Wednesday, February 18, 2009

Sagot sa Mga Tags

Ito ay pagtugon sa panawagan ng mga Katotong Pakialamerang Blagerot Blagera na nananawagan na itaas ko daw ang aking bandila ng dalawamput limang makatotohanan tungkol sa yorstrulili.

Para sa panawagan nila VanVAn at Lio Loco Loco isinama ko na din dyan yung tag ni Enjoy:

Panuto:
Ipangalandakan ang 24 na katotohanan tungkol sa iyung sarili at isang haka-hakang pandagdag upang maging ganap na 25.
At dahil iyan ang aking pagkakaintindi, eto na ang aking Listahan:

1. Isa akong Taong bahay. Madalas akong nakatambay lang sa bahay. nakatanga sa harap ng Konchuter. Halos 5hours ang ginugugol ko sa harap ng konchuter bago matulog abutin man ako ng syam syam.

2. Lima kaming magkakapatid at ako ang pangatlo. Sabi nila, ako daw ang pinakapasaway. Sabi ko nman natural lang yun. Hindi ko itinatanggi na pasaway ako pero nasa Lugar naman..hehehe

3. Mahina ako sa Math..Pero kung Physics at Chemistry ang pag-uusapan maning mani ko yung mga yun! Physics ang subject na nagpataas ng aking Gen.Average nuong nagtapos ako ng High School na nagbigay sa akin ng Puntos para makasama ako sa Upper 25% sa kabuoan ng nagtapos sa aming paaralan.

4. Nursing Undergraduate ako... pasensya na sa mga Nurse na masasagasaan... MAdami kaseng nag-aakala na bobo ako..lols Pero Hindi ko naman talaga passion ang magpakaNurse nuon. Akala kase ng mga nag-impluwensya sa akin, Nurses lang ang nag-aabroad. hehe. Kaya sinubukan ko pero Hindi pala yun ang gusto ko.

5. Pumasok ako bilang Crew ng Jollibee nuong nasa college ako... Hanggang sa nawili ako at iniwan ang eskwela. simula nun, Halos nilibot ko na lahat ng foodchain sa pinas. Jollibee, Greenwhich, Chowking, isama mo pa si Redribbon, Cindys, Pizzahut, tokyotokyo at Shakeys.

6. Isa sa isimusumpa kong karanasan sa Trabaho ay Nuong mapasok ako bilang isang Empleydo sa isang Resort sa Batangas (vigrin beach resort) Bulok kase ang patakaran.. Pagsamantalahan ka ba naman.. gagamiting knowledge absorber tapos isiSesante ang Visor tapos ikaw ang ipapalit. Parang sayo nacredit lahat ng kasalanan at kabwakawan sa mundo. Taena.

7. Natalo ako sa isang halanlan sa SK nuong 2003 (yata?). isa lang nman ang lamang... 117sya... 116 naman ako..pero dahil Bobo ako, hindi ko naisip ang magparecount. Taena.. Nakapanumpa na yung Maganda kong katunggali nuong maisip ko.. Pero di na ako naghabol dahil nahiya na ako.

8. Mahilig ako sa Animei Dragonball... Ghostfighter, Flame of Recca.. hanggang kila Sakura, Doraemon, Pokemon, Digimon... isali mo na rin yung RayEarth, Bioman, Ultraman, PowerRanger, Naruto at ang pinakanagustuhan ko, yung HunterXHunter.

9. Ipinanganak ako sa ilalim ng simbolong Cancer. Hindi ako madaldal. Tahimik lang ako kapag kaharap mo ako.. Pero kapag nagkakilala na tayo, Hindi naman pala ako ganun katahimik.. Masgusto ko madalas ang nakikinig lang sa kwento ng may kwento.

10. Mahilig ako sa Musika. Iyun ang bumubuo sa bawat araw ko. Kahit wala akong makausap maghapon basta may napapakinggan akong kanta, ayus na ayus at solve na ako.

