Simula't sapul, MAYABANG talaga ako.. hehehe inaamin ko yun ng bonggang bongga at walang pag-aalinlangan... Malamang sa malamang, Bahagi yun ng aking pagiging dugong
Likas sa Kapampangan ang pagiging magarbo.. MAYABANG, magastos.. basta lahat na yata ng Bonggang bonggang mga bagay eh makikita mo sa Kapampangan. Tulad nung isa kong Prinsipyo nuon at magpahanggang ngayun "Kahit wala kang kapera-pera, kung nagbihis ka ng maayus---malinis at mabango ka, Hindi lahata na Butata ang iyung bulsa". ayan, kayabangan ba yan o isang sakit? hehehe Hindi mo naman kailangang ipakita kung anu ang nasa bulsa mo di ba?
Sabi ng Nanay ko, Ang kapampangan daw, sobrang init ang Pagtanggap ng bisita. Yung tipong ibibigay nila ang kanilang kwarto at malambot na kama para sa mga bisita.. kahit na matulog na sila sa ilalim ng lamesa sa kusina eh ayus lang. Ipagluluto ka ng kung anu anung masasarap na pagkain at with matching serbis pa.. ipagsasandok ka... at kulang nalang na sila ang magsalansan ng pagkain sa bibig mo ng pagkain hanggang sa mabulunan ka at hindi na muling bumisita sa kanila. hehehe joke lang! Hindi ko pa naman napapatunayan yun kase hindi pa ako nabakasyon sa mga kakilala at kamag-anak sa Pampanga..Pero darating din ang araw na yun..hehehe:) kelan, kapag puti na ang uwak.
Sa Ilokos ako Ipinanganak, Lumaki, nagkaisip (meron na ba?), nag-aral, naging gagu-tarantado, Pumampam, Lumandi at natutung makipagharutan. Halos lahat ng mga Puhunan ko sa pakikibaka sa karumaldumal na Laro at Laban sa Mundo ay sa Ilokos ko natutunan. Pagiging matipid maskilala sa tawanag na Kuripot---. Prodaktib--- yung mga bagay na akala mo wala ng pakinabang eh magagawa kong kapakipakinabang. alam mo yung kasabihang "may pera sa basura?" yun yun! Hindi naman sa binubuhat ko ang aking sariling Upuan... ganumpaman, Bubuhatin ko pa rin ito kase lilipat ako nga pwesto.. **at ayan nakalipat na ako sa maskumportableng posisyon**
Kahit kelan talaga hindi ako naging magaling sa iskwela. Simula pa nun, Likas na din sa akin ang maging Pasaway. Kung anu ang gusto kong gawin, kahit sinabihan mo akong wag kong gagawin "oo" ang isasagot ko sayo pero gagawin ko pa rin. Alam kong ang Lahat ng aking ginagawa sa Buhay ko eh kailangan kong panagutan.. At malamang sa malamang na kapag nagsisi ako sa pagsunod sa payo mo, at sisihin kita! babalik din sa akin ang sisi "kung bakit kita sinunod" kaya masmagandang desisyon at diskarte ko pa rin ang sundin ko. Tulad ng sinabi ko, Responsable ako sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko.. At halimabawang nabukulan kita ng hindi sinasadya o sinadya ko man.. Ready ako sa consequences Murahin mo ako---o kung gusto mo, Bukul-Bukulan mo din ako *times two** ayus na ayus lang yun sa akin..hehehe
Ang Pogi talaga nga kombinado na gawa ng dalawang magkasalungat na Lahi.. Tignan mo naman ang resulta, Si Kosa na walang kwenta pero happy'ng happy naman..hehehe nagyayabang ako eh wala naman akong maipagyayabang..lolzz
Ngayung bagong bago ang ayus ng aking Kuta, naninibago din ako... Iniisip ko kung anu pa ang pwede kong ilagay dito.. Kung anu pang mga bagay ang ipapalaman ko dito.. at iba pa.. sabagay tulad nga ng madalas kong sabihin sa ibang makukulit na Blogger, "Ang paggawa ng post ay parang utot... Hindi pinipilit at malamang sa malamang--kapag pinilit mo lumabas nga pero may kasamang iba.." hehehe.. sige sige kitakits pa rin.. para lang akong gumawa ng Komento sa sarili ko nito..hehehe
pahabol:
At dahil sinabi kong mayabang ako.. opisyal kong ipinangangalandakan na isa na akong dotkomista! ohaaaa.. mula sa http://taxikel.blogspot.com napunta na http://www.kosapogi.com . Parang wala ngang nagbago eh. Bukod sa masmadali lang sigurong tandaan at itype.


