Ang Buhay ay isang byahe ng patuloy na pag-aaral.
Umaarangkada ka sa bawat araw na inilalagi mo dito sa mundo na may dalang bagong diskarte.. bagong masasayang alaala o di naman kaya ay bagong aral na sumalampak sa iyung pagmumuka Pagkatapos ng bawat nakakabangengeng problema.
Narinig mo na ba ang Askal na Milyonaryo? (pwede ba ang term?) Napanood mo na ba ang Pelikulang Humakot ng sangkaterbang parangal sa Oscars ngayung tao na to? Kung hindi pa, panoorin mo kung gusto mo.. Pero kung ayaw mo, eh di wala akong magagawa... manood ka nalang ng nakaka-depress na balita sa TV kung dun ka masaya..hehehe
Balik tayu sa Byaheng Baku-baku... oo nga Kosa, maganda yung kwento ng pelikulang iyun.. Isang malaking katotonan at aral ang kanyang isinasambulat sa bawat makapanood sa kanya... Ang buhay ay Isang Byahe ng patuloy na pagkatuto at pagkalap ng mga panibagong aral at mga sagot sa mga tanung na makakatulong sayu at sa mga laban mo sa iyung hinaharap.
Kaya naman napag-isipan kong bilangin ang ilan sa mga bagay na aking natutunan (hindi sa iskwela) sa aking buhay habang kaharap ko ang matalik kong kaibigang si Problema kasama ang mala-aninong pag-usad ng buhay na palaking nakasunod sa akin at ang mga masasayang araw na kapit-tunong nakadikit sa akin...
Mga bagay na natutunan ko habang patuloy na umaarangkada ang aking pasada sa aking buhay:
1. matututong tumayo sa aking saliring mga paa.
2. Kung paano makikisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao sa mundo.
3. Kung paano sasagot sa mga tanung at hamon sa buhay.
4. Kung pilyo ka sasabihin mo (sumunod sa utos ni Lord) ang magpakarami...
5. kung paano Bumangon sa bawat pagbagsak at pagkadapa.
6. sulitin ang natitirang mga araw sa mundo.
7. maging masaya sa kabila ng mga di masyadong magagandang
8. Magkaroon ng pasitibong pananaw
9. Magtiwala sa mga taong nagmamahal sa akin at mahal ko.
10. di kailangang magmahal na umaasa ng kapalit.
11. magdasal.. magpasalamat at maghintay.
12. maging responsable sa lahat ng pinag-gagagawa kasama na ang bawat desisiyon.
Ayan, tama na ang walang kwentang bilangan at patalastas sa banyagang pelikula...lols
kitakits mga parekoy! pasensya na kung hindi ako nakakadalaw sa mga kuta nyo, medyo busy lang talaga... hindi lang busy.. Busy'ng-busy pala.. hehe.


30 comments:
may natutunan ako. askal pala tagalog ng slumdog? wahehe.
ang konti din pala ng natutunan mo.. hehe.. mag-aral ka ule. ;p
oyyy... ang daming natutunan sa buhay ah... ako rin yata meron din... hehehe!
teka, di ko pa napapanood ang movie na yan... mapanood nga at makarelate ako sa sinabi mo. hhehe!
napanood na rin namin ang slumdog millionaire, ang ganda ng mesahe, indian theme nga lang sia, pero okay ang script at plot. hehehe
aasahan ko na sasali ka sa pakontest namin parekoy, may prize yan, cash at plake...
Thanks kosa!
tambling ng tambling sa buhay parekoy
wag lang tayo makakalimot kay Papa Jesus!
Aba!!at nag aaral ka pa pala pareng Abnuy?!!!lolzzz
Ang mundo ay isang malakeng skul, at ang mga nararanasan natin ang nagsisilbing guro...
one of these days, sana magkaroon ako ng pagkakataon na mapanood yang Slumdog Millionaire na yan.. hayz! napagiiwanan na ako hehehe..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Tsariba**
lols
salita yun mula sa akin...
akin lang...
wag ong gagayahin...hehehe
base lang yun sa salitang "dog" kaya ginawa kong askal.hehe
sige, mag-aaral ulit ako dahil sabi mo..heheh
salamat po sa pagbisita..
markoparekoy**
hehe..
panoorin mo parekoy..
maganda naman...
sana makarelate ka..
Mr.Thoughts**
sige po, akoy sasali dun.. sana manalo tayung lahat..
Pablong Pabling**
sige parekoy,
libre ang tumambling dito..
oo naman, bestfriend kami ni PapaGod.
LordCM**
lols..
parekoy, abnuy na kung abnuy..
hahaha.. si nanay lang ang nagturo sa akin kaya nag-aral din ako kahit papaano...
apir tayu dyan sa huling hirit mo parekoy... aylabyu..hehe
Fjordz**
sige parekoy,
panoorin mo.. ayus naman... isipin mo nalang na hindi indiano ang mga gumaganap para di ka mainis..hehe(bakit? wala lang...sabi ko lang)
napanood ko na nga yun kosa. magandang pelikula. nakakalibog si latika. nyahahaha!
yan siguro yung madalas kong nakakligtaan. ung magbilang ng mga blessings na dumarating. pessimistic kasi lage tsura ko. hangsama sama ko na nga. tsk tsk. hehehe.
gumaya kaya ako sa'yo't magbilang din ng mga bagay na natutunan ko't maipapagpasalamat. haha!
ahehehe..maganda ang slumdog...pati ang palublob ni Jamal sa tae...ahahaha...
maraming lessons na makukuha sa pelikulang iyon..halos malapit din ang kwentong iyon sa kwentong "Ang Paglilitis kay Mang Serapio"...
