Monday, February 9, 2009

Saludo: Yanah


Kilala mo ba sya?
Isang saludo ulit Hindi para kay Bob Ong kundi para naman sa isang malupit na Blogger.

Si Yanah
Hindi ito basta featured Blogger kundi isang Saludo sa pagiging totoo at kahangahangang pagsusulat ng mga kwento tungkol sa sarili na pwede naman sanang gawing Personal na bahagi nalang ng kanyang pagkatao pero, nagawa nyang ibahagi sa katulad kong mambabasa.

Kelan ko lang sya nakilala sa mundong ito nga blog. Noong una, ayos lang.. simpleng pakikipagsapalaran sa bawat araw.. simpleng pakikipag-kwentuhan lang.. simpleng Yanah.. simpleng kaibigan na kakulitan.. simpleng simple.. hindi mo makikita at mararamdaman na dumaan na pala yun sa sanga-sangang daan ng buhay.. mga daan na nagtataglay ng ibat ibang uri ng pagsubok.. ulan, bagyo, ipo-ipo.. tsunami.. lindol.. baha at madami pang mga balakid para makarating sa minimithing pangarap at hinahangad sa Buhay.

Habang patuloy kong sinusundan ang kanyang mga kwento, unti-unti akong humanga sa kanyang tapang at lakas ng loob bilang isang babae. Tulad nga ng isang pagkadapa---nagawa nyang tumayo at patuloy na lumaban ng hindi lang minsan kundi paulit-ulit! Dala ang kanyang mga minamahal sa buhay at pag-asa na magiging okey pa ang lahat...

Sa aming mga kwentuhan at kulitan sa Ym, mga dis-oras na yun ng gabi (dito sa amin) madalas, lalo ko syang nakilala... nahahawig sa kanya ang kwento ng aming pamilya at ng aking SuperNanay... isang babaeng matapang.. may paninindigan at walang kinatatakutan... hindi ko na ikukwento kase tungkol lang ito kay Yanah..

Ngayon nga, base sa pagkakaalam ko, pauwi na sya sa Pinas dahil sa napakasensitibong bagay... lalo akong sumaludo nuong malaman ko ang tunay na rason kung bakit sya uuwi... Pinipigilan ko syang umuwi muna noon.. para sa pinansyal na rason pero ngayun na nalaman ko ang tunay na rason, Pipiliin kong maki-isa sa kanya sa kanyang pag-uwi. At kasama sya sa aking Dasal na sana ay maging maayos at okay pa rin ang lahat...

Nalulungkot lang ako para sa kanya kase minsan kung tutuusin, parang sobra na yung dinaanan nya.. sobrang daming sakripisyo na yung inabot nya... mula pagkabata---hanggang sa ngayon.. ganun pa rin.. parang kasali na sya ng listahan ng ruta ng problema sa mundo... Hindi naman sa tinatawaran ko ang maykapal pero yun lang ang nararamdaman ko.. Pero ito ang sigurado, Hindi naman siguro sya nag-iisa.. Ginawa silang superSTRONG tulad ng aking superNAnay kaya kayang kaya nila ang mga ganun na pagsubok... nataon lang na yung sport na yun ang napili nilang linya sa literal na buhay.

Tulad nga ng kasabihan, ang manlalaro ng BASketball ay hindi Pwedeng maglaro ng Boxing gaano pa sya kagaling.. ganun lang yun..

sayo Yanah.. akala mo nagbibiro ako ahhhh.. pero totoo.. super saludo ako sayo! iilan ang mga gaya mong may ganyang kalakas ng Loob at Tapang... Iba ka.. nararapat lang na bigyan kita ng saludo at tawaging SuperYanah..

33 comments:

MarcoPaolo said...

extend my warmest regards to Yanah... You take care, sis Yanah!

~~m$. DoNNA~~ said...

tama ka dyan kosa..
saludo din ako sa kamartyran ni yanah... este sa kanyang lakas at katatagan ng loob...

way to go sistah... kaya mo yan!

sana dumating din ang tamang panahon para sayo... magiging maligaya ka din, dahil naging mabuti kang tao..

God bless you always :)

RJ said...

Ako humahanga rin kay Yanah. Hanga ako sa kanyang katapangan at lakas kung paano lumaban sa buhay; at sa ginawa niyang pagkwento ng kanyang personal na buhay sa kanyang blog.

Sa dami ng mga aral na natutunan niya sa kanyang paglalakbay sa buhay, mas lalo siyang naging matalino at malakas para harapin ang mga hamon sa kasalukuyan at tiyak pati rin sa hinaharap. Tingnan mo naman kapag mag-comment siya sa mga blogs tungkol sa buhay, ayos na ayos, halata talagang base sa tunay na karanasan ang mga sinasabi niya.

Good luck kay Yanah, good luck sa kanyang pag-uwi. Sana'y patnubayan siya ng Maykapal sa kanyang mga ginawang pasya sa buhay.