42 comments:
ayos... mayabang nga ang kapampangan... yon lang ang napapansin ko... hehehe PEACE kapampangan!
WOHOOO...CONGRATZ MR. MUSCLE..
DATKOM NAH..YABANG YABANG NETOO..
hehe. mayabang na kuripot... hehe.. peace bro!
kongrats sa dotcom!
Magkababayan kayo ng Esmi ko. Kapampangan din siya. Dayrit sila, taga-Mabalacat.
Mabuhay ang dotcom ni Kosa!
blog hop lang po^^
whaahha...
dat kom-errrssss.....
dapat dagdag widgets na din...
dapat tinuluy-tuloy na lang ang english na post...:)..mas sikat ka pag ganun eh,joke lang,:)
mayabang o hindi...same same pa din (english yan ng mga pana dito sa uae)..hekhek..
Nagpakilala ang kaibigan kong pogi. Aba, mayabang daw pala! Huh! Pero ayos lang, kaibigan pa rin kita bro.
MAS NAGUGUSTUHAN ko kung paano mo laruin ang mga salita sa wikang Filipino kapag ito ang ginamit mo sa pagsusulat. Ang galing! May identity, 'ika nga. Ang mga seryosong bagay na nahahaluan ng komedya at kaunting rated R18 na mga salita, pero swak na swak pa rin sa paksa. [Ito ang hindi ko kayang gawin, ang maging humorous.] Mahusay Poging Kosa! Mabuhay ang mga Pogi!
Marcopareko**
lols
oo nga daw...hehe
diko alam..siguro nga!
Vanvan**
lols
salamat
datkom lang yan!
walang nagbago..
Kokoi**
hehehe
oo nga wirdo ng kombinasyon..
salamat
Mike Ave**
ahhh ganun ba?
may lahing kapampangan din Esmi mo?
wow.. galing sa Primera klaseng lahi Kung ganun.. swerte mo sa kanya.heheh
peace..
swerte din sya sayoo parekoy!
kathy**
salamat sa pagdaan..hehehe
balik ka..
kitakits
Jen**
ahhhh
oo na-gets ko..
bakit mo pa inulit?lolz
Doc Aga**
ganun ba Doc?
sige sige Filipino tayo kaya Filipino tayo..hheehehe
oo doc Mayabang ako..hehehe
oo naman kaibigan pa rin kita..lolz joke joke..
salamat sa pagdaan
isang palakpak para kay kosa na mayabang daw...lolz...
hindi lahat ng mg ilokano kuripot, pero lahat ng mga ilokano pogi..kaya pogi tayo kosa...mainggt man sila..hehhehehe
wee. di naman ako nayabangan sa pakadeliver mo ng post na ito ah. ahehe. *sumisipsip* lol
congrats sa iyong bagong page! tc!
WALA KA SA LOLO KOW, PATAY NA UN HAHAHHA.LOL KOSA ANG ABNUY MOW TLGA HAHAHA,LOLNESS WLA LANG PUNTA AKOW S NYOW HA,MAINIT PALA PAGTANGGAP DUN SA MGA BISITA..BUTI PA SA NYOW SAMIN OK DIN LOL..WLA KONEK MO LANG ABNUY AKOW NGAYON EH
haha musta kosa? hehe long time LOLS
yun nga rin nakikita ko sa mga kapampangan ang yabang.. pero wag ka.. kasundo ko sila kasi mayabang din ang bisayang to kaya apir! lang PIS!!!! hahahhaha,....
niweys KOsa ayus ah... kadatkomis na tayo ngayon heheheh... conrats!!
hoy kosang mayabang, natutuwa ako't datkomista ka na. mapapasadahan ko na ang blog mo araw-araw sa opis namin. di na blocked. hehehe.
at magkano naman ang gastos mo rito? pinag-iisipan ko rin kasi kung magdadatkom na 'ko o magtiis muna sa mga server downtime ng i.PH. lolz.