11. May isang Patay na Kuko ako sa Paa at isa din sa Kamay.lols

12. Isa sa PinakaGusto kong naging trabaho ko ay maging bartender..lols ang saya nun.. Hindi nman sa magaling akong gumawa ng drinks pero kung may kodigo pwede rin.. ayus lang kase yung nagtatrabaho ka tapos nasusunod yung layaw mong maglalasing..lols

13. May dugo akong Kapampangan. Tatay ko, kapampangan... NAnay ko naman ang Ilokana. Weird na kombinado di ba? Isang Galante at isang Kuripot. Pero masnamana ko yata ang pagiging Ilokana ni nanay. Siguro dahil sa bukod sa lumaki ako sa ilokos, karamihan ng diskarte sa buhay eh napulot ko sa basurahan ng Ilocos.

14. May mga kapatid ako sa Labas pero iisa pa lang ang nakikilala ko talaga ng Personal. ayus naman.. Hindi maikakailang kalahi ko nga yun! Bukod sa maganda eh, Kinuha yata lahat ng talent sa aming Lahi. Bukod sa magaling Gumiling eh magaling ding Kumanta..

15. Madalas akong naka-sign in sa YM kahit wala ako sa harap ng Konchuter. Pero dahil hindi tagala ako makwento sa mga tanung ng mga nagtatanong, madalas naka-invi ako..lols (iba na ang popular!)

16. Bilang Volunteer ng DSWD Nagturo ako ng Kinder nuong 2005. Sa sobrang kulit ng mga bata, hindi ko natagalan---nagbitiw ako... balik trabaho sa mga Pagpuputa.

17. May isa akong super cute na 1y.o. son. kung gaano ako ka-cute nuong baby pa ako... ganun din sya ka-cute.

18. Isa akong single na single. Hindi kase ako marunong magdala ng relasyon. Bukod sa mukang bata na isip bata pa ako, wala din daw akong kayang ibigay na oras at panahon.. diko lang alan kung totoo.

19. Nasubukan kong maging Palaboy sa manila sa loob ng tatlong araw. Pinalayas kase ako ng Lola ko sa bahay nila. Pero dahil hindi ko pa tapos ang mga lakad ko sa mga bagay bagay tungkol sa aking buhay sa mga oras na yun, kinakailangan kong tumambay sa mall sa araw at Airport nman sa gabi Bago umuwi ng Ilokos.

20. Certified adik ako sa blog... simula nuong magkaroon ako ng blog, 5-6hours nalang ang itinutulog ko sa isang araw. kulang pa sa 5oras minsan. Pero dahil Priority ko ang magdagdag ng timbang sa taong ito, medyo dinagdagan ko ang oras ng aking pagtulog.

21. Mahilig ako sa Beer. Harapin natin ang isang Pitsel ng Beer... kapag naubus natin yun---dagdagan pa ng isa... panigurado kapag natapos yung pangalawa, Close na tayo at ninong ka na ng anak ko.

22. Bobo talaga ako.. Blessing lang na hindi masyadong halata.

23. Kapag tinamad ako.. Hindi mo na ako mapipilit na Gumawa ng kahit ano kahit pa lumuha ka ng dugo.. yun na yun..hehehe joke joke.. madalas!!! pero may kosensya at kosiderasyon naman ako..hehehe

24. Natutuwa ako kapag may nanggugulo at nagra-rally sa malacanyang. Inaantabayanan ko kung paano nila gigibain ang Lungga ni Pres.Glorya..hehehe sigurado kapag nangyari yun, bababa ang ekonomiya ng Pinas..hehehe. at tataas ang palit ng Dolyar sa Peso.

25. Isa akong masamang tao... mahilig akong Magmura. kahit itanung mo sa akin... hehe. Minsan lang ako magpakatino. Pero masgusto ko ang maging masama kase masmatino ang Ginagawa ko kapag nasa Kasamaan-mode ako.

