Ang Buhay para sa akin punong puno ng maliliit at malalaking Sugal na pinupustahan sa araw-araw.. Sugal na kahit kelan ay Hindi mo matatakasan at kailangang Pustahan bilang pagpapakita ng paglaban, pagtitiwala sa kakayahan at upang makaangat sa susunod na Level ng Buhay.
Seryoso, aaminin ko! isa akong pasaway.. sira ulo.. tarantado.. tanga-tanga! gagu! walang kwenta! Bobo! lalot higit na makulit.. abnuy! anu pa ba? gastador, reklamador, sugarol at poging pogi inside and out? haaaaaays
Pero ito ang itaga mo kung saan nagtataga si Lioloco: lahat ng kagaguhan na ginagawa ko, katarantaduhan na pinapasimulan ko at madami pang kalokohan, kaya kong panindigan ng bonggang bongga! saktan mo ako kung dyan matatanggal yung pagkapikon mo sa akin... murahin at tadyakan mo ako sa mukha ayus lang... kayang kaya kong tanggapin yan Hinid ako matitinag. Sa Pag-ibig at Alak lang ako nababangenge at umaatras..
Balik tayo sa sugal.. Isa sa pinakamalaking sugal na aking pinustahan sa tana ng Buhay ko ay yung pagtigil sa Pag-aaral at tumaya sa aking minsan lang pumalpak na diskarte. Nabanggit ko na nuon na Isa akong dropped out na nursing student sa pinas nuong kabataan ko.. Kumuha ako ng Pagka-Nars dahil akala ko Nars lang ang nag-aabroad.. Pero nuong malaman ko na Hindi pala, Minadali ko ang aking byahe at nagpasyang mag-apply dito sa Canada bilang isang alipin.. alila.. katulong.. utusan.. uto-uto at all-around babysitter na poging pogi mapabata matanda at maging hayup pa yan! oks lang...
May pagsisisi din ako sa isang banda ng Buhay ko... Kung bakit ko naisip ang mga walang kwentang diskarte na yun! Kung bakit andito ako at nagpapakahirap.. kung bakit iniwan ko ang buhay ko sa pinas... kung bakit hindi ko sinulit ang aking kabataan at kababawan samantalang masaya naman ako nuon sa Buhay ko. Pero tapos na yun at hindi na mababalikan... kailangan magpatuloy at ayusin ang mga bagay bagay na kailangang ayusin. pagkatapos ng mahigit isang taon----nagpapasalamat parin ako kay Papa God kase dinala nya sa aking yung opurtunidad na yun... Kung susumain, talagang para sa akin nga siguro yung katok na yun at akin lang napagbuksan sa tamang oras kaya andito ako..
Kumusta naman ako?
ayus na ayus lang at Poging pogi pa rin naman..
naniniwala pa rin ako na,
Una, sa Diskarte nakasalalay ang lahat ng iyung Hinaharap... wala sa uri ng trabaho at lalong wala sa iyung kayamanan.. Sa isang iglap kase pwede kang maisalin sa ibang katawan at magugulat ka nalang nasa katawan ka na pala ni Palito... Hindi mo alam kung paano nagkasya ang dati mong malaking katawan sa malabuto't balat na yun! Pero kita mo naman. through hardworking, andun pa rin si Palito... duuuuunnnn... basta dun...
Pangalawa, Kung swerte ka, swerte ka! Ang Swerte kung sa dinamidami ng ginawang araw ni Papa God eh hindi ka na tinamaan ng pana ng kamalasan eh, mag-inggat ka kase kapag nasapul ka sunod-sunud na yan... ganun din sa Swerte.. kapag minalas ka ngayun eh siguradong kapag dumating ang swerte eh talagang sunod sunod na din yun! sa kabilang banda, Pero maniwala ka't sa Hindi, may mga ipinanganak talaga na may kasabay na kamalasan... Yung tipong kakain nalang... nakasubo na... nginuya at lulunukin nalang sana eh nabilaukan pa! ganun kamalas ang ilan... Hindi mo masabing sigurado na ang isang bagay hanggat hindi nahuhulog sa tamang kalalagyan ang mga elemento nito.
