Saturday, January 31, 2009

Anu daw?

Pebrero naaaaaa!!!

At dahil sa Pebrero na.. eh anu ngayun?
Sinasabi ko lang naman ahhh..

Hayyyyy! Ilang tulog na lang araw na ng mga Puso... Nalulungkot tuloy ako kapag dumadating ang mga ganitong okasyon ng taon. Hindi ko nga alam.. Basta! naisip ko nalang yung sinabi ni Pareng Bob Ong.. "Kosa pareko, kung naghihintay ka ng Lalandi sayo..walang mangyayari sa Buhay mo... Dapat Lumandi ka rin..."

Madami kase ang nagsasabi na ang pagiging single eh, nakasalalay sa Pinipiling Ruta at Daan yan. Kumbaga... sa byahe, pinili mo yung upuang pang-isa lang o di kaya mabaho ka kaya walang tumabi sayo..

Madaming rason at dahilan ang pagiging single.. madalas, kulang ka sa oras.. kulang ka sa sa libog.. walang mapili.. masyadong mataas ang standard mo.. ayaw sa kanya ng relatives mo.. ayaw sayo ng magulang nya... walang nagkakagusto sayo... at kung meron man, baka di ka marunong magdala ng relasyon na gaya ko...

Matagal tagal na din akong single... Bukod sa bata pa ako, madami pa akong gustong abutin sa karera ng buhay na naumpisahan ko at di ko natapos. Minsan kase nakakainsultong magmahal ng Prinsesa kung ikaw ay isang hamak na palaka... Pero sabi nga nila, may Himala sa lahat ng naniniwala... at alam ko sa darating na panahon.. Kung talagang kayu ay para sa isat isa, kayoy magkikita!

At bago pa mauwi ito sa maintrigang sumbungan;

Nais ko munang magpasalamat kay manilenya at yung sagot ko sa sulat mo idol eh, isusunod ko na... hindi pa kase ako nakakabwelo.. sobrang haba kase ng sulat na gagawi ko para sayo...
pangalawa, nagpapasalamat din ako kay Everlito ng Pamatay Homesick sa isang espesyal na pagsingit sa aking pangalan sa kanyang Post.
Pangatlo, kay SuperGulaman na binigyan din ako ng isang nakaka-touch na puwang sa kanyang PinakaHuling post..

Dalawin Nyu din sila.. hehehe..

26 comments:

dyeN said...

weee...pana-panhon nga naman.Bkit pa kc nadating ang pebrari?amf

madli naman kasing makahanap ng prinsesa o prinsipe, pero tama ka- "mahirap magdala ng relationship" lalo na kapag alam mong madami kang mga priorities sa buhay,at mga pangarap na sana inaasahan mong makakasama mo xa. May iba kasing mga tao na ipinanganak na medyo selfish, akala mo sila na lang ang kailangan nating pag-ukulan ng atensyon at panahon (bitter daw ako?:D). Ayun, kaya minsan mas ok na din maging single..:(...

saul krisna said...

oh kosa ano na nangyari sa iyo at parang walang gustong tumabi sa iyo... hahahaha

anyway dati ganyan din ako... ginagawa kong semana santa ang araw ng mga puto este puso pala.... pero syempre.... hahahaha inlababo ngayon si pareng saul mo eh... ayos lang yan... malay mo sa next trip ng jeep may katabi ka na di ba(gets?)

poging (ilo)CANO said...

usapang pebrero nga naman....hindi ka lang nag-iisa kosa, marami tayong singgol. kung sino pa ang mga pogi, sila pa ang madalas nawawalan..kainis! hindi ko rin lubos maisip kung nagbubulag bulagan lang ang mga chika babes na yan o sadyang bulag tlga sila..

cge n nga makipag landian na rin ako baka may pumatol.lols

MarcoPaolo said...

