Monday, April 13, 2009

Walang kwentang Satsat


Kahit kelan talaga ang pagbabago sa buhay ay patuloy na umaarangkada... Ngayun ko lang napatunayan na kapag ikaw ay sobrang bait na tao lagi kang mapapagsamantalahan, aabusuhin at aakalaing utouto at Bobo.


Nitong mga nakaraang araw kase, pinipilit kong magpakabait.. magpakatino... maging sunod-sunuran sa batas ng mga taong nakapalibot sa akin pero ngayung tapos na ang mahal na araw, siguro hindi ko na ito matatagalan....

Kapag Binato ka ng Bato,
Batuhin mo ng Tinapay....


wala na ang kasabihang iyan... Hindi ko alam kung anu ang dapat na ilapat dyan... pwedeng batuhin mo ng tinapay na may Lason... Pwede rin na Batuhin mo Granada... yung tipong kapag sinabuyan ka ng alak sa mukha eh sabuyan mo ng kumukulong mantika... ganun lang yun!

Ganun na ang labanan ngayun... Hindi na uubra ang pagiging sobrang bait... Hindi na uso ang pagganti ng kabutihan kapag may ginawang kasamaan sayo. Ang labanan ngayun, ngipin sa ngipin... sungay sa sungay!

Ang mga mapagsamantalang tao, dapat pinapatulan... ginagantihan at binibigyan ng aral.. leksyon at latay para magtanda.

Alam mo naman siguro kung sino ang nananadya at kung sino ang nagkakamali lang... Gamitan ng konsiderasyon at magtimbang sa mga bagay-bagay... Bulong ng puso, damdamin at Konsensya... Malalaman mo kung anu ang dapat mong gawin.

Pero ganun pa man, naniniwala pa rin ako na ang Kabutihan eh , Ginagantihan pa rin ni Lord ng masmaraming kabutihan... kabutihan na galing sa puso at hindi lang kabutihan na pakitang tao...





Patalastas:
Nagpapasalamat nga pala ako sa lahat ng sumuporta sa byaheng Baku-baku at kay Kosapogi. Sa ika-154 na linggo ng Filipino Blog of The Week eh, pumangalawa ang Byaheng baku-baku... at Hindi lang dun nagtatapos! sa ika-155 na linggo nama eh nanguna na! kasabay ng pagkakaluklok sa Hall of fame..lols akalain mo yun? salamat sa lahat ng sumuporta... wala man akong materyal na bagay na napanalunan, ang pagbaha ng suporta eh dinaig ko pa ang nanalo sa Lotto.
aylabyu ol!

34 comments:

Bino said...

well, pagdasal na lang natin ang mga tao'ng ganyan. sa kalaunan, mamamatay din sila ng maaga. hehehehe. congrats at hall of famer ka na ^^

DETH said...

sermon ng pari nung Easter Sunday,ito ang sinabi ni Hesus sa alagad ng Chief Priest nung sinampal siya nito noong mga oras na nililitis sya:

Hesus: May mali ba sa sinabi ko? Kung wala naman akong masamang sinabi bakit mo ko sinampal?

= it only shows that Jesus teaches us to be kind but he also teaches us to be just!
to stand firm to what we believe is right.

nweiz...relak lang, kakosa:) cge mababawasan ang poginess ng bonggang-bongga! hehe

Lord CM said...

Hehehe :D Pagpasa Diyos mo na lang pre...ako rin di ko alam kung kaya kong ipagpasa Diyos kung ako nasa katayuan mo pero walang masama kung susubukan...

sunny said...

be good always! ahahaha! congrts galing galing ng blog ah! tc tc

prinsesamusang said...

wow sungay sa sunagy! basta ba mas malaki sungay natin eh walang problema! tunay nga na ang pagiging mabait ay may kakambaldapat na disiplina. congrats sa success mo kosa!

manilenya said...

Hindi ka naman mukhang galit na galit nyan KOSA?

pero in feyrness...me natutunan ako dito sa entry mo na to.. kailangan maging kasing tapang mo ako para di rin ako tinatapak tapakan ng mga kung sino sino lang diba?

Ipagpatuloy mo yan, isa kang magandang halimbawa at least para sa kin lol!

Happe easter! peace man!

A-Z-E-L said...

