Nagkakandabangenge na ako sa kakakalikot sa taenang html na ito kung anu na ang nagyayari sa kanya... Ilang araw ko na kaseng napapansin na nasa Bakasyon yata ang nag-iisa at napaka-espesyal na kulay Orange sa aking layout! kita mo naman... pagtingin mo sa Muka ng aking Kuta, para kang may katarata sa mata na hindi mo makita ang lahat ng nakapalaman sa iyung harapan... nawawala ang aking blogroll, nakatago ang ABoutME! nawalala din ang mukha ng aking arkiba... nawawala din ang mga tansong kasabihan na nakalatag sa aking Blog... haaaaayssss taena.. nakakapanggigil tong ganito.. Hindi mo alam kung saan ka magsusumbong... magrereklamo... mag-aamok ng away at mag-eeskandalo... taenang taena!!
ang tanung:
panahon na (na naman?) bang palitan ang template ng Kuta ni Kosa?hehehe
Naalala ko tuloy, eksaktong ngayung araw na ito labing-pitong taon na ang nakakaraan nagtapos ako ng kindergarten.. hehehe.. oo dumaan din ako sa kamay ng isang teroristang matandang dalagang supertapang na Teacher! Pero sa kabila nun, sobrang napakasayang magbalik tanaw sa mga nakaraan. Lalo na sa bandang kabataan.. Yung tipong wala kang iniindang problema... tanging iniisip at pinoproblema lang ay panonood ng cartoons... pag-gawa ng takdang aralin... paghuhugas ng pinggan at pagtulog sa tanghali!
Papasok sa eskwela, tapos makikipagkulitan sa katabi.. matututong kumanta, sumayaw, magbasa ng AEIOU... makikipag-away! makikipagsuntukan.. makikinig sa pangaral ni Ms.Agacia.. ang walang kamatayang kwento Ni Pagong at Matsing. isama mo pa yung kwento nina Langgam at Tipaklong..hehe nakakatuwa at masasabi kong nuong bata pa ako, langit na ang pakiramdam ko kapag makarinig ka ng Ganung mga kwento... At ngayun, tsimis na ang libangan ko.. joke joke!
uumpisahan ng aming Umaga ang pag-awit ng Lupang Hinirang.. na kadalasan eh maskilala sa titulong "Bayang Magiliw" ..hehe taena nakakatuwa talaga yun! may mga bagets na nagsusuntukan habang patapos pa lang yung Kanta.... pagdating ng linyang "ang mamatay ng dahil sayooooo" eh may umaalingaw-ngaw nang uhaaaa ng isang batang naghihimutok dahil nasaktan. Hindi ko talaga makakalimutan yun dahil duon ako unang namulat sa karahasan ng mundo.. susunod ang ehersisyong pambata... na susundan ng pagdadasal ni Ms.Agacia ng isang memoryadong dasal na Ingles na tipong pang-bedtime ang dating.. nakalimutan ko na nga yun eh.. basta dasal yun! hindi tula.
Pagkatapos nun eh, unang bahagi ng klase namin ang Q&A portion... Tatanungin ni Ma'am kung naligo ka ba? anung oras ka nagising... sinu ang naghatid sayo papuntang eskwelahan at malupit pa dun, tatanungin kung anung ulam mo kaninang umaga. andyan na yung may namumutlang nais umiyak dahil hindi napagtirhan ng Ulam kaninang umaga... haaays buhay bata nga naman!
Magkakaroon ng kulayan portion.. May mga photocopy si Ma'am ng ibat-ibang uri ng prutas at papakulayan yun sa amin... pagkatapos nun eh, pass the paper at isasapubliko ang mga drawing. naghahalo sa balat sa tinalupan ang mga prutas.. May mansanas na kulay itim... siguro dahil bulok ba. atis na kulay pula, kase highbreed daw. orange na kulay green---dahil bubot pa.. pinya na kulay blue at kung anu anu pa! pero duon naman ako namulat sa totoong kulay ng Mundo na, Ang bawat bagay ay may kanikanyang kulay.. nag-iiba man ang kulay kapag nahihinog---yun ang simbolo na ang mga bagay bagay ay nagpapatuloy papunta sa masmatamis na buhay...pero kapag sumobra at hindi nakain sa tamang oras eh nauuwi sa Basura dahil bulok na.
