Hindi naman sa pumasok na ako sa Prostitusyon at Pagbebenta ng aliw (wish ko lang!), kundi dahil sa aking tinuran na aking pinaggagagawa (trabaho) dito sa lupain ng pulang dahon ng Maple. May mga walang pakialam... may mga nagduda. Napakunot-noo.. napakagat-labi.. napatanong.. naningkit at nangulit! ANU NGA BA ANG PINAGGAGAWA ni Kosa dito sa Canada?
Pero ito ang totoo... Nahihiya man si KOsa... Taas noo ko pa rin aaminin na AKO ay isa sa mga libo libong naghihirap na utusan dito sa mundo...
Baliktanaw(ulit!?)
Duon ako nagsimulang magkaroon ng Pag-asa sa mundo. Mag-iipon... bibili ng mapapangasawa... magpapatayu ng sariling bahay.. mag-nenegosyo, atbp.
Trabaho
Umentra ako dito sa Canada bilang isang dakilang caregiver... kung napanood mo yung pelikula ng Ninang kong si Sharon Kubeta, hindi naman ganun kakeso ang buhay ko! May mga Oras na nahihirapan ako pero oks lang dahil manhid ako. Lalo pa’t kapag tapos na ang trabaho ko eh, pwede ng lumayas finished or unfinished! Di tulad nung mga napasukan kong trabaho dati sa Pinas na usong uso kun‘di man ay bahagi na ang style Rosa Rosal na kawang gawa. At dito, kapag lumagpas na sa oras yung pagtatrabaho mo, that means OT nay un at kailangan nilang bayaran.. with certain percentage na masmataas kesa sa regular per hour. At iisipin ko lang na matatapos ko din yung probation ko dito... makakapasok sa masmatinong trabaho at makakapag-aral ulit.. yahoong yahoo! Solve na ako at may malaking rason na ako upang makangiti ng malaki..pamapapogi! pampabata.
Mga Raket
Ito ay illegal at sana ay walang makakalabas at magsusumbong... Ang unang raket (weekday nights) ni Kosa ay pagsama sa mga kriminal na nagpupuslit ng kontrabando, droga at mga pambomba sa amerika! gayundin sa mga Cleaning maintainance works... linis sa mga opisina kasama na ang kusina at kubeta! kadalasan, ginagawa ito sa gabi hanggang madaling araw kaya fit sa schedule ni Kosa. Ang pangalawang raket (sat&Sun) ay ang isang kapehan na kung saan nakapangalan akong empleyado sa hindi ko pangalan... Hindi kase ako pwedeng kumuha pa ng LEGAL na trabaho ngayun kase bahagi yun ng aking restriction sa programa ng caregiver para kapag natapos ko yung 24months employment as caregiver eh, entitled akong mag-apply ng immigrant status(sana nga!!!).
Minsan, sinasamahan ko mga batang anak ng mga Pinoy. Makikipaglaro, makikipagkulitan at papakainin. Hindi kase pwedeng iwan mag-isa ang mga bata dito (12y.o.below). at syempre may konswelo de bobo din yun! Mahirap tumanga at tumunganga na wala sa monitor ng computer ang iyung mga mata!
Looking Forward
Madami akong mga bagay na gustong gawin sa aking buhay. Sa edad ko ngayun, di ko pa naenjoy masyado ang buhay ko. Pero sabi nga nila, ang pagkatok ng mga oputunidad sa ating buhay eh minsan minsan lang. Kapag di mo sinunggaban, baka din a bumalik yan! kaya sabi ko, babalikan ko nalang ang aking pagkabata kapag ako'y tumanda na.. may mga ganun nman di ba?!


46 comments:
based muna! bago basa:P
wow! dapat may linya ka ring "i dont care about my job sir.... i dont even care about u!" hahaha. . kala co pa naman callboy ka jan. . haha. . taas na ng tingin co sayo kosa. . nakakahiya ka na tuloy bastosbastusin. . hahaha. . daming raket. . penge namang isa. . potragis. . nakakapgod na tumunganga. .
dapat nag boxingero ka na lang. . tingnan mo si pacman may sarili ng mansion. . hehe. . ang halay mo pag matanda ka na tapos nagimik ka pa. . haha:P wak mo kalimutan mag enjoypaminsanminsan. . tingnan mo co walang marating kasi sobrang enjoy. . haha:p
kaya ayokong mangibangbansa... mas gusto kong dito na lang sa Pilipinas at ginagawa ang mga gusto kong gawin, kesa sa ibang bayan para lang magtrabaho ng ayaw kong gawain..
