Sa mga panahong ito, Isa si Bob Ong sa mga Hinahangan kong manunulat...
Kumbaga, sa aking pamantayan eh, nakahanay na sya kay J.K.Rowling. Hindi ko pa nahahawakan ni isang Libro ni Bob Ong; Pero ayon sa aking naririnig at nahahalukay sa internet eh, sobrang lufeeet nga nya.. Sa mga simpleng bagay na nakita kong gawa nya ay wala akong ibang magawa kundi ang mapanganga at Humanga!
May nakita din akong e-book sa internet binebenta pero sabi ng mga fanatiko ni Pareng Bob eh, Pirata daw yun kaya sobrang atat man akong mabasa ang mga libro ni Pareng Bob eh, hihintayin ko nalang yung pinabili kong Libro sa pinas..
ito yung isang Video sa Youtube kung saan nakaka at nakaka yung mga qoutes nya.. isa ito sa nagpatanga at nagnakaw ng aking paghanga para sa kanya..
Kumbaga, sa aking pamantayan eh, nakahanay na sya kay J.K.Rowling. Hindi ko pa nahahawakan ni isang Libro ni Bob Ong; Pero ayon sa aking naririnig at nahahalukay sa internet eh, sobrang lufeeet nga nya.. Sa mga simpleng bagay na nakita kong gawa nya ay wala akong ibang magawa kundi ang mapanganga at Humanga!
May nakita din akong e-book sa internet binebenta pero sabi ng mga fanatiko ni Pareng Bob eh, Pirata daw yun kaya sobrang atat man akong mabasa ang mga libro ni Pareng Bob eh, hihintayin ko nalang yung pinabili kong Libro sa pinas..
ito yung isang Video sa Youtube kung saan nakaka at nakaka yung mga qoutes nya.. isa ito sa nagpatanga at nagnakaw ng aking paghanga para sa kanya..
oh, masisisi mo ba ako kung HUMANGA man ako kay Pareng Bob?
ikaw? humanga ka ba sa lufeeet nya?
ikaw? humanga ka ba sa lufeeet nya?


47 comments:
Matagal na akong nagbabasa ng mga aklat ni Bob Ong... ABNKKBSPLAKO pa lang... paborito ko yung Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino. Kaya lang, di nako nakapagbasa ng iba pa na sulat niya after nun.
Ayos nga ang mga salitang ito ni Bob Ong. Pero hindi naman siguro natin siya pwedeng ikumpara kay JK Rowling kasi magkaiba naman ang tema ng kanilang mga isinusulat.
Pwede siguro natin siyang ihambing kina Og Mandino at Paolo COelho. Wala pa naman akong nabasang book ni Pareng Bob Ong mo, kapag matapos mong basahin ang pinabili mo sa Philippines, ipasa mo sa kin. Pagkatapos kong mabasa, babalik ako rito sa post mo at magko-comment uli.
Ayos lang ba, bro?
mauna lang ako dre at ngayon lang ako medyo pupuna at alam kong madami din ang kokontra...
una, wag ka masyadong magpapadala sa naririnig o ilang katagang nabasa mo.
HINDI GANUN KAGALING SI BONG ONG!
May 4 akong libro ni Bob Ong. Nung nabasa ko yung ABNKKBSNPLAKO, taas kamay, kwela makulet. nung binili kong bakit baligtad magbasa ng libro...medyo ok, nung binili ko yung paboritong libro ni hudas...hmm parang medyo ok pa rin. Sa Stainless Longanisa, pakiramdam ko naubos na talaga!
nitong pasko, libro ang hiniling kong iregalo sa akin, natupad. "peksman mamatay ka man, nagsisinungaling ako" ni eros atalia. sa mga unang salita/review, meron pang nakalagay na "humanda ka bong ong" ayun hanggang ngayon hindi ko pa natatapos! ang taas kasi ng expectation.
magka style sina bob ong at eros atalia. pero isa lang ang inidolo nila (na siya ring idolo ko.) Subukan mo lang, baka sakaling malasahan...JUN CRUZ REYES...search mo pare!
kung babasahin ng taong walng tamang pang-unawa parang magiging walang kwenta sa kanya.. parang mawawalan ng saysay ung mensahe nung gusto nyang sabihin..
kasi ung basta basa lang, hindi nya talaga maiintindihan ung mensahe na kinoconvey nung mga quotes ni bob ong...
