ang mga larawan ay Kuha sa Bus station kung saan ako nag-aabang at nilalamig bawat umaga papasok sa trabaho..
Dito sa aking pinagkakakutaan sa ngayun, Hindi maipaliwanag ng mga eksperto kung bakit hanggang ngayun eh patuloy na inuulan pa rin kami ng Nyebe. Nuong nakaraang taon kase, Pagtapak sa Buwan ng Marso hindi na naramdaman pa extraordinaryong lamig na tinatamasa namin ngayun.. pumapalo pa rin kami sa butata o di kaya nagiging negatibo pa ang aming temperatura. At kaninang umaga nga, pagkatapos bumalik sa tamang oras ang bilangan nuong Sabado ng gabi... hindi pa rin nakatakas ang mga matatakutin sa lamig na tulad ko at magka-snow fall pa rin... haaaaaaayss.. ang mga larawan ang mga buhay na ebidensya..
Nung isang araw..(kelan na nga ba yun?) nabalitaan kong Pumanaw na si Francis M..
Nakikiramay po ang Trip ni Kosa sa mga naulila ni Francis M. sa mga tagahangan at sa bawat Pinoy na nakakakilala sa kanya..
Nawalan tayo ng isang Tunay na Halimbawa ng isang makabayang Artista.
sayo Francis M, may you rest in Peace.. kitakits Parekoy!


30 comments:
nakakatouch ang entry ah..hehe
sobrang lamig pala jan ngaun????
pero naliligo ka nmn?hehe..joke..
nakikiramay din ako sa pagpanaw ni Francis M...:(
'Yan na nga ba ang tanong ko sa huling entry mo pa doon sa Four Seasons kung si Kosa ba ay naniniwala sa tinatawag na GLobal Warming. Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinagot ang comment kong 'yon. o",)
waah! ayoko ng ganyang kalamig! eto nga medyo malayo na sa butata pero nanginginig pa rin ako. heheh
ganyan talaga ang buhay.KAKAIBA...
sa pagalis ng tag-init..may darating na kapalit... kung ngaun nasa ibabaw ka, bukas makalawa nasa ilalim ka na.. kakaiba nga talga pero hindi mo ba napapansing paulit-ulit lang lahat ng mga kakaibang pangyaari sa buhay natin? ang difference lang eh ung forms ng pagdating nila/pag appear nila sa buhay naten... pero all in all..in general.... its just the same... sa bandang huli, yun pa rin yun..
woww... sarap nyan malamig... dito kasi ang init... whew!!!
Maiisip mo tuloy na parang bumabaliktad na ang senaryo ng mundo.
Baka bukas makalawa, pass the paper na, saan kaya ako pupulutin?
Mabuti si Francis, nakaraos na.
:)
hahaha...dalawang beses ko ng narinig sayo kosa dude ang katagang KITAKITS kay francis m. a....wag kang ambisyoso!...kami muna ang magkikita bago kayo..may sakit ako e ikaw wala kaya mauuna ako.....lolz....
epekto ng kaadikan ng mga tao dre kaya adik na rin ang weather ngayon...lolz...
ay naku kosa kahit dito paiba-iba rin ang weather, minsan ang init den bigla lalamig kya ang hirap pakisamahan ng panahon,pati tuloy ako sala sa init sala sa lamig joke hehehe.
by d way, nakikiramay ako sa mga naulila ni Francis M.
samantala dito sa pineas eh ang init-init!
Mababa ang tolerance ko sa lamig. Kaya hindi ko ata kakayaning mamuhay sa isang bansang me winter season. = P
bat jan malamig..dito mainit, tpos maya-maya biglang buhos ang ulan, sino naman ang hindi magkakasakit pag ganun...haaysss...tumatanda na talaga ng mundo....ulyanin na ata...:)
kakaiba nga! dito sa kabuhanginan medyo umiinit na kaya pwede na ulit maligo araw araw....lolz..
@pajay,
weder adik na rin ba gaya niyo....hehehe...ADIK...lolz...
ginaw naman. magbukas nga lang ng pridjider, nangangatog na ko, jan pa kaya sa lugar nyo.
isa lang solusyon jan - magpainit! hehehe
ohhh ayaw ko ng malamig! basta mas trip ko ata summer na mejo pinapawisan ka...ganda ng kuha dre!tc
yan yung hinahanap ko sa NZ nung bumisita ako last year... di ko man lang naranasan... hays... nakakafrustrate... gusto ko pa namang makakita ng snow...
giniginaw ako!
isa lang ang ibig sabihin niyan. malapit nang magunaw ang mundo. awoooo!!! syet. kelangan ko na talagang makadaupang palad si sarag geronimo at nang makarami na kami bago pa tuluyang magka-apocalypse. wahehehe.
kaya naman minabuti ko'ng manatili na dito sa pinas dahil sobrang lamig dyan. hehehehehe. at oi! ngayon yata libing ni francis m.