tutal di pa naman ako/kami naghihirap masyado.
pero saludo pa rin ako sa mga pinoy na handang iwan ang mga mahal nila sa buhay para lang makatulong guminhawa ang buhay nila.
manikang Papel**
ohhhh.. nagbalik ka na nga! taena ang lupit mo..
saan ang karesperespeto dun?
lols taena kabaliktaran nman yata yung sinabi mo eh?
hehehe
sige sige.
kitakits
Gillboard**
lols
alam mo pareko, yung mga katulad kong naghihirap sa pinas, ang pinakatutuk ng kanilang pangarap kapag nakatapos ng pag-aaral eh lumayas ng pinas!
tingnan mo yung mga guro.. nars.. at madami pang propesyunal.. nagtapos sa pinas.. boardpassers pa.. pagkatapos eh magpapaalipin lang sa Hongkong.. singapore..taiwan..japan..UK.. ausie o di kaya dito sa NA.lols
This blog entry is really nice! It really takes courage to post this. o",) At least nakikilala ko na ang kaunting bahagi ni Kosa, na sa kabila ng mga hamon sa buhay ay nananatiling matatag at nakatanaw sa darating na bukas.
[Buti pala dyan 12 years old below lang di pwedeng iwanang mag-isa, dito sa Au 15 years old pababa 'ata.]
Siguro ang dami mo na talagang naiipon. Ayos, daming raket! Seriously, hindi ko kayang gawing pagkatapos ng trabaho ko rito ay magtatrabaho pa ako ulit sa iba (na bawal nga)! Whew! Ang sipag-sipag mo pala. Maging madali para sa 'yo ang makakita ng (mabibiling) mapapangasawa.
[Sa mga nakakabasa nito, huwag magsumbong sa Ca immig, ha.]
Doc Aga**
lols... oo nga sana walang magsusumbong.. taena.. di pa kse gawing legal eh.. pero yun nga hindi lang ako ang gumagawa nun kaya parang nagbubulag-bulagan lang ang gobyerno dito.
ipon? wala pa nga eh.. bayad utang pa muna..
courage? saan? sa pag-amin ng mga ginagawa ko dito?
taena..lols
sige doc kitakits
dakilang caregiver pala ang kosa, ibig sabihin, magaling kang mag-alaga.. pwede bang magpa-alaga kay kosa? ahhihihii
nakakabilib ka naman....
saludo ang Yanah kay Kosa..
sipag at tiyaga mo.. yan ang magiging instrumento mo tungo sa tagumpay na gusto mong makamit..
pagbalik sa pagkabata?
pwede rin naman...
pero not too much ha,
baka kase mag second childhood naman ang kapuntahan mo
hahaha
hindi na pala ko nagtatampo.
tapos na.
nyahahahaha
Yanah**
ammmf ka!
magpaalaga? pwedeng pwede!
magkita tayo sa pinas!
nyahahah
taena.. saludo ka? baka nman lokoloko mo lang yan sa akin.
oo yun ang legal na trabaho ko..pero masmadami akong kinikita sa illegal..lols bukod sa mas OK eh wala pang tax. taena.. baliw ang gobyerno dito..
sige di ka na nagtatampo?
lols salamat nman..
hindi ah! hindi marunong magsinungaling ang Yanah hahaha..
baliw ang gobyerno jan?
eh ano pang itatawag mo sa gobyerno ng bansa naten?
meron pa bang mas masahol na salita na pwede mag fit sa Pilipinas?
cgeh, pag umuwi ako ng Pinas at nandun ka na din, hahanapin kita..
mag-papaalaga ako sayo...hahahaha
keep the faith kosa..
malayo pa ang mararating mo...
Yanah**
sige sige...nasabi mo na lahat..lols may punto ka nga nman... baliw ang gonyerno dito kase sobrang masahol.. in a way that, yung mga nagtatrabaho, ang lakilaki ng tax na kinakaltas sa sweldo.. the more kita.. the more kaltas... tapos yung mga hindi nagtatrabaho.. mga mahihirap kase tamad---binubuhay ng gobyerno ng kanada. kasama na yung mga drug addict na nilalang---para iwas sakit daw, binibigyan sila ng gobyerno(ulit)ng libreng center kung saan pakakapagpa-inject sila ng LIBRENG(bigay ng gobyerno)pang-addict.. oh saan ka pa?
di ba baliw?
lols
gobyerno sa pinas?
wow.. exciting nga yun eh!
taena. kumbaga mala-starstruck.. reality based na gobyerno.. may sampalan..sapakan at upakan sa kamara.. lols totoong totoo kaya mahal na mahal ko ang pinas!
ang haba na to! taena
pasensya na kwento lang ng konti:)
akalain mo yun! Caregiver ka pala jan.... wow Bow ako sa iyo parekoy! Ako.... ayaw ko umalis ng bansa... ayos na ako dito... may 1 akong regular jo at 4 na sideline....
