Kaninang Umaga, isang nakakagulantang na tanung ang bumulaga sa aking umaga... nakasanayan ko na kaseng gumising ng 10am kapag ang pasok ko sa aking pagbabasura eh panghapon.
"MASAYA KA BA?" ang kanyang tanung...
**buntong hininga** napaisip... napatanung ako..
matapos ang ilang segundo,
"OO NAMAN---KASE KUNTENTO AKo" ang sagot ko..
Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yung sagot na ibinigay ko sa kanya.. Parang kusang nagtipa ang aking mga daliri sa sarili nyang isasagot... Pagkatapos kong manahimik... magmuni-muni.. magkunot noo.. mapa-isip ng ilang beses.. OO NGA MASAYA BA AKo? ang tanung ko sa aking sarili...
Sa isang banda ng aking konsensya, may nagsasabing OO.. Merong ding dyablo na nanggugulo't sinasabi ang malaking HINDI ako masaya... haaayssss.. diko alam kung sinu sa kanila ang paniniwalaan ko.. Likas din naman kase akong masama na minsan eh, Tinatamaan din ng Kurot ni Konsensya.
MAsaya ako.. OO nman... Hindi ko sasabihin na nabubuhay ako sa kalungkutan... Hindi naman kase sa lahat ng oras eh nasabanda ng kadiliman ang aking Buhay. Kung nasa kadiliman man ako minsan, madalas kong ipikit ang aking mga mata at isipin ang Liwanag at mga panahon na ako'y nasa Ulap... Nilalasap ang Liwanag galing sa walang hanggang pagpapala ng liwanag ni Haring Araw..
Ang Buhay ay sobrang mahiwaga.. Baku baku.. pabilog na gumugulong.. mahangin at madalas binabagyo... kundi man ay nililindol at inaatake ng iba pang mga Likas na hagupit ng kalikasan at ng Panahon.
MASAYA ako sa BUHay Ko Kase KUNTENTO AKO.
Kunteno sa Payak at Yagit na pamumuhay.
Saan nga ba nakabase ang kaligayahan sa aking Buhay?
Para sa aking walang kwenta at pansariling paniniwala, Hindi naman mahalaga kung anung mga materayal na bagay ang meron ako eh. Ang mahalaga, yung mga bagay na nagpapapaligaya sakin ng hindi panandalian kundi pangmatagalan... Yung tipong Hindi nabibili. Tipong natural... Tipong hindi Pilit---
Hindi nabibili nga pera ang TUNAY na saya.. may mga Ligaya at saya man na naibibigay ang pera pero PANANDALIAN lamang yun. Hindi nagtatagal.. parang alak na kapag nawawala ang Bisa hanggang dun na lang.
Hindi na susukat si Edukasyon mo ang kaligayan mo.
Hindi sa mga gamit mo...
Hindi sa Pera mo...
Hindi sa mga ari-arian mo...
Nasusukat sya sa kung gaano ka kasaya sa mga simpleng bagay na ginagawa mo.. wala kang inaapakang ibang tao upang umangat.. mga simpleng bagay na nagbibigay sayo ng PAGKAKUNTENTO eh ayus na ayus na. isama mo na din ang pagiging Pogi mo sa mata ng nanay mo.
Hwag mong hanapin ang mga bagay na di pa dumarating sa'yong Buhay.
Hwag mong angkinin ang mga bagay na di mo pa kayang panagutan.
Hwag mong madaliing pahinugin ang mga bungang bubut pa.
Hwag mong asahang tutubo ang butil na inamag na.
Hwag mong abutin ang mga bagay na alam mong di mo abot.
Tulad ng mga bagay na madalas kong sabihin, ang mga bagay sa iyung buhay ay darating at darating sa tamang panahon... Parang utot yan..Kusang lumalabas at Hindi kailangang pinipilit... alam mo na ang mangyayari kapag pinilit..hehehe
Sa kabilang Banda, may kanikanya tayong Pamantayan sa kung anung mga bagay ang nagpapaligaya sa atin... ito lang ang masasabi ko, MASAYA KA Ba?

42 comments:
Aang kasiyahan at kalungkutan ay parte ng buhay. Hanggang sa huling mga oras ng buhay natin, para itong "pendulum" na hindi nakapirmi. Depende sa katayuan natin sa bawat oras o minuto ng ating buhay.