there are several na talagang applicable saken, na which i can say na totoo talaga..
wala lang..
aheks...meron ako lahat ng book ni Pareng Bob Ong....nabasa ko un lahat....inde nmn sya kasi ganun kamahal...pero pero wala na lahat un...pinadala ko na kay grasya....:D
6 yata yun book na un...mcarthur, ABNKKBSNPLAko?,Bakit baligtad..., Alamat ng Gubat, Stainless Longganisa, at syempre ung kulay itim na libro, ang paboritong libro ni Hudas... sa lahat ng iyan, the best ang MCARTHUR...depressing ang story pero iyon ang realidad....may mga patama sa lipunan pero iyon ang katotohanan...mgaganda ang mga quotes nya pero mas gusto ko ung mga aral na gusto nyang iparating sa kanyang mambabasa...
...sana meron pang susunod na aklat... :)
nabasa ko na lahat ang libro ni bob ong. at oo, idol nga xa. may hawig xa akshuli magsulat kay kua badoodz. paphiram ko sana sau eh ang kaso, pakshet, ang layo ng canada. freight charges pa lang patay na suweldo ko. lolz! alang kwentang fyi: hindi xa nagpapa-autograph sa mga book launch nia at lalo di xa nagpapakita sa personal. allergic sa tao tulad ko. hakhak! siguro kasi dadami stalker nia pag nagpakita xa. tulad ko ule. hehehe. at salamat sa iyong bolang kristal sa kakatakot mong prediksyon. hakhak! sige na, makiki-pogi na rin ako. pogi taung lahat. mabuhay ang mga poging payatot na malaki ang mga pototoy! bwahahahaha!
magaling na manunulat si Bob Ong... may nabasa akong aklat na gawa niya....
uuuyyyy crush nya si bob ong lolzz
idol ko rin si bob ong! kumpleto books ko!
like ko din ang mga quotes ni bob ong kea lng di ko pa nababasa mga libro nia. saka na pag may pambili na. ahehe.
yis..apeer tayo jan k0sa..kahanga-hanga tlga yang si bob ong. Lam mo ba yung book niya na "ANg paboritong aklat ni Hudas"?..natapos ko un sa loob ng isang araw, hindi ko namalayan na umaga na tawa pa ko ng tawa mag-isa habang nagbbsa ko.
Galing nya magsulat, mababaw at parang wlang kwenta ang mga mensahe, pero kapag ginisa mo sa utak mo...malaki ang kabuluhan sa buhay ng tao..ayie!!!..kitakits..:D
takte! ang sabi sa chizmis may bagong release na Bob Ong Book..."Kapitan Sino" ang title...pero san naman kaya ako makakahanap nun...:D
YUP! Bob Ong ay ang pinakamalupit na awtor na noypi on sa henerasyon na ito. You are missing out kapag hindi mo pa iyon nabasa,
-supergulaman- buti ka pa alam mo title noong bago. malalaman na lang natin kung totoo ang bagong book kasi sabi niya dati hindi na siya susulat ng ganun. lols!
ang gaganda ng mga quotes na yun kosa. hehehe.
madami akong natutunan.. Salamat sa pagshare.
taena!...
type mo na ba pre?..type mo nang maging fanatiko na rin ni pareng Bob?..lolz...
sang-ayon ako kai Dok aga sa comparison..at sumasangayon din ako kai pareng Mulong..
pero ang tunay talaga na Ginaya ni JUN CRUZ REYES ay si OSCAR WILDE..ang Magaling na pilosopo na nakulong at nasira ang Karir dahil sa Kabadingan nya...lolz...
teka...bat di mo na kita sarili mo sa drowing?..takting yan!..magkatabi tayo don dre...lolz..
adik din ako dyan sa mga books ni bob ong... :)
kosa type mo si bob ong noh? aminin mo na? balak mo pa yatang agawin siya sa akin ah(lolz)4 pa lang ang nababasa ko sa mga buks niya at lahat ay ayos naman.... mga sinusulat naman niya ay puro realidad at kadalasan hindi ma appreciate ng mga tao yun kasi TINATAMAAN sila! di ba? di ba? di ba?
