Friday, February 13, 2009

Friday The 13th

Bakit ba ganun ang Buhay...
Palaging ang batayan ng pagkatao ay ang mga bagay na nagawa nyang MALI? Madalas kase, masnapapansin yung mga maling nagawa at yung mga TAMA at MAGAGANDANG nagawa eh ,kadalasang nadadaanan ng pataymalisya.

Kumabaga sa isang Telang Puting puti na Tela na nabahiran ng kongting dumi... Kapag inilarawan ng isang tao, masbinibigyan ng pansin ang Dumi kesa sa Kaputian..

Matapos kong ipangalandakan ang aking pagsaludo kay Yanah sa nakaraan kong pst eh parang bigla din akong Binalingan ng kakambal ng BigbadWolf nya at ako nman ang pinutakti ng Problema sa mga nagdaang araw... hindi ko na sasabihin kase problemang trabaho lang nman ito... Kapag natuloy ang kamalasan ko sa Buwan na ito ng mga Puso ay talagang mawawalan ako ng legal na trabaho at ang matitirang ikabubuhay ko lang ay ang mga illegal kong ginagawa (wag nman sana). At ang masakit pa dun ang Pagka-antala ng aking Papel at mapapatagal ang aking pagpila ng aplikasyon para sa pagiging permanente kong paninirahan dito. haaaay

Wala akong alam isulat ngayun.. Nagkalat pa nga ang Tag para kay Kosa pero di ko muna papatulan yung mga yun kase masBusy akong nag-iisip kung itutuloy ko ba yung plano ko kung sakali na pagtalilis papuntang Amerika kasama si Ninong Obama at dun nalang magTAgo ng TAgo...haaaaaaaaay
nakaka-stress ang ganito..nakakabagot.. nakakakulubot.. nakakaUban.. nakakapimples

Sige bago pa man mahuli ang Lahat,

Maligayang Araw ng mga Puso sa Ating Lahat!!!!

33 comments:

MarcoPaolo said...

tama ka parekoy... may napapansin agad ang mali kesa sa tama... tulad nga ng sabi mo...
"Kumabaga sa isang Telang Puting puti na Tela na nabahiran ng kongting dumi... Kapag inilarawan ng isang tao, masbinibigyan ng pansin ang Dumi kesa sa Kaputian.."

oist! sana maging maayos ang lagay mo dyan... Pray ka lang...

ORACLE said...

"Kumabaga sa isang Telang Puting puti na Tela na nabahiran ng kongting dumi... Kapag inilarawan ng isang tao, masbinibigyan ng pansin ang Dumi kesa sa Kaputian.."

Kahibangan ng tao yan Kosa. Di mo malaman kung ano ang gusto. Kaya naman laging mali ang gusto makita, para di mapansin o makalimutan nila ang sariling mga pagkukulang nila.

Haaay! Weather weather lang yan! Ang buhay, matira matibay!

Happy araw ng mga puso! =)

Winkii said...

napapnsin lang yung mali. pero yung mga ginawa mong mabuti, balewala. nakakainis yan. par bang wla ka nag nagawng tama.

happy puso day sau!

payatot said...

konting tiis pa kase krisis ngayon at kahit san parte ng mundo ay naghihirap na ata..

kaya mo yan kosa.ikaw pa..asan na kaya si manilenya ano?

RJ said...

Sige ayos lang kahit hindi mo sasabihin kung ano ang problema mo, kaya siguro ganyan ka dahil alam mong hindi naman kami makakatulong sa 'yo. Ipagdadasal nalang kita, bro na maaayos lahat ng mga mabibigat mong dinadala sa ngayon.

May God bless us always! o",)

kosa said...

Marcopareko**
salamat pareko..
oo nman.. pray lagi..
nakulitan yata si Lord eh..
Hindi na nya ako pinapansin..

Ora**
sinabi mo pareko!
happy araw ng mga Puso din sayo..
kitakits

winkii**
outch... yun na yun ang sinasabi ko..
yung tipong Muta lang kaliit eh Ginagawang Mt.Everest...
di ba ang sakit?
haaaaaaaay(parin!)

kosa said...