Before destruction the heart of man is haughty, But humility goes before honor. (Proverbs 18:12)

Just pray. mas may power ang prayer...

Congrats!!!

tonio said...

easy lang kosa...

cool lang...

maghalo-halo muna tayo...

anakngpating said...

happy easter kuya hehe..sali ka ba sa pautot ni Lio Loco hehe..
naku hamu na yang mga taong gnyan nag kalat na talaga yang mga yan, talagang sarap nga batuhin ng granada ung tipong lasog2 na talaga yung katawan hehe..
wow kuya hall of famer kana asteeeg ..iba talaga si kosang poging pogi hehe..

Chynna Dantes said...

iba iba po talaga ang tao. ang ugali ni juan, ay di ugali ni pedro kaya relax lang po. hehehe :D

angel said...

congrats...

belated happy easter:)

saul krisna said...

musta na kosa.... loko imulat mo ang mga mata mo at hindi ako multo. HAHAHAHAHAHAHA hindi din ako nag balik mula sa hukay para multuhin ka.... miss lang kita... balik blog na ulit ako after 40 days....( teka 40 days yung sa patay di ba) hahaha
basta pre miss ko na ang mga kaibigan ko dito, hope welcome pa ako dito( may babasa pa kaya sa mga post ko) hahaha

ingats... -paramdam ka naman kosa....

Bomzz said...

Habaan pa ang pasensya Pre... may tao talagang nakakapanginig ng laman...ipagdasal muna lang sila... kong uulitin pa abay! Ipabaril muna hhahahah joke lng.. bayolenti na ako ah hehehe...

lilipas din yan parekoy....

keep the faith

Bomzz

Congrats din parekoy....

Everlito (ever) Villacruz said...

repakoy.congrats pala.

teka wag mo masyado intindihin ang asar sa kung saan man.., isipin mo nalang na sayang ang gwapo natin pag pumatol tayo sa panget.he he he.

malamang aagree satin si
pog(ilocano)

Desert Aquaforce said...

Hwag kang mabahala...dapat lang na pag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay... na nakalagay sa garapon! ahahaha.

Congratulations sa ung mga awards... nararapat lamang sa Kosapogi!

=supergulaman= said...

huwaw! kongrats muna kosa!...

ayuz lng yan kosa..hayaan mo lang sila...ibahagi ko lang din ang tula mula kay mother theresa:

People are often unreasonable,
illogical and self-centered;
Forgive them anyway.

If you are kind,
people may accuse you of selfish,
ulterior motives;
Be kind anyway.

If you are successful,
you will win some false friends
and some true enemies;
Succeed anyway.

If you are honest and frank,
people may cheat you;
Be honest and frank anyway.

What you spend years building,
someone could destroy overnight;
Build anyway.

If you find serenity and happiness,
they may be jealous;
Be happy anyway.

The good you do today,
people will forget tomorrow;
Do good anyway.

Give the world the best you have,
and it may never be enough;
Give the world the best you've got anyway.

You see, in the final analysis,
it is between you and God,
It never was between you and them.
ANYWAY.

=supergulaman= said...

ang mga salita mula sa tulang iyan...ang mga dahil kung bakit marapat lamang na tayo ay magalak sa kabila ng ating mga pinagdadaanan... :)

PABLONG PABLING said...

may kaaway ka ba parekoy..tara resbakan natin.

mag pakabait ka lang. . .
mapunta ka sa heben

PABLONG PABLING said...

may kaaway ka ba parekoy..tara resbakan natin.

mag pakabait ka lang. . .
mapunta ka sa heben

PaJAY said...

hehehehe...

CONGRATS Parekoy!..


teka!..sino na naman ba tong kalaban mo?...lolz...


di na nga applicable sa iba yang batuhin ng tinapay parekoy....mahirap pag sobrang bait tayo....raming abusado sa mundo.....dapat ngipin sa ngipin talaga.....kaso pano kung walang ngipin?..pustiso sa pustiso ba?..hehehehe....sungay sa sungay....dapat maging kalabaw na tayuo para magkasungay..hehehehe....niliteral eno?...lolz...


relaks lang kosadude....bili tayo ng machine gun ...gusto mo?...lolz....


tagay parekoy!...

poging (ilo)CANO said...

una sa lahat congratz sayo kapwa pogi...

pangalawa, mukhang galit ka ah! easy ka lang...dito sa mundong ibabaw, maraming nilalang ang nakatira, kaya ibat ibang ugali ang rumarampa..

pangatlo,
@ever
agree ako sayo parekoy, hindi hindi ako kokontra..dahil jan..tatagay ako ng dalawang beses..lolz..