Jen**
kakatouch ba?
hindi naman yata eh..
oo medyo malamig nga dito ngayun..ibang iba nung last year..
Doc Aga**
hahaha.
oo naman doc naniniwala ako sa global warming nuon pa.. ganun din sa lalo pang paglamig nung mga lugar na nilalamig talaga..
r-yo**
hehehe... ganun ba?
bakit nasa baguio ka ba? o tagaytay? o di kaya pagudpud?lols
Yanah**
honga..lols
sobrang lalim nung ibig mong sabihin dun ahhhh di ko magets..
marcoParekoy**
hahaha.. oo masarap din naman..pero kailangan talaga parekoy may human blanket na siguro..hehehe
hirap pa naman bumangon ng maaga kapag malamig..
Mike ave**
oo nga eh..
kaya kailangan laging handa..
pass the paper man o i-take home para maging homework
Prof. PajaY**
lols..oo nga.. kitakits sa kitakits..
malamang sa malamang magkikita kita din tayu kung saan man kumukurba ang bawat ruta ng buhay pagkatapos natin dito sa Kalupaan..
Angel**
hehehe.. oo nga.. salamat po sa pagbisita.. sge sige ingat sa pagsala sa lamig at init..heheh
Realscore**
hahaha.. dito naman malamig tapos lumalamig pa kesa sa normal.. haaaaays
Gadude**
di ba lumalamig din ang singapore?
di ba nagiging butata din ang temperatura dyan?
hindi nga...?
SupreGulaman**
lols
ha? oo nga yata... pwedeng ekplanasyun yun ahhh...
hehehe.. salamat sa pagdaan parekoy..
Poging(ilo)cano**
ganun ba?
lols.. dito naman hindi uso sa iba ang maligo araw araw..hehehe
PogingPayatot**
lols
salamat sa pagdaan dito sa aking Kuta..lols after ten year nakadalaw ka din..hehehe
ganun ka kahina sa lamig?
lols sige sige parekoy, itapon mo na yung pridjider nyo..
DH**
lols maganda ba?
nax salamat.. mai-inspire ako nyan.. binola mo pa kase ako eh..lols
salamat sa pagdaan..heheh
Gillboard**
hehehe.. excited ka muna sa una..
pero kapag nasanay ka na... baka isumpa mo ang bawat araw na nag-i-snow...lols
Mulong**
salamat sa pagdaan..
madadaa yan sa kape parekoy..dumaan ka sa Bottomless coffee ni Dylan..hehehe
Lioloco**
hahaha
magugunaw na ba?
wag naman sana muna..
mdami pa akong gustong gawin sa buhay ko..hehehe
Bino**
samalat sa info parekoy..
sige sige, pakasaya ka sa pinas.. balita ko kase lilipad ka na papunta ng SK..gudluck at kitakits pa rin..
Dito naman, nakakinis ang init.. Ahaha.. Kung pwede lang ipadala ang nyebe eh noh.. Hayz.
Nalungkot nga din ako ng sobra nung mabalitaan ko yun. Ang laking kawalan nya sa Pilipinas.. Ang galing ng patriotism na ipinakita nya. MAtindi. Ibang klase.
...kelangan pa tlgah magtampo bago magparamdam eh noh... lolz... eniweiz ur forgiven nah... lolz... oo nga graveh weather lately... kaya nagkakasakit mga tao eh... isa akoh sa mga 'un... at tao palah akoh... lolz... ganda nang place nyo ah... ganda nang pagka-snow.. at pagkakuha nang pix... luv it... yeah take care of urself neighbor so u won't get sick too... oh yeah i think kaya ganyan kc cause yan nang global warming... pag narinig naten ang global warming kala naten mainit lng lagi ang effect nitoh... but not... yeah i've learned about it... nde koh na eexplain basta 'un.. scary part lang eh pag summer.. hala baka sobrang extreme den ang init... so 'unz.. laterz neighbor...i'll get some rest muna at papagaling... laterz.. Godbless! -di
umuulan pa din ng nyebe??
dito ang init na sa paligid
nakikidaan lang
gandang tanghali!
aw. eto ang isang example ng epekto ng global warming. tsk. dito naman ang sobrang init. grabe. tsk tsk. grabe na talaga ang destruction sa mother earth..
yea. nakikiramay din ako sa pagkawala ni francis m. may his legacy continue..
Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!
ako kahit lamigin at sipunin kapag malamig na mas feel ko pa rin ang malamig na lugar..hihihi^^
Post a Comment