Pangatlo, Ang paniniwala at Bilib sa sarili.. Hindi ito yung tipo ng taong maangas o mayabang haaaaa... ganito lang yun, Kapag nagawa mong isipin, isipin mong kaya mong gawin.. Yun ang Prinsipyo ko sa Buhay.. paanu mo magagawa ang isang bagay kung ni isipin nga lang eh hindi mo kayang gawin...
Kailangan mong sumugal sa bawat bagay na di ka sigurado kung anung kalalabasan... Mga bagay na Hindi mo tiyak at Mga bagay na kailangan mong ilaban.. kung di ka susugal, Hindi ka mananalo.. ganun ka simple yun! Pero kapag naramdaman mong minamalas ka, o malas ka talaga... na ipinanganak na kakambal si Malas. eh wag a nang sumugal.. hayaan mo nalang na dalhin ka ng agos ng ilog papunta sa kalawakan ng dagat kung saan, parang abot kamay ang langit..
paunawa:
Ito ay walang kinalaman sa sinuman.. batay lamang to sa sarili kong baluktot na pananaw at walang kwentang satsat! salamat!

Ang sugal sa totoong Buhay; Hindi ka matatalo hanggat Hindi ka nagpapatalo...
Ito ay walang kinalaman sa sinuman.. batay lamang to sa sarili kong baluktot na pananaw at walang kwentang satsat! salamat!

37 comments:
Parekoy, musta? :)
Naniniwala ako sa mga sinasabi mo... may mga tao talagang kakambal ay swerte... at meron ding hindi. magaling magaling! totoo lahat tong mga nasabi mo...
di ka na pala abnuy... immature ka na este matured ka na... heheh PEACE!
Marco parekoy**
lols
salamat sa pagdaan
ayus lang yan!
hehe
immature ako? pareho lang tayu..lols
joke
life is a choice, hapiness is a choice too...
anuman dw ang buhay meron tau sa ngayon, dpt wg taung matakot sumugal, ang importante you are hu u are.... saludo ako sau!
"life is a game if u play not to win why play at all"
parte na talaga ng buhay ang sugal kaya agree ako sayo parekoy. kaya taya na tayo sa lotto.
Sugal lang nang sugal hanggat meron, pag nawala ka na mas mahirap sumugal...
ahehehe..ayos lang sumugal basta may pantaya... kaso minsan hinay-hinay lang din...mas masarap tumaya sa llmado kaysa sa dehado... pero kung anu man ang kalalabasan dapat maging handa sa mga consequences ng iyong naging desisyon... manalo man o matalo..tuloy ang laban..tuloy ang pagpusta...tuloy ang sugal...
...pero mas maganda kung alam mong mandaya sa sugal na papasukan mo... :D
Mahina ako sa sugal, kaya palagi akong natatalo... ang nakakalaban ko kasi palagi ay mahusay mandaya.
Thumbs-up ako sa punto numero dos mo kung sugal ang pag-uusapan.
Ang una at pangatlong punto mo, uhmn... Sa susunod na, kapag moderated na ang comments dito.
Takot talaga akong magsugal, kaya siguro hindi ako nananalo. Hanga ako sa mga poging sugarol na tulad mo, Kosa! o",)
ako din, isang malaking risktaker... pero di ako sugalero... lagi akong talo... sa buhay lang.. hehehe
aw. salamat salamat.. kelangan ko tong ganitong mga payo lalo na nandito ako sa phase ng buhay kung san importante ang bawat habang.. haisk. minsan din kasi takot ako mag-risk pero yea, di maaalis sating buhay na minsan kelangan sumugal at makipagsabayan.
lahat naman ng tao may kanya-kanyang flaws, imperfections, chka kamalasan na tinatamasa..
para saken..ang mahalaga eh kung pano mo pinagbubuti at inuunawa ang bawat desisyon na ginagawa mo sa buhay mo..
