous said...

kosa
kahit anong basa at dinig ang gawin ko sa wavelength eh hindi ko pa rin maisip na pagkain yan.
gutom ka ba?
malamang nga bangag ba bangag ka na. itulog mmo yan... masama yan pag sumobra hahaha

miss ka na namin kakulitan.. wala nang confe-confe ah.. hahaha


jenskee
kailangan ba talagang baliktad ang pangalan mo? ano bang kalokohan yan.. at oo naman.. mahilig nga akong ma-blagag eh! hahaha

-mother earth-

Bhing said...

tuloy lng ang paglakbay, ganu man kahirap, kanu man kalaki ang balakid! baku baku man o straight...bsta tuloy lang...

have a nice day!

MarcoPaolo said...

Aba! magleave of absent ka na rin... lolz! ingat ingat parekoy...

Dhianz said...

iniscan koh lang muna. hihirit bago akoh umabot sa dulo nang mundo d2 sa koment section moh. eniweiz how'z u neighbor? bzng bz kah sa buhay ah?... oo nga graveh ang bilis lang lumipas nagn panahon noh. next u know pasko na naman. tapos 2010 nah tapos 2011 tapos 2012 nah. iniisa isa eh noh. lolz. tama nah. nag-ahead nah akoh masyado. time goes by so fast kayah naman matutunan naten ienjoy ang every moment na meron tayoh. kc ang mga momentz nah 'un nde na babalik. and baka by d' time na gusto naten ienjoy eh baka too late nah. make sense pah bah? oh well. eniweiz ingatz lagi dyan. easy lang. baka malimutanz mong huminga. breathe. smile. relax. enjoy. eat. sleep. pray. =) Godbless! -di

JOSHMARIE said...

dear KOSA,

saan ka pupunta? bakit ka matutulog? ang dami ko yatang namiss kaya wala akong alam sa mga nagyari... kung saan ka man pupunta eh sana bumalik ka. aalm ko babalik ka. haha. once a blogger always a blogger. ingat sa byahe.

muymuy said...

hi,
pers tym ko dito si Dhianz kasi ni-plug ang blog mo sa plurk...natats daw sya kaya naintriga naman ako..hehe

hayysst sadyang kay bilis ng panahon...at wala pa atang nakakapagliwanag kung bakit?..

kung aalis ka man sana bumalik ka ha, i like the way you write on your blog:)

Dhianz said...

aalis kah palah. kanina kc nung binasa koh nde koh tinapos. ba't bah? ewan. eniweiz. hmmm... yan ang kadahilanan na medyo anonymous akoh sa mundong itoh. cuz itz my own thoughts. honestly masikreto akong tao. i think yeah mga bloggers here are special kc kahit paano kayoh eh nababasa nyo ang ibang thoughts koh. naging kasama koh kayo sa paglalakbay koh at naging kadamay koh na ren minsan sa kaemohan koh. maliit lang kc ang mundong online. may makakakita't makakakitah minsan na kilala moh. kaya naman ang mga tunay na pangalan minsan eh tinatago koh na ren. kc minsan ang blog koh eh parang living diary koh lang. pero syempre limited pa ren kc mahirap nah devah. so itongz blogsphere eh showbiz lang. we can't really share everythin'. Kung ano man yang pinagdaaanan moh eh you'll make it through for sure. cuz God is w/ u. kapit lang sa Kanyah. He will never leave u nor forsake you. We'll miss u though for sure. sana d2 pa ren akoh sa pagbalik moh. Salamat sa lahat kosa. ingatz lagi. Godbless! -di

saul krisna said...

ui san ka pupunta? hahahaha bilisan mo parekoy at mabilis akong mainip.... anyway nagandahan ako sa post mo... totoong totoo...