MarcoPaolo said...

Galit parekoy? hehehe... batuhin mo rin ng bato parekoy... hehehe!

fula said...

wow kosa "kabog"..hehe

sabi nga nila...

"pagbinato ka ng bato...

batuhin mo ng ref...."

hehehe bongga tlga tong byahe dito...

~~m$. DoNNA~~ said...

maniwala ka sa karma...

QUOTE:
Patalastas:
Nagpapasalamat nga pala ako sa lahat ng sumuporta sa byaheng Baku-baku at kay Kosapogi. Sa ika-154 na linggo ng Filipino Blog of The Week eh, pumangalawa ang Byaheng baku-baku... at Hindi lang dun nagtatapos! sa ika-155 na linggo nama eh nanguna na! kasabay ng pagkakaluklok sa Hall of fame..lols akalain mo yun? salamat sa lahat ng sumuporta... wala man akong materyal na bagay na napanalunan, ang pagbaha ng suporta eh dinaig ko pa ang nanalo sa Lotto.
aylabyu ol!

CONGRATULATIONS!!!

Amorgatory said...

CONGRATS!!!!

PAG BINATO KA NANG BATOW BATUHIN MOW NANG HALLOWBLOCKS..PERIOD.

Mike Avenue said...

Kapag binato ka nang bato,
Aba'y ilagan mo!

Kapag binato ka nang bato,
batuhin mo nang tinapay... yung nasa garapon!

gillboard said...

ako naniniwala ako sa karma... yun lang...

wala lang...

Nash said...

simple lang

wag masyado maging mabait :)

balance lang dapat sir :)

at dun sa mga umaabuso

go to hell hahaha cheers

KOSA said...

Bino**
lols...
kung hindi sila ang mamamatay ng maaga, malamang sa malamang eh ako ang mauna..lols
salamat parekoy..oo nga eh!

Deth**Jesus teaches us to be kind but he also teaches us to be just!
to stand firm to what we believe is right.
guto ko tong linya mong to...
salamat po sa pagdaan....

Sunny**
salamat parekoy kahit gaano ka kabusy eh nakadaan ka parin..
lols

PrinsesaMusang**
lols.. oo nga e
pero yun nga ang problema ko, wala pa po akong nabibiling disiplina sa sarili eh..lols

Kosa said...

Manilenya**
lols.. dyan tayo nagkakasundo eh...
teka, baka naman nararamdaman mo din yung mga ibig kong ipagsigawan sa mundo...lols
sige sige.. basta yun na yun!
musta nalang sa mga taga-toronto..lol

Azel**
nasa dyos po ang awa,
nasa tao ang gawa...lol
aapak-apakan ka kung ikaw ay palaging magpapa-apak..

Tonio**
nangangatog na ako dito parekoy..lols
malaig na beer pwede pa..hehehe

ANakNGpating**
lols.. nahawa ka na kay Liolokoloko ahhh... poging pogi ba? lols.. akala mo naman totoo.. hehe
salamat sa makabagbag damdamin na papuri..lols poging pogi kahit hindi..hehe

sheri amor said...

di naman cguro po.. opinion lang^_^..mganda padin ung gumagawa ka ng mabuti pra sa ibang tao wag nga lang ung sobra..

Kosa said...

Sheri**
pasensya na po...
mga baluktot na pananaw lang po ni Kosa ito...

Yj said...

kapag binato ka ng bato... batuhin mo ng tinapay.... igarapon mo nga umuna ah.... ammmmmmmmmms kitam nu madi mangustel..... hahahahaha

Kosa said...

YJ**
astig ahh
ilokano nga ilokano..
nu siguro agblog nak ti ilokano ket sigurado nga adda latta mangbasa kase adu tayu ng ilokano nga agkaray-wara ditoy..

agyamanak ti papasyar mo ditoy nanumo nga kutak..hehe
kitakits