Kung ikaw Kosa saludo kay Yanah, ako naman gustong magbigay ng three thumbs up sa kanya.

payatot said...

kosa, musta na ba? medyo matindi ang posrt mo na to..pero ganon talaga ang buhay, minsan di natin kayang alamin kung bakit nangyayari ito, tapos sa bandang huli, malalaman natin na tama pala at nangyari iyon sa kanya para maging isang mas matatag na tao..

saludo rin ako sayo yanah..kaya mo yan..di ko alam kung ano pa ang pinagdadaanan mo ngayon bukod doon sa nobela ng iyong buhay na ibinahagi mo sa amin...

liligaya ka rin.............

jEn said...

updated ako dito sa post na to..bago pa lang ipost ikinukulit na saken ni Biiba na abangan ko daw. Ako naman si tanga naki-abang, tapos ayun. Nalibang naman sa ibang bagay.

Anyway, alam kong super strong ng batang itech. Nakakamiss lang talga, parang bitin pa ko sa mga bonding moments. Nakakainis, pero kung yun ang dapat,hindi ko na hahadlangan. Yanahtot...sana magkita pa tayo sa Pinas pag nakabakasyon ako!!!!!..Guluhin natin ang Cavite!!!!

Amf..page pala to ni kosa?????haha..

--Salamat kosa sa pag-appreciate kay Biiba. Gaya nga ng sabi niya, iilan lang ang mga taong nakakakilala talaga sa kanya. Alam natin na mahirap para sa kanya tong desisyon na to, pero sa tulong ni Papa God, alam kong magiging ok din ang lahat para sa kanya.:D

Lord CM said...

four thumbs up!!!kasama na ung sa paa...

at sayo kosa, lupet mo!!!nung una di pa ako nagba-blog ang nasa isip ko ang blog ay istorya at kung ano anong kalokohan tungkol sa author ng blog, pero ikaw...pati ibang blogero kaya mong gawan ng post at dito pa mismo sa pahina mo...

two thumbs up lang para sayo kosa, saka nakasaludo na rin...imagine mo na lang hitsura ka, habang nakasaludo at naka two thumbs up lolzzz

PaJAY said...

Saludong Malufeet din ang tangi kong maaalay kai kapitbahay YANAH sa katapangan nya...ngunit subalit,datapwat...dahil sa "SALUDO POST" na inalay mo kai YANAH..nais rin kitang Bigyan ng "SALUDO" SABAY TAAS NG ESPADA SA ERE sa paggamit mo ng iyong sariling espasyo para sa ka-blog nating si YANAH...MAbuhay Ka KOSA!..

isang Tagay at Kampay para sayo parekoy!..

AYos!...

kokoi said...

Para kay yanah, isang balde ng confetti at glitters! sa pagiging isang huwaran at matapang na babae!

=supergulaman= said...

maganda ito kosa...isang tribute para kay yanah...nabasa ko ang mga kwento nya...katulad mo saludo sa kanya...isang dakila at huwarang ina na hindi sumuko para sa kanyang anak at sa kanyang pamilya...naging biktima ng mga pagkakataon...ngunit hindi susuko sa habang panahon...titindig at babangon...haharapin ang mundo at bawat hamon... :)

para sa iyo yanah at sa iyo na din kosa...mabuhay!... :)

punky said...

totoong tao talaga si mamayanah! saludo rin ako sa kanya!

vanvan said...

i visisted yanah's site dahil sa post na ito..medyo hindi pa kasi ako napapadpad sa kanyang kingdom..but i'm putting her at my inspirasyon..

salamat kosa..
at maraming salamat kay yanah..

kitakits...

Lance said...

ahaha.. sana magkaroon ng episode si superyana sa mars' ravelos presents ng abs..hehe

The Gasoline Dude said...

Medyo nakakaiyak itong post mo, Kosa. Kasi me background music pang napaka-EMO. *LOLz*

Ano na bang nangyari ke Yanah? Teka nga at mabisita nga muna ulit ang blog niya. = D

poging (ilo)CANO said...

hindi ako makapag comment....nalulungkot ako.....

jhosel said...

wow. i visited yanah's page too. at eto lang masasabi ko. Yanah, isa kang SUPER! hanga din ako sayo. kakabasa ko palang nung post mo dahil ngayon lang ako napadpad sa Life's a Twitch. grabe. tama silang lahat. napakastrong mo. kahanga hanga ka, lalo na saming kapwa mo babae. nakakainspire ka. for us not to quit and face every challenge na nakakaharap natin kahit gano man kahirap.

at saludo din ako sayo kosa sa pagfeature mong ito kay yanah. mas madami pa xiang taong naiinspire.

god bless you both!

paperdoll said...

wow kosa may bagong loveteam:o hahaha. .

mukhang napahanga ka ng husto kay yanah. . dahil jan makikiisa na rin aco. . hindi co pa ata nabibisita un. . hehe. .

bomzz said...

