Tuesday, April 7, 2009

Tamang kanta II




Pagkakaibigan - Hangad


Pagkakaibigan


Ang sino man sa Aki'y mananahan
Mananahan din Ako sa kanya.
At kung siya'y mamunga nang masagana,
Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan.

Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay;
Walang hihigit sa yaring pag-aalay.

Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama,
Sa inyo'y Aking ipinadarama.
Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan,
At bilin Ko sa inyo ay magmahalan.

Pinili ka't hinirang upang mahalin
Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin.
Humayo ka't mamunga nang masagana,
Kagalakang walang hanggang ipamamana




22 comments:

gillboard said...

nice song... very timely.. ganda ng message...

kosa said...

Gillboard**
napapanahon ba?
salamat sa pagdalaw..lols
kitakits

MarcoPaolo said...

nasa likod mo lang kami parekoy.... lolz

kosa said...

MarcoParekoy**
lols
bakit naman sa likod? di ba pwedeng sa tabi? lols
sige sige..salamat sa pagdaan.

MarcoPaolo said...

@ kosa:

ayos... sige ang iba sa likod at yong iba naman sa tabi mo... lolz!

---j3NsKeE--- said...

namannamannamannaman.....

wala bang version toh ng hindi piano??????????

haha..joke lang..
naks naman....
very very pang-lenten season ang tema ah...
(kinikilabutan tuloy ako!):P

~~m$. DoNNA~~ said...

bumoto na ako don..:)

hindi ko mapakinggan ang song,
wala akong speaker.. hehehe

reyjr said...

saludo ako sa iyo at sa suporta ng mga parekoy at marekoy mo. (tama ba? haha.) ;)

Kahit di ka man nanalo, kitang kita naman ang pagmamahal nila sa iyo! :D

Kosa said...

Marco (ulit)**
lols...
oo nga..andami nyo eh kaya pwede bang wag sa likod lahat kase kapag nagka-stampede patay ako..lols

Jenskie**
lols
ibang pangalan na naman ahhh...
teka, bakit kinikilabutan ka?
makasalan ka ba?
lols
makinig ka nalang..

Kosa said...

Ms.Donna**
salamat sa boto..lols
nakakataba naman ng laman loob yan..hehehe
sana araw arawin..hehe

ReyRJ**
lols
oo nga parekoy eh
sobrang nakakataba ng puso..lols
at saludo rin ako sayu..ehehe
oo nga hindi ako nanalo sa una eh... magprotesta kaya ako?hehe
joke
anu to, presidential election?
kitakits

Everlito (ever) Villacruz said...

natawa ako dun sa una ah,yung nag ienglish!..u know naman i,m not good in enlish eh,kaya i will vote for kosapogi.

yours truly,
kristeta

A-Z-E-L said...

dahil wala akong VC... binasa ko na lang ang lyrics.

maganda. napapanahon.

pero pano ko ba ipo-pronounce?
PAGKAKAIBIGAN O PAGKAKA-IBIGAN? lolz.

poging (ilo)CANO said...

napatula(la) ako sa kanta....

ganda kasi eh....

toinkz...

bote na ulit kita kapwa pogi..

Kosa said...

ever(lito villacruz)**
lols
saan ka natatawa parekoy?
di ko gets..
slow ako magproseso ng mga bagay bagay eh..lols

azel**
pwede mong ipronouce yan the way na gusto mo..ehehe

Kapwa pogingpoging Ilokano**
lols
nakakatulala ba?
pareho kau ni ______ na natutulala ahhhhh.. buti di ka din natunaw? lols
salamat po sa Boto..sana araw arawin..hehe

kitakits all..
aylabyu

Amorgatory said...

parekoy gudlck na vote na kta ha, sana mapanalunan mo tow Godbless

Lawstude said...

Just wanna share this fave verse of mine kasi Holy Week na:

"For everything comes from God alone. Everything lives by his power, and everything is for his glory." Romans 11:36

May you have a meaningful lenten season kosa.

Bino said...

ganda ng song. ganda ng meaning ^^ God bless ^^

Lio Loco said...

teka. niloloko mo naman ako kosa. eh obyus namang llamadong llamado ka na run sa botohan ah. bumoto pa rin ako impernes sa'yo. para matigil ka na. nyahahaha.

gusto ko tong music ekek mo. nakakarelak. hehehe.

lio loco's back! ahoo! ahoo!

Josh of Arabia said...
This post has been removed by the author.
Josh of Arabia said...

wag ka magalala kosa daig ng gwapo at mabait at ang inglisero, hehe..

boto ulit kita!..challenging talga ang contest ni Talksmart :D
rgds,

April 9, 2009 9:02 PM

Desert Aquaforce said...

Wowee...ganda ng kanta... pati na rin ang mensahe.

Naboto na kita...

Update...mukhang nag se-semana santa ang mga supporters ng iba ah.. 173 votes kna ang pumapangalawa't pumapanagatlo ay 69 at 17 laang.

Kaya naman pala kahit na hindi Ingles eh...

A blessed Lent to you #dre!

Rolly said...

I voted for you. Congratulations for winning the contest of talksmart.

Joro Livelihood
Joro, The New Beginning
Absolutely Joro
The World Of Joro
The Tale Of A Bukidnon Lad
Baconchezjoro Multiply