...nakakahabag pero iyon ang buhay...haaaysss....
ganda ng patalastas mo parekoy...tuloy tuloy lang ng biyahe sabay tambling..lolz..
Si Jamal aka as Ka Kosa nasa hot seat na ng "Who wants to be a Millionaire?" Kelangan ng lifeline? Hehehe.
Beyond the film itself and beyond the many awards that the film has received, Ka Kosa caught the many life lessons that this critically-acclaimed movie brought!
Maganda yung number 10 mo... Yun ang isa sa pinakamalaking aral na natutunan ko noong isang taon.. Hay..
Lioloco**
sige parekoy...
magbilang ka din..
masaya nman eh.. parang katangahan nga lang kapag nasobrahan..
SuperGulaman**
hehe.
akala ko pa naman putikan lang yun... tae pala? lols
parang putik pala ang tae ng mga indiano? lols
mang Serapio? ahhhhh.. parang nga.. teka, sinu ba yun?hehe
Pogi**
lols
tuloy tuloy ang tumbling... isplit at paka-abnuy..lols
DA**
lols
ganun po ba? lols
oo nga, ilang tanung ba yung sinagot ni Jamal?
Gilboard**
oo nga parekoy..
lols... nung isang taon mo lang natutunan? nakz naman late ka na nun parekoy.. dapat kinder palang alam mo na yun para di ka magoyo..hehe
kosa... aba at nag aaral ka na pala... dati puro tulog lang ang ginagawa ko kaya ayun... wala akong natutunan buti na lang magaling na tutor si LORD CM .... hahahaha siya ang taga batok ko pag tinotopak ako ulit eh...
SaulKrisna**
salamat po sa pagdaan..
ganun ba?
gusto mo batukan din kita..hehe
oo naman parekoy,
araw araw akong nasa eskwela ng totoong buhay..hehe ito ang MUNDO
karir man??!..??!!
hehehe...akalain mo yun...
di ko pa napapanood yan, pero sabi ng boss/amo/ser ko eh maganda nga daw yan (di ako naniwala kasi kalahi niya yung mga bida, mmya biased lang eh..hehe)..
mabuti naman kung may natututuhan ka sa paglipas ng bawat mahahalagang oras sa buhay mo bogart..
may Papa God bless you olweiz..
ngatz :D
ako din nagbibilang ng mga blessings,at nagpapasalamat talaga po sknya..
sige kuya busybusyhan ka muna jan sa canada hehe..
counting your blessings ang motto ko ^^ kosa!!! musta naman tayo dyan .
jen**
ahhhhh... hindi nmn siguro biased ang alaga/amo/ser mo... ngkataon lang na ganun talaga ang takbo ng pelikula..
oo nman... may natututunan din naman ako(seryoso)Naniniwala kase ako na ang pinakamahalagang aral sa MUNDO eh natututunan sa sarili mo mismo at hindi sa iskwela o kung kani-kanino.
ANAKngPATING**
yun ang maganda pating**
bilangin mo ang biyaya at hwag nalang reklamo ng reklamo...
Bino**
talaga?
lols akalain mo yun...parang pareho tyu parekoy! itagay na yan!
palagi ko naririnig maganda nga raw yang movie na yan at talagang me mapupulot na aral..pero di ko pa rin pinapanood, but now sa dami ng natutunan mo need ko na cgurong panoorin hehehe:)
dibale ng di ko masagot ang pangalan ng artista parekoy bastat di lang ako lulusong sa tae!...lolz...
takteng yan!..naalala ko tuloy ang eksenang yun sa slumdog...hahahaha...
ganunpaman...dapat maging aral sa atin ang lahat ng mga pagsubok...tulad nga ng sabi mo.....
amen! sa post mo parekoy!...
Angel**
oo maganda naman... pero masguto ko parin yung mga pelikulang gawa ng malikhaing imahinasyon...
Prof Pajay**
lols.. tae ba talaga yun? iniisip ko kase putik lang yun..hehe
aral ang lahat ngpagsubuk? lols apir tayu dyan Prof...
comment ito sa tax refund...pahabol....
isingit mo na yung pasalubong hehehe!
Abe Mulong Caracas**
lols bakit dito ka nagcomment kung para sa tax refund?
sige sige parekoy...
sana nga matuloy ako..
kitakits
parekoy!!ang ganda nang slumdog millionare kagabi ko lang napanoud i lab dat movie daming aral talaga , then grabe ung buhay nya no?parang nakatatak sa utak lahat nang pangyyri kaya naalala nya, no need pala maging matalino para maging matagumpay sa buhay..
amor**
gusto ko to...
sapul na sapul mo..
no need pala maging matalino para maging matagumpay sa buhay..apir tyu dyan..
ganon talga ang buhay tama k kala porket naka grduate kana tapos kana mag arail pero hindi ibig sabihin nag uumpisa k palang sumabak sa makulay ang magulong mundo ng mga tao.. matatapos lang iyong pag aaral sa buhay pag wala ka nang buhay kya pag may nag sabi sa akin naka graduate n ako ang lagi kong sagot haha umpisa k pa lang at khit kelan wala pang taong nakagraduate sa kursong tinatawag na buhay
Archmiester**
lols
natumbok mo ulit pareky!
salamat sa pagdaan..
Post a Comment