Payatot**
natawa ako sa tanung mo..
ikaw, machismax ka...
bat ba lagi mong tinatanung si Manilenya sa akin na para bang tinago ko..hehehe
peace..
salamat sa pogadaan..
oo nga..tiis tiis lang..
hayyyyyyyy
lagi na lang baaaaaa?
taena

Doc Aga**
salamat sa pagdarasal para sa akin.. salamat salamat salamat..
alam ko may idea ka kung anung nangyayari sa akin ngayun.. taena
basta sana nga pakinggan ni Lord yung Pray natin...

Lord CM said...

Pray lang pre, kapag para sayo ibibigay nya nman eh...

=supergulaman= said...

yup totoo yan kosa...

yan ang mga nakakalungkot na katotohanan sa buhay..

...people will love and adore you for the hundreds of good things you've done for them....but will hate you for a single mistake... haysss buhay nga naman... pero marami ding dahilan sa mundo na dapat mong ikatuwa... isipin mo lang ang mga taong nagmamahal sayo, ang pamilya mo... sapat na ang mga yun para lumigaya...:)

kosa said...

LordCM**
salamat pareko..
oo nman Pray lang ng pray ng pray..
kahit makuha mo yung bagay na hinihingi mo may iba ka na nmang hihingin...
haaaaaays..

SuperGulaman**
salamat pareko..
pero ngayung nakaraang mga araw nawawala ko na din yata ang isip ko eh.. paanu ko pa maiisip yung mga mahal ko sa buhay?
salamat sa mga payo.
isa kang Superhero

the donG said...

sana maayos kaagad yang problema.

Lord CM said...

ganun talaga pre, tao lang tayo...minsan hindi kuntento kung ano ung meron tayo at kelangan makuha mo lahat...

pero pre, isipin mo na lang kung ibinigay nya na lahat nung pagkapanganak mo pa lang, sa tingin mo may kwenta pang mabuhay?

jhosel said...

hay. ganun talaga ata ang nature ng mga tao. mahilig pumuna ng mali ng iba. ahahay.

lahat ng problema, kaya binigay sayo ni Lord dahil alam niyang kaya mo itong pagtagumpayan. kaya manalig lamang sa kanya. matatapos din ang bagyo at magkakaroon ng liwanag. be strong and have faith.

ill include you in my prayers. :)

aw. happy valentines na rin. [kahit may problema, mag-enjoy pa rin]

enjoy said...

2nd time ko pa lang dumaan dito sa site mo pero napansin ko na medyo may pagka-emo ang ilan sa mga tema mo. sabagay, gnyan naman ang tao... di maiwasan na mailabas ang niloloob. sa totoo lang, im in the middle of emotional crisis din pero iniisip ko na lang na "life is a piece of cake". kung papatalo tayo, pano na ang mga taong palihim na humahanga sa katibayan ng loob natin?

kaya mo yan, kosa. madami nagmamahal syo eh :)

kosa said...

The Dong**
sana nga pareko..
sana sana sana...

LordCM**
hehehe
bumalik ka ahhh
salamat sa payo at sa mga kuro kuro..
appreciate it!

Jhosel**
oo nga yata..
ganun nga yata talaga.
pero naniniwala ako sa sabi mo, na kaya ko to kase binigay ni Lord..
thanks for including me on your prayers..
happy Valentines din!
kitakits

jEn said...

will include you in my prayers...ang buhay naman kc ng tao, ndi parating smooth sailing, minsan kelangan din pahanginan ng konting problema at mga pabugsu-bugsong challenges. sbi nga ni CM, kung nsa atin na lhat cmula pa lng nung pinanganak tyo, wlang kwenta ang buhay. Para hindi ka ma-depress, isipin mo yung mga blessings na binigay niya sayo in the past few years of your life, kita mo, you will feel better.:)

wag kang mag-alala, nagtxt saken si Obama kanina, welcome ka daw sa America kung gusto mo lumipat ng paninirahan dun kung skali..hehe..keetakeets...May God always bless you,malalampasan mo din yan!