Pare, baka hindi na naipanganak ang babae na para sayo o kaya naman... baka na iba pa siyang kamay nagpapakasarap... hahahaha... joke!!!

Darating din yan parekoy....

ting ting said...

kosa, ako may sobrang tagal ng single. Since birth! Pero okay lang, masaya naman ako sa upuan ko. Pero sa araw ng mga puso, sa edad ko ngayon feeling ko luluha-luha ako. Landi-in ko kaya yung crush ko? hahah! Taken na yun eh, syet!

=supergulaman= said...

takte!...ako nga inde single pero for sure solo ako sa araw ng mga pusa este puso pla...pero ayuz lng...bawi na lng pag-uwi ng grasya...khit hindi valentines ay magiging valentines...ahehehe...

single? hanggang ngayon prang coke pa din ang love life? zero... sabi ko sau mag-iba ka ng brand...try mo ang Sprite... "obey your thirst!"...:D

Amorgatory said...

maglandi kasi kayo!!!try nang try until you cry, hahaha.lolness,,,kosaness oks lang maging singleness, ipagdiwang natin ang araw na tayow ay single ,atleast masaya naman, dadating lagn si cnderella yaan mow mga 100 yrs pa cgruow,hakhkhka..

RJ said...

Napaka-prangka ng post na ito, walang halong hypocrisy. [Aaminin ko hindi ko kayang magsulat ng ganito.]

Saludo ako sa katapangan mong maglathala ng ganito!

---------------
[Araw ng Mga Puso?! Para sa akin araw-araw ay Valentine's Day.]

~yAnaH~ said...

araw ng mga puso? saken, isang ordinaryong araw lang toh.. tama ka sa sinabi mong mraming pwede maging reason kung bkit dadaan na naman ang love month ng nag-iisa ka...maraming factors din kase yan eh...
i-enjoy na lang aNG pagiging single... malay mo bukas makalawa, double ka na... este hindi ka na single ahihihihi

kokoi said...

happy valentayms! darating din ung hamak na palaka para sa'yo... heheh..

Dhianz said...

"kung naghihintay ka ng Lalandi sayo..walang mangyayari sa Buhay mo... Dapat Lumandi ka rin..."

...kakatuwa... luv d' quote... pansin koh puro paquote quote kah latey ni Bob Ong ah... pansin koh lang...

eniweiz... yeah.... na-traffic lang 'ung mahal moh... for sure darating den yan... aabangan koh ang time na magpopost kah naman about u and ur love one... hihhheee... ang sweet.... pero sana anditoh pa akoh sa mundong blogpshere... kung wlah naman... invite moh na lang kme sa kasal moh... naks naman oo... hehe...

enjoy lang... panapanahon lang yan... "panahon na naman nang pag-ibig... oh panahon na naman nang pag-ibig"... pumasok lang sa yutakz koh... devah may kantang ganon... so yeah...

juz trust Him lang.. He will give you the desire of ur heart in His right time... GODBLESS! -di

poging (ilo)CANO said...

anjan naman si manilenya d b? wag mo n xang pakawalan..lols

gillboard said...

masarap kayang maging single!!! walang gastos!!!

kaya ako di ako nagrereklamong single. pero masarap din lumabas-labas paminsan-minsan...

minsan kasi, kelangan ding nakakaramdam ng kilig.

paperdoll said...

super promote sa ibang blog. . naks!

hmmm. . kosa single ka nga? baka confused ka rin ah. . lol

halika iddate kita. . aco may sagot. . umuwi ka muna dito. . hahaha. .

di bale kosa. . maaga pa naman para sa kung ano man yan. . maglandi ka muna nga. . sasamahan kita. . lol:P

kosa said...

Jen**
hehehe
oo nga bakit kaya?
ahhhh siguro kase january na at ang kasunod talaga eh february..
parang Hindi tugma yung mga rason natin ahhh.. ikaw Bitter ako naman hindi.. ako yata ay isinumpa na ng mga naging kalaguyo ko nuong mga nakaraang kaya ayun.. naging palaka na ako..

