Monday, February 2, 2009

Sulat sa Masa

Dear Manilenya,
Musta ka na? Bakit di ka na nagpaparamdam? Nagtampo ka ba Dahil ba feeling mo na-snob ko ang iyung Lab Letter para sa akin? pasensya na kase naging Busy din ako sa mga nagdaan araw at Linggo..

Una sa madami kong sasabihin, Alam mo bang madaming Sulat pa ang aking hindi natatapos para sa kung kani-kanino ang nakaimbak sa aking draft dahil sa kapag dumadating ako galing sa aking gawaing illegal eh, diretso tanga at tunganga ang aking ginagawa. andyan yung sulat ko kay Ate charo.. kay Tita Mel Tiangco.. kay Vicky Morales at ganun din kay Bernadette Sembrano(kilala mo ba sila?) hehehe.. hanggang ngayun hindi pa tapos..

Pangalawa, nagpapasalamat din ako sa aking konsensya kase habang kausap ko sya kanina, ipinaalala nya na sagutin ko na daw tong sulat mo kase nakakalimutan ko na daw.. malayo pa ang pasko at hwag ko na daw hintayin yun! sinabi pa nyang sobrang swerte ko nga daw at sa dinamidami ng pwede mong padalahan ng sulat eh ako pa ang napili mo... Hindi naman ako si Santa na madalas nakakatanggap ng sulat kaya kakaibang Tuwa at ligaya ang naidulot nito sa akin.. feeling ko nga isa na akong huwarang tanga... na sa pagiging tanga tanga eh nabobola nila.. hehehe..peace!

Minsan minsan ko lang ginagamit yung salitang Idol... at isa ka siguro sa mga may X-factor kaya iginawad ko na ang aking pag-idolo sayo.. wala naman talagang duda eh! Sa ilang mga post mo na binalikan ko kakaiba ang atake mo.. hinahaluan mo ng kakaibang pampalasa para bumenta.. diko alam kung anu basta nararamdama ko yun! "siguro" di ko tiyak kung ito nga... Yung pagiging totoo mo ang nagpaparamdam nun sa akin..

At dahil nasabi mo na isa ako sa mga dahilan kung bakit bumabalik ang saya sa mundo ng Blogging... napakasarap namang pakinggan yun... At ang masasabi ko lang dun, ako hinding hindi ko iiwan ang blogging! Dito lang ako hanggang kaya ko at hanggang may Internet pa..

saludo ako sayo...
Manilenya..bobang pinay na nangarap na ang mga letrang tinitipa ng mga kamay ko ay magkakabuhay at lilikha ng mga kwentong….sapin-sapin.


********************************************************************

Isasali ko na din yung mga espesyal na blagero at blagera na naging dahilan ng pagsilang at patuloy na pananatili pa ni Kosa sa blogosperyo...

Keno,
di ko pa nasasabi sayo pero ikw yung unang nagpakilala sa akin sa mundo ng Blog.. nung tumatambay palang ako sa blog mo.. kinukulit mo akong gumawa ng sarili kong blog kaya ipinanganak ang aking unang blog.. ahhh pangalawa pala kase may blog na ao dati sa Fs. salamat pareko.. dahil sayo andito ako.

Sunny,
nuong masiraan ng Bait este PC si Keno, ikaw yung nagturo sa akin ng mga ilang gadgets sa blog. madalas mo nga akong sabihan na gawing pangkabuhayan ang aking blog. pero di ko talaga linya yun... siguro kaya ko naman pero masmasaya kase yung parang ganito na walang kwenta ang pinagsasabi ko eh.. pero sa kabila nun, nagpapasalamat pa rin ako sayo.. ikaw ang unang sertipikado na naging SUKI ng aking blog.. hehehe

DocRJ
alala mo nung new year doc? taena.. salamat sa oras ng pangungulit.. sa mga impormasyon.. kwentong makabuluhan..pasyal pasyal at madami pa! salamat..lols alam mo na yun... p.s. palitan mo na yung pangalan mo.. Doc Aga.. mas sikat..hehehe

PaperDoll
ikaw yung salarin kung bakit may nagmura sa akin nun.. lols alala mo yung sabihin mong ako si Badoodles? lols.. sinu ba yun? hahaha..salamat din sayo..isa ka sa pinakatotoo sa blogosperyo.. at yung date ko sayo, sige sige kapag nagkita tayo.