(teka muna) bakit ganun ang song mo? di ko alam if malulungkot ako o tatawa kasi may na aalala ako sa song mo

anyway, salamat nga pala kasi never kang nag sawang unawain ang magulong pag iisip ko.... ikaw ang isa sa top 3 na unang nag comment sa akin.... si dee, lord at ikaw.... pang apat pala si prof...

salamat sa mga payo, sa mga words or wisdom(lalim nun pre) hahahaha

patalastas: alam ko na kung bakit ako natatawa... kinanta kasi yan ni toni gonzaga.... classmate at dating best friend ko siya from nursery up to 3rd year high school

kosa thank you.... batukan kita pag nagtawa ka dito habang binabasa mo ito.... gusto ko lang mag pasalamat sa iyo talaga.... buhay pa ako kasi dahil sa limang taong tumutulong sa akin(sniff sniff) tulo na ang sipon ko ahhh...

si GOD
si gf ko
si dee
si lord
at ang ka kosa ko sa selda katorse.... ikaw.... salamat bro...

dencios said...

kosa humayo ka at magkarami.
kung san man ang bayahe mo e sana makarating agad at nakakapagod naman yun at isa pa matulog para di ka sabog.

hayup sa background music boy!

ayus pala jan e may lugar ang mayayaman, aba e dapat andun ka naka kuta :D

gillboard said...

makikihiatus ka rin? hanubayan?! o siya.. wag masyado magtatagal... balik agad... madami ka mamimiss for sure..

poging (ilo)CANO said...

"Walang kwentang Post..walang kwentang banat.. basta! walang kwentang walang kwenta!" - dahil ginawa mo yan kosa, may kwenta..lolz...

HARI NG SABLAY said...

seryoso yun ah, may ntatanggap kana ba ng ibat ibang treats,hehe biro lang...

RJ said...

Cool post (kasing ginaw ng Vancouver)! Ang sarap basahin...

Maganda ang vegetation ng canada. Anong puno ba 'yang mukhang pine trees, bro?

Mr. Thoughtskoto said...

babalik ka rin, walang iwanan, peksman! Alam ko ang reason bakit ka magleleave, magpapayaman ka, at magiisip ka ng taytol ng entry mo sa PEBA... alam ko yan!hehehe

kitakits!

Jinjiruks said...

wag mong sabihin na makikigaya ka rin sa kanila sa pag-alis sa blogosphere. kailangan kita este namin.

Bino said...

bah,bihirang magparamdam ah! buti na lang may bagong post ka na ^^

Dylan Dimaubusan said...

Mas madalas akong manahimik.. kesa magsalita. I confine it inside to the point na kahit ako na lang ang masaktan.. may disadvantage nga lang..at my side..

Minsan maganda ring itanong sa iba kung nakasakit ka, para alam mo rin kung paano maging tact and careful in saying things. Di rin kasi magandang salita ka ng salita nasasaktan mo na pala mga tao sa paligid mo..

Ang haba ng post mo.. di ko binasa lahat..

Okay shots mo sa pics ah..
Maraming pwedeng title ang post na'to...

San na naman ang lakad mo? Pasakay!

Lio Loco said...

bat ka nagsosori? ako hinding hindi ako magsosori maski na may masagasaan akong tao. pinaalam ko na simula't sapol na maangas ang kuta ko at kung ayaw nila ng ganun, libreng libre silang isara ang browser at ipagpatuloy ang pagdadownload nila ng porn. so un. hindi pa rin ako magsosori. hehehe.

eh bat ka nga ba kasi nagsosori? may nagawa ka bang masama? sowska! eh muka namang puro kabaitan nga ang laman ng posts mo. di tulad nung sakin na puro kabalahuraan. wahehehe.

apir tayo kosang poging pogi! oha oha! di pa rin ako nakakalimot no! hehehe.

p.s. maganda ang mga tanawin. kelan kaya ako makakapunta jan? sana malapit na. hehehe.

The Pope said...

Isang pahiwatig na magbabakasyon ka Kosa, aantayin namin ang iyong pagbabalik. Baunin mo nawa ang aming pananabik sa susunod mong panulat.

abe mulong caracas said...

sa hinaba haba ng mala bulbol na post!

nang mga nagbabag na mga iniisip ni kosa

hindi ko maisip kung saan ko magkokomento

pero sa huli, nakito ko ang mga litrato

lintik lang, ayun...inggit na inggit na naman ako!