Papogi-an na lang, ano? Mayabang din ako eh. Jowk! = P
Congats sa iyong datkom. Woot woot! = D
nakanamputssss. dot com ka na pala... ayusin ko muna link mo pala.
hanef, tagal ko na di narinig yung salitang pampam. wahahahah!
mag-iisnow na naman ngayong weekend daw. kainis.
honga no... datcom ka na... congrats!!!
wag lalaki ulo... sa taas.. ayus lang sa baba... hehehe
ok...!
WALA PALA YANG LOLO MO AMOR EH,LOLO KO ANO EH!!! ANO!!! lolzz
Mayabang ka pala parekoy, ayaw ko na sayo!!! nyahahah, taena eh parehas lang tayo eh, tatay ko kapampangan, nanay ko ilocano...kaya nasa gitna ako...lolzz
poging cano**
lols.. tama ka dyan parekoy..
apir tayu dyan..hehehe
ahhhh hindi ba kuripot lahat?
ahhh nasa Lugar pala...
kapag nagpapalakas eh kailangan nga namang medyo maging galante noh?
lols.. masasabi ni Berta?
lols
Jhosel**
talaga Hindi ka nayayabangan sa akin?
ahhh pagkadeliver lang pala eh.. pero sa personal mayabang talaga ako..kulang nalang na liparin ka ng hangin sa lakas..lols
pero Hindi naman ako papayag na basta ka nalang Liparin ng hangin..papahawak ko sayo yung Braso ko para di ka liparin...hehe
peace.
Amor**
ohhhh... nasan ang bantay mo?
lols.. abnoy na nga ako, nag-aastang abnoy ka pa? sinu nalang mag-aalaga sa akin?
hehehe
peace
Keno idol**
lols.oo nga eh...
napadalaw ka sa Kuta ko?
anung balita?
balitaan mo naman ako kapag ganito na dumadalaw ka..hehehe
salamat at kitakits
Bommzz**
lols Bisayang mayabang ka rin?
lols nasa lugar naman yan parekoy eh.. kahit magyabang tayu kung kaya natin eh di Go Go Go!! lols
oo datkomista na din ako..hahaha
bakit inggits? joke mayabang talaga ako..hehehe
Lioloko Loko**
ohaaaa.. Mismo..datkomsita na din after 25 years..lols
Mura lang to parekoy.. mura pa sa isang kadyot..hehee
sige pasadahan mo tong kuta ko araw araw.. at susubukan ko naman na maglagay ng post once a week..hehehe
peace..
GasDude**
dude.. hahaha
isesend ko na sa susunod yung contribution ko sa Bday pakulo mo..hehehe
kitakits..
Buraot**
anu ba yan,
sabihin mo nga sa akin.. ipaliwanag mo kung anu yung entycard na yan..lols
wala akong kamuwang muwang sa mundo ahhh diko alam yan..pwera nalang kung pagakaperahan..hehehe
Gillboard**
haaaaaaaa...
dat com lang yan..lols
ako pa rin si Kosa.. anu naman kaya yun..lols
ikukwento ko sayo kung bakit ako bumili ng sarili kong domain..lols pero baka magiging controversial na naman ako malamang..lols
Mulong Dimaturingan**
ok? hmm...alrightttttt...
LordCM**
lols
abnuy ka din?
hahaha
wala yan sa Akin..lols
salamat sa pagbisita
DOT com na nga!..taena..binabati kita masterkosa...di naman kayabangan yan..sign of SUcess lang yan...hehehehe
at dahil dot com ka na...bumoto ka na sa dotcom ni damuhan...lolz...
kung may ipagyayabang naman bakit hindi?
ayus yan parekoy!
sinung mayabang dito?? ikaw?
ako din pla...aheks...dalawa na tayo... ;)
weepeeee...congrats din dot com na ohh.. ;)
Prof Pajay**
lols...
ayus yun ahhh
sign of success lang?
pwedeng pwede!
Flamindevil**
hehehe..
oo nga pala ano?
sige sige magyayabang na nga ako sa susunod..
