Saturday, January 24, 2009

Baliktanaw sa Survey Survey

SIKRETO

Isang kaibigan ang nagtanong sa aking (seryosong) Opinyon tungkol sa usaping ito at sa hindi inaasahang palitan ng message eh, isang matagal na sikreto ang kanyang ipinagkatiwala sa akin. Hindi ko na babanggitin kung sinu sya kase una, hindi naman na kailangan pa. pangalawa, respeto na rin at pangatlo, kahit siguro sabihin ko ang tunay nyang pangalan 'di nyu din yun kilala kase hindi nman sya blagero.

Sa unang tingin di mo mahahalata. At sa mga nagdaang mga taon na aming pinagsamahan bilang magkaibigan eh ni hindi ko inakala na may ganun pala syang nararamdaman sa loob ng kayang pagkatao. Malaki ang respeto ko sa taong ito. Nakasama ko sya sa trabaho nuong nasa pinas pa ako at hindi sya yung tipong palakibo. Hndi din sya yung tipong makulit! sya yung tipo ng katrabaho na nirerespeto dahil sa pagiging propesyonal, dedicated, maayos at maasahan sa trabaho. at Bilang isang kaibigan, wala rin akong maipintas. Isa sya sa the best!

MGA TANONG

Anu nalang sasabihin ng mga tao? baka naman magbago ang pakikitungo nyo sa akin? Tingin mo pareko, ok lang ba? yan ang tanong nya...

AKING SIMPLENG PANANAW

May mga tao siguro akong masasagasaan sa mga sasabihin ko pero uunahin ko na po ang aking paghingi ng pang-unawa. Ito po ay aking pananaw lamang.. simple at makitid na pananaw at anu man ang reaksyon ng iba bukas din po ang aking kuta.. irerespeto ko din po.

Una, marami-rami na din ang aking kakilala na nabibilang sa kanila (mga bakla at tomboy) at naalala ko pa, karamihan sa kanila, sinabi na hindi nila ginustong maging ganun. Para sa akin, hindi nasusukat ang pagkatao ng isang tao sa kung anung sekswalidad meron sya. ang mahalaga wala silang inaapakan na ibang tao at masaya din sila gaya ng mga masayang normal na taong katulad ko.hehehe.

Pangalawa, Madami din namang mga taong akala mo eh babaeng babae.. o di kaya lalakeng lalake pero kung responsibilidad at pananagutan sa buhay ang pag-uusapan eh wala naman silang ibubuga. nasaan na ang kanilang mga bagkalalake at pagkababae? palaging nakatago..lols

Pangatlo, di ba ang mahalaga eh, happy ang lahat? eh paanu nalang yan, kung wala palang reincarnation paanu pa sila makakabawi sa susunod nilang buhay. sayang naman!!

Pang-apat, sabi nila lalake at babae lang nilikha ni Lord sa mundo. kung ganun, sinu ang lumikha sa sangkatutak na bakla.. sangkaterbang mga tomboy at sandamakmak silahis at bisexual? alangan nman na bigla nalang silang sumulpot sa mundo na parang kabute?

ANG PAYO

ito ang aking payo sa kanya:

Diko alam kung anu ang sasabihin ko pareko, pero dahil hinihingi mo ang aking opinyon, sige sasabihin ko sayo... Hindi ako pabor. sa madaming anggulo kase, madaming madadamay at masasaktan. sa mahigit na 27years mo sa mundo, ngayun mo lang napag-isisp isip yan? Yung nanay at tatay mo.. yung mga kapatid at kamag-anak mo... mga kaibigan mo, tingin mo madali nilang matatanggap yan? di ko alam... ako nga mismo nabigla eh.. yung mga masmalapit pa kaya sayo?

Pero dahil kaibigan kita, anu man ang mangyari kaibigan pa rin kita! susportahan kita... Hndi ko man lubos na maintindihan ang pinagdadaanan mo, alam kong pinag-iisipan mo din ang mga susunod mong gagawin.

Anu man ang magiging susunod na hakbang mo, tandaan mo lang na sa bawat desisyon na gagawin mo, may katapat na pananagutan yan! pananagutan na walang ibang sasalo kundi ikaw lang... lalo na't hindi pa ganun katanggap ang mga ganitong relasyon!

yun lang..hehehe kulang ba?

PAGTATAPOS

Pinabasa ko din sa kanya yung Post na survey survey kasama na mga komento pero di ko na inalam ang kanyang reaksyon.

Sa post na survey-survey, madaming nagpahayag ng kanilang mga sariling kuro-kuro, pananaw at sentimyento. sa inyung lahat; LordCM, Bino, Chyng, Gillboard, yanah, The Dong, LifeandRunAway, MarcoPaolo, Chris, Ms.Donna, Ac, Majik, Amor,nanayBelen Myk2ts, Poging Cano, Sphinx, Jof, Joshiemarie, CutterPilar, DocRJ, JeszieBoy, Jake, Dhianz, Dylan, AkinaBukolmo,Mulong, Dudung, Mpapel, Lucas at batangMailap... Sa ating lahat, Mabuhay Tayo!!

