Pagiging OFW Part 1
Isa siguro sa pinakaGusto ng maraming Pinoy ang makalabas ng Bansa. Ito kase yung pinakamadaling abutin na pangarap kumpara sa pagiging Artista o di naman kaya ay pananalo sa Lotto.
Pero teka, anu kaya ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang gustong mangibang bayan kahit na sabihin pa natin na sobrang hirap ang Buhay abroad? Alam kaya ng marami na masarap lang pakinggan na galing ka sa ibang bansa kapag umuuwi ka ng Pinas at akala nila ang namuhay ka ng marangya, masagana at masaya sa Ibang bansa? O kahit pa sabihin natin, maniniwala kaya sila kapag nakikita nila ang mga makabagong gadgets na dala-dala mo... mula sa'yong telepono... sa bitbit na laptop hanggang sa kapal ng iyung pitaka na may nakasukbit pang ibat ibang uri ng credit cards? Idagdag pa natin ang luto sa lamig nating balat, kayumanggi ma'y makinis at parang hindi nasikatan ng araw sa loob ng ilang dekada...
haaaaaayssss... Buhay abroad nga naman na mapanglinlang...
Dalawang taon na rin simula nuong mapadpad ako dito... Hindi na rin mabilang ang puhunan na aking isinakripisyo mula nuon---hanggang ngayun. pawis...dugo..luha..uhog...tamod at madami pa.
Bakit kaya maraming pinoy ang gustong mangibang Bayan?
1. Ako mismo, nagpursige akong makaalis ng pinas kase alam kong wala akong mapapalang magandang bukas sa Pinas. Hindi ako nagtapos ng aking pag-aaral..grade 2 lang ang inabot ko... anu naman ang stable at matinong trabaho ang mapapasukan ko?
2. May mga ilan din na nagsabing masmalaki ang kikitain kapag nagtrabaho ka sa ibang bayan... Which is true naman talaga. Kahit factory worker kalang sa Taiwan or South Korea eh talagang maslamang ka pa rin sa sahod kumpara sa ibang mga properyonal na nagtatrabaho sa Pinas.
3. Para sa sarili! may mga bansang tumatanggap ng aplikante bilang bagong immigrant pagkatapos ng certain period of time na pagtatrabaho para sa isang bansa. kapag napatunayan mo na asset ka ng bansang iyun(tulad ng Australia at Canada) eh pwede kang mag-apply bilang bagong permanenteng mamamayan. di ba? para sa sarili mo yun!
4. Para makapag-ipon para sa hinaharap... pwedeng pampagawa ng bahay at pangnegosyo.. basta yung
magtatagal na makakatulong sayo kapag handa ka ng manatili sa Pinas.
5. Para makatulong sa pangangailangan ng Pamilya. Sa pag-aaral ng mga anak o di kaya mga kapatid.
aminin na natin, madalas ginagawa nating gatasan ang mga kapamilya nating nasa abroad. Pabili ng kung anu anu.. Hindi na nagtatrabaho dahil may ipapadala naman ang kapamilyang nasa Abroad. Alam kaya nila kung anu ang pinagdadaanan ng kanyang kapamilya para magkapera at may maipadalang pera sa Pinas?
6. Para sa Bayan? lols isang malaking kaplastikan yan! para sa akin lang... ang pag-aabroad eh walang kinalaman sa bayan. i mean, HINDI KA MAG-AABROAD para makatulong sa bayan... though nagpapadala ka ng pera which is nakakatulong sa ekonomiya pero hwag mong sabihin na para sa Bayan kase para yun sa pamilya mo. Mga OFW nga na pinagta-tax eh abot langit ang reklamo... yung tumulong pa kaya sa Bayan... pero mabuti na yun... tinutulungan natin ang ating pamilya at natutulungan din natin ang Pinas... ayaw man natin o gusto.
Ilan lamang 'to sa mga dahilan kung bakit nangingibang bayan ang isang Pinoy.
Pero kung ikaw ay isang anak mayaman.. o di kaya may magandang trabaho naman na kumikita ng medyo malaki-laki na eh, o di kaya magkakamal ng malaking kayamanan kapag namatay ang isang malayong kamang-anak. sana manatili ka nalang sa pinas at ng may matira naman na medyo matinu-tino sa pinas.