tayo ang masusunod sa buhay natin, walang kahit na sinong papalag sa mga desisyon natin..
gaya ng sabi ko dati..
walang taong bobo, tamad "madami"...
ok lang sumugal sa kahit na anong bagay na dadating sa buhay natin, ang mahalaga eh kaya nating panindigan yung bagay na sinugalan natin..:D
teka..
hindi ba talaga to connected sa tunay na buhay?hehe..joke
DPAT LANG DIN NA BAGO KA SUMUGAL LALO NA KUNG ANG NAKATAYA EH ANG LAHAT-LAHAT SAYO..LAHAT-LAHAT NG MGA BAGAY NA PINAKAKAINGAT-INGATAN MO, DAPAT MUNANG ISIPIN MABUTI.... DAHIL BAKA MAMAYA DAHIL SA PAG TAKE MO NG RISK NG HINDI ISINAALANG-ALANG MGA BAGAY NA MAHALAGA EH MAWALA LAHAT NG MGA ITO SAYO...
kailangan talagang sumugal! kailangan nating pumusta kung gusto nating manalo at palarin. Ngunit kaakibat ng pagpusta ay ang konting ingat. dahil sakaling matalo tayo, kailangan alam nating tanggapin kung saang lugar tayo pupulutin.
Tama na wag ipusta lahat upang kahit paano ay matira sayo. at kahit paano ay makapagsimula muli.
Walang nararating ang karuwagan sa pagharap sa buhay. Kailangan ng tibay ng loob at determinasyon upang swertihin...
@ ParekoyKOSA:
Oo nga siguro... mga abnuy pareho... nahawaan ni AMORSKI! lolz
"...paanu mo magagawa ang isang bagay kung ni isipin nga lang eh hindi mo kayang gawin" -kosa
**totoo naman talaga to. e kasi naman nauunahan ng takot na kapag nagawa na pumapalpak. depende kasi sa drive ng tao yan e. pag mahina talo. pag may giting ka, panalo. jan naman ako bilib sayo. pero minsan ang pagsusugal ay dapat na pinagiisipan. kung minsan hindi lang kasi sugat ang kayang likhain, alagaan din ang buhay :)
ako hindi sugarol pero lasenggo. wahahahaha. umeepal lang
... hmmm... nde akoh gano naniniwala sa malas... sometimes itz all in the mind lang... if u believe so much sa malas na yan sa life moh then 'ung ang more likely na mangyayari nga sa life moh.... but i do believe in prayers... yeah... dat one is for sure... and naniniwala akoh ang mga nangyayari sa buhay naten eh itz all for a reason... and we are all given different challenges in life... depende yan sa mga strenghts naten... kaw andyan cuz kaw may kaya nyan... baliktarin naten situation naten... baka nde koh ma-handle ang sau... nd 'ung saken... 'la nah... tagal moh na sigurong ayaw nang mabuhay... nyaikz... lolz... 'la... mejo down lang akoh lately... but i'll be fine...andyan lang si Papa God... but hanga akoh sau... kc thankful ka pa ren sa kanyah kahit nde madali ang situation moh... and true... may mga bagay na sometimes nireregret moh na sana ginawa moh from d' past... pero thankful dahil don eh you are blessed na makarating sa ibang bansa... na alam moh na pangarap nang maraming pilipino... nde lahat nabibigyan nang opportunity... true mahirap specially w/ d' economy crisis right now and not sure if u guyz really affected there right now... but d' point is... kahit sobrang naghihirap na mga tao... mas way blessed pa ren compared to others... you are blessed parekoy and yeah focused on that... and no matter wat happens hwag kang bibitiw sa Kanyah... ingatz lagi... Godbless! -di
hmmn, ano kaya naiisip mo parekoy at nakapgpost ka ng ganito? pero magaling! magaling!
Gusto ko tong # 3
"Kailangan mong sumugal sa bawat bagay na di ka sigurado kung anung kalalabasan..."