Pero sobrang nakakatuwa at hindi ko ipagpapalit ang pagiging bata... andyan yung mapapadpad kayo sa ilog.. maliligo.. gagawa ng kastilyong buhangin... magtatakbuhan ng hubot hubad! halo-halo na dyan yung mahuhuli sa pag-uwi, may Buhangin ka pa sa mukha pagdating sa bahay. O di kaya mag-aakyatan sa puno ng mangga at maghahabula dun na parang unggoy... at sa Gabi, magtaguan sa dilim kapag maliwanag ang Buwan.
Nakakatuwang isipin na nalampasan ko ang aking kabataan na baon ang mga Kinakailangang yaman upan maging masmatatag na nilalang... mga Prinsipyo at alaala na Hindi mabibili ng pera at kailan man ay hindi ko makakalimutan!
Nagtapos si Kosa sa Imelda Cultural Center sa Lungsod ng Batac nuong March 21, 1992. wala na akong.. Nagmartsa sa harap ng madaming taong usyusero. ipinamemorize ni maam ang Makabagbag damdamin na, "wen ay gro ap, ay want to be a soljer, a soljer is breyb ang istrong... blah.. blah.. blah.." basta parang ganun..haaaaaaaays di ko na maalala yung kabuuan..hehe
salamat sa pagbasa at happy graduation sa mga magtatapos!
Pahabol:
Happy Birthday na din kay Pereng Keno sa 22..lols di ko alam kung kelan na 22 basta naniningil kase sya ng regalo para sa birthday nya na sa 22 na daw..hehe
Happy Birthday parekoy! alam mo naman malakas ka sa akin! Ikaw ang dahilan kung bakit umaariba si Kosa ng Bonggang Bongga..hehe
kitakits


40 comments:
natatakot akong malaman kung ano ang sagot sa katanungan mo tungkol sa pagpapalit ng interior design netong bahay mo...hahaha
ung dasal?! angel of God ba yun?! sabi mo tipong pang bed time naalala ko kase nung abta ako yan ang pinadadasal saken ng lola ko.
nakakatuwa... naaalala mo pa ung mga detalye nung kinder ka.. ako wlang maalala... wala masyado...
naka naman! gusto mo palang maging soldier ahihihihihihi...
wala na kong masabi...
uhmmmmmm ingat na lang... saka salamat talaga... saka.. uhmmmm alam mo na yun..... sabi mo nga.. yun na yun nyahahahaha
mawawala ako ng pansamantagal... kaya txt-txt na lang...
:D
ingat ka jan at Godbless...
nakaka-iyak...LOLz...
masaya talagang magbalik tanaw di ba? Pag na-aalala natin yung mga katarantaduhan natin noon...
masaya mag reminisce lalo na pag sobrang down ka sa mga problema...
nakakamiss yung pagkabata eh...
yung wala kang iniisip na problema, yung sarili mo lang ang importante...=)...
nung kinder ako, classmate kami ng kuya ko...feelerette kasi ako kaya dun ako sumasama sa mga klase niya at hindi ako pumapasok sa klase ko...masaya na magulo dahil lagi kaming nag-aaway...
naalala ko, minsan pina-iwan siya ng teacher namin dahil ayaw niyang sagutan yung workbook niya, iyak ako ng iyak kasi akala ko forever na siyang ikukulong sa school namin...
hindi ko na lang ishi-share yung ibang memories ko nung kinder kasi medyo nakakahiya ako nung bata ako eh...sabihin na nating lagi akong nag-a-amok
anyway...
saya ng childhood mo...=)
wenks...parang magklasm8 tayo ah.... ahahaha..parang ganyan din ang mga nadaanan kong kabalbalan noon... nkakaktuwang isipin ang pagiging bata...kapag naalala mo talaga siguradong mapapangiti ka...
haaysss...naalala ko tuloy ulit ang unang crush ko nun na natae sa klase... ahahaha... :D
sa template...mmmhhh, ikaw na muna magdesisyon..aheks... :D
Hindi lahat ng mga bagay na napapabilang sa pagiging isang bata ay nagugustuhan ko. Pero ang mga nabanggit mong antas nga kaisipan ng isang paslit kung ang kulay ng mundo at buhay, o 'di kaya'y laro ang pag-uusapan, sang-ayon ako diyan.