Tama! Naniniwala ako na ang nais talaga natin sa buhay ay maabot ang gitna. Ang pagiging kuntento. Dahil kung kuntento ka na, anuman ang mangyari, tanggap mo ng buo. Hindi maganda ang laging saya, ganun din sa lungkot. Hindi ganun ang mabuhay...
oracle**
salamat sa pagdaan
kitakits pa rin..
bilis mo ahhh
sabi mo nga, "Saan nga ba nakabase ang kaligayahan sa aking Buhay?"
hindi ito nakikita sa anung mang materyal na bagay sa mundo o mga biyayang ikinalat ng Diyos para sa tao...magkakaiba kasi tayo ng gusto...
kuntento ka ba?
kung kuntento ka sigurado ako sasaya ka...simpleng magulo ang buhay...isa itong mahabang paglalakbay...ikaw na din ang pipili kung gugustuhin mong malungkot sa kabila ng mga bagfay na meron ka...ang mahalaga matuto tayong ma-appreciate ang maliliit ang mga simpleng bagay na meron tayo...matuto tayong makuntento...
maikli ang buhay...kalahati pa ng eded mo ay tulog ka...sasayangin mo pa ba ito sa kalungkutan?
tara at tayo nang magsaya... ^_^
SuperGUlama**
lols parekoy.
salamat sa pagbisita.
oo nga.. TAMA ka dun
kaya nman madalas gising ako hanggang kaya ko.. kase kapag namatay ako amtutulog nalang ako habang buhay..
haaaayss...
sige sige
tayung magpakasaya at madami pang saya! kitakits
Ako masaya ako ngayon... di ko alam kung bakit, siguro tama ka... medyo mababaw na lang ako ngayon at natutuwa sa mga simpleng bagay.
Pero pwede ring madami yung bumati sakin nung 1 araw... hehehe...
anyway, nasa sayo naman yan kung ano ikaliligaya mo... sabi nga nila sa grade school, mas konting muscle ginagamit para ngumiti kesa sumimangot... ergo, di nakakapagod maging masaya
feel good entry, good job!
blessed ka dahil at this point na "talent na daw" maging masaya ay masasabeng mong you are contentedd and happy.
and im thankful too! cheers to being happy and positive! (--,)
lols**
pareng Gillboard
Hindi ka yata natulog ahhh
gising ka pa hanggang nagyun?
o di kaya gising ka pa at mamaya ka pa matutulog?
hehehe
lahat nman yata nga nakikilala ko sa blogospero masaya eh kahit pa tulad ng ibang sandamukal ang problemat at malakas ang hila ni pareng Lungkot.. oks lang.. sabi mo nga smile lang ng smile
Chyng**
lols
talaga?
talent ba ang pagiging masaya sa gitna ng madaming kalungkutan?
wow... kahit paano, may nadiskobre din akong talent na nasa sarili ko...
salamat salamat kase ngayun ko lang nalaman na may talent din pala akong nakatago..heheh
sa ibang term, abnoy ako..hehehe
peace
kitakits
"...ito lang ang masasabi ko, MASAYA KA Ba?" -Kosa
--------
Ngayon? HINDI.
Kung ayos lang sa 'yo dagdagan ko ang mga isinulat mo:
Huwag mong hanapin ang mga bagay na lumipas na sa buhay mo.
Huwag mong angkinin ang mga bagay na binitawan mo na.
Huwag mo nang pulutin ang bungang nahulog at nabubulok na.
Huwag mong asahang makakuha pa ng butil sa butong tumubo na.
Huwag mong abutin ang mga bagay na inapakan mo na.
May mga hatol at pasya kasi tayong ginawa sa nakalipas na akala nati'y tama pero mali pala, at ang pagbabalik sa nakaraa'y malapit na sa imposible. Kaya sa kasalukuyan tayo'y medyo nasa kadiliman, nangangapa, at nagsisimula. Malungkot, madalas nakakapagod. Sa kalagayang ito walang ibang mapagpipilian kundi ang ituloy ang paglalakbay sa baku-bakung daan, habang mulat ang mga matang hinahanap ang panibago at tunay na kasiyahan.
Wag mong hanapin ang mga bagay na di pa dumadating sa iyong buhay?
Hmm, eh paano mo makikita kung di mo hahanapin? Kasi kung gusto mo talagang makita yun o mangyari gagawa ka ng hakbang to achieve it. Just my opinion..:)
Pero I'd agree to what you've said on your post. Yes I'm happy, di ka naman talaga magiging masaya kung di ka kuntento sa kung anung meron ka.
Cheers KOSA!
Masaya ka ba?
minsan oo minsan hindi. depende sa sitwasyon ng aking buhay..pero dapat laging masaya para walng lungkot n madarama..
"Hwag mong madaliing pahinugin ang mga bungang bubut pa" - wag lagin magmadali sa paglalakad baka madapa ka....lolz...
out of topic ata ako..lolz
"Masaya ka ba?"
Yes because there are so many things in life that are free.