Amor
taena..salamat sa mga walang kwentang usapan.. pero may mga usapan talaga na di nman kailangan ng kaseryosohan eh... yun yung usapan ng mga walang kwenta...pero nagbubunga ng masasaya at tunay na ligaya.. yung ligayang hindi panandalian..hehehe

Marco
sa mga taebreak na sandali at sa walang hanggang pagtutula.. lols ang lupit nun!

Mulong
lols.. taena pareko.. isang masigabong palakpakan para sa mga malulupit na post! at yung mga passes na sinabi mo na sinabi ko.. hahaha.. di ko kakalimutan yun pareko.. naks naman.. baka makalimutan mo yun ahhh?!

Joshie
nakita ko sa aking lumang pahina na nuon pa pala eh kilala na kita.. napapadpad at nagkokomento ka na din pala nuon sa blog ko at di ko lang naalala.. akala ko dito ka lang sa Trip ni Kosa napapabisita. napapadpad ka na din pala nuon dun sa aking dating blog.. salamat at patuloy pa rin tayong kitakits

Dhianz
Salamat din sa pakikigulo sa byahe kong baku baku... byahilo man ako ngayun, nakakawala nman ng pagod ang mga malulupit na hirit mo sa comment at maging sa YM..
godbless dhee!

Bino at SuperGulaman
Bukod kay Pareng Bob Ong, kayu yung dalawa sa pinaka astig magsulat sa pamamaraang swak sa aking panlasa.. ang lufeeeet at sobrang astig! at sa mga kagaya nyong sobrang galing magsulat tapos pinapansin nyo pa rin yung tagahanga nyong gaya ni Kosa eh sobrang napaka-cool.. pramis isa ako sa tagahanggan ng inyung mga Likha..hehehe Peace!

Saul at LordCM
isang Apeeeeeeeer para sa mga nakakakilig.. emo.. nakakatuwa at iba ibang muka ng tunay ba buhay at buhay pag-ibig! mabuhay kayo at mabuhay tayo!

Yanah, Pogi at Dyen
para sa malufeet na grupo ng tatlo..lols kakainggit naman ng EB nyo.. sige sige sana magbunga yun ng isang makabuluhang bagay... sinali ko lang yung isa para di halata..hehehe
peace!

Prof Pajay at Ronturon
para sa malakaluluwang paramdam.. pero nakita ko din na dati pa pala eh napapabisita na din kayo sa dati kong blog.. at isang tagay yun para sa mahaba-habang samahan na dati pa pala na ngayun ko lang napuna.. Tagaaaay!!

GillBoard
Para sa madalas na palitan ng kuru-kuro sa komento at sa pagiging single..lols
salamat..

sobrang dami ko pa sanang isisingit pero sobrang haba na pala nito.. salamat din sa mga patuloy na dumadaan dito sina Myk2ts, Ronald, ilocana, ms.donna, Dylan, Hiraya, mavs, madjik, si Mr.Thoughtsnyayun, kasama na din sila Bomzz, Akina, Marlon, superboi, Lucas, Vanvan, gasDude, Everlito, OR, stylishchiicQ, Rehabman, Buraot, Lio Loco, si Onats, sa nawawala pa rin si Yods at sa madami pang di ko na nabangit pasensya na, inaantok na ako at iadd ko nalang kayo sa susunod na pabati ko..hehehe..

Napapa-Tumbling talaga ako kapag nakikita ko kayo sa pamamaraan na alam ko.. yun ay ang basahin ang inyung mga sinusulat at Ang bawat hakbang patungo sa hinaharap ay sumasarap kapag ibinabahagi natin sa isat isa..kitakits pa rin at sana mahaba pa ang ating lakbayin.

Ang bawat paghakbang ay nagsasabing lumalaban ka sa Buhay.. Kung di mo na kaya eh, di sana umatras ka na.. Pero mapalad ka dahil sa iyung paglalakad, Nananatili kang Humahakbang Paharap...-kosa

43 comments:

Lord CM said...

aba!!!ano to? dedication corner? lolzzz

pre, salamat din sa lahat, as in lahat lahat...bahala ka na mag isip kung ano ano un lolz

kosa said...

