Tuesday, February 17, 2009

sigaw-sigaw


Bago pa man Dumating ang kamalasan ng friday the 13th, Nauna na akong tinamaan ng sandamakmak na kati-kati sa kilikili ulo... Yung tipong Hindi mo alam kung anu ang umaatake sayo.. Kung Kuto ba, alipunga o di kaya Pulgas sa kakakamot Ulo at kakaisip kung anung hakbang ang dapat na gawin para masolusyunan ang suliraning dumating...

Hindi ko na nga naramdaman ang init ng araw ng mga puso.. Ni Hindi ko napansin ang mga Haliparot na naghaharutan at mga papampam na naglalambutsingan sa gilidgilid... Pakiramdam ko tuloy, para bang umabsent ako sa mundo sa araw na yun! Pero okey lang.. atleast hindi ako nainggit at ang pangalawang Okey lang eh, alam ko nman na hindi ak nag-iisa.hehehe.. baka nman kasama kita..lols

Huli man ang magaling, late pa rin!
Belated Happy Valentines pa rin! yahooooo!
anung balita? ahhhh sige tuloy natin...

Pagkatapos kong makipagpatintero.. makigpagbakbakan.. makipagpataasan ng ihi.. magsunog ka kilay at magnilay-nilay. Sa ilang araw na Pagbisita ng mga katotong Pimples... Pag-arangkada ng mga kakosa kong kulubot sa mukha.. pagpasyal pasyal ng mga uban.. Paalis na sila..

Haaaaayssss!!!

Lagi nalang kase akong nagrereklamo at nag-iisip masyado kapag dinadalaw ako ng problema lalo na kung ang aking walang kwentang career(naks meron ba?) ang pinag-uusapan.. Buntong Hininga- Buntong Hininga times two (pahiram Lio loco) haaaaaysss... yun nga eh..

Nuong nakaraang Linggo, nagkaroon ng problema ang aking trabaho. Hindi ko alam kung dapat ko bang isa-isahin ang mga bagay bagay na tumama at bumalandra sa aking pagmumukha sa mga panahon na yun! Ang alam ko lang sangkatutak na kamot sa ulo ang inabot ko... Hindi naman kase sa lahat ng panahon eh isang Perpektong trabaho ang magagawa mo.. Lalo na kung sinanay mo sila ng isang trabahong Pulido at "halos" Perpekto eh talaga nga naman na ikukumpara yung nakaraan mong gawa... Haaaaaysss... Yun ang nakakatakot... Kumabaga kapag nagtrabaho ka ng isang bagay ayus lang sa una na pumalpak ka.. Pero kung inumpisahan mo ng Bonggang-bonggang pulido at halos perpekto, dapat pala eh masgalingan mo pa sa susunod... sa madaling salita, may improvement. Hindi katanggap tanggap na nagawa mo NOON ng tama tapos pumalpak ka NGAYUNG matagal ka na..

Normal sa Buhay ang pinuputakti ng sandamakmak na problema..

Aking napagtanto na ang Buhay ay isang mala-Kadenang KabitKabit ng Problema... Kapag nalutas mo ang iyung problema, asahan mo na yung ginamit mong panLutas sa Problemang iyun eh magdudulot ulit ng Problema... Haaaanggulo! Pero para maiintindihan ang malabulbol na buholbuhol na usaping ito, ganito yun! Ang sagot sa Isang Problema ay isang Panibagong Problema... Yun na yun! Self-explanatory na yun kaya di ko na papahabain..

Sa ngayon, nagbabalik Kuta (nawala ba?) ang isang Pasaway na Kakosa... Balik tambay na naman. Walang tanung tanung kung saan ako galing kase mapapakamot ulo lang ako..hehehe



************************************************************

Nagpapasalamat nga pala si Kosa kila Enjoy, at kay LioLoco para sa mga nakakalambot potoytoy na Tag para sa akin... at pramis.. itaga nyu din yan sa mga %^&%^$^ nyo..hehehe:p Papatulan ko din yung mga yan..hehe

37 comments:

Mike Avenue said...

At problemado ang Kosang may pinakamalaking maskels sa blogosphere! Kaya mo iyan!

RJ said...
This post has been removed by the author.
RJ said...

Kaya ka ba nawala (hindi ko actually naramdaman) dahil nag-isip ka talaga at naghanap ng mga solusyon sa iyong naging suliranin sa trabaho? At ngayong bumalik ka na, ibig sabihin ba'y naayos na ang lahat? Tuloy na ang biyahe dahil bumalik na ang drayber na si Kosa.