PS
karibal pala kita kay bob ong... hahahahah joke lang....
ako di akow taga hanga ni bob,hahhaha, eh anow ngayon!!gusto ko eh!!lolness, kay pareng mulong ka nalang,lol..
hi po! talagang nakita ko lang ang name ni BOB ONG... di pwedeng di ako magcocomment!! hehe!!! :)
LOVE HIM!!!! astig talaga siya! promise!!! :)
i have a collection of bob ong's books. hehe. :D
im gonna share din some of his lines here:
http://awefullworld.com/?p=29
http://awefullworld.com/?p=1220
http://awefullworld.com/?p=1222
hehe.. :D
ang sa akin lang overrated si bob ong...
pero teka salamat muna kay amor! isang tagay pa!
ang sa akin lang, mag-ikot ka lang at malalaman mo mas maraming magaling...baka nga lamang ka pa ng isang paligo sa kaniya KOSA!
You should read his books, and not just enjoy his famous lines.
Try Paboritong Libro ni Hudas! ;)
bakit ganun? ako ngayon ko lang nalaman na may Bob Ong na writer? may klasmeyt ako ah, Bob Ong din may asawang mary jane ong name, pero di sia writer, nagbebenta sila ng paputok sa Bocaue.
Roberto Ong pala true name niya, nagwiki ako at nagoogle para malaman sino sia.
Magpapabili na lang ako ng book niya sa Pinas, wala dito sa jarir eh.
Thanks for sharing Kablogs Kong Kosa!
matagal ko ang naririnig si bob ong pero hindi ko pa rin xa kilala hanggang nagyon..writer pala xa?
maka research ka tungkol sa kanya para may knowledge din ako about him..hehehe
nakakatawa pala mga quotes niya! ngayon ko lang nalaman pero my kurot..
@mulong tagay!!!pare mas magaling kapa dun eh!!tagay!!ang mga mata mow kakaiba kay pareng bob hahahah
Bakit hindi nyo kilala si Pareng Bob Ong...huhuhuhu...aheks....
Mr. Thoughtskoto inde din Roberto Ong name nya...code name pa din nya un... yung pangalang Bob Ong na-derive yun sa "Bobong Pinoy" website....aheks...
malupit nga yun writer na yun...wala man lang nakakapagsabi ng totoong niyang pangalan... takte! kosa baka ikaw un?...:D
grabe na ang kinikita ni bob ong dahil sa inyong pagbili..sige at susubukan ko din yan..
sa blogosphere ko unang naririnig si bob ong, marami nga ang natutuwa @ nagpapatronize kanya ...ano ba talga ang meron sya? im curious na tuloy..
- muli pala kitang binisita sa iyong selda upang ipaalam na nasa virtual bud na kita, ako rin sanay' isama mo sa iyong listahan,
hanggan sa muli kosa :)
Fanatico ang kapatid ko sa kanya. Lahat ng libro nabasa ko n rin. Masaya, mauubos ang nininga mo kakatawa, malungkot minsan kasi realidad ang lahat ng nasa libro minsan masakit sa ulo, (di kasi ako sanay sa mura) S**t! Magaling na sa mgaling pero marami syang pinagkukuhanan ng mga inspirasyon niya, parang ibang magagaling na writer..
KAY ABE MULONG CARACAS
- nabasa mo napala aklat ni Eros Atalia, matindi rin ito.. Mas matalino ang gawa nya kung ikukumpara kay Bob Ong.
Subukan mo.
never read his works pero lagi ko siya naririnig lalo na dito sa blogging..
anyway sana mag meet kami ni bob one day at makapag usap over a cup of coffee hehehe...
haha ayos sa to ah! eto ok rin share ko lang, interview kay bob!
http://www.youtube.com/watch?v=2oUUj1hLB2k
Gillboard**
inggit tuloy ako.. taena...sige sige, atat na din akong makita at mabasa ang mga aklat ni Bob.
DocAga**
lols.. sinadya ko lang yun!
pareho kase silang astig eh!
parang sex at pagkain lang yan.. parehong masarap pero hindi parehong nakakain..
kung ihahambing mo yung dalawang bagay na magkatulad.. meron at meron talagang maslamang at masmagaling kaya masmagandang paghambingin ang parehong magaling na hindi pwedeng paghambingin.
Mulong**
lols
salamat sa kuro-kuro
Teka isa isahin natin..
kay Bob Ong muna ako kase sya na yung nakilala ko.. at nakapabili na ako ng Libro nya. isusunod ko na yung kay Jun Reyes at ni Atalia.