LordCM
lols.. medyo..hahaha

Dhianz said...

awwwww.... ang sweetness naman! special mansyon kme ditoh.... na-touched akoh!... graveh naman toh... pero babalik koh at hihirit mulah... "i'm in d' process of doin' my paper eh..." pahinga lang for a sec... huminga lang... lolz... now may bago nang spelling ang di koh... merong dhi merong dee ngaunz may dhee na ren... oh meron pah kayong ibabago sa dhee koh.. at least orig kah nyan... lolz... sige balik reality muna akoh... GODBLESS! -di

Dhianz said...

inerror akoh.. langyaness... i was juz correcting may mulah... muli poh 'un... graveh mulahlah kc minsan sa typin' eh... lolz... eniweiz.. laterz neighbor... GODBLESS! -dhee =)

kosa said...

Dhee**
lols salamat sa pagsingit sa akin.. oks lang yan.. kahit hindi ako ang priority mo, nakasingit nman ako sa hectic na scehdule mo..lols
godbless din

~yAnaH~ said...

"At dahil nasabi mo na isa ako sa mga dahilan kung bakit bumabalik ang saya sa mundo ng Blogging... napakasarap namang pakinggan yun... "

narinig mo ba talaga? hahaha sinabi ba nya? narinig as dinig na dinig mo ba talaga? hahahaha nang-ookray lang...

HINDI AKO BAGAY DITO:
"Yanah, Pogi at Dyen
para sa malufeet na grupo ng tatlo..lols kakainggit naman ng EB nyo.. sige sige sana magbunga yun ng isang makabuluhang bagay... sinali ko lang yung isa para di halata..hehehe
peace!"

AT ALAM KONG AKO YUNG ISINIGIT PARA HINDI HALATA! SYEEEETTTT SA LAKI KOGN TO GINAWA PA KONG PANINGIT, HAYKENTBELIBIT! MUKHANG PUMAPAYAT NA AYAT AKO SA PANINGIN NI KOSA! AND FOR THAT, HAYLAYKYU NA KOSA! PWEDE BA NEXT TIME, ISANG BUOGN PARAGRAPH JUST FOR ME?? HAHAHAHA HINDI NAMAN AKO DEMANDING EH HAHAHA

kosa said...

Yanah**
sige yun lang pala eh.. dahil maalakas ka pa sa tsunami kung tumama sa akin gagawan kita pero diko alam kung kelan.. baka abutin tayo ng syam-syam ok lang ba? hehehe
pasensya na sa pagsingit.. alamuna pala eh..haylaykyutuuuu.kitakits

vanvan said...

wow..hinanap ko talaga name ko..wahaha...very assuming..buti nalang nakita ko rin..

salamat din sa patuloy na pagbisita sa akin..

long live bloggers!

muah!♥

=supergulaman= said...

salamat kosa...pero nahiya naman ako dun...Bob Ong at Bino...OMG!

pero pero...salamat salamat...kahit papanu na-appreciate mo ang aking mga entries...

pero pero...bakit meron nito? naghahanap ka ng date sa valentines nu? wag aku...ahahaha...si manilenya na lng...:D

RJ said...

Sana mabasa ito kaagad ni Ate Manilenya. Hanggang ngayon, ang liham niya pa rin 'ata sa 'yo ang pinakahuling post niya.

Pakiramdam ko dito sa mga acknowledgements ay nasa dead end na tayo ng kalsada... 'Yong katapusan na ng biyahe. Pero hindi pala, tuloy-tuloy pa rin pala ang biyahe ni Kosa.

Maraming Salamat din sa 'yo, bro. Kapag talagang napapagod na ako sa buhay ko bilang isang magmamanok, ito lang ang iniisip ko, nai-inspire na ako, "At iisipin ko lang na matatapos ko din yung probation ko dito... makakapasok sa masmatinong trabaho at makakapag-aral ulit.. yahoong yahoo! Solve na ako at may malaking rason na ako upang makangiti ng malaki..pamapapogi! pampabata." -Buhay Canada, 25Jan09"

Whew!

jEn said...

At dahil hindi na ko mapalagay sa aking pananahimik..eto na at aangal na ko sa buhay..haha..

Yanah, Pogi at Dyen
para sa malufeet na grupo ng tatlo..lols kakainggit naman ng EB nyo.. sige sige sana magbunga yun ng isang makabuluhang bagay... sinali ko lang yung isa para di halata..hehehe
peace!