Pero teka, anu kaya ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang gustong mangibang bayan kahit na sabihin pa natin na sobrang hirap ang Buhay abroad? Alam kaya ng marami na masarap lang pakinggan na galing ka sa ibang bansa kapag umuuwi ka ng Pinas at akala nila ang namuhay ka ng marangya, masagana at masaya sa Ibang bansa? O kahit pa sabihin natin, maniniwala kaya sila kapag nakikita nila ang mga makabagong gadgets na dala-dala mo... mula sa'yong telepono... sa bitbit na laptop hanggang sa kapal ng iyung pitaka na may nakasukbit pang ibat ibang uri ng credit cards? Idagdag pa natin ang luto sa lamig nating balat, kayumanggi ma'y makinis at parang hindi nasikatan ng araw sa loob ng ilang dekada...
haaaaaayssss... Buhay abroad nga naman na mapanglinlang...
Dalawang taon na rin simula nuong mapadpad ako dito... Hindi na rin mabilang ang puhunan na aking isinakripisyo mula nuon---hanggang ngayun. pawis...dugo..luha..uhog...
Bakit kaya maraming pinoy ang gustong mangibang Bayan?
1. Ako mismo, nagpursige akong makaalis ng pinas kase alam kong wala akong mapapalang magandang bukas sa Pinas. Hindi ako nagtapos ng aking pag-aaral..
2. May mga ilan din na nagsabing masmalaki ang kikitain kapag nagtrabaho ka sa ibang bayan... Which is true naman talaga. Kahit factory worker ka
3. Para sa sarili! may mga bansang tumatanggap ng aplikante bilang bagong immigrant pagkatapos ng certain period of time na pagtatrabaho para sa isang bansa. kapag napatunayan mo na asset ka ng bansang iyun(tulad ng Australia at Canada) eh pwede kang mag-apply bilang bagong permanenteng mamamayan. di ba? para sa sarili mo yun!
4. Para makapag-ipon para sa hinaharap... pwedeng pampagawa ng bahay at pangnegosyo.. basta yung
magtatagal na makakatulong sayo kapag handa ka ng manatili sa Pinas.
5. Para makatulong sa pangangailangan ng Pamilya. Sa pag-aaral ng mga anak o di kaya mga kapatid.
aminin na natin, madalas ginagawa nating gatasan ang mga kapamilya nating nasa abroad. Pabili ng kung anu anu.. Hindi na nagtatrabaho dahil may ipapadala naman ang kapamilyang nasa Abroad. Alam kaya nila kung anu ang pinagdadaanan ng kanyang kapamilya para magkapera at may maipadalang pera sa Pinas?
6. Para sa Bayan? lols isang malaking kaplastikan yan! para sa akin lang... ang pag-aabroad eh walang kinalaman sa bayan. i mean, HINDI KA MAG-AABROAD para makatulong sa bayan... though nagpapadala ka ng pera which is nakakatulong sa ekonomiya pero hwag mong sabihin na para sa Bayan kase para yun sa pamilya mo. Mga OFW nga na pinagta-tax eh abot langit ang reklamo... yung tumulong pa kaya sa Bayan... pero mabuti na yun... tinutulungan natin ang ating pamilya at natutulungan din natin ang Pinas... ayaw man natin o gusto.
Ilan lamang 'to sa mga dahilan kung bakit nangingibang bayan ang isang Pinoy.
Pero kung ikaw ay isang anak mayaman.. o di kaya may magandang trabaho naman na kumikita ng medyo malaki-laki na eh, o di kaya magkakamal ng malaking kayamanan kapag namatay ang isang malayong kamang-anak. sana manatili ka nalang sa pinas at ng may matira naman na medyo matinu-tino sa pinas.
ps. hindi pa po ito entry sa PEBA. gagawa pa lang po ako... mahilig ako sa pahabol hehe.

