Ito ang aking Pang-Limampu't Isang Post..
Eh anu ngayun? lols nagsasabi lang ako..
hahaha walang Espesyal..
Nakakatuwang isipin na nakakailang Hirit na rin pala ako sa walang kwenta kong kutang ito.. Hindi man ako ganun kagaling sa pagkukwento at pagsusulat eh may mga nakikiSakay pa rin sa aking Byahilong Byahe.. dito sa kung saan madalas pa sa minsan, baku baku ang aking ruta
Una sa Una,
Nagpapasalamat ako sa lahat ng palaging dumadalaw sa aking Kuta... Mula nuon hanggang ngayon, kayo yung dahilan kung bakit nananatiling Buhay si Kosa na nabuburo na dito sa aking Kinakukutaan.. Tanging dito nalang ako nagkakaroon ng Pakikipagkapwa tao
Pangalawa sa Una,
Natutuwa ako na makalilala ng mga katulad kong Abnuy (sabi ni Amor na kasali at pasimuno sa tropang abnuy!) kasama si LordCM(may 49th Post), si Prof Pajay(may 50th post) at madami pa... Pasensya na sa iba pang Abnuy na Hindi ko na Napangalanan... (isali nyo nalang ang sarili nyo sa Komento.. Piso lang ang membership fee). hehe
Nagagalak din ako na makalikom ng panibagong sirkulo ng mga kaibigan hindi lamang sa Pinas kundi sa ibat ibang sulok pa ng mundo. Naantig at nahaplos ako ng ibat-ibang makekesong kwento ng bawat isa sa inyo.. nakitawa sa bawat nakakatuwang pangyayari sa Buhay nyo. Nakisimpatya sa bawat pagkaapi na dinaanan nyo.. nakiluha sa bawat pagbalat ng sibuyas na inyung tinrabaho. Nakiliti sa bawat maharot na Hirit ng bawat isa sa atin. Kinilig at na-inlab sa bawat lab-istori na ibinahagi nyo sa inyung mga mambabasa.. nakimura sa bawat pagmumurang inyung ginawa.. nakisigaw sa bawat magugulong sigaw na pinasimulan ni Kung sino diko na maalala... at magdunong-dunungan sa bawat problemang dinudulog ng kapwa blogero at balgera dito sa Blogosperyo.
Walang kwenta
Sa simpleng pakikibasa at pakikisakay ko sa inyung mga Post at Trip sa Buhay, naging bahagi na ito ng aking Bawat pagbangon at bawat pagpikit sa araw araw na ginawa ni Papa God. Hindi na ako kasing adik nuong bago-bago pa lang ako sa Blogosperyo.. Pero aaminin ko, Kulang ang araw ko kapag Hindi ako nakakasilip sa Blogosperyo sa Isang araw. Kahit na siguro Hindi ako makatulog ng Kumpletong oras sa isang araw basta makagala lang ako blogosperyo. sa makatuwid adik pa rin ako Pero hindi na halata..lols
Sa Buhay Blogosperyo
Madami akong nakitang bago sa aking paningin... naamoy na mababango at mababaho.. nalasahang maaanghang, maaalat, mapapait at hindi mawari kung anung lasa pa ang ibang mga yun.. Hindi matatawaran ang aking naging paglalakbay dito sa Mundong ito ng Blog. Hindi ko inakalang ganun kasaya at kabuhay ang Buhay sa likod ng mga taong nakatanga at nakatunganga sa Harap ng bawat konchuter.