Inventory analyst ako sa isang softdrink company at
computer tech ako sa 8 computer shop dito sa bayan namin
gumagawa ako ng mga pastries like buko pie,apple pie, cakes, cookies at kung ano ano pa
Barista ako sa coffee shop ng tita ko
at dakilang high school tutor... math, history at english ang tinuturo ko
Kosa baka gusto mo bumili ng mga cookies at cakes ko.... hahahaha (lolz)
Kaya pala ang laki ng braso eh. Sanay sa buhatan. Hehehe. Hirap pala ng trabaho mo diyan. :)
i really admire people na masisipag, masisinop at matitiyaga. sila ang mga sinusuwerte at pinagpapala sa buhay. mabuhay ka! :)
nakow.. ang sipag mu pla tsong!
ang yaman mu na siguro dyan!
hehe..
ingaats lang tsong!
ipon pa marami pera!
haha. :]]
"kapag natapos ko yung 24months employment as caregiver eh, entitled akong mag-apply ng immigrant status(sana nga!!!).">>> good luck. makukuha mo rin yan dahil determinado ka.
ang sipag naman ni kosa, daming raket..yayaman ka nga jan. pag-uwi mo ng pinas libre mo kami ha!
pumunta tayo dito sa ibang bansa para magtrabao at kumita ng pera..kaya kahit anong trabaho..go..go..go...idol pogi...lols..
Kosa! isa na nman masasabi ko I FEEL YOU BRO!!! dahil ganun din ako basta may oras at kaya pa ng katawan tirahin na baka tirahin pa ng iba dagdag sustento na rin.. kaya tayo na labas ng bansa para kumita.. basta wag natin kalimutan as always just KEEP THE FAITH.
SaulKrisna**
lols pareko.. bow wow wow din ako sayu.. taena..andami mong raket ahhh..
sige pabili.. gusto ko yung buy 1 take 2 ahhh.. hehehe..lols joke lang sige sige kaag napadpad ako sa manila bibili ako sa mga produkto mo dadahin ko dito..lols tapos expport natin.. negosyo..
MUgen**
peke yung braso na yan..lols sanay na sanay kahit na medyo payat..
Aris**
mabuhay ang mga pogi!!!
lols at kasama ka.. hanep!
JeszieBoy**
lols
mayaman ka dyan..
taena pambayad utang..lols
The Dong**
oo kailangan ko yun kase kapag nagkataon, babalik ako sa pinas na isang luhaan.. wala akong naipagmamalaking diploma kaya kung sakali, wala akong babagsakan na career.
Poging Cano**
lols
ganyan ang Ilocako..
ganyan ang Pinoy!
lols
sige libre lang pala ehhh.. wala na sa bukabularyo ko yung pagiging kuripot! at alam ko ikaw din!hehehe
kitakits
Bomzz**
Idol kita pareko... nabasa ko din yung mga naunang enrty sa blog mo.. taena halos lahat nman ng lumalas ng pinas iisalang ang ginagawa eh.. NAGSASAKRIPISYO!
habang nagtatype ako ngayon.hayaan mo munang iangat ko ang isang kamay ko upang bigyan ka ng isang malufeet at kagalanggalang na SALUDO!..
tumbling para sayo pareko!...ayos to...
sanay palarin ka jan sa bansang napuntahan mo...
hihirit lang ako sa huling linya mo...
"Pero sabi nga nila, ang pagkatok ng mga oputunidad sa ating buhay eh minsan minsan lang. Kapag di mo sinunggaban, baka din a bumalik yan! "
gawa ka ng sarili mong pinto para maraming katok ang matatanggap mo...yun lang...
lolz..
ayos to parekoy!...
gLing gling naman..:).
i salute you kosa..nax..palitan mo kya ang name mo ng "super kosa"?hehe...