Yanah**
oo nman..
ayus na ayus ahhh
teka, kailangan ko nga yatang mag-isip baka di ko rin maintindihan yung libro kung sakali. wag naman sana.
SuperGulaman**
talaga? akala ko ba yung ABNKKBSNPLAko ang the best?
lols
sabagay... nasa kanikanyang panlasa nman yun.. kaya kailangan ko nga yatang mabsa lahat yung libro nya.
Lio Loco**
changna.. sige mabuhay ang mga poging malalaki at maliliit ang potoytoy.. lols
teka, baka nman si badodoles si Bob Ong? hahaha
may lahi pa nman kaming manghuhula.. baka magdilang dyablo ako ahhh wag naman sana..
MarcoPareko**
anung Libro yun?
maganda ba?
Joshy**
hahaha.
ganun ako humanga at sumaludo!
isisigaw ko sa buong mundo!
ingats
LordCM**
kras, hinahangaan...
idol atbp..
Punky**
talaga?
pahiram nman...
Jhosel**
baka pwede kang humiram kay Punky..
hindi madamot yan!
hehehe
Dyen**
sige yaan mo't kapag nahawakan ko yung aklat na yun, gigisahin ko din ang utak ko.. hehe
TingTing**
kuya talaga ahh..
wala magkakaedad lang tayo dito
kaya kung KUya mo ako, ate nman kita.hehehe
wala yun! ganto lang ako humanga at magmahal..hehehe
Prof Pajay**
nakita ko nman prof.. hehe
sorry di ko pala nasabi..
teka, nagpaliwanag na ko kila doc.. tanungin mo nalang kung anung sinabi ko..hehehe
salamat sa pgadaan prof..kitakits
Ms.Donna**
ahhhh
adik ka din?
teka, lahat daw ng sobra di maganda kaya hwag masyado..
salamat sa pagdaan
lahat ng book non nabasa ko na. pero wala akong binili sa mga don. isang upuan lang kasi yung mga yun e. hehe. grabe andaming fan ni BO ha. pati sa text messaging gamit na gamit mga quotes niya
lahat ng book non nabasa ko na. pero wala akong binili sa mga don. isang upuan lang kasi yung mga yun e. hehe. grabe andaming fan ni BO ha. pati sa text messaging gamit na gamit mga quotes niya
gustong gusto ko yung macarthur..super...
ang galing talaga..
basa ka,dali..maiinspire ka talaga..
SaulPareko**
lols..siguro nga...
TINATAMAAN...
pero yun naman ang masarap dun eh..tinatamaan at nasasapul ka.
teka, karibal ba?lols
share share nalang para happy ang mundo..
amor**
hehehe..
para pala kay mulong..
sige usap lang ng usap..
SuperGulaman**
lols..yun nga eh
lufeeetttt.. di ba? di ba?
baka ako?
taena..sana nga!
haw ay wissss
Payatot**
sige bili ka na rin!
Josh of Arabia
ganun ba?
ako nga din eh..
dito ko lang sya nakilala..
lols at makikilala ko na sya ng personal sa mga darating na oras
super fan din ako. 2 books pa lang niya nabibili ko, yung green at white book niya pero pinabibili ko na sa pinas yung iba pa. may collection of quotes nia din ako sa friendster ko. at dahil sa knya kaya nainspire akong mag-blog sa tagalog. feeling coñ kasi ako dati. nag-iingles kahit baliko. hehehe!
from BO:
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi
ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or
fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may
kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
may mga ebook ako ni bob ong just message me send ko sayo.. na download ko sa net... ang ganda ng mga books nya... eros atalia rin magaling na kwentista... check mo rin sya..
nakapagbasa na rin ako ng mga libro ni Bob Ong... tama ka
di kita masisisi kung humanga ka sa kanya
magaling talaga siya sumulat at nakakatawa pa... pero nakakapag-isip ka rin, na totoo ang mga sinasabi niya
kosa...! salamat naman sa pagbisita sa aking blog....
astig ang dilaw na tshirt...!
at astig din ang iyong mala pelikulang LABSTORY:-)
ganon talga masalimuot ang pag-ibig
hayysssst....
PS:
ASTIG din si Bob Ong!:-)
hanggang sa muling pagbisita!
Post a Comment