Grabe nga talaga itong problema, kabit-kabit. Buti pa nga sa kulungan pwede tayong makalaya, pero sa problema kailanma'y hinding-hindi tayo nakakalaya. Pero na sa atin din kung ikukulong natin ang ating mga sarili sa rehas ng mga pasanin sa buhay. Ang isang taong may talino, diskarte at swerte, tulad ni Kosa, ay tiyak na hindi magiging bilanggo ng problema sa lahat ng oras... Makakawala at makakalaya rin ito.

INIT ng Valentine's Day?! Paano mo marqaramdaman, less than 10'C lang ang maximum temperature dyan sa VAncouver ngayon. U [Literal ba?!]

Kitakits! [Sana magpakita ka na sa webcam.]

dencio said...

kung may problema solusyunan at aksyunan agad. andito naman ako/kame/sila na ka blog mo para sa moral suport hehe -hisnameisdencios

kosa said...

MikeAve**
taena pareko, saan mo nman nakuha yung kasinungalingan na yan?
salamat sa pagdaan

Doc Aga**
lols
sabay ganun eh
medyo medyo... hindi pa nman totally..pero sabi ko nga kahit siguro magmukmok ako dito sa isang sulok, hindi pa rin malulutas ang aking problema... yaan ko na nga munang Problema din ang mamproblema sa akin...hehehe

sige sige doc, kitakits

Dencios**
lol
salamat sa pagdaan pareko..
naalala kita.. ikaw yung featured blog sa mangBadoy di ba?
hehehe
kitakits

MarcoPaolo said...

oyy...maligayang pagbabalik!!!

A-Z-E-L said...

maligayang pagbabalik sa Bloggywood.

gumamit ka ng GARD sa walang ubos na balakubak, at GAAS para sa mga garapata!

pasasaan ba't mauubos din yang sangkaterbang problema mo.

kosa said...

MarcoPareko**
lols
nawala ba ako?
taena..
salamat sa pagdaan parekoy..
kitakits

Azel**
lols
narinig ko na yung Blogywood na yan ahhh..saan ko na nga ba narinig yun?

lols..Guard ahhh..sigesige..oo epektibo nga yun!
Gaas? sa kuto at garapata?
masubukan nga yan..
Iniimum ba yung Gaas?
hehehe

~yAnaH~ said...

welkamers..at akalain mong matapos ang 5 3/4 na araw eh nabuksan ko rin tong bahay mo ng walang kung ano mang aberya..

ano ba ang nigawa mo dito?

hmmmm meron bang alipunga sa ulo? napatanong lang naman..

kung ano man yang pinagdaanan mo nitong nakraang mga araw, sana naman eh ok na... sana ok ka na rin..

all the best! ahihihihi (parang bertdey!)

kosa said...

Yanah**
sabay ganun eh..
taena..salamat sa pgdaan kahit may gumagambala sayo na Traffic..hehehe

kitakits pa rin
at Bukas kitakits talaga haaa!
utang yun!

jEn said...

weeebeeee....

everything will be olrytie kosa...pray ka lang olweiz..:)

ORACLE said...

Ewan ko nga ba sa mga ganun...

Minsan magkamali ang nagawang the best nababaliwala na...

Kaya siguro tinawag na past. kasi tapos na. Kaya dapat laging sa present tayo na katuon...

Lintak mga yun ha! bayaan mo...

ganito na lang tsong. Pagkatapos ng kada pagsubok ay panibagong pagsubok. Take everything as a challenge.

Nega na ang mundo. Sabi ng spiritista, kung ano namamayani sa ating puso, yun ang makikita nating realidad.

Matira matibay lang yan. Weather weather!

Ingat!

~~m$. DoNNA~~ said...

nahilo ako sa mga banat mo kosa..
wala akong naintindihan.. bwahehehehe
napadaan lang at nangungumusta :)

poging (ilo)CANO said...

marami bang problema ang dumating sa mga nakaraang araw...hahaha..parte ng buhay pogi yan parekoy..laging may problema..

ako din may problema, ang hirap buksan ang page mo..nag eeror pag pumapasok ako sa kuta mo...bakit?

=supergulaman= said...

ayos ang background music..ahehehe..valentines ang dating...

sige sigaw lang...tapos na din busy busihang panahon.. :D

bakit may pop-ups sa page... :D

Lord CM said...

Whew!!!Tulog ko na yata to, puyat lang siguro....hilo ako dun ah..lolzzz

gandang gabi kosa..

payatot said...

parehas lang tayo kosa, dumaan at dumaan lang ang feb 14 pero wla lang..ganu talaga ang nag iisa, ang hirap pero kailangang ayusin ang life

gillboard said...

take problems as challenges na kelangang iconquer. it makes us better people in the end. ang mga problema may katapusan din yan.