Kapag may determinasyon chaka pangarap ang isang tao, wlang imposible. Hindi natin kelangan na mapagod magsakripisyo dahil alam naman ntin na napapasaya natin ung mga mahal ntin in return. Anyway hi-way, kapag enjoy mo naman ung ginagawa mong raket'z ndi mo naman mamamalayan ang pagod at hirap. Wlang kwenta ang mga titulo ng trabaho kung hindi mo naman ginagawa ng ayos ung trabaho mo, ang mahalaga marangal at masaya ka sa gingawa mo.
---..we're proud of you!:D.clap clap..
goodlak sayo kosa... lahat ng may tiyaga may kapalit yan... pagbutihan natin yebah!
I CARE FOR MY JOBS SIR I CARE FOR MYSELF, NYAHAHA...LOLNESS kosaaaaaaaaaaa!!!im soo proud of youw parekoy!!!!sana matupad mow dreams mow at basta masipag talaga namang may aanihin kang manik kahit hndi ka farmer, lol.wakakness ,,sensya fare kakadating kow lang wendang pa utaks kow hahaha
ayun. at pwede na kong magcomment sa wakas. haha. ofw ka pala sa canada. ilang taon ka na ba? at ilang taong ka na jan? naiinggit ako sau dahil ako man, gustong gusto ko ring mangibang bansa para mapabilis ang pag-iipon. hindi naman sa nagmamadali ako o kaya eh matanda na ko (bente-uno pa lang ako), pero mas mabilis pa rin ang pag-asenso sa ibang bansa. di tulad dito na kupad-pagong. tama ka rin sa sinabi mong sunggaban agad ang mga oprtunidad. hindi habambuhay eh bibigyan ka ng mga ganiang pagkakataon. kaya kapag lumapit ang palay, bayuhin agad. lol! at napasarap na ko sa pagcomment. hanggang sa uulitin kakosa.
p.s.
inadd pala kita sa blogroll ko. sana okei lang. :D
you should be proud of what you do, especially that you are working hard for it, body and soul...hahah
xlinks tayo dude, kung ok lang..
Wow!!! Ang sipag mo pala parekoy... wala akong masabi... kundi magiging proud ka na lang na may matinong trabaho ka... di tulad ng iba na walang pinagkakakitaan at nghihirap!!!
kosa, alam ko mga taong kagaya mo ang nakakapagpatayo ng condo...kukuha na lang kami ng isang condo balang araw. hehe
Actually mas mbuti ka pa nga busy sa trabaho dito at doon, walang idle time...
Kahit anong trabaho basta matino, and pinakakakitaan, pasali naman! hehe
buti kapa maraming racket jan. not unlike dito sa dubai ndi ka pdeng magkron ng part time na trabaho kasi nga bihira naman ang work na panggabi dito! and mas mganda culture jan kaysa dito.. hope to be friends with you my fellow OFW.. naks!
mabuhay ka kosa!! *apir*
Prof.Pajay**
taena totoo ba yan?
lols salamat pareko.. parang totoo pero taena.. mas na-appreciate ko yung tumbling mo....lols
Dyen**
salamat sa pagbisita at mga magagandang puna!!
tama ka
Apir tayu dyan!
CutterPilar**
salamat sa pagdaan..
kitakits
Amoooooor**
taenaaaaaaaaaa... linya ni ate shaweeee yan ahhhh
salamat sa pakiki-epal..lols kitakits
Lio Loco**
bata ka pa pareko... madami ka pang mararating.. mg-aral kang mabuti at masmadami kang maaabot kesa sa akin..
23 lang ako..lol.. at kulang 2years na ako dito sa canada..lols.. machismax ka ahhh..
Lance**
sige na-add na kita..
kitakits..
oo nman proud ako sa sarli ko.. pero sa mga pinaggagawa ko minsan nawawala yung confidence koi...heheh
MarcoPareko**
lols
masasabi mo lang yan kase Tunog cananda.. at ang akala ng madami ang canada eh lupain kung saan madaming napupulot na pera..lol
proud nman ako ahhh
JoshieMarie**
hehehe... hingi?
oo ba..lols pero kailangan mo [pa ring pagtrabauan ehhhh
Mr.ThoughtsMoYan**
hehehe... saklamat po sa suporta!
TAMA ka sa sinabi mo..lols magkakasundo tayo...