--salamat sa iyong pagapresiyeyt ng aming makuleet at malufeet na tandem..teka lang parekoi, ako ung mas bagay na paningit sa knilang dalawa dhil ako ung payat kumpara kei biiba..hehe..hmmm..prang sa paglibot ko sa pligid may nabasa akong nilulutong isang plano ah..hmmm....

lio loco said...

at kasama pa pala ko sa special mention mo. lol! andami ng binanggit mo. mga panibagong blog na namang bibisitahin. malamang sa malamang, hahaba na listahan ko ng blog roll nian. tsk tsk. ganun ako kapagka nagbabasa ako ng mga post mo. nakikiliti ng mga salita mo ang mga buhok ko sa tumbong. lol!

sp00fed said...

para namang huling paalam tong post mo na toh.. kulang nalang banggitin mo kung kni-knino mo ipapamahagi ang mga kayamanan mo.. hahaha! peace!

Lord CM said...

nibasa ko uli kosa at napansin kong isa ako sa mga names na may link lolzzz.... tuwa na ako :)

gillboard said...

nainggit ako!!! gusto ko rin gumawa ng ganyan!!! lolz... saka na siguro. Pero salamat din sa pagsingit sa munting mundo ko. alone but not lonely ang pagiging single dahil sa mga taong katulad mo... so thank you.

Amorgatory said...

hahah shet!!nasali akow, lolness,tenchu kosaness kahit nga ung usapan natin usapang laceng sa huli nman ay may naiintndhan dn akow kaht konte lol hahaha. ano ba tong sulat mo pang pre valentines?or pre-sentation,hahaha,lol, sana dear amoy bagay na bagay kosa,lolness,amf laceng nnmana kow, bsta kosa salamat,at wag kang mawal sa blogness ksi isa ka sa mga haligi nang blog,lol,..kelan pa naging haligi ang muscles,lol..shet konek mo nalang..

Dylan Dimaubusan said...

Thanks din sa pagbisi-bisita.
Napabilib ako sa na-qoute and unquote ni Supergulaman sa blog nyang punto mo, punto ko.. That's is so true. Napa-agree din ako sa lasy passage mo dito.

You're a man of wisdom. At sana mapagpatuloy mong ibahagi yan sa marami. Nakakatuwang may mga blogerong malalim mag-isip, tulad mo, the same way na mababaw din kung minsan .. pero nasa lugar naman.

Cheers KOSA!
Salamat salamat!

poging (ilo)CANO said...

hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa sulat mo. na touching kc ako eh! super tenchu ako kc napasama ako sa mga huling habilin mo..lols..

cgro pag mabasa to ni manilenya, mabubuhay ulit blog niya..toinkz..

Yanah, Pogi at Dyen
para sa malufeet na grupo ng tatlo..lols kakainggit naman ng EB nyo.. sige sige sana magbunga yun ng isang makabuluhang bagay... sinali ko lang yung isa para di halata.

***kapwa pogi, ako ung saling pusa dun kasi ako lang ang flower among the rose sa tatlo..hahahaha..

apir sabay sipol..wit..wiw..idol!

kosa said...

VanVan**
lols talagang hinanap ba?
oo buti nalang pala sa blogroll kita at na-aadd kita..madami pa nga akong hindi naadd eh.. pero lahat sila pinapasalamatan ko

SuperGulaman**
lols Bino at BOb Ong?
oo malulufeeeet yun!
salamat salamat din..

DocAGa**
changna.. anu nman yun? lols
bakit may ganun pa?
hindi dapat ganun
whewww..

kosa said...

Dyen**
lols oo
astig..
kaya wag ka ng umangal kase KUTA ko to..hehehe peace!

Lio Loco**
ganun ba? hahaha.. tumatak kase yung pinakaHULING post mo sa akin... yung tagalog na english ang title? lol at nakikita ko sa aking bolang Kristal isa ka sa mga magiging HIT blogger na gaya NILA BADOODLES sa susunod na mga araw.. may kilit pala yung buhok mo sa tumbong?

JOshie**
hahaha.. oo nga eh!
tapos hindi lang ikaw ang nagrereklamo nun kase sobrang hirap umangas... pero ngayun na andito na ako sa BLOGGER eh sobrang dali na di ba? hehehe
peace!

kosa said...

Spoofed**
salamat sa pagdaan.. di pala kita nasali sa nga pinapasalamatan ko..
SALAMAT SPOOFed!
ahhh parang nagpapaalam ba? hndi ahhh privilege speech to..hehehe

LordCM ulit**
hahaha.. oo nakalink nga..di ko nga rin alam eh.. tuwa ka ba dun? sige sige bayaran mo ako ngayun din.. hehehe..joke

Gillboard**
hahaha sige gawa ka din..libre naman eh.. pinahupa ko lang yung sunod sunod na ganito nung pasko kaya nagyun ko lang to inilabas.. buti nalang andn yung sulat ni manilenya kung saan ko isiningit..
sige sige.. kitakits!
wag kang maga-alala pareko malapit ka ng maging TAKEN at siguradong magiging masaya yun!

kosa said...