36 comments:
ayy akala ko entry na para sa PEBA...sample lang pala..:D
ako..
nung bata pa ko ganyan yung paniniwala ko..
na kpag nasa abroad..
mayaman at prang wlang pinoproblema dahil madmi nang pera.
kaya ngayon na ako na mismo yung nasa abroad...
nakita ko yung pagkakaiba..
nakita ko n madami ka palang pagdaraanang hirap sa araw araw.
naks,.drama..hehe.
kinabahan ako akala ko entry na sa PEBA...hehehe. Halos magpinsan ang post natin ngayon kosa. About bakit nangibang bansa tayo, halos ganun na tema.
kapag OFW ka na tumutulong sa pamilya sa Pinas... tinutulungan mo ang society mo in a way. FAMILY is the basic unit of society.
tama ka, hindi natin intensyong tumulong sa bayan kaya tayo nangibang bansa. pero ang magkaron ng matinong kapamilya na hindi sagabal sa lansangan ay tulong mo na rin sa bayan.
ang pagpapadala ng dollar sa kapamilya ay tulong mo sa kapamilya mo... pero in a way, it has a great impact sa purchasing power ng peso.
hangga't nasa ibang bansa ka at nagpapadala ka.. hindi mo man intensyong makatulong sa bayan, nakakatulong ka Kosa....
sayang.. kala ko nga entry na sa PEBA. hintayin ko ang entry mo... wag pakatagalan... madami kaming naghihintay.
tama ka bro, kaya ayaw ko mangibangbansa gusto ko kasi merong MATINONG kagaya KO ang matira dito sa Pinas... (lord nagsinungaling na naman ako...)
kabayan ganda ng kwento mo...really true nga!!!
Jen**
oo HINDI ito entry...
oo nga eh, parepareho ang ating paniniwala... tanging mga HINDI nararanasang mangibang bansa ang hindi nababago ang paniniwala kahit matandan na.
Mr.Thoughts**
haaaa? bakit ka naman kinabahan?
magpinsan? teka mabisita nga...baka naman isiniwalat mo na ang aking PART 2..lols
AZEL**
apiiiiir!
yun nga yun eh. sa ayaw at sa gusto natin, nakakatulong tayu sa mga bwakananginang mga pulitikong kurakot na nakakuta sa pamahalaang bayan!
sayang..lols
sige ilalabas ko yung entry ko sa July..hahaha
Tonio**
hahaha...
mabuti yan parekoy ng may matira tira naman na matinu-tinu sa pinas!
Maus**
salamat po sa pagdaan..
Tama ka Kosa, ito ang mga tunay na kadahilanan kung bakit tayo nananatili sa ibang bansa para sa kapakanaan ng ating pamilya, ang pagkakataong kumita ng maayos na naipagkait sa atin sa sariling bansa.
Aabangan ko ang ikalawang yugto nitong panulat mo, at ang pinapanabikang 'entry' mo sa PEBA 2009.
pwede na sa PEBA to kosa...hehehe.
sa tingin kasi ng karamihan, madali lang ang buhay dito sa abroad...hindi nila alam ang tunay na drama sa likod ng dollar..
May mga nangingibang bansa naman para magkaroon ng isang napakagandang karanasan sa kanilang napiling propesyon. 'Yong 'growth' sa kanilang nakuhang propesyon sa Pilipinas...
Kapag mayroon na silang sapat na experience at skills, babalik sila sa Pilipinas, malamang bilang consultant! Galing kasi sila sa Canada, Estados Unidos, o Englatera, di ba? Whew! Ang lakas ng dating! Hahangaan, high tech ang alam. Tiyak malaki ang kikitain nila pagbalik nila sa Pilipinas (para ibahagi na ang kanilang natutunan).
'Yon, sa tingin ko, nangibang bansa para sa sarili, sa pamilya at para sa bayan.
di ko alam, siguro dahil simple lang ang pangarap ko sa buhay. pero di ko talaga makita ang sarili ko na namumuhay sa ibang bansa...
oh well...
The Pope**
salamat sa pagdaan...
oo nga parekoy... yan ang kadahilanan ng karamihan sa atin.
Pogi**
pwede "na"!? lols
napipilitan ka yata eh!
pero sorry nalang kase HINDI "PA" ito ang entry..lol
Doc**
ahhhhh para sa akin naman doc, pumapanghuling rason na lang yang rason mo...
kase ikumpara mo ang batayan ng SAHOD sa pinas, sweldo ng Presidente sa Pinas, kinikita lang ng isang Lisensyadong Tagapag-alaga sa Estadon Unidos... kinikita ng Rehistradong Nars sa Amerika, doble-doble sa sweldo ng Pinakamataas na Nars sa Pinas...
kaya naman, iilan lang yung career growth na rason kung bakit nagiging OFW.. kung nag-aaral abroad pwede pa...lols
madalas nga, yung mga professionals na nag-aabroad, nawawalan na ng career pagbalik sa Pinas eh.
hehehe..apiiiir..