Spoof**
ganun ba? lipat ka na kase dito... iwan mo na ung Dubai na yan..pero madaming nagsasabi na maganda ang Dubai ahhhh..
para sa akin, hindi nman mportante ang kita ahhh ang umportante, haoppy ka..lol
Madjik**
mabuhay ka din pareko!!!!
kitakits
hey kosa.. juz wanna say proud akoh sau... nde madali ang situation moh.. at nde ren ganon kadali ang trabaho moh... my work is nothin' compare to u... funny thing sometimes is kalah nilah ang dali ang buhay amerika devah... pero nde... pero advantage lang.. even mahirap kah... mas maganda pa ren ang opportunity... ang mahirap at mayaman pareho lang nang place na kinakainan... pareparehong may utang... kayang puntahan at bilhin ang mga bagay na gusto.. sometimes katapat lang credit cards... pahirapan lang sa pagbayad... proud akoh sa part nah nagtratrabaho kah nang ayos.. ang iba malakas pa sa kalabaw eh namamalimos lang... hayz... descent ang trabaho moh... sa mga taong trinatry kang i-put down eh hwag mong pansinin... sabi nga nilah kung may tiyaga may nilaga... magbubunga ren yang kasipagan moh.... tiis lang... God knows lahat nang hirap at sacrifices moh... i-trust moh lang syah and prayers at for sure iblebless kah nyah nang sobra sobrah... sometimes somethin' unexpected pah sa buhay moh at overwhelming... yeah ur still young... awa ni God u can go back to skul later...and yeah do things dat u would love to do while u still have d' opportunity to do it... share koh lang sau.. last time nag-usap kme nang friend koh... meron syang ginagawa ngaun...may lists sya nang mga things na gusto nyang gawin before she die... we'll we all gonna go there eventually... una unahan lang... and si God nakakaalam non.. d' point is 'un nga.. gawin moh ang isa isa ang mga bagay na gusto mong gawin... follow ur heart... and syempre let God lead you to it den... always ask for His blessing... so 'un... take care kosa... Godbless! -di
salamat sa lahat dhianz..lols pero sabi ko nga, hindi nman ganun kakeso ang buhay ko dito.. nakakangiti pa nman ako... masmadami pa rin nman yung TAWA kesa sa LUNGKOT kaya oks na oks nman ako..
ingat Dhianz.. at kitakits..
salamat lang?.. may bayad 'un... lolz... hey i'm glad to know na mas marami pa ren ang saya sau... daz good... ingatz lagi... GODBLESS! -di
wow,certified member ka pala ng mga bagong bayani ng bayan ni juan..
kakaproud ka naman..
*napadaan..
*nakibasa..
wow,certified member ka pala ng mga bagong bayani ng bayan ni juan..
kakaproud ka naman..
*napadaan..
*nakibasa..
wow,certified member ka pala ng mga bagong bayani ng bayan ni juan..
kakaproud ka naman..
*napadaan..
*nakibasa..
wow,certified member ka pala ng mga bagong bayani ng bayan ni juan..
kakaproud ka naman..
*napadaan..
*nakibasa..
wow,certified member ka pala ng mga bagong bayani ng bayan ni juan..
kakaproud ka naman..
*napadaan..
*nakibasa..
Vanvan**
lols
atat na atat ahhh
bumabaha nga..
kakaproud?
salamat sa opinyon..
kitakits
ka kosa..... hahahah partners ba tayo a gagawin natin hanap buhay? hahahaha may bakanteng lote ba jan? mag tanim na lang tayo ng kamote.... baka wala pa jan sa canada? siguradong papatok yun... hahahaha
Nagbasa lang ako ng reply mo sa comment ko, pero nakarating ako sa comment ni Dhianz.
Magaling mag-advice si Dhianz. Sigurado experienciado!
Take it, bro... Take it, take it!
parekoy dyan muna akow pala titira sayow pagdating kow nang canada ha,makkikain na din akow hakhak, pra akong pulubi, if kelan ung punta kow di ko pa lam ,ddrawing kow muna sa manila paper,lol..hahaha
Saul Pareko**
lols
kamote ba? taena hindi yata uso kamote dito... kinakamote sya ng patatas. hehehe
Doc Aga**
taena.. ganun ba?
lols talagang bumalik ka para tingnan kung anung reply ko sa comment mo ahh
pero ang binasa mo, comment ni Dhians? lols hehee
sige sige kitakits
Amor**
taena pareko pulubi ba? lol
my mga bahay ampunan akong alam pwede kang makisilong dun.. hehehe
Peace
kailangan ko'ng sumaludo sa iyo dude!!!
Wanderingcommuter**
lols
saludo lang pareko..
sasaludo din ako sayo..
Post a Comment