89 POGI points para sa post na ito. Magiging 90 pogi points sana 'yan kung wala ang pangungusap na, "...ngayun, tsimis na ang libangan ko.. mantakin mo yun!"
hahaha... sayang! 90 points sana to... sabi ni Doc... :)
hehehe..nakakatuwa naman ung kindergarten moments mo..hhihihi
kakawindang nga lang yung mga kulay ng prutas..tsktkstks
happy beerday din kay Keno..:)..
madaliang pagcocomment lang abala sa trabaho..nyahahah
Ang pagbabalik alaala ay nagsisimula sa kwento ng pagkabata, sinong makakalimot sa kasiyahan ng paglalaro at sa unang baitang ng pag-aaral.
Hindi pa uso ang kinder at prep ng panahon namin Kosa kaya paumanhin mo at tumalon na ako sa unang baitang.
aw. yea. memorable talaga ang kindergarten dahil ito yung first time na papasok ka sa school. yung tipong madami kang makikilala. eto din ang unang beses na mamumulat ka sa mga bagay-bagay.. haiz kakamiss naman..
wee. ang weird ng mga post mo kosa, umaakma sa mga nangyayari sakin.. last time yung sa turning points ngayon naman eto..kakagaling ko palang kasi sa graduation ng pinsan ko sa day care today ahehe.. bagay na bagay yang post mo sa kanya.. ahehe.
peace yo. :)
buti pa kayo nagkender
nakakaengget...
kender ule wahehehe
hepe bertdey pereng keno...parang me memory gap ata ako kasi di ko masyadong naalala ang aking kindergarten..pero alam ko kulitan at drowing ang lage noon..
hayz..me crush na kaya ako noong kindergarten???weeee...
Kosa, hahaha...iba ung naala-ala ko sa kindergarten... mga madre ung titser namin pero nakakalusot pa ang mga nakaw na halik at yakap ko sa mga kaklaseng magaganda... ewan ko ba kung bakit nagkaganoon ng mga panahong iyon... pero sa totoo, at that time hindi ako marunong mag spell ng a-p-p-l-e at u-m-b-r-e-l-l-a, hahaha ewan ko ba... akala ko talagang bobo na ako... ngaun marunong na akong mag spell, nahihiya naman akong humalik at yumakap kung kani-kanino lang.... sana kindergarten uli ano...sa aspeto lang ng halik at yakap...hehehe
natawa naman ako dun sa high breed na atis... galing naman nung batang iyon... lam agad high breed!!! lolz
pero nakakamiss talaga ang panahon na yon.
lol salamat kosa! haha parang ganyan din ako nun haha
puro letter b nga po nakikita ko sa blogroll nyo.
haha.. laughtrip! :D
kawawa naman yung batang hindi natirhan ng ulam nung almusal.. hahaha...
bigla tuloy ako nag-reminisce... wahehe...
ang galing...nakaktuwa ang post na ito...hehehe parang bumata ako ulit ..
hehe.. nkakatuwa talagang isipin ang ating mga ginawa nung bata pa pero may mga panahon rin na wala tayong choice dahil tayo ay bata pa noon... katulad mo rin pinapatulog ako kapag tanghali kung saan naiinis ako pero walang choice ehh kailangang sundin kasi bata lng.. hehehe
cheers sa post na ito ...
Sarap balikan yung kindergarten years, hehe. Walang inaalala ang mga bata eh..
KAstilyong buhangin eh noh! Ako nga di ako makabuo nun, wahaha!