Wow kosa talaga lumalim na ang pag kakilala ninyo di malayong sabihin naging magkaibigan kayo sa mundo ng Blog.. sarap nman pakinggan kahit sa mundo lang ng BLOg nag kakilala maramdaman muna yung mejo closeness kahit sa kulitan sa CBOX sa mga Comen's
mga pag pahiwatig ng saloobin. KOSA ibabalik ko sayo ang sinabi mong IDOL sa akin IDOL kita kosa mula nong nasa rotang WP pa ang byahe! mo. naala ko pa minura ka ni PEPERDOLL nun heheheheheh sige KOSA IDOL kita kits lang tayo..

abe mulong caracas said...

you're really such as nice person pare!

gillboard said...

taas kamay at saludo din ako kay yanah!!!

iniintay ko ang kanyang pagbabalik dito sa Pilipinas para makahingi ng pasalubong... joke!!!

Chyng said...

Nung nabasa ko din lovestory sa blog niya nashock din ako. Para sa babae, double whammy ang iwan ng minamahal at may anak kayo on the way!

Super woman!

madjik said...

o asan na si yanah??acceptance speech oi hehehe..

i know bina basa mo tong tribute ni kosa at sinabi ko na at sasabihin ko uli..things will be better for you and your family someday inshalla..

parekoy nakaka lungkot yung myusik nagtabo na yata ang luha at sipon ko hehehehe.

ORACLE said...

Paninindigan... Malalim at mabigat na na salita...

It can either make or break a person...

Naway ang bawat paninindigan ay may kaakibat na values at prinsipyo... tulad ng iyong ina at ni yanah...

Mabuhay po kayo...

Dylan Dimaubusan said...

Lahat naman ng tao may pinagdadaanang pagsubok. Iba iba nga lang ang level. Ganun pa man, saludo din ako sa mga taong tuladd ni Yanah.. yung hindi sumusuko kahit gaano kahirap at kasakit...

Darating ang araw makikita nyang ang lahat ng yun ay biyaya din. Lahat kasi ng nangyayari sa tao may purpose.

the donG said...

astig! super yanah nga talaga siya. marami ding ibang ganyan ang nararanasan kaya sila ang mga tahimik na bayani.

Amorgatory said...

ahay maread nga ung blog ni yanah, di kow kasi naread eh,but anyways kung anow man yung mga karumaldumal na nangyyri stay strong kapatid at carry mow yan!!GOdbless lage at ill include you n my prayers kaht di akow ngppray pero mgppray n pala akow,lol..

Roland said...

katatalon ko pa lang sa blog nya... at base sa mga linyang natapos kong basahin pa lang... sumasaludo na rin ako sa tapang nya... bihira sa isang babae ang katulad nya. :)

onatdonuts said...

saludo tayo kay yanah... :-)

musta kosa?

lio loco said...

nacurious ako bigla. kung ano man pinagdadaanan ni yanah ngayon, sana malampasan niya nang bonggang bongga. bibisitahin ko na ang kuta niya. now na.

krishA said...

sino si yanah? :S

Mr. Thoughtskoto said...

ito ang post na hindi ako natawa, pero natuwa, hindi ako masaya, bagkus nalungkot...sa ilang araw kong pananahimik din dahil pauwi na nga si yanahbestki. Hindi ko alam ang dahilan, sa isip ko pamilya, sa isip ko ano na namang problema. kagaya ng halos lahat ng Kablogs natin sa blogosphere, we followed her story, we commented, and we admire her.

Nakikisama ako sau Kosa sa pagsaludo kay Yanah.

Isang matapat and matiyagang kaibigan, matapat dahil frank sa kanyang blog at komento, matiyaga dahil matiyaga sa pagbisita ng mga blog natin.

Isang huwaran sa mga babaeng naghihirap dahil sa pag-ibig, at nakikibaka para sa mga minamahal.

Dapat bang maghirap pag umiibig? Ang makibaka at magsumikap para sa mga minamahal ay kabayanihan.

Isang tribute para kay Yanah ang gagawin ng KaBLOGS. Salamat sa post na ito Kosa.

mavs said...

yanah nga bang sinasabi
ko kosa
marami akong mami-miss na pagkawala ko...
di ko tuloy nakilala su yanah
pero dahil sa paghanga mo
ise-search ko na yan
napaepal lang kosa
it's nice na may mga
bloggers na ganyan katapang...
mabuhay!

BURAOT said...

ehem ehem... silipin ko nga din si yanah...

anonenah tol, di pa ba nagsa summer jan sa vancouver? weheheh.

BOGCESS said...

Hi! You have nice content here. Care for a link exchange?
Kindly add my blog then let me know so i can add you aswell. Thanks!

Earn Pera Online