Amor**
taena.. sige sige
aalis? sinu ang aalis ako?
hahaha.. para mo namang sinasabi na umalis na ako.. hehehe
joke
sige kitakits pa rin!
haligi daw oh? anu daw?
taena..sige iisip mo muna kung paano iko-connect

Dylan**
awww... talagang may ganun eh..
malalim ba mag-isip ang gnun? hehehe
taena isa kang tunay na HEnyo Dylan(
balik papuri eh..) no joke.. ganito kase yun.. kung nakikita mo yung tunay na mensahe ng isang kalokohan eh yun ang tunay na panunuri.. gaya ng mga Linya ni SuperGulaman..BIno.. at pareng Bob ONg.. kung babasahin mo, parang walang kwenta.. walang katuturan... pero kapag sinuri at inisip mo, TOTOO nga!

Pogi**
lols.. hindi ito Huling habilin...
isa itong privilege speech..hahaha
ahh ikaw nga! ikaw nga!
walang Duda..lol
Peace

MarcoPaolo said...

nahuli man ang komento ko pero SALAMAT na rin sa pagiging "ka-blog" at sa palaging pagbisita sa aking walang kwentang tahanan... joke!!! hehehe...

Salamat sayo parekoy!!!

kosa said...

Marcopareko**
lols..salamat din..
kitakits

gillboard said...

wag kang maga-alala pareko malapit ka ng maging TAKEN at siguradong magiging masaya yun!

HUWAAAAAAAT?!!!

kosa said...

Gillboard**
takte.. eh bakit may date date kung wala kang lanung maing taken? lols o lumalandi lang... matapos mapasuko ang bataan eh babye na? hehehe

huwaaaaaaaaat?
lols

Mr. Thoughtskoto said...

TWETTTTT TWETTT!

Mabuhay kau ni Manilenya! Natutuwa ako kapag naiisip ko ang "Lab Letter para kay Kosa" ni Nalen (Manilenya) ay nung nabasa ko ang sulat, natuwa din ako.

TWETTT TWETTTT!

May tatlo yata akong name na laging sambit ni kosa.

Thoughstkoto, Thoughtsmoyan, at Thoughtsnyayun naman ngayon. Haha, Klaruhin ko ha, baka may ibang Thoughtsnilato, at Thoughtsniyato at hindi ako yun ha.

Anyway, salamat sa blogging. Salamat sa mga taong kagaya mo, at mga nabanggit mo,(yehey, kasama ba ako dun, ako ba yung si Thoughtsniyayun?):) na nagdudulot ng saya sa mundo ng mga OFW.

What have we done? We inspire people! We inspire each other! We make people laugh and make life abroad easier to carry on.

Mabuhay ka Kosa!

kosa said...

Mr.Thoughtsmoyan**
pasensya na.. hindi ko kase pwedeng angkinin yung mga thoughts mo eh kaya sayong sayo yan..peace!
oo nman agring-agree ako sa sinabi mo...salamat sa pagdaan at mabuhay ka rin Mr.Thoughtskoto!!!

bomzz-in-iraq said...

Oy na mention pa si Bomzz salamat KOSAPOGI!!! hehehe tama nga si manelinya "bumabalik ang saya sa mundo ng blogging dahil sa yo Kosa.. teka may POGI pa pala hehehe

oo nga nman Kosa kahit saan ako mapunta... di mamawala kahit mag anoymous ka pa pero pag nasaba ko ang trade mong TAENA!!!.. taena si Kosapogi na nman to..lol's

Kosa ito lang masasabi ko sayo pra kang tae ng kambing sa mundo ng blogosperyo pa kunti kunti pa kalat kalat kaya mga kaibigan mo sa blog tumatambak.. ...

salamat din KosaPOGI sa laging pag pasabog sa Mansyon kong barong barong......

kosa said...