Ok pa naman tong bahay mo ah.. Marami nga talagang hindi mabibili ng pera, tulad ng sabi mo, prinsipyo at alaala..Astig!
cheers kosa!
kmusta kOsa?
maraming salamas tamalas
sa pagvisit sa bagong ayos kong site..
pareho pala tayong may bagong anyo ang template...
peru bakit nga pala yung ibang features eh naka-hide...
siguro kelangan mo na naman mag-palit...hehe..
tungkol naman dito sa post mo...
hanep parang sumakay ako ng time machine at bumalik sa mga panahong 'yun...
kaso nga lang di yata ako dumaan ng kindergarten eh kasi pagdaan ko ng room sarado, kea derecho nalang akong grade 1...hehe
pero naranasan ko rin yung ilang sa mga pagbabaliktanaw na sinabi mo kosa...
and yup mapalad tau to experience those kc di naman kc lahat ng bata nabibinyan ng chance maging bata...
ano ba! naalala ko tuloy nung akoy sanggol pa na pumasok sa skwela. pasok s skul na hindi naliligo , kasi first subject namin is swiming sa ilog kaya laging late. ang kaparusahan, iikutin ang ground sabay kanta ng bayang magiliw..
sana lagi na lan akong bata para hindi ko pa alam ang salita at kahulugan ng tunay na pag-ibig..hahaha...lolz..
sarap bumalik sa pagkabata, kaso di na talaga pwede. maging isip bata na lang pwede pa. dami nyan sa congreso saka sa senado.
lolz..
takti!..
sarap balikan ng nakaraan a...lolz..
anong chismis ba ang alam mo kosadude?..
ako meron....lolz....
thanks sa comment, i appreciate it.
naks! hanep! meron talgang pang-graduation post eh no? lolz!
dahil gusto mong maalala ang pagkabata mo, magiging bata ka na raw poreber kosang poging pogi. kasama na ang pototoy mo. wahehehe.
nabasa ko na toh, two days ago sa celpon ko pero magcocomment ako now.
unang una, ang tindi ng memory mo, believe ako, as in! tumbling muna! Toinkz!
pangalawa, may nasagap daw na tsismis si e-jay? Prof, baka yun din ang tsismis na nasagap ko ng gps ko. hahaha
pangtalo, in love ka ba kosa? hahaha
pakiaccept naman ng friendster invite ko poging pogi na kosa.
happy graduation! 17 years ago! kita kits po sa kuta mo dito at bahay ng mga Thoughtskoto!
natatawa ako...
ang daming mga tsismis..
at inpeyrness ha..
puro mga antena
ng mga kalalakihang bloggers
ang nakakasagap ng kung ano mang tsismis jan sa tabi-tabi.
hahaha
ano naman kaya yun?
syer nyo naman!
para marami tayong nakakaalam ng tsimis na yan...
kakabit ako ng satellite dish pag uwi ko sa pinas
para malakas ang sagap ko
nyahahahaha
kung 17 years ago ka nag-graduate ng kindergarten, mga 22 o 23 ka na ngayon?
uy! neighbor i luv ur post... yeah graveh sarap maging bata... kc wala ka tlgang iniintindi sa mundo.. iisipin moh lang i guess kung kelan kah kakain at anong oras kah matutulog..actually nde moh nga iniisip 'un eh... tatawagin ka kapag kakain nah... ang pagtulog eh sapilitan pah... kung puwede nga lang noon eh nde matulog... lalo na sa tanghali.. patulugin ka daw bah eh naghihintay mga kalaro mo sa labas...lolz... nd hmmnnzz... kinder... 'la atah akong natutunan noon... nde koh nga alam pano akoh nakapasa eh... lolz... i luv ur story 'ung different colors nang fruits... aliw nga naman tlgah ang bata noh... pineapple naging blue... apple black and etch... hayz... yeah marami ren akong magandang alaala nung bata akoh and i'm greatful for it... great post neighbor... kakatuwa ren palah 'ung intro moh... sige... ingatz lagi... Godbless! -di
haay gustuhin ko mang mag-comment eh hindi ako maka-relate
hindi ko alam kung sadyang matalino lang ako (naks!) pero hindi kasi ako nag kinder bagamat alam ko namang yung kaedad ko eh nag-aaral tapos minsan uuwi sila na may dalang isang kilong mais na pulbos...yung ginagawang pulburon galing dswd...
kung ginawa mo lang hanggang grade 1 yung kwento baka may mas matino akong komento.
teka lang, nung nag grade 1 na nga pala, nakaklase ko rin yung mga nag kinder. ayun...first honor ako!
sadya nga siguro! nyahaha!