Ayan na. Pili ka nalang kung saan ang paniniwalaan mo. Diko na sasabihin kung ilan ang tama at ilan ang mali dyan..hehehe


**********************************************************************

Salamat nga pala kay Yanah para sa Bagong Bihis na anyo ng aking Kuta. salamat salamat Yanah.. Hindi lang dito sa Bagong Layout kundi sa Pagtuturo mo kung paano magpalit ng Layout. Marunoooong na ko..lols


23 comments:

~yAnaH~ said...

naka naman! walang anuman! kahit kinukulit mo ko... hmmmmm ok lang dahil sa mga ikinukulit mo tungkol sa blog mo eh kinukulit ko naman si Jentot nyahahaha.. patas lang.. pero may inis at tampo pa ren ako ...
naks! revelation ang number 17 ah!

ang hindi totoo? alin kaya? hmmmm ung patay na mga kuko?

tsk tsk tsk dapat nagbblog ka na nung palaboy ka para pinatulog kita samin... pinaalagaan ko sana sayo ung panganay kong inakay hahaha..

toinks...toinksss cancer ka din?! ung X-Y-Z factor ko na kamukha mo cancer din.... hmmmmmm

mamaya na lang ung mga na widgets.. after 3 hours..babushki muna.. hahaha

kosa said...
This post has been removed by the author.
kosa said...

Yanah**
ahhh ito pal..lols

ahhhh sige sige..lols
anu na nga ba yung no.17?
diko na matandaan..

oo naging palaboy talaga ko ng tatlong malulupit na araw..lols

pero oks lang nice experiences nman eh.

Lord CM said...

Kosa, parehas tayo!!!Nanay ko ilocana at tatay ko kapampangan..kaya pala parehas tayong pogi lolzz

hayzz...bigat ng bangko...

SuperGulaman said...

siguro ito ang hindi totoo: "11. May isang Patay na Kuko ako sa Paa at isa din sa Kamay"... pero kung totoo yan...palibing na alng natin...ahehehe..

kosa, pa-request...papalit naman ng font color mo jan...inde ko masyado makita nakasulat, mga light colors para umangat ung kulay...halos magkalapit kasi yung shade nun green na text color sa black na background...aheks...

:D

onatdonuts said...

mukhang totoo yung may patay kang kuko sa paa at kamay.. hahaha joke

astig!

bomzz said...

Kosa.. apir! muna mga Membro ng Stokwa.. boys hehehe

gillboard said...

hala, habang binabasa ko ito, narerealize ko halos wala akong kapareho sayo kundi yung pagiging tahimik.. hehehe

RJ said...

[...published 2 days ago?!?! Eh kaninang umaga lang ako nag-check ng mga listahan ko ng blogs, wala pa ito?!]

Hindi ko na inalam kung saan dyan sa mga nailista mo ang hindi totoo. KiNONSIDER KO NANG TOTOO LAHAT ITO. Kasi kung iisipin kong may isang kasinungalingan, pwede kong isiping lahat ito ay kasinungalingan din. [Medyo magulo ang statement ko, pero hindi ko naman kayang linawin. Sorry.]

kosa said...

LordCM**
lols..dyan tayo magkakasundo..
eh di marunong kang mag-ilokano?
sana nman....

Supergulaman**
lols, partially, tama ka...lols wag mo nang itanung kung anu man ang tama sa mai..lol

Onats**
hehehe..
taena naniwala ka nman.. lols
oomay isang patay akong Kuko sa daliri sa kamay.. may angal ba?
hehehe
kitakits..welcomeback

vanvan said...

can i be the mother of that 1y.o son??lolz..lolz..gusto ko lang ipaalam na babae po ako..ohh..i so hate this part..sayang lamang ang aking mga kikay kit dahil dodong ako sa inyong paningin..gggrrr...

anyhows, salamat at sa wakas eh sinagot mo na itong tag ko..
at pwede din bang paturo about sa layout..maawa ka sa layout ko..lolz..

comment ka din sakin..i'll be waiting..

xoxoxo

kosa said...

Bomazz**
parekoy, ito lang sasabihin ko,
iisytokea ka lang kung kaya mong panindigan..lols
kayang kaya..hehehe

apir tyo dyan sabay tagay!!!


Gillboard**
parekoy, siguro magkakasundo tayo kapag nagkita tayo..lols kitakis
sana magkita tayo sa hinaharap.