GillBoard**
oo nga parekoy,
parang paulit-ulit ko ng narinig yan sayo.. sige sige alam ko naman na magkakamal ka ng malaking mana pagdating ng araw eh.
kung ako ay anak mayaman... o kung ako ay may magandang income dito sa Pinas hindi na ako lalabas ng bansa para magtrabaho...
Ayun!!!Buti na lang, kala ko madadagdagan na kalaban ko eh lolzzz
Ilabas na kasi ang pinakatatagong entry para sa PEBA :)
Marco parekoy**
ako din...
ako dinnnn...lols
pareho tayu.
pero sayang at HINDI nangyari yun!
LordCM**
sa susunod na buwan na lang parekoy.. by the way i voted for you..
hahaha
sige sige kitakits sa FInale..
hmmmm tama na sa akin ang kinikita ko dito sa pinas... medyo parang nakakatakot kasi mangibang bansa eh... kaya bilib nga ako sa iyo kosa... IDOL kita... pero may nag hihintay sa akin trabaho sa saudia airlines(aircraft tech.) haaay pero pag iisipan ko din sayang daw yung 5,800 rials(tama ba spelling? hahahaha) basta yun na yun.... haaaay... oy kosa akal mo nakakalimutan ko na yung sinabi mong babae ako ah.... hahahaha
Saul**
parekoy.. issue lang yun wag mong pansinin... ala ka, baka sumikat ka sa pagiging mr.yoso...lols
sa Offer na posisyon, take-it parekoy! try mo lang! pero siguro katulad ng ibang mga ayaw mangibang bayan, katulad ka rin nila----pagdating ng araw eh magkakamal ng malaking mana..lols
di madali ang lahat....
ang mga naiwan sa pinas " MALING AKALA' lang sila lagi...
nice post parekoy...
aminin man natin o hindi.. kahit anong paliwanag ang gawin natin... para sa mga taong naririto sa pinas at hindi nakaranas ng hirap ng magbanat ng buto sa ibang bansa upang mabuhay ang pamilya.. yun at yun pa rin ang iisipin nila.. na nasa abroad ka .. madami kang pera.. masarap at buhay mo.. na tila ba sinasabi nilang lumalangoy sa sa datung..
pero hindi nila alam kugn anong hirap ang sinusuong ng isang nangingibang bansa mairaos lang sa kahirapan nag pamilya nya...
i guess ive said enough..
ahihihhhi
babush..
pa-edit naman poh ng url ko sa blogroll mo... tsalamats..
yeah... dehinz mdaling kitain ang pera sa ibang bansa just like they thought... feelin' nilah parang bunga lang na pipitasin moh sa puno... or kaya naman minsan naglalakad ka lang sa kalsado nang mga ginto... lolz parang ang kata...kaya naman saludo akoh sa inyong OFW... like sau.. situation moh alam koh not so easy... pero hey bilis lang nang panahon... almost 2 years ka na palah dyan... r u gonna stay there for good? juz wonderin... so yeah... ingatz lagi neighbor... itz nice to see back.. at least nagbalik kah... i'm glad... and we are all glad at na-miss kah... ingatz. Godbless! -di
gusto kong maging ofw..syempre, sino ba naman ang hindi..ipokrita ako kung sasabihin kong hindi pera ang rason ng pagiging atat ko sa pagiging ofw..pero syempre, hindi iyon ngtatapos dun..gusto ko rin naman kasing maranasan ang buhay outside the kulambo of the pilipins..iba din kasi ung makaexperience ako nun diba..
uuwi din naman ako kapagka naging ofw ako..pramis, uuwi talaga ako..
aheks..
nice post...napahaba tuloy ang comment ko..kahit nonsense pa din..Ü
tama ka kosa... hindi ganoon kadali ang mangibang bayan.
para sa ating pamilya at mahal sa buhay kung bakit tayo narito at nagbabanat ng mga buto!
