Tuesday, March 16, 2010

Katahimikan

Madalas,
kapag may mga bagay tayong gustong mapagtanto.

Malaman.
Maunawaan.
Maintindihan
at
maliwanagan..

Isang katahimikan ang ating hahanapin...



Sa ilang sandaling pananahimik ng Pahinang ito.

Wala pa ring linaw ang mga tanong na bumabalot sa Isip ko.

Naghahanap pa rin ng Kasagutan ang bawat tanung sa Puso ko.

Litong-lito parin ang diwa ko.

Uhaw sa pang-unawa ang aking kaluluwa.

Manhid ang pakiramdam.

Blankong kaisipan.

Kailangan ko pa ng masmatagal na katahimikan!


ssssshhhhh...
walang mag-iingay!


Monday, March 8, 2010

Update

Update.

Ito ay walang kakwenta kwenta ulit na update sa Buhay ko.
walang kokontra dahil ako ang Hari dito!

Bad News Muna.

huhuhuuuuu:(
Madami ang nag-aakalang nasa Pilipinas na ako. Pero sa kasamaang palad eh, hindi ako matuloy-tuloy. Madaming problema. madaming aberya. nawawalang kapapelan. pa-rebook ng pa-rebook. May kailangang tapusin at iba pang hindi magagandang rason para Hindi matuloy. leche!
At dahil ilang beses na akong nagpapaalam at nagpapa-despedida laklakan to the max eh, naisipan kong pangatawanan na at umarteng nasa Pilipinas na nga! Since wala naman akong kaibigan sa totoong buhay na dumadalaw sa aking blog eh, Lusot! aaaaat! walang magkakalat sa FB na ako ay Hindi pa nakakatapak sa Pinas!!! Ang pasaway, mababaog!!!


GoodNews.

Official na akong Taken.. oo mga kosa, sinagot na ako ni Sunshine! at anu naman ang goodnews dun? hahaha. wala nalang basagan ng trip.. Pagkatapos kase ng ilang sandaling bolahan at lokohan eh, sinagot din ako ng matamis na ILOVEYOUTOO ni Sunshine.
Oo mga kosa, **yabang mode muna tayo** Ganun kalufeeeet si Kosa. walang tawag tawag. walang personal appearance. walang representative. walaaaaa! txt tx lang!



Seryoso.

Nahaharap ulit ako ngayon sa isang hamon bilang isang Poging Poging syota! Bukod sa mahirap talagang iwork out ng isang Malayuang relasyon. Mahirap kilalanin at kapain ang bagong ugali ng mga taong nag-matured na... sa mahigit pitong-taon na hindi pagkikita... siguradong madami na ang nag-iba at nagbago.

Ako, Bilang isang Syota. Gagawin ko naman siguro lahat ng makakaya ko para maging maayos at smooth ang pag-arangkada ng relasyon na yun! Hindi na kami mga bata at alam na rin namin ang mga gusto namin sa buhay. Siguro malayo man kami sa isat-isa pero naniniwala ako na hindi yun hadlang. Sa makabagong panahon ngayon ay posible na ang lahat. Given na yun... mahirap iwork out ang isang malayuang relasyon pero kailangan nag ng konting tiis at tiwala sa isat-isa. di ba? isama na rin natin yung commitment eh. kailangang isapuso at isa isip sa lahat ng Oras.



Pahabol.


Salamat nga pala sa ilang mga taong napagtanungan ko ng ilangmahahalagang impormasyon.. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan dahil sobrang dami nyo na to name names. Basta salamat salamat! Alam nyo na kung sino kayo.

Nagtanung ba ba ako sayo dati?
May naipayo ka na ba sa akin?
wala paaaa? ahhh
Umepal ka! dali nah!
wag ka na mahiya!

salamat:)



Thursday, March 4, 2010

Election na!


Langit. Lupa. Impyero.
Laro ni Senadora


Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, Biglang nasagasaan si Senadora. Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan pero ideneklarang Patay na.

Sinalubong sya ni San Pedro sa Pintuan sa pagitan ng Langit at Impyerno.