Pero kung susumain, sa sandaling pakikibasa ko sa mga bagaybagay na sinusulat ng bawat isa sa inyu dito sa blogosperyo, madami akong natutunan, napagtanto at nalaman. May mga bagay din na medyo nagpagulo sa aking katinuan, nagpaiba sa aking paninindigan at nagpabago sa niluluma at inaamag kong kaalaman.
basta, ito ay isang pasadang post lang at kailangan ko pang lumagare mamayang gabi kaya kailangan ko ng power nap. kaya many excuse kung medyo bitin at walang kwenta(as always) ang post kong ito.
tagay para sa aking 51st Post!!!!
ehehehehe
kitakits
Kosa


32 comments:
Sige tatagay ako, bro! o",)
Naalala ko lang bro, may kulang yata ang mga sinabi mo sa 5th paragraph... Hindi maiiwasang may hindi nagkakaintindihan dito sa blogosphere especially sa mga comments. Ano ang ginagawa mo kapag ganito?
Mabuhay ang Trip ni Kosa! o",)
Mabuhay ang mga ABNUY!!! lolzz
Congrats pre, sanay umabot ka pa ng 51000 post, at sana marunong pa akong magbasa nun lolzz
Kitakits :)
Hindi ako magugulat kung magsulat ka tungkol sa ika-52nd o 53rd mong post. Nyahaha! = P
Pero nakaka-relate ako. Blogging keeps me from being insane (isama na din ang Plurking). Siguro nasa Mental Hospital na ko ngayon kung wala 'tong mga 'to.
lols
Doc Aga**
tagay lang ng tagay!
walang madaya..lols
Doc Aga ulit**
ahhh... hindi ko na sinabi yun kase negatibo yun... alam mo naman si Kosa, nananatiling nakatuon ang pansin sa mga positibong pananaw at mga pangyayari..lols
LordCM**
taena
mabuhay na mabuhay nga!
sige sana sana nga buhay pa ako nun kapag nasa ika-51000th na post ko..lols
GasDude**
lols oks na tong pang 51st..
haaaaaaaa?
ikaw din?
lols abnuy ka nga din siguro parekoy!
sinabi ko na yata to sa 50th post mo... pero dahil sinecelebrate mo ang 51st post mo... congratulations na lang ulit ang sasabihin ko...
hehe... more power to your blog!!!
Para sa iyo Pareng KOSA, at para sa ika 51st na post mo, itatagay ko ito. Unang tikim ko ng alak pagkatapos tumigil.
Cheers! Congrats!
Kita kits! (Parang dialogue mo ata ito ah. hehe)
wow, go, go, go!
gudluck! madami pang posting!
wow 51th post na pala...
congratulations...
next entry mo 52nd post naman
then 53rd, 54th.... etc... etc...
at least ngayon di na tutuyo ang utak mo at dudugo ilong kakaisip
kung ano ang next entry mo.... :lols
heppei 51st...
katunayan lang na isa kang sertipayd adik.
hehe..
keep it up!
sana maka 51 to the nth power pa ang magawa mong mga posts!:)
Happy 51st birthday kosaparekoy... oppsss... mali pala ako, happy 51st post pala....
tatagay na rin ako!
Purihin ka Kosa sa ika-51 post mo at sa mga kontribusyon mo sa Pinoy blogsphere. Aabangan namin ang mga susunod mo pang mga panulat, isa kang tunay na ka-Kosa.
nakanang yan! 51 posts n pla hehe! congrats
congrats naman para dito :) sa totoo naman ay nakakatuwa talaga iyung magkaron ng kaibigan sa pamamagitan ng net no? iba iba nga namang istorya - hinanakit, saya, pag-ibig, buhaybuhay etc.... kudos sa post mong ito - mukang maloko lang pero may puso!idol boss kosa pogi hehehe
congrats...
ung tagay ko pakipasa kay Doc RJ... hindi kase ako nag-iinom... pero di naman ako KJ kaya makikicelebrate ako sa 51st post mo.
kampay!
lets drink to that tol..
sayo na, bawal sa akin eh heheheh
musta?
ayos ito...aheheh...congrats... golden anniversary +1... aheks...
hanggang sa susunod na mga entries... :)
me inuman pla dito buti umabot pa ko..ooppss di po ako lasenggera konte lng hahaha..
happy 51st,sana tuloy tuloy pa ang pag post mo para lagi akong me mabasa :)
kampay kampay parekoi! eto pwera bola, isa ang kuta mo sa lagi kong pinapasadahan sa tuwing nasa tarnetx ako. xempre, magkawavelength tayo eh. pareho pang pogi. lolz!
p.s. malapit na ang datkomista project ko. ihanda mo na ang domain ko. wahehehe.
