Monday, February 23, 2009

Baku Baku

Hindi lahat ng mga Bagay na gusto mo, Nakukuha mo...
Hindi lahat ng naamoy mo, Halimuyak...
Hindi lahat ng nakikita mo yun na Mismo...
Hindi lahat ng mahal mo, mahal ka!
Hindi lahat ng akala mo, totoo...
Hindi lahat ng kinakagat mo, pagkain..
Hindi lahat ng kasinungalingan, Masama...
Hindi lahat ng maitim, Negro..
Hindi lahat ng pango, Pilipino...
Hindi lahat ng Tanga, engot...
Hindi lahat ng Lumuluha, umiiyak...
Hindi lahat ng di mo alam, kailangan mong malaman...
Hindi lahat ng Baku-baku, kalsada..
Hindi lahat ng kumikinang, makintab..
Hindi lahat ng kinakain mo, nilulunok mo..
Hindi lahat ng ahas may buntot..
Hindi lahat ng lalake may bayag..
Hindi lahat ng mga kaibigan, mapagkakatiwalaan..
Hindi lahat ng sinusubo, nginangata...
Hindi lahat ng nananaginip, natutulog.
Hindi lahat ng langit, mataas
Hindi lahat ng katok, tumutunog..
Hindi lahat ng lumipad, may pakpak..
Hindi lahat ng sakit, nagdadala ng pasakit
Hindi lahat ng nasa Libro, tama..
Hindi lahat ng araw, maaraw
Hindi lahat ng Bulaklak, Namumukadkad...
Hindi lahat ng sinasabi ni Lola, makaluma...

at madami pang bagay na akala mong tama eh mali pala. kaya minsan, nararapat lang na magtanung ka.. ayus ba?

***********************************************

At dahil nasapali ang Byaheng BakuBaku sa mga nominado sa poll sa Damuhan bilang Blog para sa unang Linggo, sana ay suportahan at iboto nyo ang Trip ni Kosa.. kitakits pa rin!


32 comments:

sunny said...

ahahahaha! alright! yun lang! hehehehe! take care bud!

bomzz said...

hindi lahat ng POGI si KOSA nyahahaha.

ayus Kosa.. natatawa ako't napaisip din hhehe..

naiBOTO! na kita ... Boto nman ako.. ayus ba?

gillboard said...

dahil hiniling mo po ng personal... hayan niboto kita dun sa poll...

=supergulaman= said...

at kahit magkalaban tayo dun...aheks....binoto kita...promis... :)

ayuz si bomzz:

"hindi lahat ng POGI si KOSA"
pwede ding kasing ako o kaya si Poging (Ilo)Cano...ahehehe.dami ng pogi.... :D

lio loco said...

hindi lahat ng asteeging blogger, nasa canada...dahil meron ding nagkukuta rito sa españa, manila na nagpapakaputa naman pag gabi sa makati. lolz! at siningit pa talaga sarili ko.

hoy, kosa.Pogi(ta), binoto na kita. ang hina naman ng (kilikili) powers mo, gunning for 3rd ka lang? hindi tayo pinalaking makisig, cute, at matalino para lang sa tira-tira. hala. maghakot ka pa ng pala. ipangalandakan sa buong sangkablogosperyohan ang pagkanominate mo at takutin para bumoto. pag ayaw, isalvage natin.

dahil alam ko namang napakalaking bagay sa'yo ang nominsyong ito, ung tipong pwede ka nang mamatay kapgka nakuha mo ung damuhan badge, libreng kampanya ka sa kuta ko. hehehe. o ayan ha. doble dobleng utang ng ina mo na yan sakin. at hindi ako nagmumura, okey?

poging (ilo)CANO said...

hindi lahat ng mahal mo, mahal ka..tama ka kosa...apir tayo jan..hehehe

@bomzz at gulaman,
takte,marami na tayong pogi! maiinggit n lang ang hindi pogi..isang tagay para jan..lolz.

(nakaboto na ako kosa, ung bayad ko pwede mo nang i-online western onyun para mabilis)

TULDOK said...

wow! nominado! hindi kita iboboto! kasi wala aco jan. . dapat kasali aco. . lol. . asahan mo ang boto co;-) ayos na ang botoboto:D

hindi lahat ng adik nagdadrugs. . adik aco eh. . lol:D

ORACLE said...

Congrats Kosa Parekoy!

Gudluck! =)

kokoi said...

ikaw boto ko kosa! hehehe. gud luck!

The Gasoline Dude said...

Anong premyo ko kapag bumoto ako? *LOLz*

hisnameisdencios said...

tama ka naman diyan ka kosa.. At suportahan ka namen :) ngayon pa lang kongrats na!

hisnameisdencios said...

o naka boto n ako :)

RJ said...