Bomzz pareko**
ganun? bakit nman sa tae ng kambing mo pa ako ihinalintulad pwede nmang iba di ba? pero salamat din kase nakakataba ng puso yung papuri mo..lol taena..
sige Pogi tayung lahat..
sige pareko hintayin mo yung pagpapasabog ko ng sinturon ni Hudas sa Kuta mo..hehehe

Bino said...

wow special mention! hehehehe. salamat! ^^

lucas said...

hanep...palitan pala kayo ng sulat ah...hmmm...hehe!

salamat pareko!

saul krisna said...

ui kosa ano toh? namamaalam ka na ba? HUAAAWAAAG!!!!!!(lolz) thanks sa pagbabanggit sa pangalan ko huh... teka yung bang part na "emo" ay sa akin at yung kakakilig ay kay LORD? hahahah adik! pero kidding aside parekoy... salamat ng marami.... pag uwi mo ng pinas ipag luluto kita ng malaking cake!!!!! hahaha teka bake pala at hindi luto.... thanks parekoy

~~m$. DoNNA~~ said...

Wow naman... nakaka touch at kasali pala ako dito... hehehe...

maraming salamat din sayo kosa!!!

salamat din sa pagbisibisita at pagcomment comment sa page koh..

nakakaiyak naman ang portion na to...

langyaness!!!

saul krisna said...

P.S

teka nasaan na yung last will and testament mo? bakit walang partihan ng mga kayamanan mo? (lols)

PaJAY said...

Iiyak ba dapat parekoy!...lolz..

di ko alam kung emo o anuman ang psot na to.ang siguradong alam ko...anjan ang pangalan ko!...hahaha..

salamat Parekoy!...

Josh of Arabia said...

kosa, ipagpatuloy mo yan, masarap ung maraming nagmamahal..dadalawin kitang muli para sa susunod kasama na rin ako sa mga listahan mo :)

rgds,

Ilocana said...

Naku, kulelat nako pero okey lang he,he,, anyway tenkyu, tenkyu at may Kosang tulad mo, mahirap mat malungkot buhay sa abroad napapasaya mo. Salamat din :)

sunny said...

lol, me special mention pala! hehehe! many thanks amigo! keep on rocking!

Dylan Dimaubusan said...

Kosa
- Idol mo talaga si Bob Ong noh.hehe Ayus yan. Nice way to acknowledge people from your blog.. Nakakataba ng puso ang mga ganitong post..

Keep it up!
cheers!

hukombitay said...

hindi lang basta mapalad ang taong nananatiling humahakbang paharap, isa siyang matapang na nilalang. tunay na matapang.

sa sobrang "in awe" ko sa mga blogs mo, hindi ko magawang magkomento, pero tulad narin ng sabi mo, may kwenta man o wala, ayos lang mapadalaw diba. masarap na isipin na hindi ka nag-iisa sa mundong bilangguan, sapat na yon, may masabi lang, magparamdam lang.

keep on writing great pieces. godbless

manilenya said...

Kosaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!

sensya na sa sobrang tagal kong nawala..nakalimutan ko nang may kosa..me nakilala tuloy akong tonyo lmao!!!

KOSA...maraming salamat sa replay..kahit huli ko na nabasa... mangiyak ngiyak ako plamis...

KOSA....buhay na ulit ako KOSA...matagal akong nakipagniig sa telepono kagabi kausap ang taga BELL na si Chandrix...gusto ko itanong kung babae ba siya o lalaki pero hindi ko na naitanong, ayaw kong maka offend ng tao lalo na sa taong nagtyaga sa aking makipag usap ng ilang oras para lang iset up tong USB internet ko.

KOSA, mula ngayon, kahit saan, kahit kelan MAY INTERNET NA AKO!!

LMAO! maraming salamat! sa pagbisita kahit na walang post..at maraming salamat sa post na to dahil may nagtyagang magbasa kahit papano lol!.

manilenya said...

Kosaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!

sensya na sa sobrang tagal kong nawala..nakalimutan ko nang may kosa..me nakilala tuloy akong tonyo lmao!!!

KOSA...maraming salamat sa replay..kahit huli ko na nabasa... mangiyak ngiyak ako plamis...

KOSA....buhay na ulit ako KOSA...matagal akong nakipagniig sa telepono kagabi kausap ang taga BELL na si Chandrix...gusto ko itanong kung babae ba siya o lalaki pero hindi ko na naitanong, ayaw kong maka offend ng tao lalo na sa taong nagtyaga sa aking makipag usap ng ilang oras para lang iset up tong USB internet ko.

KOSA, mula ngayon, kahit saan, kahit kelan MAY INTERNET NA AKO!!

LMAO! maraming salamat! sa pagbisita kahit na walang post..at maraming salamat sa post na to dahil may nagtyagang magbasa kahit papano lol!.