Cheers!
Ganoon ka simple na lang ang bati ko sa iyo sa 51st mo kasi pag sinimulan ko namang humirit para na mang isang post...ahahaha.
mabuhay si kosa na abnuy!!mabuhay
!!!hahaha at sinama mow pa ang pagnalan kow sa tropapips ha,lolness, di mo lam snu snu mga abnuy?yan si pjay,s marco, s mulong hahah, si manika,lolness at iba pang gsto makisali at makigulow lolness,npadaan akow ditow parekoy san na ang handaan wakakness
taena....51 ka na! astig ka parekoy!
tatagay din ako..lolz..
Gillboard**
lols
sasabihin ko din ulit,
samalat samalat..
Mike Ave**
salamat parekoy.
oo linya ko yun
pero pwedeng Hiramin..
lols
Bing**
salamat po sa pagdaan..
Go Go Go Bhing!
Ms.Donna**
lols
tama ka dyan..
susunod na ang 52nd.. and etc..
Jen**
sana sana nga!
lols
MarcoParekoy**
thank you thank you!
kitakits
The Pope**
papurihan..lols
teka, salamat salamat sa pagdaan..
KenoRN parekoy**
ahhh oo nga!
mga walang kwentang pagpopost..lols
salamat sa pagdaan kahit busy sa career.
dencios**
oo nga Boss idol Dencios!
nakakatuwa nga yun!
isa ka na dun..
salamat sa plensip.
hehehe
Azel**
ganun?
sige sige mag juice ka nalang..lols
kumakampay din para sayu..
Ice**
lols ayus na ayus at Poging pogi pa rin naman ako..hehehe ikaw, musta na ang operasyon?
sige parekoy...pagaling ka..
SuperGulaman**
samalat salamat pareng boss super Idol superGulaman..lol
kitakits.
Angel**
hehehe
sige tamang timpla lang..wag masyado baka magsuka ka..
Lioloco Pogi**
lols
taena.. tama na ang papuri...
nagmumuka tuloy akong inuuto at niLioloko..lols
Dessert Aquaforce**
hehehe
sige tagay lang parekoy!
salamat sa pagbati..
kitakit
May tagay ba?..asan na?!..inubos na ata ni abnuy amor a...lolz..
binabati kita kosadude...
bertdey mo ba?...lolz...
51st na!...damihan mo pa dude...
wow congrats kosa! uhm.. iced tea nalang ako ha.. di umiinom e. ahaha.
yea. kagaya nung sabo ko sa iba.. naway madami pang makisakay sa trip mo at mas madami ka pang blogero't blogerang mainspire.. ayiee.
kitakits nalang kosa!
PapaJay**
lols
taena prof..oo nga inubos na..
sige sige
sa Bertdey ko nalang ako magpapabaha ng alak ulit..hehe
Jhosel**
salamat sa pagdaan
sige sige
kung anung gusto mo oks na oks lang..
naks, mainspire ahh..
sige sige,
kitakits Jhosel
sarap tumagay lalo na pag malamig. sabayan mo na rin ng lugaw.
bisit-bisit lang me. bagong discober ko lang ang bloggy mo bossing. ayus!
Yes exactly, in some moments I can reveal that I jibe consent to with you, but you may be considering other options.
to the article there is quiet a question as you did in the downgrade efflux of this demand www.google.com/ie?as_q=playstation 3 tekken ?
I noticed the phrase you procure not used. Or you partake of the dark methods of helping of the resource. I have a week and do necheg
Your aferanas :)
Post a Comment