Life is a gamble in a sense that you take a risk. But not all the time. Life is with a purpose, and kung patumbling tumbling ka lang, eh tatambling ka talaga, baka gumulong pa.
But I agree, you take chances with what is going to happen.
Thank u, bow!
paepal ;p
soooper agree, ang buhay ay sugal lolz kaya madaming tao umaasa nalang sa swerte lolz
ang pagsugal kasi dapat ginagamitan din yan ng probability, kung tingin mo e out of 100 percent 5 percent lang doon yung sure ka na ikakapanalo mo o tsansa na ikakapanalo mo bakit ka tataya?
kung sa toss coin, head ka, 50/50 ang chance na lumabas yung head o kaya kalabaw? (kalabaw ba yown? wahehehe) syempre taya na!
sooper agree ang fulfilment naman kasi hindi nakabase sa iisang pamantayan lamang at syempre behind all games, manalo man o matalo, andyan ang regrets kasi tumataya ka.
;p
mahirap sumugal sa buhay... sobra... kasi hindi mo alam baka mali ang pili mo, at kung san ka nalang bigla damputin... pero proud ako sayo dahil proud ka sa pinili mo. :) keep up da good work! :)
tama ka dyan. diskarte lang yan. at maghirap at mahirapan ka man ngayon, lahat yan may kapalit. hintay ka lang. mabait ang Diyos :)
tama ka sa mga sinabi kosa..pupusta din ako sa mga sugal na yan....
kilangang tlga ng diskarte para sa hinahara...
isang tagay ako jan!
lahat tayo ay sumusugal. pumupusta. lahat tayo nakikipagsapalaran sa laro ng buhay.
kailangan maging matalino. kailangan magkaroon ng prinsipyo.
matalo man ako, masaya ang laro ko! hehe.
naks,
ganda ng post mo tsong... tama paano ka naman magtatagumpay kung di ka marunong sumugal?
kung sa tingin mo puno na ng kamalasan ang buhay mo...manalig ka lang at ipaubaya sa KANYA ang lahat. :-)
wala akong masabi...
alam mo naman ang buhay ng taong puno puno ng angst pero walang diskarteng tulad ko. ako yung totoong sugarol na lumalaban ng mahjong at tong its kahit sa mga hustler pero huli na para sumugal sa buhay. kaya eto pakiramdam ko, huli huli na ko!
Korek ka dyan parekoy. Hindi natin masasabi na naranasan natin mabuhay kung hindi tayo sumugal....
Ang importante lagi matuto tayong sumubok. Ngunit sa bawat sugal na ito, dapat handa tayo tanggapin ang katotohanan na kaakibat nio.
Ang katotohanan na sa anuman na nangyayari o nararamdaman sa ating buhay, ito ay laging kagagawan natin. At walang ibang pwedeng pasalamatan o sisihin kundi ang ating mga sarili. Na sasaatin na lang kung nais natin lumago o matuto gawa ng mga ito... :)
sosyal bago ang theme nya... ngayon lang nakadalaw... wala akong internet sa opis... putol na...
very well said kosa poging pogi. nasabi mo nang saktong sakto. kelangan talaga diskarte sa buhay. anjan din ang konting ambon ng swerte, pagpupursige, at pagtantiya sa mga risks.
nga pala, nakapagpost na ko sa datkomista project. gusto kong ikaw ang unang makapagpost dahil ikaw ang sponsor ko. hehehe.
ayos ang mga banat kosadude..talagang nagmantsa sa bunbunan ko...lolz...malufeet ang mga punto..parang si BOb ong...hehehe
wala ba talagang pinapatamaan to parekoy? yos lang kung meron ..may punto ka naman e.....sino ba masterkosa?...lolz...
Bhing**
Salamat sa pagdaan at tama ka dyan,
ang buhay ay laro.. anuman ang maging resulta panalo ka pa rin.. Hndi man sa literal na laban, atleast natalo ka man, may natutunan ka pa rin!
