Thursday, April 23, 2009

ohhh ayan, PEBA.. pwede na ba?



Madami na ang sumanib sa mala-Kultong pausong ito at naTAG na rin ako ni LordCM... at para naman hindi ako tawaging walang pakisama eh, sige na nga... sasanib na rin ako sa pakulong ito...

ito na...

Dahil naging matagumpay ang nakaraang Pinoy Expat Blog Award nuong nakaraang taon eh, muli itong inilulunsad para sa taong ito... Hindi ba sobrang nakaka-excite ito lalo pa't andito na si Kosa at madami pang ibang blogero at blogera na naglipana sa mundong ito? umamin ka, excited ka din noh? hehe... teka, base sa pagkakaalam ko, hindi lang ito pang-OFW kaya walang out of place sa kultong ito.. basta kaya mong magbigay at manindigan sa iyung pananaw at kuro kuro ayus na ayus na at pasok na pasok ka dito...
kaya anu pa'ng hinihintay mo? Sakay naaaa.....

Teka, tama na muna ang satsat at itoy panandaliang pasada lang...

Ang Tema para sa atong ito ay:

Filipinos Abroad - Hope of the Nation, Gift to the World


Bilang isang OFW at naghihirap... nababangenge.. homesick na homesick na nakakuta dito sa canada, sobrang dami ang gusto kong itaktak na dakdak sa Temang ito... pero dahil ito ay patalastas pa lang, sa susunod na yung dakdak na mahaba...

Pakipasadaan nyo nalang po ang Kutang ito kung saan nakakuta ang pasimuno ng kulto at kaguluhang ito...

ayan ok na...
suportahan ang Pakulong ito.
Makiuso..
makiKulto
Suportahan ang PEBA!
hehehe.

25 comments:

Lord CM said...

Wow!!!Bilis ah!!!Salamat pre, may utang ako ngayon sa yo :)

Kosa said...

Lordcm**
utang ba?
taena...
sige...
bayaran mo ako ngayun din...hehe
pera ha! gusto ko pera sa Palao..
di pa ako nakakahawak ng pera dyan..

Lord CM said...

Toinks!!!US Dollar din pera dito brod, kung gusto mo eh ung dating pera nila...STONE MONEY lollz

Batong may butas sa gitna :D

Mrs. Thoughtskoto said...

oi, salamat ha. nagpalitan ang kuro kuro ang dalawang hinahangaan at kaibigan kong blogero, salamat sa plug-in!!! next time entry na ni kosa pogi ang nakapost, iboto natin! hehehe

Mr. Thoughtskoto said...

naging account ni Misis ang nagamit ko, hehehe, nakalimutan ko magpalit ng profile..wahhahaha

Dylan Dimaubusan said...

Nyahahah! Natawa ko dun sa malakultong mga tag ni CM... tama ba yun? ahahaha! Panay nga naman kasi ang tag nito..

Pero this time, worth it naman..;)
Npasahan din ako nito. Gawin ko mamaya..hehe

Lord CM said...

Hehehe :D Sa lahat ba ng tag ko eto lang ang may kwenta lolzzz

gillboard said...

naglipana kung san san yang tag na yan ah...

dami pala talagang ofw na bloggers...

yAnaH said...

yey! for PEBA 2009!

thanks for advertising!

Desert Aquaforce said...

Salamat sa support, parekoy!

pwede ka na talaga sa advertising industry...hehehe. mapagkakitain ang iyong talino!

Mabuhay ang 2009 PEBA! Mabuhay ang mga Pinoy bloggers!

r-yo said...

hmm. sali kaya ako sa kultong to? hmmm

The Pope said...

Kahit sa daang baku-bako at maalikabok ay sasama kami sa iyo Kosa sa pagsuporta sa PEBA 2009, ipagmalaki natin ang lahing Pilipino.

poging (ilo)CANO said...

PEBA....tara na!


sa kulto...hahaha.joke

Lio Loco said...

saka na susuporta. pag ow ep dobolyu na rin ako. ahahaha!

sige sige parekoi. maski na pinilit mo lang ako. papasadahan ko na rin kung ano man tong pakulong 'to. hheheh.

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Nice naman//// :)

Dami na ah!

dencios said...

suportado ko iyan kosa!

abe mulong caracas said...

i nominate si LordCM at si Kosa sa award na ito!!!!!

mabuhay!!!!

RoMe said...

pare mala kulto nga ito sa dami ba naman ng ofw eh hindi ito susuportahan kahit hindi nga ofw susuporta... dahil sa request mo inopen ko na ang comment box ko para sa lahat ng tropa...

salamat...

RoMe said...

pare mala kulto nga ito sa dami ba naman ng ofw eh hindi ito susuportahan kahit hindi nga ofw susuporta... dahil sa request mo inopen ko na ang comment box ko para sa lahat ng tropa...

salamat...

=supergulaman= said...

PEBA 2009...mabuhay ang OFW parekoy... hindi man ako OFW..malapit sa aking puso ang mga OFW...ayuz na ayuz... :)

JoShMaRie said...

naku... patay... di ko pa pala napopost ang tungkol dito... lagot ako aky LORD CM. hehe

the donG said...

susuportahan namin ito.

Rhodey said...

hala!!, nasama pala ako sa kulto? eheheks... siya suportahan ang kultong PEBA, hahaha...

John Deru said...

What does the language use in this blog ?

manilenya said...

Sa yo na unang boto ko kosa lol!