Doc Aga**
hehehe
nagchat lang tayu kanina ahhh..
taena kitakits pa rin doc!

hisnameisdencios said...

pareho tayo na natalo sa eleksyon sa skul nga lang ako haha. pero di ako tomador sa alak kasi pag nagkainuman tayo malamang na tutulugan kita haha pero anu ba ang hoax dito..hmm.. sa tingin ko wala ka pang anak or medyo hindi ata ako naniniwala na pinalayas ka ng lola mo hehe :)

payatot said...

parang #11 yung di totoo...kaya lang di ko pa tapos basahin lahat e sumakit na mata ko..ewan ko ba malabo na ata to...sori naman..

enjoy said...

sa wakas at nasimulan mo na rin ang pagbubulgar ng iyong laman-loob. hehehe!

pareho tyo mahina sa math pero never akong nging magaling sa physics at chemistry. 50-50 pede pa :D

pareho tayo dun sa #5. isa akong dakilang drop-out dahil sa tawag ni mcdo at dunkin'donut...

kumandidato din ako dati bilang SK chairman. buti na lang di natuloy yung eleksyon kasi pinipilit ako ng mga kalaban kong iatras ang kandidatura ko. muntik na nun magkagulo sa min. hehehe!

lagi din ako OL at invi sa ym... ala lang... pa-importante effect. hahaha!

at magkakasundo tyo sa #24. nampating! ang tagal bumaba sa pwesto ng dalahirang makapal ang mukha! tapwe! ahihi! :D

kosa said...

Vanvan**
lols..
akala ko barako ka..
taena.. sige sige, from now on, hindi na kita tatawaging parekoy..sayang nga nman yung kilay mo..hehee ahhhh pagkaKIkai mo pala..

Dencio**
lols kapag ganun,
baka maligo ka ng sarili mong dugo.. este, alak pala ang ipapaligo ko sayo..hehee
sige paniwalaan mo ang mga bagay na gusto mong paniwalaan.

payatot**
taena.. kulang ka siguro sa nutrisyon ng kalabasa at iba pang madidilaw na gulay.
salamat sa effort..pagdaan at pagkokomento..kitakits nalang.hehehe

Enjoy**
akalain mo yun!
halos magkapareho pala tayo..taena BOBO ka rin ba gaya ko?hehe
joke lang..

PaJAY said...

at inamin rin na bisyo mo ang mag INVI sa YM..takte!...lolz...

may pa bobo bobo pang nalalaman!...shoongaling!...lolz...hindi siguro!..malamang yan ang hindi totoo.tatlong beses mong inulit ee...nga pala dre...ninominate kita sa bahay na BINO...di ko alam kung paano pero nakiepal na ako don...basta kaw na binoto ko..lolz..

kosa said...

taena, Prof Pajay!
lols.. Hindi nga..BOBO talaga ako..blessing lang na hindi halata..lols kaya nman tenkpul parin ako kay Lord.
huuuuwaaaaa?
sige..lols salamat sa nomination..
ininominate ko nga si Bino mismo sa Blog nya eh..lols

poging (ilo)CANO said...

wala akong paki alam sa hindi totoo jan..basta okey ung number 21, alak pa.hik...loz...

@CM,
lahat ng mga ilocano pogi...lolz..

kosa said...

lols...pogi**
taena.. dyan tayu magkakasundo parekoy!

Dylan Dimaubusan said...

Wehe, palagay ko yung parehong may patay kang kuko sa paa at kamay.. lolz

Napaka-interesanteng nilalang.. Nurse na ako pero hanggang ngayon feeling ko hindi ako para dito.. Naging bartender ka pala! ayus!

Siguro di tayo magkakasundo sa bad words, nagpapanting tenga ko eh.. Pero di naman dun nasusukat lang ang samahan, kaya be yourself..Ang dami mo palang pinagdaanan, ayus yan, you have a long way to go!

Natuwa ako't nakilala ka din namin, isa ka sa gusto kong mapasahan nito kaya lang ngayon nga lang ako nakapasok sa blog mo.


cheers kosa!

lio loco said...

ayun. dahil up na ang server sa puke ng inang blog site ko, wala na rin ang semi-hiatus drama-dramahan ko. hoy kosa.Pogi, at talagang Loco Loco pa talaga ko ngayon. lolz! hulaan ko ang mali. ung one-year old son ekek. eh yan din yung isa sa mga facts ko eh. lolz!

p.s. maganda ung layout ni yanah. red na red. parang bagong dale. wahahaha!

lio.Pogi said...

taragis. nagkamali ng pangalan. baguhin natin. hehehe.