10 comments:

gillboard said...

opinyon ko lang ito... kung kaibigan ako ng kaibigan mo, sasabihin ko na gawin niya ang gusto niya, kung gusto niya bumigay o itago ito... at dahil kaibigan ako, susuportahan ko lang siya. basta ba masaya siya.

~yAnaH~ said...

unang-una sa lahat. we shouldnt regard ourselves as "normal" baket? eh kase namen, refering satin na "normal" just proves the point na may descrimination. why would u call yourself normal? just because tama ang sexuality mo? its like telling them na "abnormal" sila dahil di-tiyak sila?

hindi porket naiiba sila sa atin ng sekswalidad eh ibig sabihin kaiba na talaga sila... tao pa rin sila tulad natin, "normal" na tao na nakakaramdam ng saya, hirap, sakit at kung ano-ano pa. just because they're different doesnt mean their like "alien to us. being like that doesnt make them less of a person.

hayun nga at hindi naman nila ginusto maging kakaiba at mahusgahan ng bang tao. sino ang may gusto na mapunta lagi sa hotseat at makutya? wala naman diba? nararapat lang na intindihin natin sila at tanggapin kung ano mang pagkatao meron sila.

i think ive said too much already.

goodbye!

hahaha

kosa said...

Gillboard**
lols salamat po!

Yanah**
my "normal" word is reffering to me! being a normal abnormal.. pero di ko na nai-elaborate masyado kase alam kong alam na yun ng karamihan. misunderstood lang.. hehehe

at yung pangungutya, depende siguro yun sa gagawin ng isang tao anu man ang sekswalidad ng isang tao kung disente nman sya... disente ang ginagawa nya walang kukutya sa kanya..lols

kosa said...

JoshieMarie**
lols
normal lang nman ang mabigla di ba.. pero yun nga iba iba tayu ng pananaw at pang-unawa.
pero tama ka dun at sumasang-ayun nman ako na lahat tayo may karapatang maging masaya maging sinu man tayo..lols
salamat sa kuro-kuro!!
kitakits

PaJAY said...

Usapang bakla at lesbiana bato?

laking pagsisi ko at di ako nakisali sa survey-survey post mo...di ko alam na meron actually...lolz...

di ka ba sang ayon kamo?

may nainterbyu dati si Jessica Soho na bakla..

sabi nya akala daw natin di sila tanggap sa mundo pero ang totoo mas importante daw sila kesa sa atin.kasi pagpinag sama mo raw ang babae at lalaki,SILA daw yun...something to that point ang sabi nya..

lolz

opinyon ko: tae!..ang ramee ng bakla sa mundo kaya dapat isa batas na ang pagsasama ng mga yan..para pag nakaranas ng problemang "mag asawa" ang mga yan...mapapagod din at matatakot na yung mga batang bakla na sumama sa kapareho nila...kumbaga ,bigyan ng leksyon! lolz...

yan lang muna sa ngayon...lolz..

poging (ilo)CANO said...

para sa akin,mas maganda kung sundin niya kung ano man ang kanyang nararamdaman. wag niyang pilitan ang kanyang sarili na masya kung hindi naman siya tlga masaya dun sa kinalalagyan niya ngayon. mga ganyang tao (bakla,tomboy..etc)irespeto din dahil tao rin sila,may puso, bituka, utak, baga..dahil tao rin sila kagaya natin.

isa pa..payo ko to sa kanya ah! kung pipiliin man niya na maging bakla wag lang siyang maging makulit dahil "ang baklang makulit ay tinutusuk sa puwit"..lols....peace.

RJ said...

Honestly, medyo malabo pa rin talaga para sa akin ang iyong mga naging 'Simpleng Pananaw' at ang 'Payo' mo sa iyong kaibigan. Kasi naman... napakaraming mga katanungan pa rin ang iniwan mo sa iyong kaibigan. Whew!

Pero, never mind, ako lang naman yata ang di naka-gets. Basta ang aking stand sa survey mo dati ay ganu'n pa rin naman hanggang ngayon.

kosa said...

Prof Pajay**
oo pareko yun nga!
lols
pasensya na.. nahihiya tuloy ako sa mga pinagsasabi ko dito..
pero maganda yuung opinyon mo ahhhh.. pwede sigurong ipasa yun para pag-aralan sa kamara de representante para may magawa naman sila dun!

Pogi**
salamat sa pagdaan.
anu na nga ba yung sinabi mo?
taena.. mahalay ka..lols
peace!

Doc Aga**
taena doc, yun nga lang ang naabot ng aking utak eh(may utak nga ba ako?)
basta.. di ko alam kung sasabihin ko nun eh. taena.. anu ba dapat kong sabihin? at yung pananaw? malabo? paanu naging malabo? takte..lols
di kaya ikaw ang madaming tanung doc? lols

kitakits

kosa said...
This post has been removed by the author.
Anonymous said...

Hello
http://www.moroccanwholesale.com/ - reductil weight loss
They were the first one who manufactured this drug and used for treating obesity.
[url=http://www.moroccanwholesale.com/]order meridia[/url]
Meridia is also an orally administered agent.
meridia diet
Basically Meridia is a sibutramine hydrochloride monohydrate.