SaulPareko**
hehehe.. salamat pareko.. oo nga eh walang gustong tumabi sa akin..bakit kaya?

Pareng Pogi**
lols.. oo nga pareko! sayang nmaan yung gandang lalake natin kung nagkataon.. sige lumandi ka na.. mega build up pa naman ako sayu kay dyen..hehehe singgol din yun!

kosa said...

MarcoPareko**
lols.. baka nga tama ka pareko.. naisip ko na din yan nun.. hindi ko lang pinansin masyado.

Tingting**
dapat lumandi ka rin... taena baka amagin ka... since birth pa naman.. hehehe

SuperGulaman**
lols.. ganun? oo nga kahit naman hindi pebrero kapag may ka-pampam eh nagkukulay pag-ibig pa rin ang paligid.. hehehe

sige subukan ko nga ng sprite..lols

r-yo said...

andami kong tama dito ah. sapul! (di ko na lang sasabihin yung saktong mga dahilan). pero pangako, magbabago na ko ruta. me dalawang linggo pa para mabago ang kasaysayan ng aking pebrero, he he

kosa said...

Amor**
hahaha oo nman Proud Single tayoooo!
kailangan bang ipagdiwang yun?
hehehe.. sige painum ka nman!
tagayyyyy!

Doc Aga**
lols.. ganun?
matapang ba yun? hahaha..
saludo din ako sayu doc!

yanaH**
lols.. ang lufeeeet
oo nga naman.. enjoy ang pagiging single! hehe

kosa said...

Kokoi**
taena.. darating yung prinsesa...
ako yung palaka..hehehe

Dhianz**
idol Bob Ong...
siguro dahil nakakatuwa yung mga qoutes nya... yung parang nakakatuwa at kalokohan lang pero kung iisipin mo, totoo nga!
i trust HIM naman eh... with all my heart with all mysoul.. naniniwala ako na ako ang natraffic at nagtaxi si Mahal... nakarating na sya sa finish line at hinihintay nya ako dun.. hehehe
salamat Dhee..

Pogi**
lols.. anu daw?
machismax ka!
nilalakad pa naman kita kay Dyen..heeh

kosa said...

Gilboard**
lols
oo nga walang gastos.. walang problema.. walang pananagutan.. walang responsiblidad.. lol

sige PROUD SINGLE si GILLBOARD...
hehehe peace!

PaperDoll**
hahahah super Promote ba?
hindi nman.. binabanggit ko lang din sila kase binigyan din nila ako ng konting Promotion sa kanilang Kuta...

sige kapag nagkita tayo i-date mo ako ahhh.. ok lang kahit may chaperon tayo babae man o lalake.. hahaha...the more the merrier nga daw..heeh
lols

Bino said...

nakanamputcha! buwan ng mga puso ba? hehehehe. sya sya sya minsan isasama kita sa mga post ko ng mapasalamatan mo din ako. joke! hehehehe.

kosa said...

Bino**
lols
taena.. sige sige!
hahaha salamat sa pagbisita

Yffar (^^,) said...

hi kapatid...

paadd naman po sa blog roll

www.rainbowbloggers.com


http://rainbowhalohalo.blogspot.com


salamat ng marami

poging (ilo)CANO said...

hindi naman lakad ginagawa eh..pinapatakbo mo naman..lols

jhosel said...

haha. ang saya naman ng bob ong quote. haha. pero parang di yata bagay sa kin yun. ahaha.

ayos lng yan. di ka nag-iisa. madami tayong single. ahaha. MABUHAY ang mga SINGLE.

sabi ko nga enjoy life. darating ang love at the right time. haha.

sige, advance happy valentines!

~~m$. DoNNA~~ said...

ako nagpasadya pa talaga ako ng kalendaryong walang february 14... :LOLzzzz