Ingat..
sa ngayon? hindi!!! layo ko sa family ko eh :D ...
Kosa, ganun ba talaga font color mo? white? tapos background gray? o imahinasyon ko lang lolzz, parehas kasing light ung kulay eh..
tama. sang-ayon ako. kapag kuntento ka sa anumang meron ka. masaya ka.
masaya ba ako? oo naman.
kahit hindi perpekto ang mga buhay natin, at may mga pagsubok na dumadaan, masaya pa din ang buhay dahil sa madaming bagay..
isa na jan ang gumigising ka araw-araw na buhay ka pa.
haiz. enjoy life. be happy. be contented. be KOSA. haha. bagong slogan.
wee. kitakits! ahaha.
-Masaya ka ba?-
oo naman. Marami naman kasing bagay bagay na makakapagpasaya saken kahit na malayo ako sa mga minamahal nating families. Imulat mo lang yung mata mo, para maappreciate mo yung maliliit at malalaking blessings na binibigay ni Papa God sayo. Ganun yung paniniwala ng isang masamang taong katulad ko :) Magkakawrinkles ka kasi pag inisip mo ang lahat ng mga problema na meron ang mundo, ayt?
-Kuntento ka ba?-
cguro...hindi ko pa masasagot yan sa ngayon. Kasi ako yung tipo ng taong hindi marunong makuntento sa isang bagay. Gusto ko palagi nakikita ang PAGBABAGO, dahil ayoko na habambuhay akong GANITO...:)
Hindi ako masaya ngayon pero hindi ibig sabihin hindi ako pwedeng maging masaya bukas at hindi ako naging masaya kahapon.
Eto kasi iniisip ko lagi:
"I want you to remember, there are compensations in life. There always are, or we wouldn’t go on living. You don’t feel well, now; neither do I. But something will happen to fix that. Do you believe that?" - said Ann Taylor
Masaya ka ba?
Hindi ganap ang kasiyahan ko. Malayo ako sa family ko at hinagupit kami ng "bagyo ng buhay" nitong nakaraang linggo.
Kuntento?
Hindi. Dahil kagaya ng katwiran ni JEN, "ayokong habambuhay akong GANITO!"
Balikan ko ang kabuuan ng sinulat mo.... Maraming factor para maging masaya, maraming bagay ang sumasabit sa salitang "happiness". At maraming balakid upang makaramdam ng ganap na kaligayahan!
Tama ka. Hindi ito nasusukat sa pagkakaroon ng materyal na bagay. At totoo ang sinabi mo na kung kuntento ka sa buhay mo, pwede mo ng sabihing masaya ka...
Yun nga lang, ilan sa bilyong tao sa mundo ang kuntento sa kung nasaan sila? at titigil na sakaling nasa gitna na? o nasa taas man? mahirap sagutin dahil likas tayong mapangarap. (na pagkatapos abutin ay mangangarap ulit!)
magandang araw!
sa aking pananaw, depende yan sa kung pano mo ide-define ang kasiyahan. sa malalim na pananaw, ang kasiyahan o kaligayahan ay laging nakakamit o nararamdaman kapag ang Diyos ang nasa sentro ng buhay mo at alam mo rin ang purpose Niya para para sayo. and if you live according to that purpose then you are definitely masaya in a deep sense at pangmatagalan ito...
sa tanong mo at the end,, oo masaya ako ayon din sa iyong pamantayan. in a deeper sense o ispiritual, medyo nangangapa pa rin dahil tulad ng karamihan, di ko pa tantu kung ano ang real purpose ko dito sa mundo. I'm sure na there's more to it than just to enjoy life and have fun... I did vote by the way. sana manalo ka bro. good luck. ^_-
:0 yeah! happy and contented :)
proud to be one!
Comment deleted
This post has been removed by the author.
----------------------------------
pero kung wala kang pera sasaya ka ba kung mahirap ka? isang kahit isang tuka?
like i said, mahirap para sa akin na sabihin na masaya ako... hindi akse ako tulad nyo na pamantayan.. nah... may basehan ang pagiging masaya.. i dont even know how/what it feels like to be happy..and i couldnt really say im contented with my life... masaya? siguro in a way, oo..when im out with friends.. we laugh.. i smile.. siguro sa ganung pagkakataon, oo, masaya ako.. pero ung talagang kasiyahan sa buhay? para kasing hindi ko pa makita...
pero natutuwa naman ako na halos lahat ng nakakasalamuha ko dito sa blogworld eh alam nilang masaya sila at kuntento sa buhay... just like you.. at least alam kong nag-iisa ako sa kapraningan ko..hahaha
salamat....
yun na yun
hindi lahat ng taong masaya ay kuntento sa buhay. hindi rin lahat ng kuntento sa buhay ay masasayang tao....
dapta kasi kuntento kana kasi masaya ka... or masaya ka na kasi nakukukenta ka kasi masaya ka....
eh basta... ewan... lalim kasi eh...
napadaan po.