SuperGulaman**
ikaw din?
mayabang lols...
sige mayabang tayung lahat..hehehe
huwaaw parekoy! dot com na!
tama lang yan... congrats! =)
naks! pano moh nagawa 'un... ang magkaroon nang pogikosa.com ... kaaaliw naman?... may bayad bah yan?... nakakaaliw naman... and yeah luv ur new haus... so pretty so nice... luv it... parang naging babae ah?.. lolz... pero true i luv ur new haus... naaliw naman akoh sa post moh... parang mas nakilala ka namen... yeah kaw nga ang combination nang mayabang at kuripot... lolz... ewan koh bah ba't ganon... sinasabi ang mga kapampangan... ganito silah.. ilocano eh ganon silah... minsan masyado nateng gine-generalize ang mga tao... pero sometimes naman nagkakataon na ganon nga silah... make sense pa bah akoh... 'la inaantokz akoh eh... humihiritz lang... eniweiz... yeah... ingatz... nite... Godbless! -di
Oracle**
lols.. oo medyo pinag-isipan ko din kung paano ko to gagawin.. salamat sa tulong ni SuperGulaman..hehe
Dee**
lols
parang babae ba?
siguro nga kase babae yung Kinunsulta ko nung buhayin ko tung luta ko.. oo naman... may bayad ang dot com..lols (yabang ko noh?) mura lang naman.. isang utot mo lang yun..hahaha
salamat sa inyung dalawa kitakits pa rin..weheheh
CongratZ sa pag ka dotcoM Mow :D
YAbaNg ka baH d NmN HALate eh hehe
oo NA pOgI NA MgA iLokanO paaNo kasi anG nakabingwit sa aKin ay iLokanO din hehehe
GoodLuck sa PAGE mO
♥
sa tingin ko naman ay may maipagyayabang ka naman talaga e.saka kung nakakaoffend ka man malamang na nilalangaw na ang dotcom mo (naks dot com na! haha) pero naguumapaw ka nga sa comments at fans! (kasama na ko! hehe) ang masama ay yung makapal na wala namang binatbat. :) hala sige at maghasik pa ng kaguapuhan sa mundo ng blogosphere! sasamahan pa kita kai syempre pogi din ako lols
uy ang ganda ng bagong bahay mo kosa. kanino ka nagpagawa nito? gusto ko na rin kasi magkaroon ng sariling dotcom. e-mail mo naman sakin or comment ka sa blog ko kung paano. salamat kosa.
magaling, magaling! congrats kosa sa bahay mo.. nice, very nice!
kaya pal gusto mo magpakamusta ha.. kasi magyayabanag ka.. hehe.. peace.
abah makakuha nga.. isang utot lang palah eh.. hahaha.. lolz... naks.. malufet si kosa!... pa-dot com dot com na lang... iba na tlgah ang yamin!.. di na ma-reach... kosa! pautang... weheheh.. lolz... ingatz lagi parekoy... Godbless! -di
waahahhaaha. yabang! ako naman ilonggo.pero nagkakasundo tayo. hehehehee ^^
at kongrats sa dat kom mo. yabang!!!! wahahahahah
oo nga dotcom na...okay lang maging mayabang wag lang sobra...kung legal lang pumatay patay na lahat ng mayayabang...ehehehehe...
ung iba namn nayayabangan kasi na iinsecure...
pero magkaiba ng confidence at arrogance, you know the difference naman ayt?
"ipagsasandok ka... at kulang nalang na sila ang magsalansan ng pagkain sa bibig mo ng pagkain hanggang sa mabulunan ka at hindi na muling bumisita sa kanila"
Wahahahahaha! Nakakainis! Nagising tuloy ako sa antok, matutulog pa naman sana 'ko... Gising na gising ako sa post mo!
Ah may lahi ka rin palang kapampangan, kala ko Ilocano ka lang..Ibang klaseng kombinasyon nga yan. Galanteng kuripot.. basta marami..ibang klase..hahaha!
POging pogi nga tong site mo, lalong lalo ni si Kosa, pakiss nga! nyaha! lolz
cheers kosa!
panu na ko matutulog nito..hayz..
Uy, depensa lang ha, di lahat ng Ilokano eh mukhang tatanga-tanga ha, yong ilan lang,,lol! Pero tutot lahat sabi mo ukol sa mga Kapampangan, me ebidensya ko dito, ha,ha,ha! V- Kosa ^_^.
Hi Kosa! I'm a product of Ilocana/Pangasinan who was born and raised in Angeles City. Migrated to the U.S. after High School. I attended Holy Family Academy till 6th grade then went to AUF to finish High School.
I speak both dialect fluently. I'm frugal, practical but also want the finest things in life and I mean the ONLY FINEST things! I'm also a lesbian!!! *lol*
My wonderful GF is from Calgary. We see each other every 3 months. We are hoping to be together for good soon. I don't know which one of us is willing to move.
Keep up your great blog and god bless!
Mabuhay and Salamat!
Jasmine
Post a Comment