Yanah**
lols... wag kang matakot sa kalalabasan ng tanung na yan!
hindi ko na papakalikot sayu tong blog ko kase alam kong busy ka na sa mga chikiting mo...
kaya ko na rin naman sigurong kalikutin ito mag-isa kapag sinapian ako ni Sipag..
sige, ingats at ktakits.
Prinsesang palaka**
haaa? nagkinder ka rin pala?
hehe... salamat sa pagdaan at pagshare sa iyung nakaraan..
oo naman, sooooobrang saya ng kabataan ko... may mga medyo hindi magandang mga pangyayari pero nevermind!
Pareng Poging SuperGulaman**
haaaaaaaa?
ikaw din nagkinder?
taena.. e di madami ka ring kabalbalan na natutunan?
hehe..joke
oo nga eh, kapag tinamaan ako ng kidlat..este sipag ej kakalikutin ko tong kuta ko..
Doc Aga**
haha..ganun ba?
ako kase tumitingin sa mga magaganda at sexing nakaraan doc! ang mga pangit dapat hindi na inaalalat at kinakalimutan nalang...
haaaaa? 89? ayus na yun!
hehehe
anu ba ang passing Rate? 90?lols
Marco Parekoy**
hahaha... taena..oo nga eh!
sayaaaaang!
Jen**
salamat sa Pagbati kay pareng Keno!
salamat din sa Short Time..
sa uulitin!
The Pope**
oo nga po yata...
hindi pa usu nun ang kinder..
salamat pa rin sa pagbisita at pagkokomento..
Buti nga nagGrade1 ka agad eh.. yung iba nga, hindi na nagge-grade1 eh... trabaho na agad!
Jhosel**
mantakin mo yun...
talagang tumutugma yung mga bagay bagay ahhhh... siguradong nag-enjoy yun sa pagiging kinder...
hehehe
salamat nga pala sa palaging pagbisita sa aking Kinakukutaan..
kitakits
Tsariba**
hindi ka rin ba nagKInder?
taena... magreklamo ka sa baranggay!hehehe
peace!
Van**
hahaha..
nagkinder ka rin?
goodluck nalang sa mga nasa kinder pa lang..
Dessert AquaForce**
ganun talaga siguro ang Buhay...
may mga bagay na nagagawa mo nuon..pero hindi mo na kayang gawin ngayun.. at vice versa..
salamat sa dalaw..
GillBord**
hahaha..
nagkinder ka rin ba parekoy?
taena.. uu naman
yung mga panahon na yun, hindi ko ipagpapalit ang mga alaala na yun!
nanyari na sa akin yan..kaazar tlga...hehe pinalitan q lang yung layout ko hehe
masaya nung kinder..puro laro..hehe
pumapasok lang aq nun pwa maglaro..hohe nkakamiz 2loy...huhu mga kalaro q nun..may kanya kanya nang buhay... how sad.... :(
ayan emo na tuloy aq...
hmmm..basta masaya kasama q nun mga pinsan q and mga kababata samin..
ang cute ng bago mong bahay! galing!
ang cute ng bago mong bahay! galing!
... Astig! Best in Memory.
Galing mo talagang magkwento Kosa! Detalyado, hatak lahat ng karanasan at pinagdaanan nung Kinder. Bah, talagang masaya noon! Alang masyadong worries, puro laro lang, he,he,he...Sa Batac ka pala, lapit kina Tatang Marcos, he,he,,,ako sa Alcala, Pangasinan, lapit kina Fidel Ramos,^_^.
Oki doc, have a wonderful day bro..
gustong gusto ko po ung background music mong baby girl,
may pinaghuhugutan kuya ah hehe...
napadaan din po ...hehe daan ka ulit sa kuta kuya ha hehe...tnx..
hahaha... daming patawang alaala pag kinder. kahit grade 1 hanggang 3 dami pa ring nangyayaring katawa tawa.
pero sa kaso wala na ako masyadong maalala. tanda ka na yata.
sarap maging bata! kaya minsan isip bata ata ako eh...lol...pero oks lng minsan lng naman...nice posting tc!
Congrats! Ikaw naman ang nominated! :D Salamat pala sa pagbisita!
Post a Comment