Ano man daw kalayo ang suntok na tin sa hangin, di pa rin tayo pasaya. Ang tao nabubuhay na sa hindi makontento, kasi tayo ay nabuhay sa mundong ito na puno nag kompetensiya, sa talino, sa pananamit, sa kotse, sa girlfriend, even sa brand na laptop.
Pero ang lahat ng ito,is nothing in compare.
pagmasdan lang natin ang mga bulaklak sa parang, hindi nila mapantayan ang kagandahan, ano mang karangyaan MERON ang tao,
kahit pa ang suot ni haring solomon sa palasyo niya.
Bob ong kaw ba yan?...lolz...taena! ayos sa mga banat dre a....
Tama yan pre!..think positive...
siguro hindi ka masaya kasi kinu-kwestyun mo sya.
buti ka pa masaya, ako hindi
buti ka pa masaya, ako hindi
kung ako na punong puno ng angst sa buhay ang tatanungin mo...OO pa rin ang isasagot ko!
pwede sigurong unsatisfied but not necessarily lonely!
si oracle di na natutulog hahaha..
parekoy un nga un !un nga hahah!! ang gulow mo abnuy ka eh,,hahaha,,,yup tama ka sa sinabi mo di akow kokontra, pareho talaga tayow mag icp abnuy ka eh hahah..lol loko lang pare wendang pa utak ko eh kaya sadyang ang mga comment kow ay di ka aya-aya sa paningins lol
tama na ang hinagpis tungkol sa buhay... isang sikulo yon at paulit ulit na mangyayari... sa ayaw man natin o hindi... masisira lang ulo mo pag sineryoso mo.
ganun naman talaga yun..
masaya, malungkot..
ano't anu man..wag mawawalan ng pag-asa..
aja mr.muscle...
masaya ako. pero di madalas. pero kahit ano pa dumating e hinahanapan ko na lang ng paraan para makita ko siya in a brighter side. :)
amen! pwede ka nang pastor kosa. papasok ka ba sa semenaryo? hehehe.
Mahirap maatim ang kasiyahan sa isang mundong materialistiko. (Shet, hirap mag Tagalog ah.)
Ako, masaya ako tuwing panahon ng sweldo. Gayun pa man, panandalian lang ito kasi napupunta lang sa pambayad ng credit card ang sahod ko.
Walastik Kosa...bago na naman ang bihis ng pahina mo ah...
“We tend to forget that happiness doesn't come as a result of getting something we don't have, but rather of recognizing and appreciating what we do have.”
This doesn't mean that we lose the drive to strive and achieve something because happiness is not a destination that we arrive at but it is the journey we take to get there!
Ika nga, the best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart.
congratulations! 2nd place winner of damuhan blog awards. visit the site and claim your badge. you're automatically nominated for week 2
lahat masaya!..kahit na ang kanta koy!
ako ang nasawi ako parin ang nagwagi!
kontento.....
yan ang words na palagi kong sinasabi sa kaibigan ko, maging kontento ka kung anong meron ka wag nyang hanapin yung wala sa kanya, pero sa sarili ko di ko maiaplay ang words na yan kc until now kahit meron na ako para pa ring kulang... napadaan lng hingi na rin ako ng permisyon pra ma eh add kita sa blog ko..tnx :)
hey kosa, magcocomment na ako,hehe. may difference yung term na contented at happy. posibling masaya ka pero di ka kontento, posible namang kontento ka na, and definitely happy ka. Pero sabi nila walang kontento kapag may pangarap. If you don't have dreams, you are either contented or abnoy. Pero wala pa ako nakitang matinong tao na naging kontento sa buhay, always and always there will be some cravings, there will be some gusto, or dreams, or aspirations, whatever you may call it.
Pero another thing, mahirap ang maghanap at magpretend, kaya maging kontento tayo sa kahit anong meron tayo at present, without ceasing to dream for something better than the one we do have right now. palagay ko yan ang message ng post mo. masaya ka for now, pero it doesn't mean you are not working out and aspiring for something better...
ngek, haba na pala. hehe
Masaya ako. Pero siguro mas magiging masaya kung mas mananalo ako sa lotto atsaka merong lablayp. *LOLz*
Agree ako kay Gasdude, pero di naman ako nataya ng lotto...
Tinamad ka ng sumagot ng mga comments mo noh. hehe. Busy ba? Ingatz lagi Kosa!
Post a Comment