Kung pelikula lang itong post na ito, Blockbuster Hit ito para sa standards ko! At kung sa Oscars lang tayo, uhmn, Best Picture, Best Story and Screenplay, Best Writer, Best Actor, Best Director, Best Producer, at Best Musical Score (kahit na nawala ang musika rito sa site mo) lahat ng Best! o",)

Kung may pangatlong hinlalaki lang ang mga daliri ko sa kamay, itataas ko pa ito! Two thumbs up (lang, dahil ito lang ang kaya ko) bro para sa article na ito.

Dahil dito, karapat-dapat iboto itong Trip ni Kosa sa Blog of the Week sa Damuhan. Kung hindi man manalo o maging first, ayos lang kasi...

HINDI LAHAT NG TALUNAN, HINDI MAHUSAY LUMABAN; at

HINDI LAHAT NG NANANALO AY MAY MATAAS NA BOTO, GUSTO O MAGUGUSTUHAN NG TAO!

abe mulong caracas said...

hindi lahat ng hindi ay hindi!

Desert Aquaforce said...

Applause...applause...applause!
Makata ka nga talaga kosa.
Kaya kahit hindi ka personal na nag request na bomoto sa u, binoto na kita...pumapangalawa ka na ngaun...hayaan mo magkampanya ako para sa u.

sa blog Desert Aquaforce's 5-Minute Management Course sinabi don sa Lesson 6:
(literal translation lang to ha, hindi kc ako magaling sa tagalog -
hindi lahat ng tumatae sa u kalaban;
hindi lahat ng kukuha sa u mula sa tae kaibigan;
kaya kung ikaw ay nasa tae pinakamabuting tumahimik ka! sori ha hindi talaga ako marunong mag translate ng "shit" eh.

Lord CM said...

Meron pa ako nabasa eh, eto oh

Hindi lahat ng positive, Good News...HIV Positive

Hindi lahat ng negative, Bad News...Pregnancy test ( para sa mga student) lolzz

Chyng said...

Hindi lahat ng discreet ang profile sa blogs, panget! dba kosa?

jhosel said...

haha. magaling kosa. ang saya nito! wehee!

ahaha. at talagang nanawagan na si kosa o. hayaan mo. vinote na kita. vinote ko kayo pareho ni superG ng magkaibang araw. para masaya. ahaha.
ayan. sige lang kosa. gogogo! lolz.

jEn said...

"Hindi lahat ng mahal mo, mahal ka"

ayun lang...ahahai...minsan lang talaga unfair ang buhay eh..hmf...

hanggang kelan b ang botohan?

the donG said...

ayon nakaboto na rin ako. astig bakubaku post.

~~m$. DoNNA~~ said...

agree ako sa lahat ng yan.. hehehe

na vote na kita!

~~m$. DoNNA~~ said...

i mean na vote OUT!!!!

nyaaaaaaaaaaaaaah!! joke!

Mr. Thoughtskoto said...

hey kosa, dumaan ako para sabihin sau na galing ako kay bino na blog, sa may bandang damuhan at binoto na po kita. second ka, boto niyo na si Kosa please!

PaJAY said...

hindi lahat ng pinapasukan,Eskwelahan..

hindi lahat ng TUMATAYO,may paa..pero lahat ng may ulo,tumatayo...lolz...nyahahahaha..taena!..


ang ramee pa nga nyan..ilabas mo na..lolz..

eto pa nga pala...Hindi lahat ng PINIPISIL,pisngi...at hindi lahat ng pisngi nasa mukha.....hahahaahah

takte!..

Bino said...

hindi lahat ng pogi, kayo! minsan naman, ako! wahahahahah

Bino said...

hindi porke kaya mong gawina ang isang bagay ay hindi nangangahulugang dapat mo itong gawin. hehehehe doraemon

Amorgatory said...

HUWAW!!AT NAUNA DITOW SI PARENG SUNNY HA,LOLNESS, AT AKOY NSA HULING PAHINA,IBOTO SI KOSA!!!MABUHAY ANG MAY PATAY NA KOKOW!!!HAHAHAHA PEACE PAREKOY!!WOTWOT!!LOLNESS

~yAnaH~ said...

sige na nga join na rin aketch ditetch... ang sakin lang naman eh...

**hindi lahat ng batang naka-bag eh pumapasok sa eskwela, ang iba sa kanila eh naglalakwatsa lang... tulad ni DORA! ahihihihi korny..

Roland said...

huh...

wag kang magagalit, may tanong lang ako...

original ba itoh?

poging (ilo)CANO said...

"hindi lahat ng berde ay masustansiya" - plema

Kosa said...

sa lahat ng dumaan, salamat po..
at kitakits

Kosa said...

awwww...
pareng Ronald**
oo Orig to..
bakit mo nman tinanung?
taena.. ang mga pangit hindi ninakaw..pinagtityagaan lang.. gaya nito..hehehe
peace