Bommz**
hahaha.. oo nga parekoy..
mahirap na masakit na masarap..lols
yanah**
nasabi mo na ang lahat... at iyung ang masakit. nabubuhay nalang sila lagi sa maling akala..
sige sige eedit ko link mo..
salamat sa pagdalaw.
Dee**
lols... oo nga eh!
talaga saludo ka sa akin? saludo din ako sayu! hahaha
oo naman.. gusto kong manatili MUNA dito.. pero kung ayaw na sa akin ng canada, tatalilis ako papunta dyan sa inyu at dyan ako magta-tago ng tago..lols
misyutoo neighbour
VanVan**
sabi mo lang yan sa ngayun..pero sabi nga nila kahit mahirap kakayanin para sa "pera".
hahahaha.. sige nga, tignan ko lang kung uuwi ka pa kapag nakatikim ka ng dollars.
D A**
haaaaaaaaaaays.. sinabi mo parekoy!
yun na yun nga eh! nakakalungkot na masaya.. ewan!!! siguro nakakabaliw na din!
"Pero kung ikaw ay isang anak mayaman.. o di kaya may magandang trabaho naman na kumikita ng medyo malaki-laki na eh, o di kaya magkakamal ng malaking kayamanan kapag namatay ang isang malayong kamang-anak. sana manatili ka nalang sa pinas at ng may matira naman na medyo matinu-tino sa pinas."
di ba masyado itong sweeping? pano naman natin nasigurado na ang maiiwan sa pinas eh matino? at sa ganitong precedent, ano naman ang mga pilipinong umaalis?
Mulong**
lols
pasensya na po!mali nga pala yun!
sa politika naka-focus yung attention ko dun.
diresto sa kusina ng bahay ko ang entry na to!
ang sarap isipin na masaya ang mga taong mahal mo sa pinas at namumuhay ng maayos ng dahil sayo. pero wala nang mas tatamis pa sa oras na personal mong marinig ang mga halakhak nila, marinig ang kanilang mga tawa, at pahirin ang kanilang luha sa galak sa sandaling makita ka.
kayod, pinoy!
onga pala, pahabol. ano ang PEBA?
naku maraming tinamaan dito bro. pero tama ka. una muna ang sarili at pamilya bago ang bayan. pero wala tayong kawala may porsyento ang bayan sa ating paglayo..
mahirap maging OFW. pero mas mahirap yata ngayong maging Pinoy worker sa sariling bayan..
rgds,
Di ko pinangarap noon ng mag ibang bansa, pero dahil sa nurse ako ay malabong di ko pangarapin yun. Ang sa akin lang ay nasa mentalidad ng tao siguro yun kung saan nya iniisip na mas lalago ang buhay nya..
Mahirap kasi lumayo sa pamilya at magsakripisyo ng todo, pero palagay ko di ka naman matututo kung hahayaan mong nanjan ka lang sa kinalalagyan mo.. Marami namang paraan para umunlad ang buhay iba't ibang paraan lang..

PogingPayatot**
oo parekoy..
masaya at masarap..lols
teka, ofw ka din d ba?
di mo alam ang PEBa?
haaayssss... makialam ka parekoy..
bawal ang erase dito..lols
bakit ka nag-erase?
lols
Dylan**
minsa sa aking buhay pinangarap ko ang maging NARS.. para makapag-abroad.. yun ang dahilan kung bakit pagkaNARS ang gsuto ko dati.. akala ko kase nars lang ang nag-aabroad(joke)
pero tama ka..
kung saan ka makakakuha ng masmagandang ^*^*&%$ alam muna na.. e di dun tayu.
JoshMarie**
ahhhh.. hindi ako magtataka kung ayaw mong lumabas ng pinas.. masaya ang Buhay Pinas... at may maganda ka namang trabaho.. nasa magandang kumpanya..kaya Be happy!
lols
ako kumusta? oks lang... kaw? musta ang lablayf..hehe
gusto ko lahat ng rason mo parekoi. nasundot mo lahat ng pekpek, este...lahat ng rason ko bat gustung gusto kong mag-abroad. sana next year makapag abroad na talaga ko. pagkatapos kong maging cpa. hehehe.
mabuhay ka kosa.Poging pogi!
Pahabol,,, as usual, tumbok mo lahat Kosa, lalo na dun sa linyang "para sa bayan". Tutot ka dyan, may kaplastikan nga..
Post a Comment