"Maligayang Pagdating sa kabilang buhay!!!" ang bati ni San Pedro. " Bago ka tuluyang maging permanenteng residente ng kabilang Buhay at maiwasang mapabilang sa lumolobong populasyon ng mga kaluluwang ligaw sa Mundo ay kailangan mo munang mamili kung saan mo gustong madestino! Madalas kaseng magbago ang isip ng mga Politikong katulad mo kapag nakita nila ang pagkakaiba ng Impyerno at Langit." dagdag pa ni San Pedro.

"Gusto ko sa langit" ang sabi ni Senadora.

"Pwede yan! Pero may SOP tayo dito na kailangang sundin. Bago ka gumawa ng permanenteng desisyon ay kailangan mong mamalagi at mamuhay ng tig-isang araw sa Langit at Impyerno" ang tugon ni San Pedro.

"ok fine!" ang sagot ni Senadora.

Sinamahan ni San Pedro ang Senadora papunta sa hagdanan pababa sa Impyerno at tumuloy itong mag-isa pababa.

Bumukas ang isang malaking pintuan at bumungad ang malawak at berdeng golf course. Sa di kalayuan ay nandun ang isang class na restaurant at nakatambay duon ang kanyang mga dating kaibigan at kapwa politiko na dati nyang nakatrabaho at nakasama sa pangungurakot.

nagtatawanan. nag-iinuman. kumakain. nagsasaya. nagkukwentuhan. naglalaro.

Kinagabihan, isang magarbong sayawan naman... nakabarong tagalog ang mga lalake at naka-gown naman ang mga babae... masaya ang lahat at nagsasayawan sa saliw ng mga musikang paborito ng Senadora. nandun din ang palakaibigan na si Satanas. nakikipabiruan. nakikipagsayawan at inaasikaso ang lahat ng bisita lalo na ang Senadora.

Hanggang sa tumunog ang isang orasan.. Tapos na ang isang araw at tinatawag na sya ni San Pedro para sa isang araw naman na pakikipamuhay sa langit.


Nagpaalam ang Senadora at umakyat sa Hagdanan papunta sa kinaroroonan ni san Pedro.

"Ngayon naman, try mo rin ang Langit" ang sabi ni san Pedro.

Umakyat sa hagdanan paakyat sa langit ang Senadora at tumambad ang puting kurting kumukubli sa Langit.

Bumungad sa Senadora ang mga Taong hindi nya kilala. Mga nilalang na kontento sa simple at payak na pamumuhay. Nagkakantahan. nagdadasal. naglalaro. patalon-talon sa mga malalambot at mapuputing ulap. Nagbabasa. Nagbablog. Nage-FB at nagwa-YM... Tahimik at payapa.

natapos ang isang araw na hindi nya namamalayan...

Bumalik sya sa kinaroroonan ni San Pedro.
"ngayon, nakita mo na ang pagkakaiba ng Langit at Impyerno... Saan mo gustong maging Permanenteng Residente?" ang tanung ni San Pedro.

Natigilan at nag-isip ang Senadora... "Masyadong Payapa at tahimik ang Langit... sa impyerno nalang ako!" ang sagot ng Senadora.

Ibinigay ni San Perdo ang katibayan ng pagiging Permanenteng mamamayan ng Senadora sa Impyerno at tumuloy na ito Pababa para samahan ang kanyang mga kaibigan at kakilala.

Bumukas ang malaking pintuan at Hinila na sya ni Satanas paloob. Nakita nya ang mga Kaibigan nyang gusgusin. nanlilimahid at namumuhay ng miserable. Ang buong paligid ay puno ng basura, mabaho at makulimlim...

"Hindi ko maintindihan" ang sabi ng Senadora. "Kahapon, nandito ako at lahat ay nagsasaya! nasaan na ang magarbong sayawan? ang golf course? at ang Restaurant?" dagdag pa nya.

Nakangiti at inakbayan sya ni Satanas at sinabing " Kahapon, kami ay nangangampanya! ngayon; Nakaboto ka na at hindi mo na mababago pa!"

Kaya sa darating na Mayo 2010, Maging wais! Pumili ng Karapat dapat! Bumoto ng Maayos!




**ang blogpost na ito ay hango (hindi kinopya) sa isang kumakalat ng email para sa isang wais na pagboto sa darating na eleksyon**