PaJAY said...

Mukhang keri mo naman parekoy ang iyong problema..ikaw pa!.ano pa't naging malaki ang maskels mo kung di rin ito maging simbolo ng pagiging MALAKAS mo!..

kaya mo yan MAster Kosa..

Tagay muna....

hisnameisdencios said...

tama ka ako nga ang guapong iyon lol
napadaan muli

kosa said...

Jen**
napansin ko lang nagbago ang spell ng pangalan mo ngayun.. anung nakain mo?
salamat sa pagdaan...

Orakulo**
yun na yun! natumbok mo Tsang... yun na yun ang tinutumbok ko eh..
salamat sa pagbisita.lols

kitakits


Ms.Donna**
nahilo ka ba?
lols..baka lasing...
magBonamine ka kaya..kontra Hilo...
kitakits
salamat sa pagdaan

dencio said...

ok added na. kita kits sa susunod na mga posts!

kosa said...

Pogi**
lols oo nga kaya eto.. ayus na ayus na.. na-immune na ako sa problema..hehehe

problema ba yun?
lols.. diko din alam kung anung nagyayari sa dito sa Kuta ko nung mga nakaraang araw... minumulto yata.pero salamat parin para sa A for Aeffort..hehehe

SuperGulaman**
lols... oo nga pareko..
Pop-ups? meron ba? hehehe
diko alam yun..pero salamat sa pagbisita..hehehe
kitakits pa rin!

LordCM**
magandang Lalake po ako pareko..
sige tulog ka na..
gud nayt

jhosel said...

hay ang masasabi ko lang...

gogogo Kosa! kaya mo yan!!

Lord CM said...

Gising na ako pre!!!try mo kamot itlog wag ulo para mas masarap lolzz

flamindevil said...

patambay lang sa kuta mo kosa.basa-basa lang.

'Normal sa Buhay ang pinuputakti ng sandamakmak na problema..'

tama ka dyan.it's how we handle the problem, sabi nga.happiness is just a state of mind.

www.katobengke.com said...

how are you.............
I M here....

mangbadoy said...

basahin mo yung limang books para mawala problema mo... hahaah!

pogingpayatot said...

magandang tip yang sinabi mo ah. dapat pala kunyari mejo palpak sa una para sa susunod mukhang may improvement. hehehe galing!

onatdonuts said...

ok lang yan....

tuloy tuloy lang, kung alam molang yung mga bosing mo ngayon na kala mo perpekto...mas tanga pa sila dati sa atin nung nag-uumpisa palang sila hahaha

sunny said...

wazzup? taena! nasna b ako? quiapo or baclaren? dame tao dito ah! heheheeheh !keep up the good work buddy! ingat!

r-yo said...

mabuhay ang mga sawi! sa pag-ibig man o sa sandamakmak na problema. laban lang! :-)

Everlito (ever) Villacruz said...

pards bagong looks ah...daanin mo nalang dito sa blog! mga kups yung ibang boss...basta tayo pogi lagi..

kasi sila they cannot face der problem coz der problem is der face.(teka baduy ata!...)

ka bute said...

"Normal sa Buhay ang pinuputakti ng sandamakmak na problema.."
-korek. kaya dapat bira lang ng bira. hehe. (==,)

Mr. Thoughtskoto said...

hay salamat at medyo okay ka na dyan, pero parang di pa talaga totally okay pero parang okay na rin yan, hehehe, umiikot na yata ako sa ok ah!

Always remember this KOSA, think and act like you're worth something, and the world will think, you're something. If you think and act and do your job like you're worth a piso, then no matter how much we try, they will just pay you piso.

Naalala ko tuloy post ni Doc AgaRJ Think Kalabasa, Thing Big! hehe

Pero seriously, sana tuloy tuloy na ang asenso dyan sa work mo, at ng maayos ka na makapagblog, namiss ka rin namin ng matagal ah. Pero kahit di ka parati makapagblog basta ayos ka lang dyan sa work mo, okay pa rin kami, sususbaybay pa rin at ayon sa words mo lagi sa cbox, "kitakits"

darkhorse said...

Happy Valentines Dre! sana mabusog mo kami - ay mali! birthday pla yun....lol tc

♥ChUcHAy♥ said...

wow waveeh
kahit isanG KATUtAK naH anG iyOnG pweBLeMA.....
KAyaNg KAYa Mo PArin :D

pewO Buti KA nGA friday tHE 13th Lng dumating YuNg PwObBZZ mO eh AKoo HALos araw arawin..hehe

belated hapi balentyns din saU jeje

padaanZ :D