Lawstude**
hehehe
pinagdarasal ko din yan!
ang manalo sa Lotto pero paanu kaya mangyayari yun eh hindi naman ako tmataya?
haaaaaaays buhay nga naman..
LordCM**
haaaaaaaa?
anu daw?
habang bUhay ka parekoy,
pwede kang sumugal at mandatory ang pagsusugal dito.. Hndi ito yung tong-its na kailangang ilapag mo ang iyung taya!
SuperGulaman parekoy**
magandang ideya yun ahh
masubukan ko nga madaya..
pero, ingat ingat sa karma kase kapag nandaya ka, babalik yan satin, wammilyun tayms
Doc Aga**
iba kase ang sugal ng Buhay sa sugal na tong-its parekoy..
pero salamat sa pagdaan
teka, iYM no nalang yung itinatago mo..hehee
Gillboard**
mismong mismo Parekoy Gillboard!
ameeeeen..
Jhosel**
ahhhh
kailangan mo ba? lols
sige kua lang g kuha...feel athome!
salamat sa pagbisita
Jen**
behave ok!
wag lang mag-away!
hehe.. sabi ng Hindi related eh..
machismax ka!
Yanah**
bravoooo!
pero teka,
ang Sugal ng Buhay eh medyo kakaiba sa tong-its...
dito sa Sugal ng Buhay,
ang mga bagay na mahalaga sayu eh hnding hindi mawawala sayu hanggang Hindi ka bumibitaw...
minsan naman kase, ang pagbagsak eh nagdadala ng panibagong hamon at pampalakas para bumilis ang usad ng mga pangyayarin..parang short cut sa isang byahilong baku-bakong byahe.. yun yun!
susgal ka, baka sa kaling walang traffic.. dahil kung naka-jackpot ka, naka-save ka ng Oras... pero kung malas ka... abutin ka man ng siyam-syam, makakarating ka pa rin pero medyo(lang naman) late na.
ganun ang sugal sa totoong buhay---hindi ka matatalo kung hindi ka magpapatalo.
padaan din po
Una, sa Diskarte nakasalalay ang lahat ng iyung Hinaharap...
Pangatlo, Ang paniniwala at Bilib sa sarili
-aun nkaka inspire hehehe
exlink po??
http://simplefula09.wordpress.com
daan ulit aq dito wah..hehehe
kosa...
minsan masarap sumugal.
mas ok yun kesa sa mga bagay sa sigurado.
hindi boring! ehehe
isipin mo na lang na mas swerte pa rin tayo kesa sa ibang tao.
be optimistic. mind over matter.
parang wet dreams lang.
Ang sugal sa totoong Buhay; Hindi ka matatalo hanggat Hindi ka nagpapatalo...
*tama po kaya dapat po habang may lakas pa at abilidad sa sarili at pananalig sa itaas kayang kaya natin yun...
salamat po sa pagaan sa kuta ko hehe...:)hindi po ko emo ha hehe...
daan ka po ulit ..arigato gusaimasu
isa lang ang natutunan ko sa lahat ng sinabi mo, na pogi ka pa rin sa kabila ng lahat. at ang importante ay mahalaga heheh.
seriously, sumasang-ayon ako sa sinabi mo tungkol sa diskarte at swerte. may yumayaman sa pagtaya sa lotto at may yumayaman din sa pagtayo ng lotto-han =)
salamat sa mga payo mo. tatayo ako mula sa computer chair na may bagong prinsipyo sa buhay.
maraming, maraming salamat po.
parekoy, galing ng topic mo. bago me lang dito.
araw-araw naman talaga eh parang sugal ang buhay. Di mo alam kung ano magiging resulta ng decision mo. Ang kelangan mo lang gawin ay derederetso ka lang. wag matakot! makibaka! wag matakot!
walang failure kung di ka titigil sa paghahanap ng swerte. yung minamalas lang ay yung mga tamad at duwag.
elow po...nakikiepal lang (hehehe) nice post! klap klap klap
ako rin sumugal! no regrets ika nga...pano ka mananalo kung di ka tataya?
Post a Comment