Jez said...

tagay mo nga!

madjik said...

amp nadale mo parekoy...
dito nga meron kaming binansagan na fault finding group..

thier job is to find faults to an otherwise faultless entity.

lio.Cute said...

tsk tsk tsk! wrong timing pala ang kataranTAGaguhan ko. pacenxa kosa. maski di mo na sagutin. mas malala nga yang kinakaharap mo ngaun. kung ano man yan, sana malampasan mo. at sana, maging mabait si papa god sa'yo ngaung friday the 13th. sige na nga. para gumaan gaan naman nang konti ang pakiramdam mo, tatawagin muna kitang kosa.Pogi. uuy...smile na xa. hakhak!

p.s. sa ngayon lang yan dahil alam kong may issue kang kinakaharap nang bonggang bongga. wag mamihasa.

kokoi said...

kosa, wag mawalan ng pag-asa. humingi ka lang ng tulong kay BigBro sa taas. tutulungan ka niya. pramis!

Chyng said...

Hilig kasi naten mag-associate sa hula/dreams/horoscope.

Happy Hearts!

abe mulong caracas said...

o siya siya...dami kasing angts hehehe

mani-ayang ayaw ng manga muso ha iyo!

paperdoll said...

alam mo bakit? kasi mas madalas itinatago pag may dumi ang napakaputing tela. . lol. . hindi co din alam kung bakit. . labhan mo kasi sa TIDE. .

naku kosa may problema ka nga. . malalampasan mo yan, wak kakapakain ng buo sa gutom na kamalasan. . ano pa hinihintay mo kosa? SAKAY NA! maghanap ka na lang muna ng kadate jan. . gehgeh machong machong kosa. . aariba!

PaJAY said...

Ilabas ang iyong mga dillema at baka matulungan ka namin sa iyong problema...

kaya pa nmang labhan ang puting tela para mawala ang mantsa dba?...

kaya natin yan parekoy!...

Mr. Thoughtskoto said...

unang una, kosa, happy hearts day sau! mukhang happy balentong ang nangyayari.

anyways, baka may gusto sau yang kasama mo, ang dami mo ng post na parang binabantayan ka ah. Pinoy ba yan?

may mga taong perfecto ang gusto pero sana naman may isip at puso din sila to understand.

My thoughts and prayers sau as my friend and try to be patient and hopeful lagi. Sometimes these stuffs are just trying us to make us stronger and firmer and work harder to achieve your dreams!

Amorgatory said...

kosaness ayaw kow nang music mow kklungkots hahaha

Amorgatory said...

kosaness dont worry il be prayng for you!!carry yan kapatid pray lang

poging (ilo)CANO said...

naman...talagang ganyan ang buhay kosa..mas napapansin ung kamalian kaysa sa magandang gawain..pero wag ka magpa apekto jan...tuloy tuloy lang ang laban....

inuman na lng tayo...lolz..

mavs said...

kamusta ang Vday Kosa?
anyway, magiging ok din ang lahat
kOsa
tatagan mo lang

StarFish said...

friday the 13th, lol i had such a sh*ty day at work, ugh! anyways i'm just venting...

have a nice valentine with that special someone...

have a great weeken!
~ViN

gillboard said...

OA tong blog mo ha, di ko maopen sa opisina!!!

Maligayang Single Awareness Day!!!

mangbadoy said...

sa dami ng petiks ko feeling ko di rin ako marerenew sa june 2009.. kaya ngayon palang inaayos ko na ang resume ko para mag apply kung saan saan para makapag trabaho mahirap mag hanap ng work lalo na kung madami kang responsibilidad na kailangan bayaran buwan buwan.

flamindevil said...

hala.ngayon lang kasi ko napadaan dito.huli man daw at magaling,huli pa rin. so bileyted hapi balentayns dey.